Showing posts with label Gerald. Show all posts
Showing posts with label Gerald. Show all posts

December 31, 2013

Thank You 2013




Dahil halos eto na ang bagong taon, nais ko muna gumawa ng isang year end post, maiksing summary lang, dahil itong 2013 ay naging mabuti sa akin and sa aking pamilya. Madami akong dapat ipagpasalamat bago salubungin ang paparating na 2014.

Sa January ko na ipost yun third part ng Kit-story ko a? hehe wait lang ang mga malilibog kong readers. ok? Charrr

Let's start!

-Nakadate ko ng ilang linggo si Coy nun February. Pero hindi kami nagtagal. Thank you na din at nakilala ko siya (naenjoy ko din ang mahaba niyang junjun!). haha

-Napromote ako sa work nun March! and siyempre tumaas ang salary ko na kelangan kelangan ko nun mga panahon na yun. Sobrang thankful talaga ako kay God nun :-)

-Dahil medyo may extra panggastos naging magastos ako ng slight this year ahaha! andami ko nabiling gamit na halos luho nalang naman na masasabi. Lalo na ang pabango. Nakalima ata akong brand.

-Cancer free na din ang aking bayaw na halos isang taon din nakipag laban sa nasopharyngeal cancer.

-Nakanood kami ng concert ng live ng ilang sessionistas na sina Juris, Princess, at Nyoy. Naka VIP tickets kami kaya naman sa unahan unahan kami nakaupo hihihi.

-April naman nun muli ako nakabalik ng Pinas ng libre for 6 days dahil naghatid kami ng patient na pinoy sa pasig medical center. Masaya ako nito kasi kahit in such a short time ay nakita ko muli ang pamilya ko at ilang kaibigan. Sobrang thankful ako nito dahil all expense-paid ito ng hospital management namin dito sa Dowha!

-Nung month of May naman ay nicelebrate ko ang aking 34th birthday sa piling ng mga kaibigan. Masaya ako sa panibagong taon na healthy at contented ako sa buhay :-)

-Nakilala ko si Gerald at nag date kami ng ilang linggo nun June. Pero some things are not meant to be. Kaya move on ulit.

-Buwan din ng Hunyo nun nabayaran ko ang lahat ng pagkakautang ni Mother sa Dubai at pwede na siya makauwi ng pinas dahil dito. Isa na naman itong sobrang laking blessings sa amin. At walang katumbas ang kasiyahan ni Mother nun.

-August nun nicelebrate ko ang ika limang taong anibersaryo ng blog ko! yey! thank you ulit sa suporta niyo guys.

-September nang makilala ko si Bok. Special siya sa lahat ng nakilala kong guy dito sa Dowha. Lampas isang buwan kami nagdate at sa tagal na yun naging maasikaso at sweet siya sa akin. Pero hindi ko mapilit ang sarili ko na mahalin din siya. Talagang hindi lang siguro kami para sa isa't-isa :-(

-last week of September din nang makapag byahe naman ako sa bansang Thailand. Naghatid kaming muli ng pasyente doon. 4 days lang ako pero isa ito sa mga di ko makakalimutan na experience! dito ko nameet ang mga bagong kaibigan. Dito din ako nakanood ng live adult show at torohan! jusme! sarap! kaya kelangan bumalik ako dito sa Bangkok! ahahaha! Dito ko din sa Thailand nadiskubre ang mga sextoy na till now nagpapatirik ng mga mata ko! yun na!

-October nakilala ko ang sexy na masahista ko dito sa Dowha. Sa kanya ko naexperience ang sarap ng hagod sa katawan at sarap ng extra service! LOL hanggang ngayon kinokontak kontak ko pa din siya kapag namimiss ko ang masarap na masahe niya. hihihi

-at siyempre ang buwang ng Nobyembre! ito ang aking grand vacation mode sa pinas! pinakasamaya itong bakasyong ito dahil malaki naubos ko dito. LOL. kidding aside, dahil nagkita kami ni Mother after 4 yrs ulit. Ito ulit ang panahon na kumpleto kaming mag anak. Sobrang thankful ako dahil alam kong maligaya si Nanay, At nakapiling niya at naalagaan ang mga apo niya. Sinulit ko ang panahon na magkasama kami ni Mother lili dito. At sobra sobrang happiness ito. Thank you LORD.

-November din nang ginawa ko ang biggest decision ever. Ang mag purchase ng sarili kong property. Maliit lang ito. 2 bedroom 2 bathroom at saktong sakto sa single lady na gaya ko. hahaha! Sakto lang sa magiging partner ko soon! at talagang sinali ang partner? e bakit ba hanggat may buhay may pag asa.

Alam ko somewhere, sometime, makikilala din kita at magiging happily ever after ang ating story...
Salamat sa atribida kong kapatid na pumilit sa akin na kumuha ng bahay at lupa ahaha! Hinuhulugan ko pa ito at nagdown ako ng halos sumimot sa savings ko. Kaloka. Pero now pa lang nangangarap na ko nang pagtira dito at mag isip ng mga furniture hihi. Kakaexcite!

O yun na ang aking year end post. Salamat sa pagbabasa mga kaibigan. Sobrang happy talaga ako nitong taon na ito kaya naman gabi gabi ay nagpapasalamat ako sa mga biyaya.

o siya, Happy New Year at sana maging masagana ang ating bagong taon! Till next year guys :-)





July 16, 2013

Waley Pa Din





I've been dating lately and I must say, I have no luck in finding HIM. Nakakapagod din ha inpernez. Now ko lang narealized, medyo madami na since I came back here in the middle east last January. LOL

Hindi naman ako pihikan, infact ang baba na nga ng standards ko kaya! tseh. Importante kasi ang pakikipag date, dito mo makikilala ang isang tao if compatible ba kayo or what, ofcourse hindi naman makikita yun sa isang date lang, so the longer na nagkakasama kayo, mas lalo nyo makikilala ang isa't isa.

Share ko lang ang ilan sa mga naka date ko at masaklap na sinapit nito. ahahaha

HR assistant daw siya.Ok naman siya, medyo slim, at ok ang porma, may issue lang ako nun una, may amoy ang bibig nya....I have to suggest na mag mouthwash siya muna before kissing me ng medyo di nakaka offend. LOL. Medyo nag improve naman eventually, at grabe tong isang toh kapag nagka hard on super tigas talaga!!!!tumatango tango sa tigas! bihira na ko makakita ng ganun hahaha.

Naka ilang date din kami, kaso waley din in the end. Dahil medyo mababa naman sahod nya sa bahay nalang kami madalas. Pero after ilang days, nag inarte. Wala na nga siya pang date sa kin nagrereklamo pa na lagi nalang daw kami sa house ko nagdidinner. Kaloka. Gusto ko sana sabihin, bakit if sa labas tau may pera ka ba???? Ayun niligwak ko na, di ko need ng ganun tao. LOL

Sunod naman ay Pinoy na food crew sa Cinnabon dito, gwapo, makinis, nun makita ko siya sobrang attracted na agad ako sa knya. Gusto ko na tikman agad ganyan levels. LOL. Date kami, nood sine. Kaso nakaka turn off nun magkasama kami andami niya kakilala sa Mall lahat kinausap, lahat dinaanan. Dun daw din siya dati work kaya madami kakilala. Pero alam mo yun mukha na ko tanga. muntik ko na siya iwan sa inis nun.

Sa isip isip ko titikman ko lang siya tonight then good bye na. Kaso putek! tinanggihan ako nun niyaya ko umakyat sa flat ko. Di nya ko bet pala taena! sama ng loob ko! hahaha

Next guy naman, Malaysian siya. Makinis. Pwde na. Kaya lang masyadong bading ang kilos niya for me. hihihi. Natawa lang ako tuwing maaalala ko paano nya hawakan etits ko bigla bigla, nagulat lang ako. Magkausap kasi kami out of the blue dinakma na nya. Kaloka. Di ko siya type. Di ko na ulit kinontak.

Yun isa naman medyo mabigat ang timbang. Mahilig din naman kasi ako sa chubby hihihi. pero gwapo talaga. sales clerk ang work. keri naman basta matino ang work pwde na. I invited sa bahay for dinner one time.Nun naghubad na ng shoes, kala ko yun tinola ang mabaho, yun pala yung paa nya. LOL! After nun first meet up, dumalang na ang chat namin, so I guess di nya ko bet. Move on lang ako.

Next guy I dated was this Customer service guy from a bank. Ok siya kasama, we had a lot of fun together. Inabot kami ng madaling araw sa pagkukuwentuhan when we went out. Sa isip isip ko pwde siya. Mukhang may potential ganyan. at di ko siya nilibre sa date. LOL nakikihati talaga siya sa bills. kaya plus pogi points yun di ba! After a few days parang happy na siya na ganun ganun lang kami, parang walang direksyon kung san ba kami patungo. Hanggang sa mainip na ko. Till now nag aaya pa din siya lumabas labas kami, kaso parang ayoko naman, baka mamaya mo mainlab pa ko sa knya, ako lang talo in the end. hmp

Then there's Gerald from my previous post. (read HERE) after a couple of days panay message niya at tawag na di ko sinasagot. Kung galit ba daw ako sa knya. Kaloka. After niya ako tanungin if pwde maki ride sa credit card ko at tumanggi ako, di siya nagparamdam ng ilang araw diba, so  inassumed ko na nagtatampo na siya. Na ikinainis ko naman, kasi inisip ko ano ba dapat pinahiram ko siya? haller. ayoko nga. Tapos ngayon may gana pa siya magtanung kung bakit daw ayaw ko siya kausapin! I mean ano ba siya? engot? kaloka.

Pinakahuli kong nakadate ay itong 40 year old guy. He's an executive secretary. Tall. Lean. I immediately liked him when I saw him. Sinundo pa nya ko sa bahay at ihinatid pauwi after namin mag date. Soft spoken siya. Sa isip isip ko sobrang good catch na itong guy na ito. He's so nice pa. Sa sinehan pa nga e sobrang dikit kami at medyo nakakaturn on pa pagkiskis ng mga braso namin hihihi. nag good morning pa siya kinabukasan, pero yun ang huling message niya, nun gabi i asked if busy siya. Hindi naman daw. So i guess di siya interesado. I get it. Nadisappoint ako, pero ganun talaga.

Minsan gusto natin, pero ayaw naman sa atin. Yun iba naman gusto ka, pero di mo gusto. haist! ang hirap maging bading!

At bakit madaming mga nagtetake advantage, kala ko mga straight guys lang kaya gumawa ng ganun, yun pala maski mga kafatid na din gow na din sila. Kala ata nila ang dami kong pera! Di naman e! huhu. Isa pang Haist!

Gusto ko lang naman e, yun guy na may maayos na work, stable, yun kaya ako i-date minsan, yun kaya makihati sa bills minsan haha, yung guy na kahit di gwapo pero sobrang thoughtful at mabait...yun may time makipagkita sa akin kahit once a week...yun hindi baduy at maayos ang taste sa gamit!...yung may good hygiene...yung seryoso ganyan... parang madami pala! hahaha

Haist, asan ka ba? ligawan mo na ko.

LOL!

Ayoko na naman kasi ng long distance relationship, di ba ilan na ba na try ko nun, waley din naman nangyari hahaha.

Pahinga na nga muna ako I guess. Di muna ako maghahanap. Baka sakaling may sumulpot nalang diyan! namimiss ko na kiliginnnnnnn! tseh

July 3, 2013

Maki-Ride






Napaaga ang sunod naming pagde-date nun, naging saturday imbes na sunday. Atat na kasi ako manood ng Man of Steel, tapos hindi na siya pwde ng sunday kaya ayun. Hindi na kami nakaabot sa Imax dahil naubusan na ng tickets. Kumain muna kami saka tumuloy sa sinehan. Nag 2D tuloy kahit masama sa loob ko. LOL

Last full show yun at almost 3am na natapos ang movie. Usapan na namin na sa house ko siya matutulog. Maayos naman ang unang gabi namin. Lambingan. Usual making out session ganyan. Hindi pa din ako nakipag sex. Oh hah!!! ako na talaga haha.

Nakuntento na ko matulog kami ng magkayakap. Ramdam ko sa mga haplos niya na gusto nya may mangyari kaso ayoko pa e. Ayoko na parang katawan nalang lagi at sex na agad kahit wala pang love. hihihi. ewan kung hanggang kelan ako magiging ganito. Baka next month mag iba na ulit. charot.

Gustong gusto ko yung may kayakap sa pagtulog. A warm body next to mine. Kakaibang feeling. Ito ang madalas ko namimiss e. Kesa sa makipag sex na nakakapagod at nakaka tamad sa dami ng preparation. hahaha! ang messy pa after. LOL

Tumunog ang alarm clock ng alas nueve ng umaga. Ginising ko na si Gerald. kelangan na niya mag ayos at umuwi dahil may pasok pa siya ng after lunch at medyo malayo ang uuwian nya mula sa flat ko.

Nun matapos ay inihatid ko na siya sa pinto na nakapikit ang isang mata ko sa antok. Nag akap at nag good bye kiss lang ako at muling bumalik sa pagtulog.

Wala pang sampung minuto mula nun makaalis siya ay tumunog ang phone ko. Si Gerald. Tinanung ko kung bakit siya napatawag.

"eh Mac, nakalimutan ko sabihin sa yo kanina na, hihiram nga pala ako ng pamasahe sa 'yo..."

Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako or what. Napaupo nalang ako at huminga ng malalim. Na turn off na ko...hoping na sana ay hindi ko naririnig sa mga labi nya yun.

Pinaakyat ko siya muli sa floor ko at nung magkita kami sa may pinto ng elevator ay inabot ko sa knya ang 20 riyals. sabay sabing: Ingat ka.

"bayaran ko sa yo pag sweldo ko ha. thank you" sabi niya.

Sinubukan ko iignore yung moment na yun. Baka naman kasi kapos nga talaga. Kaso sana di nalang siya sumama sa house ko kung alam na niya na wala siya pamasahe pauwi. Ewan ko sa inyo pero for me, rule 101 on gay dating:

wag na wag ka mangungutang sa taong dinedate mo.

Ang paglalandi at pakikipag date ay isang magastos na paraan. haha. aminin na natin di ba. wala kayo mararating if wala kang panggastos. mapa restaurant man yan, nood sine, or pang motel. lalo na ang pamasahe. kaloka.

I don't mind spending for the bills sa restaurant or ilibre kita ng sine, lalo't alam ko naman na mababa sahod ng ka date ko, kasi kaya ko naman, walang halong yabang. Kinain naman namin pareho yun so why not di ba. Pero hindi ibig sabihin lahat ako sasagot. pati pamasahe mo. LOL

Nanamlay ang pag message at pakikipag usap ko kay Gerald after nun. Hindi ko alam pano siya lalayuan na hindi naman siya masyado masasaktan lalo't ramdam ko na eager siya to be with me.

On our third date after a week, kumain kami sa Shake Shack at nanood kami ng World War Z. Super bored na ako sa company niya. Silent type kasi siya talaga to the point na panis na laway ko. Nakakapagod din kasi ang mag gawa ng conversation. Yung hindi spontaneous ang pag uusap nyo. Sa isip isip ko nun ay last na ito. I need to get away from him na.

The next day habang nagtitiyaga akong kausap siya sa Whatsapp ay mas ginulantang ni Gerald ang mundo ko:

"mac may sabihin sana ako sa yo kaso parang nakakahiya kaya wag nalang..."

Kabado ako nun. Ramdam ko ng baka umutang siya sa kin. jusme gerald maawa ka naman sa sarili mo sa isip isip ko nun.

"ano yun?' patay malisya kong tanung.

"hindi wag na, nakakahiya e..."

Ikot lang eyeballs ko to 360 degrees ganyan. pero kinulit ko pa din to satisfy my curiousity. (A) baka sasabihin may sakit family nya, (B) walang pambayad ng kuryente sa pinas, or (C) may naospital blah blah...yan mga naiisip ko. LOL

"Di ba may credit card ka?" he continued

"oo, bakit?"

"may bilhin sana ako, makiki ride ako sa card mo sana..." sabi pa niya.

Nabigla ako. First time ko makarinig ng ganun. Makiki ride. Hmm, iba toh ha hehe, none of the above dun sa mga naisip ko kanina na sasabihin nya hihihi.

Pero na turn off pa din ako. kahit iba pa itong sinabi nya now. Kasi, hindi ko pa naman siya lubos na kilala...pera pa din ito e...pano kapag di siya nag bigay ng panghulog monthly...pano pag tinakasan nya ko...I mean there's so many things that could happen.

At mahirap mag involve ng pera sa kahit anong gay relationship. Lalo't nagde-date palang kaming dalawa.

"ah, kasi Gerald, pasensiya ka na, pero hindi kasi pwde..." sagot ko nalang.

"ah ok, I understand"

"e matanong ko lang ano ba bibilhin mo? curious lang ako"  i really wanna know

"buy sana ako ng Iphone 4S..."

Nanlaki mata ko. Jusmio. Wala na nga siya pamasahe bibili pa siya ng iphone. kalurkei. LOL pero iba isinagot ko sa knya.

"saka na yan, may phone ka pa naman di ba. pagtiisan mo na muna phone mo. ipon ka nalang, soon makakabili ka din, mas madami ka pang dapat pag tuunan ng pansin" payo ko, sincere ako dito nun sinabi ko yan.

"nag hahang na kasi tong phone ko ngayon" katwiran nya.

"may mas mura naman na mga phone, yun nalang pag ipunan mo, gerald"

"ok lang, sige salamat, pasensiya ka na. Sige antok na ko, good night." bigla niyang paalam.

Naloka ako. Nagtampo? kala ko ba ok lang daw. LOL

tsk tsk tsk

3 days siya hindi nagparamdam. Which is a good thing na din, atleast nagkarason para hindi na ko mahirapan iwasan siya. Its obvious na sa pag iwas niya sa akin na nadisappoint siya na di ko napag bigyan ang gusto nya. Baka iniisip nya na deads na deads ako sa knya at mag sisisi sa naging pasya ko.

Nakakalungkot lang, mabait pa naman siya. Yun nga lang.

Haist.

June 14, 2013

Sa Mga Halik Mo



Babala: Medyo Mahalay. 

Rated B.S.S.

(Bawal Sa Straight)






He called and asked if nasan na ko. I just arrived at the mall an hour late kasi. Uu notorious na late ako lagi. LOL

Buti di siya nagalit sa kin. Sa villagio mall ang meeting place namin. Its my first time to meet him in person, though, we talked everyday on the phone and online medyo na tensed pa din ako. What if he doesn't like me. Or i don't like him ganyan. Beki issues you know on a first date.

I saw him approaching me and honestly I like what I'm seeing. Si Gerald. Isang malaking check! Bet na bet ko siya. hihihi. He's maputi and that pink shirt he's wearing looks good on him. Parang isang malaking candy siya na papalapit sa akin at nag aantay na dilaan ko. LOL

Real gay guy wear pink di ba. charot.


ganda dito noh? hihi

He's a shy guy I noticed. I have to initiate the conversation para may mapag usapan kami. We headed to my fave Asian restaurant, Thai Chi. I love the food there kasi, hindi ata ako mag sasawa kumain dun. Its his first time to dine there kaya excited ako ipatikim ang sarili ko este ang menu nila. LOL


This is Gerald...well, a piece of him. LOL

Forgot the name of this pinkish fruity drinks basta masarap siya. tseh

 this is a fried snapper with a sweet and spicy sauce. yummeh!

 my fave seafood oyster plate

During dinner he started to relax and I'm starting to enjoy his company na, naging madaldal na siya eventually pero andun pa din yun slight mahiyain personality nya.

San tayo after this? he asked. Kahit na I told him kagabi palang na I have to go home early because I have a 6 o'clock shift the next day, he still asked me, maybe he's thinking na I might change my mind, and I did after I met him!!!!

Sabi ko lets check the cinema if may magandang movie to watch. Casual kong sagot kahit na natatawa ako sa loob loob ko kasi kinain ko sinabi ko. I don't want our night to end agad after our nice dinner. I'm thinking of taking him home na rin... hihihi

May tinake out akong food from Thai Chi at siya nagprisintang magbitbit nun paper bag. Kinilig naman pekpek ko ng mga 10% ganyan. Nag tuck nalang ako ng hair sa tenga ko.

Ay! kalbo nga pala ko. LOL.

I like what it felt pa nun magsagi yun kamay namin sa pakikipag agawan nya dun sa paper bag sa akin.

Nag iisip ako ng tamang linya after namin ma check ang mga movies. Told him na walang maganda. Iginiya ko siya sa direksyon ng exit door ng mall...I observed him. Deadma lang.

"Gusto mo sumama sa house ko?" ayun nasabi ko din.

"O kala ko gusto mo magpahinga ka ng maaga?" sabi nya.

"ok lang, uwi ka nalang ng mga 9 o'clock" pacute ko pang sagot hihihi. mag 7pm na kasi nun. kaya sakto lang yun oras na yun.

Sakay ng taxi nagpahatid ako sa bahay namin. Don't get me wrong ha, wala ako balak makipag sex agad agad. Anuh kala nyo naman pakalibog ko? tseh di kayaaaaaaaa.

I just wanna spend more time with him, yun lang. (defensive?) Para kasing everything was ok that time. Kaya nanghihinayang akong tapusin agad ang gabi naming dalawa. Ayoko magsisi sa bandang huli na I didn't give it a chance di ba.

I invited him on my couch kahit na pang single person lang yun. The idea was magsiksikan kami dun para super dikit katawan namin hahaha. Natupad naman ang gusto ko, kahit alam niyang pang isahan lang yun ,he agreed na mag tabi kami.

We both know that we like each other na. Ok na yun. established na yun fact na yun. kaya kelangan ng itodo.

We watched the pilot episode of My Husband's Lover na i've been hearing a lot of puss about kaya eto nag try ako panoodin kahit na ayaw ko na manood sana ng Pinoy soaps. Boring yun mga unang eksena about life ni carla abellana kaya naman yumakap nalang ako kay Gerald. He hugged me back. Napangiti ako. sarap kasi... its been a while since may yumakap sa akin ulit. landi ko lang hahaha

"Ang boring naman...tagal naman nun part nina Dennis at Tom..." reklamo ko pa kunyari

"wait mo lang, pinapaliwanag pa muna sa atin ang story nun girl haha"

"ay nako, lika nalang kiss mo nalang ako..." baklang bakla ako dito ahahha. pero inilapit ko na din ang labi ko sa labi niya nitong mga sandaling toh.

I kissed him. tender lang muna. Just like what I wanted. Walang pagmamadali. Parang nilalaro at tinutukso lang ang mga labi namin. I like how he played with me. Ayoko ng nauuna maglabas ng dila kesa sa akin. When I kiss someone, i want it slower, magaan muna...parang i wanna feel his lips muna yun tamis ng labi...

That's what I like about Gerald hindi siya nakikipag unahan sa akin, he's taking the right time to intensify the kiss. Then I started biting his lower lip na nagpaungol sa kanya, gumanti din siya ng pagkagat ng labi ko...then I grabbed his nape to give me more power in taking over, i started to be more aggressive this time, halos di na kami makahinga...

Bumitiw lang ako saglit to take a deep breath and I took his lips again, this time para na kong may lakad sa pagmamadali. charot.

Mainit init ang dila niya na naglalaro sa dila ko, napapaungol na kami pareho...hindi pa ko nakahanap ng kagaya niya na kaya tumapat sa akin ng ganito sa pakikipag halikan, na kaya makipag sabayan sa akin ng ganitong klase ng halik. Its been a long time na makahanap ako ng ka match ko. And Im happy.

Nun magbitiw ang mga labi namin ay isang salita lang lumabas sa bibig ko: ang sarap ah...

Halos sabay pa kami ngpunas ng mga laway na nasa baba at at paligid ng bibig namin hihihi. halos madurog ang mga labi namin at natawa nalang kami pareho.

"o anyare na sa pinapanood natin?" sabay kaming nagtawanan.

He held my hand the whole time na magtabi kami sa couch at nanonood ng series na ito. He checked the time and its almost 9 o'clock.

"Join me in my bed. 10 minutes. tawad ko pa. Nagpaunlak naman siya. Nagkulong kami sa ilalim ng comforter ko at sa mga bisig ng isa't isa. Dama ko ang init na nagmumula sa katawan niya. I like hugging him. Pero habang iniisip ko tong mga bagay na ito ay binabalaan ko din ang sarili ko:

Wag muna masyado umasa Mac. Its too early...chill lang. and enjoy this moment. Uu, parang may konsensiya lang na nasa likod ko na nakadaster at nag papaalala. charot

Malamig sa room ko dahil naka maximum ang AC kaya naman wagas na wagas lang ang yakapan factor namin. tsalap tsalap!

"Oy ano yan matigas na yan ha.." sabay hawak niya sa pagkalalaki ko

"e ito ano din yang matigas na yan" dinakma ko din siya haha para fair noh.

Umibabaw ako sa kanya and started kissing him again. I cant get enough of him. letse! We kissed like its our last night together. we kissed as if wala ng kasunod. This time mas intensed at mas aggressive si Gerald. Naibaba na pala niya ang zipper ng pang ibaba ko ng di ko halos namalayan. halos hubad na hubad na ang aking bubot na katawan..hawak hawak na rin niya si Junjun ko. haha

Medyo nag panic ako. Wala sa plano ko gawin ang bagay na yun tonight. Pero maski ako ay dalang dala na sa mga nagaganap.

Pinilit ko kumawala sa mga labi niya at bumulong:

"Not this time Gerald..."

"why not...papasakitin mo puson nating dalawa..."

"no. not this time. my next time pa dont worry..."

I kissed him again para pagaanin naman ang loob nya. Alam ko nabitin siya haha. Pero what am i goin to do. Pinalaki ako sa tamang asal. sa konserbatibong paniniwala na kasal muna bago ang lahat

CHAROT!

"halika na. uwi ka na..." sabay bangon at hila ko sa knya patayo hihi. pero hinila nya ko pabalik sa ibabaw niya at hinalikan muli.

Tumayo akong muli at inayos ang butones at zipper ng suot ko. Nag ayos na rin siya para umuwi. Muli niya akong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa batok at likod ng tainga.

"sige na uwi na ko. maaga kapa bukas. pahinga ka na Mac" nakangiti niyang sabi.

Ihinatid ko siya palabas ng flat namin. Pumindot sa elevator at sabay kaming pumasok. Muli kaming nag yakap at siniil na naman niya ng halik ang mga labi ko habang pababa ang elevator sa ground floor. All this time nakadilat ako at baka biglang bumukas ang pinto at may makakita sa amin hahaha!

Sakto naman na ground floor na at nagbitiw na kami mula sa pagkakalapat ng aming mga labi. nagtatawanan nalang kami palabas sa lobby.

"kelan tayo kita ulit Mac? mami-miss kita agad..." sabi niya

"Sa sunday. We'll watch The Man of Steel. Gusto mo? sagot ko.

"oo naman. see you on sunday then" nakangiti niyang paalam at sumakay na ng taxi.

Nun makalayo na ang sinasakyan niya ay pumasok na kong muli sa lobby na napahawak sa mga labi ko. Parang pakiramdam ko sa mga lips ko at namaga bigla at namula ng todo. halos mawarak sa tindi ng ginawa naming dalawa. Napangiti nalang ako mag isa sa loob ng lift. Ngayon lang ako nakipag halikan sa isang lalake ng ganun katagal.

This is a first. Masarap pala. hihihi