Showing posts with label tatay. Show all posts
Showing posts with label tatay. Show all posts

July 9, 2013

Father Lily





I call my mom Mother Lily minsan e. so si father, naging father Lily. *sabaw lang* hahaha

I don't know how to deal with my father anymore. Even my sister is having a headache. I'm glad I'm not there with them otherwise baka mauna pa ko mautas! LOL

Suko na ko. Jusme. Tigas ng ulo grabe.

My dad has a long history of drinking alcohol. He has hypertension under medications but he's still drinking. Everyday he's consuming bottles of beer. Sometimes hard liquor pa. Minsan nagsusugal pa daw. How lovely!

About two years ago he suffered from Bell's Palsy wherein half of his face was paralyzed and deformed. I remember my sister told me how afraid he was back then.

I thought he learned his lesson na after he recovered through medication and therapy. OO Pinapagamot ko naman siya afterall itay ko pa din siya. LOL

I'm constantly reminding him to refrain from drinking kahit na there's no specific relation yet his drinking to the condition. Tinatakot ko siya na dahil kako sa pag inum inum niya yun. LOL

If you're a long time reader of my blog you knew that I'm not close to my father. I have this hatred at him when I was growing up. Don't worry I already forgiven him for all the pain and verbal abuse he caused me back then.

But I'm still distant. I could never be close to him. The thought of hugging him makes me wanna puke. or maybe my eyeballs would roll back 360 degrees as soon as he hugged me and pretend that he loves me.

Yeah that's how I imagine it. LOL

I sent him money monthly for his personal expenses but I found out that he's still drinking nightly and used the money for nothing. I feel bad about it. Nakakabuwisit di ba? I worked hard for those. Well yeah. sometimes kapag di ako nagpapa cute sa mga pinoy nurses. charrrr!

Kidding aside, andami nagugutom sa pilipinas...getz nyo ko?

Ang nakakatawa pa daw according to my sister if may pera si father, tuloy ligaya lang sa inom. At every time he runs out of money saka lumalabas mga sakit niya. Andiyan yun head ache, masakit daw tagiliran, masakit ngipin...blah blah...

Sabi ko naman: ay siya kulang pa sa alak!

Lately kasi I stop sending him money na. I felt kasi na I'm just giving him resources for his vices. I'm afraid he might get a stroke or something if pinatuloy pa niya yung hobby niya. Nasa sister ko ang money. He just need to ask what he needs. Pero I heard na nag aaway din sila ni sisterette madalas. Haist.

It felt like if i give him money, the more siya mag iinum. So if there's no money to spend, mas less ang alak di ba? Pero wag ka, ako pa ang masamang anak. Ang anak daw na wala paki sa ama at ni hindi inaabutan ng pera. Kakaloka. Hahaha

I talked to my sister yesterday, she told me, dad is sick daw. Mataas ang BP. Masakit ang batok. His eyes are almost popping out daw! (parang naluwa na daw at namumula mata niya)

Sagot ko: ah kulang sa alak pa kamo. lak lak pa.

Sabi ng sister ko:  "gaga! this time mukhang totoong may nararamdaman na nga". I just took a deep breath and told her to bring him to the doctor.

Baka daw mag pa blood works sila bukas and she's asking if magpapadala ba daw ako ng pera.

"what to do Yanni...send ko asap"

Idinugtong ko pa: tell him next time uminom pa siya ng uminom hinding hindi ko na siya ipapa doktor.


Sorry guys ha nag rant ako, medyo personal ang post ko. haha well sanay naman kayo sa akin na personal masyado ang post minsan x-rated pa nga di ba? LOL. I just need to get this out of my chest lang kasi. Asar na asar kasi ako.

Alam na alam naman naming lahat bakit siya nagkaka ganun. and for sure he himself knew it.

Haist.

Kayo ba how's your dad?




andami ko pala nakitang nakakatawang senglot pic na pinag tripan ng mga kaibigan nila! hahaha tawang tawa naman ako potah! nakalimutan ko tuloy pagka imbyerna ko kay Ama!


The best toh! taena! pag gising mo nasa kisame ka na! LOL












Nasa loob pa ng short nun katabi niya yun kamay niya! ahahaha









Babaw ko! hahaha Ok sige na babush na muna!

October 17, 2011

Maging Matigas...


Marami akong natutunan sa pagiging isang O-ep-dabolyu ko. Gusto ko i-share sa inyo. Una na diyan at pinaka importante sa lahat....yun pagiging matigas ang loob.

At sa mga nakyuryus...hindi po tungkol sa kalaswaan ang post na ito hehehe.

Oo matigas ang loob mo dapat. Sinigurado ko na gusto ko ito. Once na nasa airport ka na at papasok ng eroplano, wala nang urungan to. Halos gusto ko tumakbo pabalik sa pamilya kong naghatid sa akin noon.

Pero tiniis ko. Grabeng self control ang ginawa ko nun. Paulit ulit na binubulong na kaya ko toh. At isa rin sa mga nagpa stay sa akin ay ang aking goal. Gusto ko ng bagong buhay, ng bagong meaning...gusto ko magkaroon ng worth. Isinantabi ang pag ibig namin ni Brian noon. Nagkalabuan kami at hindi ko na inayos pa dahil sa isip ko, paalis na din naman ako. Mas mabuti na rin yun.

Sawa na ko sa mababang sahod sa dati kong pinagtatrabahuhan na wala naman marating. Halos kulang pa para sa sarili ko. Ni hindi ako makapag share sa mga gastusin sa bahay...alam nyo yan for sure. Nakakahiya.

Nahihiya ako sa magulang ko. Mas lamang yun dream ko na may mapatunayan ako. Lalo na sa tatay ko.

Sa tatay ko na feeling nya e walang mangyayari sa buhay ko kasi bakla ako. Na disappointed na nga siya sa pagkalalaki ko e pati ba naman sa mga maitutulong sa pamilya e madi-disappoint din ba siya.

Isa ang tatay ko sa mga dahilan ko kaya lakas loob akong nakipagsapalaran sa gitnang silangan. Wala ako kakilala dito kahit isa nun dumating ako. Hindi nyo alam kung ganong kaba at takot ang nasa kalooban ko nun. Sino ba naman ang hindi. Wala sa sariling bayan. Ni wala kang kaibigan.

Pero tinigasan ko ang loob ko....kinapalan ko mukha ko. Nagtapang-tapangan. Mahirap din pala yun. Kunyari tough ka pero napaka rupok mo pala deep inside ng mga oras na yun.

Hindi ako maaring mag fail... naiimagine ko na mga sasabihin ng tatay ko kapag umuwi akong bigo. I don't wanna give him that luxury.

Yang goal na yan ang dala-dala ko till now. Hindi ako pwedeng mabigo. Kaya kahit walang lovelife, kahit walang boyfriend ngayon, sabi ko OK lang. Basta may matinong trabaho, basta may masarap na pagkain sa mesa, basta may naipapadala sa pamilya, kaya kong tiisin ang pangungulila sa pagkalinga ng isang nagmamahal.

Sa akin umaasa ang Nanay ko...naniwala siya sa akin noon. Nag tiis siya magpakahirap sa ibang bansa mapaaral lang ako. Ayoko mawala ang tiwala nya sa akin na kaya ko. Kaya naman Living The Expectations ang taytol nitong blog ko...hehehe. Para yan sa Nanay ko. Dapat isabuhay at isagawa ang inaasahan sa iyo...dahil yun ang pangako ko :-)

At sana magtagumpay ako. Dalawang taon palang ako dito. Marami pa kong panahon. Sana walang maging sagabal...

Natuto din akong lumaban, naging matigas ang mukha. Marami din kasing buwaya sa ospital hehe. Hindi lang sila nasa gobyerno at sa kapulisan sa atin. Marami din dito. Naghahari-harian, mapa-ibang lahi.

Kapag tama ka...kapag alam mo ginagawa mo, wag ka papatalo. Marunong na ko makipag sagutan dito ngayon. Kumpara noon na Oo ateh! Oo ateh lang ako! Lalo na sa mga bobong doktor at nars!hahaha! Mahilig silang ipilit ang alam nilang ka-engotan sa pasyente. Dapat alam mo silang kontrahin. Kasi mga bobo naman sila!

Hongyabang ko! Well, hindi naman lahat, meron din naman talagang may alam kahit papano.

Pinakaimportante din sa lahat e dapat marami kang alam na porn website kasi sila makakapiling mo tuwing gabi ng pag iinit at pag iisa! chos!

Henywayz, just to conclude this post na ewan ko ba kung may sense haha, maganda na ang kinalalagyan kong trabaho ngayon, wala na ako sa General Hospital, nai-transfer na ako sa specialized hospital with the same medical corporation. Nasa Cardiac Hospital na ko. Bagong tayong ospital na para lang sa mga pasyenteng may sakit sa puso. (syempre alangan namang para sa mga may sakit sa atay davah?!LOL) Yun nga lang kabi-kabila ang cardiac arrest!

Pero ok lang, I love actions naman e!

Have a great week ahead guys :-)

January 21, 2011

Ito Ang Simula II: Pagbuo Sa Mga Piraso


Itinayo ako ng tiyahin ko mula sa pagkakasadlak ko sa sahig pagkatapos ako hilahin dun ni tatay palabas ng bahay. Ibinagsak nya ang pinto pagkatapos. Nakakatawa kapag binabalikan ko sa alaala ang mga pangyayaring ito, Oh di ba, parang isang drama lang sa telebisyon...

Wala akong tigil sa pagmumura ng pabulong sa tatay ko...Isinumpa ko siya sa galit...matagal na nasa kalooban ko yun plano na:

"Gago ka...pagtanda mo, tandaan mo to, itatapon ka naming magkapatid sa ampunan ng matatanda hanggang sa mabulok ka dun at mamatay..."

Naramdaman nyo na ba yun sobrang galit na halos sumakit ang dibdib nyo?

Nakatungo ako habang patuloy pa ding umiiyak patungo sa bahay ng tiyahin ko likod ng bahay namin. Isang compound kasi kami. Na-appreciate ko si tita nun mga time na yun. Mahal din pala nya ko, sa isip ko. Nun maisip ko nanay ko, lalo ako napaiyak...kung andito si nanay di ako gaganituhin ni tatay, may magtatanggol sakin...hikbi ko...

Kasalanan niya kung bakit napilitan mag trabaho bilang DH si nanay sa Qatar noon, kahit di siya sanay magtrabaho, ginawa nya, kahit alam kong takot na takot ang kalooban ng nanay ko, kinaya nya, kasi ayaw nya magutom kami, dahil hindi kumikilos ang tatay ko para kumita...wala na nga kami pera, hindi pa namin masakyan ang kakaibang pag uugali niya...nahihirapan kami sa knya...isa rin yun marahil kaya narindi na ang nanay ko at lakas loob na namasukan sa ibang bansa....

Huli ko nalang nalaman na ginawa pala ng nanay ko yun pag a-abroad: "Kasi mag kokolehiyo na si Mac...gusto nya magkolehiyo..." sabi niya sa isang kaibigan nya.

Ako pala ang tunay na dahilan bakit niya ginawa yung pagsasakripisyong yun...ambait ng nanay ko taena.

Taena. Yun nalang nasabi ko nun. At sinumpa ko na aalagaan at mamahalin ko nanay ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal ko si nanay.

Nag umpisa akong buo-in muli ang sarili ko, pulutin at idikit-dikit ang nawala kong pakatao na nagkalat sa kung saan saan...Sinubukan kong mabuhay muli...

Pagkatapos ng insidente sa bahay namin, dun ako tumuloy sa bahay ng pamilya ng Ninang ko, kapatid siya ng nanay ko, inaanak nya ako sa binyag, kaya Ninang ang tawag ko sa knya imbes na tita.

Worried man akong iwanan ang nag iisa kong kapatid na babae sa piling ng tatay ko, wala ako choice...

Paborito nila ako, magaan ang loob nila saming magkapatid kahit nun mga musmos pa kami. Nagsumbong agad ako sa kanila, galit galit sila. "Huwag ka na babalik sa inyo, dito ka nalang, walang'ya talaga yang tatay mo..."

Tumawag si nanay kinagabihan nun malaman niya nangyari sakin, ramdam kong alalang-alala siya sakin...halos isumpa niya ang tatay ko sa galit nya. Dito na rin unti unti'ng nawala ang pagmamahal niya sa tatay ko.

Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw ako ni tatay. Civil sa kanya lahat ng tao sa bahay ng mga Ninang ko. Pero di ko siya kinausap. Bahala ka sa buhay mo, hudas ka, bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses siyang bumalik balik, para siguro mawala galit sa knya ng nanay ko at mga kamag anak nila. Para sa sarili niyang kapakanan kaya siya dumadaan sa bahay na yun, hindi para mag sisi sa ginawa niya sakin.

Mahirap din pala makisama sa bahay ng kamag anak, isa yan sa mga napatunayan ko. Mababait sila, di kami nagugutom kasi well-off naman yun pamilya nila. Pero parang de-numero ang bawat galaw ko, bawat gawin ko. Tumutulong ako sa gawaing bahay, natuto ako magluto ng simpleng putahe gaya ng nilagang itlog at pritong hotdog LOL!

Pero parang laging kulang ang ginagawa ko, kapag pa upo-upo lang ako, parang naiinis si Ninang...lagi kang pinaghahanapan. Ano ba ko pamangkin o katulong?natanong ko sa sarili ko. Pero wala ako masasabing masama sa mga pinsan ko. Lagi silang nakasuporta sa akin.

Nag enroll ako sa isang pribadong kolehiyo sa Laguna pagkalipas ng ilang buwan, nanay ko ang magpapadala ng pang matrikula at sina Ninang sa baon ko. 50 pesos lang baon ko nun, imagine! Di ko alam pano ako nabuhay ng ganun sa college!hahaha (that's around 1996).

Pero pahirapan bago nila ako bigyan ng baon sa araw araw...parang hirap silang bigyan ako, minsan nag-tutulog-tulugan siya. Minsan, nagtitiis nalang ako di kumain sa school, kasi wala ako extra.

Nakakaawa na nakakatawa ang itsura ko nun college, pag binabalikan ko, napapa-ewwww! at yuckkkkk! nalang ako, nakamahabang buhok na hating hati sa gitna na nilalagyan ko pa ng gel, take note ang gamit ko pa nun e "michael's styling gel" LOL. Mata ko lang din ang walang taghiyawat, ewan ko ba galit na galit silang lahat kaya kung magtubuan sila parang wala lang...

Panalo din ang salamin ko sa mata! Ang lalaki ng frame at ke kapal ng grado. At kapag ngumiti ako, maglalabasan ang sobra sobra kong ngipin na patong patong na parang sa chainsaw!

Ang Cute oh!LOL

Ang outfit? Maong na binili sa palengke, Wragler pa nga tatak, imbes na Wrangler. tapos ang nag iisa kong sapatos, jologs na jologs pa na binili namin sa Footsteps nun pasko, may batik na shirt pa ata ako nun! ika nga nila: Barrio-tic!!!!!!!!! as in kakadiri talaga!

Mahirap makihalubulo sa mga mapo-porma at may mga kaya sa school namin dati. Ang lakas ng inferiority complex ko, at ang self steem ko, sing-baba ng mga parasite sa kanal.

Kumuha ako ng kursong nursing nun unang taon, pero taena di ko kinaya ang mathematics for nurses! Sumuko ako! nakakarindi ang computation. OO aaminin ko, bugok ako sa math! LOL Nag shift ako ng course sa hilera ng mga Therapist ako pumili...

Pero tiniis ko ang sangda-makmak na anatomy, biochemistry, zoology at kung anong anik anik pa bago ko makuha ang diploma!

Lumipat na rin si nanay sa Dubai para mag work, hindi na siya DH dun. Natuwa ako, kasi alam kong di nya kaya mag DH. Maayos ang naging lagay nya sa bagong trabaho nya. Nakokopya ko na rin ang mga way ng pananamit ng mga student sa school namin, na-e-exposed na ako sa mga malls at sa mga tambayan. "Sushal" na?!

Mejo jologs pa din...pero mejo-mejo nalang naman!LOL

Mas itinago ko pa ang pagiging bading ko. Pinilit kong magpakalalake, pinilit kong wag magkaroon ng rason ang mga tao na kutyain ako. Masaya ang buhay ko sa kolehiyo. Ang buhay istudyante....hay kaka-miss tuloy. Isa to sa mga masasayang parte ng buhay ko na di ko makakalimutan.

January 18, 2011

Ito Ang Simula 1: Ang Aking Kabataan


Ito ang simula, simula ng buhay ko, simula ng lahat, nais ko ibahagi sa inyo ang aking kabataan, ang aking pamilya, ang malayong loob ko sa aking ama, ang aking buong pagkatao (di naman lahat!slight lang!) Ito ang serye ng aking buhay, sana ay subaybayan nyo ang kada labas (parang pang primetime bida lang a!), at nawa'y masundan ko ng kasunod kapag may time ako!LOL

Ito na ang marahil ang pinaka personal post ko ever. Samahan nyo akong balikan, makiiyak at makitawa sa simula ng aking buhay. FYI: di pa ako mamatay! LOL

Ito ang tunay na ako...ito ang mukha sa likod ni Maccallister...

**********

Lumaki ako sa probinsya ng Laguna, dalawa lang kami magkapatid, isang lalake at isang babae, sabi ng Nanay ko, tama na ang dalawa, kasi naka babae at lalake na siya, dun naman sya maling-mali! Gurl din ako noh! LOL

Hindi kami mayaman, tama lang kumbaga, di kami nagugutom. Naalala ko pa nung anim na taon ata ako nun, pinapasan ako ng Tatay ko nun, ilalagay nya ako sa knyang mga balikat habang papunta sa bahay ng mga lola ko. Siya din ang nagturo sakin pano isulat ang buo kong pangalan, napakalinaw pa nito sa aking isipan hanggang ngyon. Para sa kanya ako ang kanyang nag iisang anak na lalake. Unico-hijo. (hija po...LOL) May pagmamalake nyang sabi sa mga kumpare nya non.

Nag abroad ang tatay ko para matugunan ang pangangailangan namin sa araw araw, nahihiya na sila umasa sa aking mga lolo ng tulong pinansyal. Nag Saudi siya. Grade 2 ako nun una kong maramdaman na may kakaiba sa akin. Hindi ko mainti-intindihan kung bakit hirap na hirap ako makihalubilo sa mga kaklase kong lalake! Taena, kahit anong pilit ko di ako maka-blend in.

Sa mga babae ko nahanap ang kasiyahan ng paglalaro...chinese garter, jumping rope, bahay-bahayan (enjoy ako sa luto-lutuan!) at ang pinakamalala: paper dolls! siyet! ang galing ko mag design ng mga damit nila nun infairness! kala ko nga magiging fashion designer ako e!

Tandang tanda ko pa, magtatago ako sa room ko para lang makapag laro nito, ayaw ko makita ng Nanay ko, siguradong papagalitan nya ko. Naka-lock ang pinto, kahit pawis na pawis ako, go lang, di kasi pwde buksan ang bentilador, liliparin ang mga damit! Inilalakad ko si manika'ng papel ko suot ang kanyang casual wear! LOL

Tuwing magbabakasyon ang Tatay ko, nagtatanung siya kung sino daw ba ang crush ko sa school, kung naglalaro ba daw ako ng basketball (hello, ok ka lang? manika ang type ko noh! gusto ko isagot sa knya non) pero mahiyain ako, mejo takot ako sa knya nun.

Nagsisimula na din ako tuksuhin ng mga kalaro ko ng "Bakla! Bakla!" galit na galit ako dati, ang sakit pala kapag tinutukso ka ng ganun. Para akong nabubuhay para tuksuhin at laitin ng mga kalaro.

Gusto ko umiyak at tirisin silang lahat.

Kapag nagsusumbong ako, sasabihin nila, suntukin mo kasi kapag tinukso ka. Sana kaya ko, naisip ko. Pero di ko kaya, wala akong lakas ng loob para upakan ang mga hudas na bata'ng yun. Mahirap ang kalagayan ko ng aking kabataan, di ko alam bakit ako ganun. Di ko alam pano sila titigil sa panunukso.

God knows, gusto ko maging normal. Pero bullshit talaga, kahit anong gawin ko, talagang di ko mapilit na maging kagaya ng kapwa ko lalake. Dusa din sakin kapag boyscout at girlscout season na. Hate na hate ko yun camping, kasama puro lalake, nasa sulok lang ako lagi. Taena!sino ba kasi nag inbento nun!

Maganda din lagi ang mga notebook at pencil case at iba pang gamit ko sa school nun, kasi nga nasa abroad si tatay. Angat ako sa klase. Sa Sm makati pa kami namimili ng gamit kada pasukan, mula pa kami sa Laguna nun ha! kasi dun palang ang pinaka malapit na Sm! naiisip ko ngayon, ang tiyaga ng Nanay ko bitbitin kaming maliit na magkapatid sa layong yun! E ilang jeep transfer at oras din yun ha!

Gala din tiyak ang ang nanay ko! Ever!

Grade 5 ako nun mapansin ng aking guro na magaling ako sa klase, bright ako sa section namin. Kasi section 3 ako! LOL. Lagi ako nasa row 1. Magaling din ako magbasa at mag pronounce ng english. Naging first honor ako buong taon sa aming pampublikong paaralan. Dun unti unting nabuo ang self-confidence ko. Proud na proud Nanay ko nun recognition day nung sinabitan nya ako ng ribbon. Nagpa-pansit siya nun hapon. Ramdam ko mahal ako ng nanay ko.

Grade 6 ako nun nagdesisyon ang tatay ko mag quit na sa pagsa-saudi nya. Di ko alam ang dahilan. Ang dating maginhawa naming buhay, napalitan ng pag hihirap, lagi kami kinakapos sa gastusin. Di na ako makabili ng magagandang gamit. Baon ko pahirapan pa hingin. Ito ang lowest point sa buhay ko.

Dito din nag umpisa ang kalbaryo ko sa piling ng aking Ama. Nahahalata na nya ng mga panohang ito na...ba-bakla-bakla ako! LOL

Kapag nakita nya na nanonood ako ng The Sharon Cuneta show imbes na PBA, mag papasaring siya ng mga nakakainsultong salita gaya nito..."hay naku ang anak ko...showbiz na showbiz... sharon cuneta....ay nakuuuuu...." mag totonong bakla siya dito.

Galit na galit ang kalooban ko nito. Madami pa siya'ng insulto'ng sinasabi nun kabataan ko. Tinitiis ko lang. Kasi tatay ko siya. Madalas kapag naglalaro ako kasama ang mga batang babae, madalas hihiyain nya ako sa harap nila. Iiyak ako at uuwi ng bahay.

Bawat pilantik ng mga daliri ko kapag hawak ang kutsara at tinidor, bawat oras na nahuli nyang nakapameywang ako, bawat oras na nakita nya ang mga kasing edad ko na lalake na naglalaro ng basketball sa may tabi ng bahay namin...lahat yun may katumbas na insulto... tumatagos yun sa kalooban ko...masakit...ramdam ko kung gano siya ka disappointed sa akin...kung gano siya nahihiya na ang unico-hijo nya ay nagiging isang bakla...

Galit na galit ako. Dumating sa puntong sinusumpa ko siya. Hinihiling na sana mamatay na siya ng maaga at ng matahimik na ang bahay namin. Pero lahat yun di dininig...ilang beses akong naiyak sa gabi, nakatalukbong ng kumot...naiisip na magpakamatay...o kaya maglayas....andami dami kong naiisip na gawin...

Pero di ko kaya. Duwag nga ata talaga ako.

Isang beses na kumakain kaming mag anak, aksidenteng natalsikan ko ng sabaw ang nanay ko pagkasandok ko ng ulam, pinagalitan ako ng nanay ko: "ano ba,dahan dahan nga ang pagsandok..."

Sumagot ang tatay ko "e kasi babakla-bakla ka na naman..."

Di ako nakatiis, sinagot ko siya ng pabalang "nagsandok lang ako, bakla na???!" tumayo siya at sa bilis ng pangyayari, nakita ko nalang ang sarili kong mukha na nakasubsob sa platong kinakain ko. Dinuldol nya ang mukha ko sa plato. Galit na galit siya sa akin. Umiyak ako at tumakbo sa kwarto ko na nanlalagkit at may kanin sa mukha. Narinig ko na lang na nag away sila ng nanay ko.

Nag abroad ang nanay ko pagkalipas ng ilang taon, di na niya kaya ang mahirap naming sitwasyon. Walang pera, may tatay ka pang walang hiya.

Araw-araw nag aaway ata kami, natuto ako sumagot at lumaban, nawala respeto ko sa knya. Ang tagal ko nag tiis, binalewala ang mga turok sa kalooban ko tuwing pagsasalitan at hihiyain nya ko. Mas matindi kapag nakakainom siya.

Nagiging dimonyo siya kapag nakakainom. Ako lang ang nakikita nya. Lahat ng masasakit na salita na kaya niya ibato sakin ginawa nya. Kapag di ka umimik, ipo-provoke ka niyang sumagot, at kapag sumagot ka na, may dahilan na siya para saktan ako, babatukan nya ko, hahampasin ng kung ano man, pero di nya ako sinusuntok...ewan ko kung bakit.

Isang beses, nilabanan ko siya, tunulak ko siya, natumba siya, umusok siya sa galit, natakot ako, tumakbo ako...dumating ang tiyahin ko nun marinig ang malakas na sigawan sa bahay namin. Rinig na rinig ng mga kapitbahay ang pagwawala ng tatay kong hayop...

Yumakap ako sa tiyahin ko ng mahigpit, takot na takot ako...hinihila ako ng aking ama palayo sa tiyahin ko, ang lulutong ng mura nya... hinihila nya ko palabas ng pinto...

"Putang ina mo...tang ina mo, halika dito, bumitaw ka diyan! wag ka makialam dito!( sabi nya sa tita ko) Pinagtatanggol ako ng tita ko, naririnig kong sinasabihan nyang tumigil na tatay ko, na bata lang ako at wag niya pag diskitahan...

Walang tigil ang pag iyak ko. Hagulgol...saka ko lang narealized na hinihila nya pala ako palabas ng bahay...nun makabitaw ako sa tita ko, kinakadlad nya ako, halos mag dugo ang tuhod at siko ko sa bilis ng paghila nya....

"Putang ina ka, lumayas ka! Di kita kailangan!!!" sigaw niya. Nakita ko pinag titinginan ako ng mga kapitbahay namin. Awang awa ako sa sarili ko...