Showing posts with label lovers. Show all posts
Showing posts with label lovers. Show all posts

December 31, 2013

Thank You 2013




Dahil halos eto na ang bagong taon, nais ko muna gumawa ng isang year end post, maiksing summary lang, dahil itong 2013 ay naging mabuti sa akin and sa aking pamilya. Madami akong dapat ipagpasalamat bago salubungin ang paparating na 2014.

Sa January ko na ipost yun third part ng Kit-story ko a? hehe wait lang ang mga malilibog kong readers. ok? Charrr

Let's start!

-Nakadate ko ng ilang linggo si Coy nun February. Pero hindi kami nagtagal. Thank you na din at nakilala ko siya (naenjoy ko din ang mahaba niyang junjun!). haha

-Napromote ako sa work nun March! and siyempre tumaas ang salary ko na kelangan kelangan ko nun mga panahon na yun. Sobrang thankful talaga ako kay God nun :-)

-Dahil medyo may extra panggastos naging magastos ako ng slight this year ahaha! andami ko nabiling gamit na halos luho nalang naman na masasabi. Lalo na ang pabango. Nakalima ata akong brand.

-Cancer free na din ang aking bayaw na halos isang taon din nakipag laban sa nasopharyngeal cancer.

-Nakanood kami ng concert ng live ng ilang sessionistas na sina Juris, Princess, at Nyoy. Naka VIP tickets kami kaya naman sa unahan unahan kami nakaupo hihihi.

-April naman nun muli ako nakabalik ng Pinas ng libre for 6 days dahil naghatid kami ng patient na pinoy sa pasig medical center. Masaya ako nito kasi kahit in such a short time ay nakita ko muli ang pamilya ko at ilang kaibigan. Sobrang thankful ako nito dahil all expense-paid ito ng hospital management namin dito sa Dowha!

-Nung month of May naman ay nicelebrate ko ang aking 34th birthday sa piling ng mga kaibigan. Masaya ako sa panibagong taon na healthy at contented ako sa buhay :-)

-Nakilala ko si Gerald at nag date kami ng ilang linggo nun June. Pero some things are not meant to be. Kaya move on ulit.

-Buwan din ng Hunyo nun nabayaran ko ang lahat ng pagkakautang ni Mother sa Dubai at pwede na siya makauwi ng pinas dahil dito. Isa na naman itong sobrang laking blessings sa amin. At walang katumbas ang kasiyahan ni Mother nun.

-August nun nicelebrate ko ang ika limang taong anibersaryo ng blog ko! yey! thank you ulit sa suporta niyo guys.

-September nang makilala ko si Bok. Special siya sa lahat ng nakilala kong guy dito sa Dowha. Lampas isang buwan kami nagdate at sa tagal na yun naging maasikaso at sweet siya sa akin. Pero hindi ko mapilit ang sarili ko na mahalin din siya. Talagang hindi lang siguro kami para sa isa't-isa :-(

-last week of September din nang makapag byahe naman ako sa bansang Thailand. Naghatid kaming muli ng pasyente doon. 4 days lang ako pero isa ito sa mga di ko makakalimutan na experience! dito ko nameet ang mga bagong kaibigan. Dito din ako nakanood ng live adult show at torohan! jusme! sarap! kaya kelangan bumalik ako dito sa Bangkok! ahahaha! Dito ko din sa Thailand nadiskubre ang mga sextoy na till now nagpapatirik ng mga mata ko! yun na!

-October nakilala ko ang sexy na masahista ko dito sa Dowha. Sa kanya ko naexperience ang sarap ng hagod sa katawan at sarap ng extra service! LOL hanggang ngayon kinokontak kontak ko pa din siya kapag namimiss ko ang masarap na masahe niya. hihihi

-at siyempre ang buwang ng Nobyembre! ito ang aking grand vacation mode sa pinas! pinakasamaya itong bakasyong ito dahil malaki naubos ko dito. LOL. kidding aside, dahil nagkita kami ni Mother after 4 yrs ulit. Ito ulit ang panahon na kumpleto kaming mag anak. Sobrang thankful ako dahil alam kong maligaya si Nanay, At nakapiling niya at naalagaan ang mga apo niya. Sinulit ko ang panahon na magkasama kami ni Mother lili dito. At sobra sobrang happiness ito. Thank you LORD.

-November din nang ginawa ko ang biggest decision ever. Ang mag purchase ng sarili kong property. Maliit lang ito. 2 bedroom 2 bathroom at saktong sakto sa single lady na gaya ko. hahaha! Sakto lang sa magiging partner ko soon! at talagang sinali ang partner? e bakit ba hanggat may buhay may pag asa.

Alam ko somewhere, sometime, makikilala din kita at magiging happily ever after ang ating story...
Salamat sa atribida kong kapatid na pumilit sa akin na kumuha ng bahay at lupa ahaha! Hinuhulugan ko pa ito at nagdown ako ng halos sumimot sa savings ko. Kaloka. Pero now pa lang nangangarap na ko nang pagtira dito at mag isip ng mga furniture hihi. Kakaexcite!

O yun na ang aking year end post. Salamat sa pagbabasa mga kaibigan. Sobrang happy talaga ako nitong taon na ito kaya naman gabi gabi ay nagpapasalamat ako sa mga biyaya.

o siya, Happy New Year at sana maging masagana ang ating bagong taon! Till next year guys :-)





November 23, 2010

Sentimyento Ko


Nauunawaan ko minsan yung mga single na tao kung bakit ayaw nila pumasok sa isang relasyon...marahil, naisip nila, mahirap nga naman, madaming komplikasyon. Walang sakit ng ulo.

Bakit nga naman kasi, pag nag mahal ka, di maiiwasan na masasaktan ka. Minsan iiyakan mo pa ang walangya! (pero di pa to nangyari sakin!--defensive?)

Bakit nga naman kasi pag nagmahal ka, kadikit nito na umasa ka, tapos mabibigo ka lang sa huli...sasabihin nila wag ka mag expect, pero bullshit yun! Nagmahal ka pa kung wala ka naman aasahan sa mahal mo di ba? Taena!

Masarap mag mahal kung mamahalin ka din ng tama.
Yun makikita mo sa maliliit na bagay, hindi lang puro satsat...

Hindi porket lagi nag a-I love you e mahal ka nga!
Patunayan nya letse!

Bakit nga naman kasi pag nag mahal ka, matututo ka mag selos, mag set ng rules...limited na kumbaga ang freedom mo, bawal na makipag textmate/chat, makipag eyeball, at makipag date sa ibang bading!

Aba sino ba namang tanga papayag nun! Jowa mo na tapos nakikipaglandian sa iba?! Haller ok lang siya?

Putol-titi gusto nya?LOL

Pero ang pinaka gusto ko pag nagmamahal ka, nagiging korny ka, nagmumukha kang tanga sa saya, inspirado ka at higit sa lahat, natututo ka mangarap, mangarap ng buhay sa hinaharap na kasama siya...

Yung papakasal kayo, mabubuntis ka, binyagan...

ay!!! potah di pala yan! LOL

Pwera-biro, ang gusto ko lang sabihin, sa hinaba-haba ng pasakalye ko e ito, masakit ipin ko! hahahha!

O ito na tunay na to:

Happy 4th month sa jowa ko'ng abnoy na si Clayton.
You know naman that I love you, ayt?

Though, may pinag daanan tayo lately, pero sana huli na yun kundi, taena ka, sa kangkungan ka pupulitin pag inulit mo pa yun! LOL (may pagbabanta daw sa buhay?hahaha)

"Love is just a word, until someone comes along and gives it MEANING"