
Kaya ko pa pala laruin ang larong ito pagkalipas ng mahabang panahon...ang komplikadong paglalaro na matagal ko ng iniwasan...
Nasabi ko sa sariling hinding hindi na, ngunit heto na naman ako. OO kanta yun, sigurado kinanta mo noh?
Nakakapanibago...nakakapanibago lang na may kayakap akong muli...
Nakakapanibago lang na andito ka sa aking tabi...nadadama ang kahubdan mo...init ng katawan mo...
Ganito nga pala ang pakiramdam ng isang mainit na halik...ganito nga pala kasarap ang hatid ng mga nag aalab na labi...
Ganito nga pala ang pakiramdam ng halos malunod sa ligayang hatid ng nag iinit na mga katawan...
Ganito nga pala ang pakiramdam ng may kayakap habang natutulog...hawak hawak ang mga kamay na parang ayaw itong pakawalan...
Ganito nga pala makipaglarong muli...ganito nga pala kasaya ang panandaliang aliw...
Sandaling ligaya sa piling ng isang estranghero...
Salamat sa yo, sa isang hapon na puno ng pagpapaligaya... muli mo'ng pinadama sa akin kung paano mabuhay, kung paano muli maging isang HIGAD sa kati...
charot!
Na kahit sa isang beses, ako'y naging sa iyo, at ika'y naging akin.