Showing posts with label nurses.respiratory therapist. Show all posts
Showing posts with label nurses.respiratory therapist. Show all posts

September 17, 2012

Prowdli-Pinoy


Nakakaproud na madaming Pinoy dito sa middle east na uber successful. May certain hierarchy kasi sa hospital. Well, kahit san naman ata, pero since buhay ospital ang alam ko, dito nalang example ko hehe.

Sanay na kong makakita ng pinoy nurses, andaming pinoy dito, para ka lang nasa pinas, pero singdami din namin ang mga Pana-dol (indian). Nakakatuwa lang na may mga kababayan tayo na ang taas ng katungkulan sa hospital. May mga sarili pa silang offices. Galing!

Yun iba sa kanila Nursing House supervisor, hinahandle nila buong hospital at sa kanila ang rereport ang mga head nurses on every department. Naiimagine ko kung magkano sahod nila! Grabe wala sigurong binatbat ang kinikita ko kompara sa kanila hahaha!

At madami din naman na head nurses na pinoy. Imagine under nila ang ibang lahi. Lalo na kapag ang gagaling nila kapag sobrang pressured ang sitwasyon and they handled it so well.

Proud na proud ako makakita ng ganun. Sa department namin, Pana-dol ang chief! well, sana soon may mag handle sa amin na pinoy naman. Para mas cool!

Ako ok na ko sa posisyon ko now! at sana tumaas ng konti sahod! hahaha e kasi naman habang tumataas ng kita mo nag iiba din ang lifestyles! hay naku! dati naman kasya na sa akin ang kita ko sa pinas nun a! bat ngayon kulang na kulang pa! LOL

Pwera biro, madami kasi akong obligations sa pinas now. Bumi-breadwinner ang peg ko ngayon e.

Pero sa ibang banda, may mga kababayan din naman tayo na nasa pinakababang lebel ng hospital. Sila yun mga nasa housekeeping. Napag alaman ko na halos nasa sampung libong piso lang sahod nila, hindi pa libre ang pagkain. Ang baba pa ng overtime pay nila!

Grabe naman!

Kaya minsan kapag naglilinis sila ng office namin, andun na abutan namin sila ng extra food or some stuffs. Sa hirap kasi ng buhay sa pinas, napilitan sila mag tiis ng kapiranggot na sahod, atleast daw dito, regular silang may kikitain at tax free naman daw.

Pero anyway, bilib ako sa kanila!



June 9, 2012

Sa Silid Nila



Masaya ako sa career na napili ko. Hindi ako nagsisisi. Mahal ko trabaho ko. Satisfaction guaranteed kumbaga! char! Kasi may kasama na din ditong landi, may cute kahit saan! doctors, relatives, minsan yun patients mismo, nurses, technician! hongdami! LOL

Itong entry na to, tungkol sa mga tunay na tao...Sila ang mga recent at mga ume-eksenang character sa buhay-ospital ko. May mga nakakaaliw, may nakakaburaot, at syempre may mga nakakalungkot.


si 611


Tuwing alas-kwatro ng umaga umaakyat ako sa ward para puntahan ang chronic case naming patient na ito. Naka tracheostomy tube siya at kelangan ko palitan ang mga abubot na nakakabit sa stoma nya. Kelangan ko siya suctioning ng bonggang bongga kung ayaw ko magtalsikan sa akin lahat ng plema nya! Yeah! instant condensed milk yun! LOL!



tracheostomy tube

Kaso may panlaban si Mama! Tuwing ipapasok ko ang catheter sa trache tube niya, napapautot siya ng pagkabaho-baho! Kung may kulay lang, malamang green yun! (toxic gas?) Malakas at dahan-dahan! Rinig ko...

Napapangiwi nalang ako, di naman ako makapagtakip ng ilong at may gloves ako suot na puno ng malagkit na keme ng stoma nya! yaiy!

Kaya mula nun, nakuha ko na ang technique, hindi ko ipapasok lahat nun catheter para di siya mapaubo-sabay-utot ganyan!


si 632

Ito namang isang toh, naku kay-ligalig! chronic case na rin siya mag 6-months na ata siya pabalik-balik sa icu at sa ward. Ngayon nag stabilized siya kaya naman nasa ward siya ulet. Pero kelangan ko siya silipin at check-in dahil sa amin nagpo-fall ang management sa knya, respiratory-wise. Lam nyo naman respiratory therapist (a.k.a RT) lola nyo.

Ewan ko ba tuwing makakakita siya ng RT walang humpay ang pagdaing nya sa amin...naka tracheostomy tube din siya kaya walang boses na lalabas sa bibig nya. Kumpasan galore ang nagaganap...turo dito turo doon! malimit nya idinadaing yun sa may ilong nya! at sa may dibdib nya...puro naman arte lang!

Pero jusko di ko naman ma-getz. Kung mag sign siya ng chupa malamang getz ko agad! charot!

Kaya naman tuwing tulog siya dun ako nagra-rounds sa knya kasi mauubos oras ko sa pakikipag sign language nya! halos tumingkayad ako to check her tube and gadgets para hindi makagawa ng ingay! Lakad pusa ganyan.


si 622

Ito namang isang toh, sobra hirap na dinanas ng lahat ng RT sa knya! Lalo na sa makukulet niyang mga anak! Jusko as in! kay liligalig! Matagal namin siya inalagaan sa ICU, mga mag 2 months, tapos napagaling namin siya (sympre group effort din yun with the doctors, nurses, therapist etc) at nai-transfer namin siya sa ward till madischarged. Nakakataba ng puso yun ganun.

After 2 months, naadmit siya ulit sa ICU! nag cardiac arrest sa bahay! Na-revived, na-intubate, na-wean sa ventilator, at na-extubate ko siya the next day. sa makatuwid, naitawid naming muli ang buhay nya! Safe na si Mama.



intubation


Nai-shift ko na siya sa face tent (oxygen gadget to na kinakabit namin after maalis ang tube niya sa lungs na sa bibig pinadaan)

Tuwing ira-rounds ko siya at check-in, maayos siya, nasagot sa mga tanong ko, at stable ang vital signs nya. Sabi ko nga pwde na siya matransfer sa ward bukas. 5hours later, tumunog ang wangwang sa ICU indication na may nag-code-blue (cardiac arrest) pag ask ko sa nurse kung sino, nagulat ko na si Mama 622 pala!

Nagmamadali akong ihanda ang gamit ko to keep her airway open! naghanda kami mag intubate! grabe natoxic kami ng todo kay Mama na toh.

Jusko isang oras kami nag CPR, kaso waley na....expired si Mama.

Kakahinayang lang. Tagal mo inasikaso, pinagplanuhan ang respiratory strategy para sa knya, tapos nakauwi na e! yun yun e!!! na-dedz pa din. Nalungkot kami nun nawala siya. Kahit papano nasanay na kami na pinupuntahan siya...Hayz.


si 604

Nagdadaldalan kami ng nurse na si Juliebelle nun mapatingin kami sa European na pasyente na matangkad naka hospital gown na kita pwet pag tumatalikod siya! toink! Hila hila siya ng male indian nurse nya na bumalik na sa roon nya sa 604! Pero ayaw nya! bitbit nya ang isang bag na itim at isang plastic na puno ng damit nya. Para lang siya nag alsa balutan sa probinsya!

Nakakatawa yun buong eksena. Pigil na pigil namin ni Juliebelle ang pagtawa!

Maya maya nag wangwang na naman sa ICU!!!!

Napatigil chikahan namin at lakad-takbo kami papunta sa room na nasa screen sa may digital board namin, (o diba high tech kami! may wangwang na nakakarindi na, may digital screen pa kung saan ang room na may code blue! *awaaaard*)

Sabi ni Juliebelle nun papunta kami sa room 604: Naku, Mac! yun yung room nun Norwegian na naglalakad kanina!

Pagdating namin sa room, ayun na nga, inatake pala siya habang nakikipag hilahan siya na lumabas sa icu sa nurse nya kanina!

Nag-shock (using defibrillator) lang kami ng isa, kasi nag ventricular tachycardia siya, nag normalized naman na ang tracing ng heart rate nya after that, nun magkamalay siya, ayun nanlilisik mata at nanunulak siya ng mga tao sa paligid nya, nag sisipa na siya kung sino maabot ng paa nya! buti nakailag ako jusko kawawa naman fez ko kung matatadyakan pa haggard na nga e! char!

Sa bagay malamang tuliro pa lolo ko, ikaw ba naman mawalan ng malay at halos namatay na, tapos pag mulat mo ng mata may lampas sampung tao sa paligid ng kama mo! kakapraning yun! LOL


si 613

Ako ang nakasagot sa telepono at sinabi ng kausap ko na nag a-arrest daw si patient 613. Pagdating ko dun, mali naman, bradycardic pa lang, mga 4o's ang heart rate, papunta pa lang dun sa pag a-arrest... past tense naman siya agad e. toink!

Na-extubate na namin siya kahapon. stable na. nakikipag usap ng maayos. Pero bigla bigla nagkaganito siya...

Takbo agad ako, stand-by sa may ulunan ng patient, main goal ko kasi e i-secure ang airway nya kung sakaling tumigil ang pagtibok ng puso nya. Yun iba nyang problema, di ko na problema! LOL!

biro lang po :-) may iba na mag aasikaso nun kasi hehe.

Pero malakas si Kuya. Bumabangon, hindi makausap ng maayos, restless. Pero maintaining siya ng perfect oxygen saturation level sa blood. Nakampante ako. Di namin siya kelangan i-intubate. Pero after 5 minutes nagsusuka na siya ng blood...pabaling baling siya sa lahat ng direksyon, mega ilag kaming lahat kasi matatalsikan kami. Sinubukan siya pakalmahin ng mga nurses, pero wala pa din. Napilitan sila i-sedate siya, at eventually ma-intubate na din...

Kaninang madaling araw, pagkagaling sa CT-scan room. Nag arrest siya. And namatay after one hour of reviving...

Nakakalungkot. One minute, buhay na buhay ka...akala mo tapos na ang pagsubok, kala mo nalampasan mo na ang kamatayan. Napagaling ka ng hospital, ng team. Pero ganito ata talaga ang buhay. You cannot cheat death. Pag oras mo, kahit anung sikap ng mga medical expert to save you, wala pa din...

Dun pa din ang tungo mo. Parang Final Destination Movie lang di ba?

Nakow, sensiya na napahaba ang kwento ko! tama na muna toh! ahaha! ewan ko kung may katuturan ba tong mga nakwento ko! nose bleed ata yun mga terms? bahala na kayo mag google! LOL!

Hyper ko lang! galing pa ko ng 12hrs night shift nyan ha!

February 7, 2011

Pagtangis


Katatapos lang ng code namin, namatay yun matandang pasyente pagkatapos subukan i-revive for an hour. Nakakapagod pero keri lang, trabaho naman yun e. Naghugas na ko ng kamay at nagpahid gamit ang panyo ng nagmantikang mukha sa katoxic-an ko kanina.

Hay salamat, makakaupo na ulit...sabi ko sa sarili ko. Pumuwesto ako sa silya namin sa cardiac room-station sa Emergency room. Dito ako naka assign ngayon. Isa to sa mga paborito kong area. Andami kasing cute na nurses dito... na paminta! LOL!

Binubuklat buklat ko yun librong inumpisahan kong basahin bago magkanda busy-busy kanina. Nagsisimula na ko mag enjoy ng napatingin ako sa entrance ng room namin...

parang slow motion ang lahat sa akin... parang bumagal ang lahat, parang walang sound na marinig...

Nakatingin ang iba habang ang iba naman ay abala sa knya kanyang pasyente...kakaiba itong isang ito, ngayon ko lang nakita ang ganitong senaryo sa ER.

Humahangos na tumatakbo ang isang lalakeng arabo...

Wala siyang suot na pang itaas at nakapaa lamang...

Binabaybay nya ang kahabaan ng bay 1. Parang eksena sa pelikula.

Nasa mga bisig niya ang sanggol na hindi namin alam ang nangyari...

Sumisigaw siya. Help! Please help! help my child...

Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit siya sa aming area

Kitang kita ko ang pag alala sa knyang mukha, isang wangis ng amang natatakot para sa kahihitnatnan ng kanyang anak....

Itunuro sa knya ng nurse na dun sa bakanteng kama sa kaliwa dalhin ang sanggol. Dun palang ako parang natauhan, dali dali akong tumayo at agad na tinignan ang pasyente. Nagkagulo na naman ang tahimik na kwarto, napaka unpredictable talaga ng ER kahit kelan, one minute halos para itong library sa tahimik, one minute para na naman itong palengke.

At ito ang gusto ko, magulo, palengke, sigawan, batuhan, talsikan!!

Pumuwesto ako sa dapat na puwestuhan ko, bilang therapist, alam na ng lahat yun, kasama ang partner ko'ng anesthetist, dun kami sa unahan para mag provide ng unang lunas, ang bigyan ng daan ang hangin sa baga ng pasyente.

Hindi na siya humihinga, inabot sakin ng nurse ang bag valve mask para pansamantalang tumulong huminga sa pasyente. Pero masyadong malaki ito sa para sa knya.

Please give me a neonatal size bag, sister this is too big hurry up, sabi ko.

Wala silang makitang size, antagal maghanap, taena! ako na hahanap, sabi ko sa sarili ko, ipinasa ko sa isa pang nurse ang ginagawa ko at pumunta sa drawer namin. Nakita ko naman agad muntik na akong matumba pagkatapos magkabanggaan ng isa pang nurse.

Nagsuction ako sa bibig ng sanggol, madaming gatas akong nakuha. Aspiration ang kaso. Napunta sa baga ang gatas na ininum nya hanggang sa malunod siya at hindi na makahinga.

Lahat mabilis ang kilos, halos maitim na ang sanggol. Kanya kanya kami ng ginagawa. May nag si-CPR, at may nagkakabit ng suwero sa magkabilang braso, at kami sa bandang ulunan, pinipilit bigyan ng daan ang papasukan ng hangin na siyang hihinga sa knya.

Di maka insert ng tube sa baga ang doctor ko, mahirap. Ako ang nag aasist sa knya, Ilang beses siyang nag try. Pero wala pa din. Nagpatawag ng pedia doctor. Pero sa isip, wala na, di na aabot, huli na para sa anghel na ito.

Napatingin ako sa paligid ko, andami namin, sampu ata kami dun, na bawat isa may role na ginagampanan, bukod ang mga usisero, pero kung iisipin mo, andaming tao na nagpapakahirap mailigtas at maitawid lang sa panganib ang buhay ng isang tao. Nakakataba ng puso minsan, na parte ako ng team na ito.

Tumulong na ako sa pag CPR sa isang buwan na sanggol na ito,pagod at masakit na kamay ng mga doctor, halata ko. Pero wala na, maitim na mga extremities at ulo ng baby...pagkalipas ng isang oras, umiling na ang doctor, wala na daw.

Time of death 5:16 pm.

Tinanggal ko na ang oxygen at hinugot ang tubo na ikinabit namin sa bibig nya. Lumayo na ako sa stretcher at nakita ko ang ina at ama ng sanggol na kanina lamang ay sinubukan namin ibalik ang buhay.

Napuno ng malalakas na iyak ang buong kwarto.Pagtangis ng inang hindi matanggap ang pagkawala ng munti niyang anghel.

Nakakaantig ang pag iyak nila. Unang anak pala nila ito. Ininimagine ko ang nararamdaman nun tatay habang nagda drive siya kalong ang anak na hindi humihinga. Marahil sari saring emosyon at worries ang nasa kalooban nya habang nagmamadaling makarating sa ospital...

Ito ay kapabayaan ng magulang. Ito ay maiiwasan. Sana bantayan nila ang sanggol nila lagi, wag padedehin ng sobra sobra at laging mataas ang ulo habang dumedede sila. Maaaring nadaganan din nila ito habang katabi sa kama pagkatapos dumedede, madaming pwdeng maging dahilan.

Madami na daw ganitong kaso dito.

Nakakalungkot.

April 19, 2010

Gone Too Soon


My bleeper vibrated inside my lab coat pocket, I pressed the button and heard the nurse-in-charge's voice: Please come to pediatric ICU urgent...I didn't wait for it to finish, I came rushing, if they said urgent, then it is really super-dooper to the highest level urgent LOL!

I scanned the area which bed are they busy with, I saw a closed curtain, nurses are coming in and out in a quick manner. I went inside the curtain and saw the patient, the resident doctor are doing the chest compression (CPR) to the 6 year old local kid while the attending doctor is watching him and directing nurses to give this and that.

I approached the resident doctor and told him I'll do the CPR for him since he look tired already, he must've been doing it for a long time I guess, so i start the compression, 1-1000-2-1000-3-1000.... I counted in my mind. The boy's chest are already collapsed maybe due to chest trauma post CPR I was told this is his third time arresting.

As I was doing the CPR, I looked at the patient's face, he looks pale and gone...in other situations I must have appreciate his cuteness, I felt a great sense of regret for what is happening to him, he could've been playing, he could've been carefree and full of life...

"See, thats how you do great CPR, look at the cardiac monitor, you could tell if someone is doing it right..." I heard the attending doctor complimented me...but of course, how many CPR did I do way back home, some are lucky and some are don't, the thing is, you have to do it right, I don't know why others wasn't, I mean we all did have training.

I just smiled at him to show him that I appreciated his comment. I was getting tired and I said "change..." and the doctor took over while I rested and talked to the Filipina nanny...

"...he's been suffering for a long time, he is a kind kid...but we are all expected this to happen, his mom and dad are first cousins. Their two other children are like him too" she said. I saw the parents crying at the back. I imagined their fear of losing someone they love, and this time, their baby boy...

"Oh, that explains why..." I replied. tsk tsk...

Blood related marriage is still present in this country. We all have many patients suffering from illnesses and abnormalities due to this practice. I felt bad about it, the children are the one suffering to this tradition. I hope there will come a time for this to change. I just prayed that this child will be in our creator and have his own time to play and feel how to be a kid up there..free of any sickness...

We continued reviving him for 30 minutes until the doctors pronounced it: patient expired 4:35pm. He thanked all of us and talked to the family. Until we heard the mother's hysterical cry....

Nooooooooooooooooo!!!