Showing posts with label buhay ofw. Show all posts
Showing posts with label buhay ofw. Show all posts

July 8, 2014

My Virgin Boy



Two weeks ago...

Malapit na mag alas dos ng hapon pagtingin ko sa aking relo, nagmamadali na akong mag imis ng gamit ko sa changing room namin sa office para umuwi. May biglaan kasi akong meet up hihihi. Nakilala ko siya online at jusme sa katapat na building lang ng hospital na pinag wowork-an ko siya nagtatrabaho.

O di ba? honglafet!

Nag endorsed lang ako sa sunod na shift and gumora na ako palabas ng office namin. Usapan namin ay sa tapat ng emergency room kami mi-meet. Awkward nga lang dahil naka scrubsuit pa ako pero keribels na.

Nasa tapat na ako ng ER pero wala akong makitang Jojo. I was about to dial his number pero nauna na tumunog ang phone ko dahil tumatawag na pala siya. Asan na ba daw ako. Sabi ko ay nasa labas na ako at hinahanap siya. Nasa tapat daw siya. Sa may parking areas. Natawa ako kasi bakit siya andun.

Maya maya ay may natanaw akong kumakaway sa akin. I waved back. At yun na, Nag lakad na siya palapit sa akin.

Pinagmamasdan ko siya habang papalapit. Lalake naman maglakad. Walang hampas ng balakang. charrr. Matangkad siya, mga 5'9 siguro. Maputi. Naka aviator shades. Naka long sleeve shirt with tie and black slacks. Halatang galing sa opisina.

Hmmm...pwede! Although nakita ko na ang picture niya online iba pa din siyempre sa personal. May mga tao lang kasing photogenic di ba.

Nag offer siya ng kamay for a hand shake na tinanggap ko naman. Im Jojo. Nakangiti niyang pakilala sa akin.

Usapan namin ay magmeet lang kami saglit habang inaantay ko ang transport service ko na parating na in about 15minutes. Pero sa halip ay sinuggest niya na sasama nalang siya sa flat ko and magkwentuhan.

E siyempre di naman tau mga bata para isipin na kwentuhan lang talaga ang gagawin sa bahay di ba. Andami pwde maganap. AT mahina pa naman ako sa tukso. Lorde pls guide me. Charot!

Pinara ko nalang ang taxi na dumaan sa harapan namin at nagpahatid sa flat ko. Along the way ay kwentuhan kami. Masarap siya kausap. Spontaneous. Ayaw na ayaw ko pa naman ng ka meet up na umaasa nalang sa tanong ko para lang may mapag usapan. Ang boring ng ganung tao. Walang kwenta ang ganun.

Sa bahay ay naghain ako na ginataang hipon with kalabasa na hindi ko niluto. Asa pa kayo. LOL. Take out ko yun mula sa pinoy restaurant dito sa Dowha na masarap magluto the other day. Ininit ko lang at sabay na kami nag lunch ng nakakakamay habang tuloy pa din sa kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay naming dalawa.

Ang cowboy lang. Ito gusto ko. Walang arteh.

"alam mo ba Mac na first time ko ginawa toh" sabi niya

"ang alin?"

"itong makipag meet"

"you mean ever? di ka pa nakipag eyeball sa buong buhay mo?" di ako makapaniwalang tanong ko. Feeling ko pa nga ineechos niya ako.

"oo totoo. Mamatay man. Ngayon ko lang ginawa ito, nanginginig pa nga ko kanina habang papalapit sa u sa may ER sa nerbiyos..." natatawa niyang pag amin.

"wow! bakit? ano nakain mo at sinubukan mo na this time?"

"wala lang. out of the blue. Parang sige na nga. tuloy ko na ang pag meet sayo ganyan". dagdag niya. "alam mo bang kahapon ko lang ginawa yun acct ko na yun online. Narinig ko lang sa kasamahan ko and sinubukan kong i-download. Tapos ayun, nagkataon na nag reply ka sa akin. Tuloy tuloy na. buti pala dinawnload ko kundi di kita mamimeet".

"weh? lakas makabola a!" kunyari di ako kinilig. LOL

Napag alaman ko din na never pa pala siya nagka boyfriend or anything na may kinalaman sa pakikipag relasyon sa kapwa lalake. Late bloomer daw siya. At iisa lang daw ang naging girlfriend niya at iyon ay nun first year college pa.

Kaloka. 32 years old na siya. Samantalang ako 22 palang haliparot na ng nayon. Potah.

LOL!!!

"So ibig sabihin Virgin ka pa sa lahat ng parte at anggulo?LOL" nanlalakeng matang tanong ko.

"oo naman, turuan mo ko magkiss? hehehe" ganting biro niya.

Naloka na naman ako sa knya. Ultimo pala pagkiss wala siya karanasan. Grabe may tao palang ganun. hihihi. Andami niya lang na-missed na pagkakataon sa buhay niya haha. Angsarap kaya manlalake!

Natuwa at na excite ako with this guy. Buti nalang I like him. Tuturuan ko siya humalik ng wagas na wagas at lahat lahat na! Minsan lang ata ako makatikim ng ganitong putahi noh. Charot!

Gusto ko siya. Kanina ko pa na confirmed sa sarili ko yan. Nun una kasi di ako sure if magugustuhan niya ako at nagiging polite at nice lang siya sa meet up naming ito. Pero this time tingin ko mutual naman.

He works sa admin sa isang company ng sasakyan na yun nga katapat na katapat lang ng hospital na pinagdu-duty-han ko. At magkalapit lang kami ng bahay, malapit lang. O di ba andaming swak na swak sa amin.

Nanonood lang kami ng TV patrol sa habang nakasandal siya sa headboard ng kama ko. Tinabihan ko siya.

"pwde umakap?" nahihiya pa niyang tanong. Niyakap ko siya at sinubsob niya mukha niya sa may leeg ko. "bango mo naman..." aniya.

Inilapit ko ang lips ko sa lips niya. Titignan ko if totoong di nga siya marunong humalik. Mahahalata ko if he's faking it.

At yun na nga. Hindi nga marunong. Para siyang susupsop ng sabay ng sinigang. LOL. Natatawa pa ako nun inumpisahan ko siyang intruct-kan ng first step at kung kelan niya dapat ilalabas ang dila niya. Ako kasi ayaw na ayaw ko ng nauuna maglabas ng dila kahalikan ko. Gusto ko ako magdidikta kung kelan lalalim ang halik. So much for being in control? LOL

After a few minutes e we're enjoying biting each other's lips. hihihi. Panay na din ang himas niya sa boobs ko. Boobs talaga? lol.

"mahal na ata kita..." bigla niyang nasabi after ng mainit na halikan.

Muntik na ko masamid! ganito ba ang mga virgin talaga? LOL. Para lang siyang teenager. aliw. Panay ang squeezed niya sa katawan ko payakap sa kanya na halatang may panggigil.

Kunyari nalang di ko narinig ang sinabi niya. I dont wanna spoil our moment. Masaya siya kasama and gusto ko ginagawa namin. At ayaw ko ito masira.

Hindi kami nagsex dahil feeling ko hindi pa ito ang tamang oras. Or maybe wala ako sa mood dahil puyat ako ilang araw na kasi akong morning shift.

Nun una dry humping lang ginagawa niya sa ibabaw ko. Pero di siya nakatiis itinaas ang shirt ko. At hinubad din niya shirt niya. He wanted to feel daw my skin under his skin. Pinabayaan ko lang. Pero may erection ako kahit wala ako balak siya pagbigyan na mag sex kami.

Pinagbigyan ko lang siya. Para kasi siyang bata na now lang naregaluhan ng new toy. naaaliw lang ako pagmasdan siya.

"ang sarap mo bhe..." muntik na naman akong masamid sa pagtawag niya sa akin ng bhe.



Dahil tigas na tigas na din ako i pulled down my pants and his kaya halos mapasinghap siya sa sarap nun hubo't hubad na kami and the sensation ng dalawang etits namin na magkalapat. On instinct alam na niya kung paano gumiling sa ibabaw ko para mas lalo madama ang kahubdan ng aming mga pagkalalaki.

L na L na siya at naaliw ako sa itsura niya na parang tortured na tortured. Alam kasi niyang ayaw ko mag sex kami. Sabi ko kasi some other time. haha ang cruel ko lang noh? what to do. ayaw ko naman ng forced sex. Hihihi.

Alas diyes na ata yun ng gabi at pinapauwi ko na siya. Pero imbes na tumayo ay lalo pa siya sisiksik sa katawan ko at aakap ng mahigpit. I find it really sweet.

"anu ka ba kelangan mo na umuwi. Puyat na ako, maaga pa ko bukas.." pagtataboy ko pa sa knya

"e....dito nalang ako tutulog. Bukas nalang ako ng umaga uuwi..." tanggi niya.

"nako hindi pwde, hindi ako sanay ng may katabi matulog haha. kelangan ko matulog ng maayos" sabi ko pa dahil yun naman ang totoo.

"bukas promise. kikita tayo ulet, sige na tayo ka na..."

Napilitan siyang tumayo after ko hilahin sa kama na natatawa. Kulit lang niya at ang tigas ng ulo kakaloka. Pero definitely magkikita pa din kami. I really like him...

My virgin boy.

Hihihi.


July 30, 2013

Sirang Sapatos






"Anak, nakabili na ko ng ticket! Nasa akin na"

Masayang balita sa akin ni Nanay sa text. Agad ko siya tinawagan at kinausap. Gusto ko marinig mismo sa boses nya. Masaya si Nanay, finally tuloy na tuloy na talaga. Kahapon ay pinadalhan ko siya ng pambili ng plane ticket mula dubai pauwi ng pinas. Four years na siyang hindi nakakauwi kaya naman ganun nalang ang tuwa ng aking Ina.

Masaya ako at nagawa ko siyang mapasaya.

Parang kailan lang ni hindi ko magawang bumili ng sapatos. Nun high school halos lumuwa na ang paa ko sa pagkakasira ng suot kong mumurahing sapatos noon. Nilalagyan lang ni Nanay ng rugby at nakailang balik na rin sa pagawaan ng sapatos sa palengke ang kawawang shoes ko.

Ayoko nang bumalik kami sa ganung buhay. Ang hirap. Ang hirap ng naghihikahos. Hindi mo mabili ang gusto mo. Awang awa ako sa sarili ko nun. Mahirap maging bakla na poorita. Alam nyo yan. Charot. hahaha.

Pano ka makikipagdate? paano ka kakain sa restaurant? paano ang sine? paano ang pang motel?at higit sa lahat paano ka poporma?nakakaawa ang baklang baduy at chipipay. charot. naalala ko pa ang pekeng wrangler jeans ko at lacoste poloshirt. lahat galing palengke.

Halos once a year lang kami makakain sa Jollibee, iyon ay kapag naisasama lang kami ng aming tiyahin na medyo may kaya noon. Tapos inuuwi ko pa yun kutsara at cup ng sundae kasing tuwang tuwa kaming magkatid dun.

Halos magkandakuba si Nanay sa pagtitindi sa aming naluluging karinderya noon. Wala na sa abroad ang tatay ko nun. Out of the blue nagdecide siyang wag na mag abroad muli. Ni walang ipon. Ni walang kahit ano. Si Nanay ang umako ng responsibilidad. Kita ko ang paghihirap niya na may mailagay na pagkain sa aming hapag kainan.

Naranasan ko na mag ulam ng toyo dahil isang araw halos walang natira sa maghapong pagtitinda ni Nanay kulang pa pang bayad sa utang sa 5-6.

Bata palang pangarap ko ng makapag abroad. Pangarap nang makatulong sa Nanay ko. OO puro nanay ko nasa isip ko nun. Masyado akong maka Nanay :-)

Ikinagulat ko ang pagdedesisyon ni Nanay na mag DH sa middle east noong makatapos ako ng high school. Gusto daw nya akong mag kolehiyo. Para daw matupad ko pangarap ko. Sobrang lungkot ko nun umalis siya. Emptiness ang nararamdaman ko nun...ang hirap nun nasanay kang lagi mo nakikita Nanay mo tapos biglang mawawala...

Iniisip ko ang sitwasyon nya dun. DH. Hindi madaling mag DH...alam ko yun. Awang awa ako sa knya. After 2 years umuwi siya at nag transfer sa dubai kasama ang kapatid nya. Si Tito Ed. Finally naging OK na ang work niya dun. Hindi na siya DH. Sa opisina na siya nagwowork. Nairaos niya ang pag aaral ko sa buong kolehiyo. Nakakasama namin siya every 2 years.

Si Tito Ed, malakas kumita sa trabaho nya. Nagplano siyang isama na sa dubai ang asawa at nag iisa niyang anak. Nagloan siya ng malaki sa bangko. Kumuha ng maayos na mauupahang bahay. Bili ng bagong kotse. Inenrol sa maayos na school ang anak. Pero hindi nagustuhan ng asawa nya ang buhay sa dubai. Nagpilit itong umuwi kasama ang anak nila. Nabalewala ang lahat ng ginastos ni tito ED para sa pamilya niya.

May nakaalitan siya sa trabaho. Siniraan. Hanggang sa matanggal at tuluyang nawalan ng pag asa. Nagpasya siyang umuwi nalang ng Pilipinas. Nag empake. Tumungo sa airport.

Pero nagkaproblema siya. Naisend na pala ng bangko na inutangan niya ang hold departure memo sa officials ng paliparan. Hinuli at ikinulong si Tito Ed. Hindi ka kasi makakaalis ng Dubai kapag may utang kang malaki sa bangko. Akala nya ay wala siyang magiging problema sa loan nya. Pero nagkamali siya.

Dahil takot na takot at hindi alam ang gagawin. Tinawagan niya ang aking Ina. Dali dali na tumungo sa kulangan si Nanay. Awang awa sa kanyang bunsong kapatid na nasa likod ng rehas. Maski siya ay hindi alam ang gagawin. Kung kanikaninong kakilala humingi ng tulong, halos matuliro si Nanay.

Hindi sapat ang perang hawak niya mula sa mga kaibigang pinoy pampiyansa sa kapatid na nakakulong sa middle east. Iisa nalang ang naisip nya nun mga panahong yun. Mag cash advance sa limang credit cards niya. Hindi pa niya naiisip na lolobo ng ganun kalaki ang interes ng mga hiniram nya.

Nailabas nya ng kulangan si Tito Ed. Pero wala na itong trabaho at nakaasa pa din sa kanya.

2010...nag umpisa ang recession sa dubai...marami ang nawalan ng trabaho. Maraming pinoy ang napilitang umuwi nalang.

Si nanay inalok ng kumpanya na mag stay pero babawasan ng kalati ang sinasahod or umuwi nalang. Pikit matang tinanggap ni Nanay ang pag stay sa office. Hindi niya maaring iwan ang uncle ko. At gaya niya, hindi na rin makakauwi ang aking Ina. Hindi na rin nya kaya bayaran ang hulog sa mga credit card na inutangan niya.  For sure maho-hold na rin siya sa airport...

Muli. Awang awa ako sa kalagayan ng Nanay ko. Gusto ko magalit at sumbatan si Tito Ed...matanda na ang Nanay ko pero bakit kelangan pa niya danasin ang ganung problema. Akala ko ay tapos na si Nanay sa mga ganitong problema. Gusto ko siya sisihin na dahil sa knya hindi makauwi si Nanay dahil sa pagkakaroon ng ganito kalaking utang sa bangko. Dahil sa knya hindi nakakapiling ng Nanay ko ang kanyang mga apo mula sa aking kapatid.

Last year...Kahit nasa abroad na ako ay di sapat ang aking kinikita para bayaran ang lahat ng utang ni Nanay...sabay pa nito ay nagka cancer ang aking bayaw...worried ako sa paghahanap ng extra pera para sa pagtulong sa aking kapatid sa pinas...at ang pag aalala sa aking ina sa dubai na baka hindi na kumakain ng tama mula sa pagbabayad ng utang at sa kakarampot na natitira sa kanyang sinasahod.

Ngayon ko lang ito na-share pero grabe ang mga pagsubok na dumating sa aming pamilya, buti na lamang at sagana ang overtime ko last year, halos araw araw 12 hours ang shift ko sa hospital...nakakapag padala ako sa pinas at sa dubai ng mga pangangailangan nila...may paraan ang Diyos. Nakakatuwa alam niyang hindi kakasya ang sahod ko noon pero tumulong Siya sa akin :-)

This year, buwan ng Marso, dumating ang matagal ko ng inaasahan...ang aking promotion. Itinaas ang aking sweldo ng doble at mga benefits. Sobra ko itong ikinatuwa at ng aking Ina. Ito ang sagot sa problema namin.

Buwan ng Hunyo, binayaran ko ang lahat ng pagkakautang niya...oo mabigat sa bulsa, pero para ito sa aking Ina, para sa peace of mind naming dalawa. Nun naibalita niya sa akin na utang free na siya ay ibang gaan ng kalooban ang nadama ko. Ang sarap ng feeling. Ang sarap ng feeling na finally ito na, tuloy na tuloy na ang pag uwi ni Nanay sa Pinas. Sa pamilya niya, sa mga apo niya. Sa amin na sabik na siyang makasama muli.

Four years. Its a long time.

"Pumunta ako ng office ng airline kanina at binayaran ko na yung ticket....nasa akin na" sagot ni nanay nun kausap ko siya sa telepono. Medyo mahal ang plane ticket niya sa Emirates Airlines pero ok lang sa akin, kaya ko naman bawiin yun sa pag kayod dito. Mabenta pa naman ang beauty ko. Charot. hahaha

Sabay kaming uuwi ng Pilipinas sa Nobyembre. May ilang buwan pa pero excited na kaming pareho. Muli, mabubuo kaming mag anak. Dadalhin ko siya sa Boracay. Alam kong ikasisiya niya na makapunta dun. Cancer free din ngayon ang aking bayaw. Andaming blessings.

Minsan napapangiti ako mag isa. Parang kailan lang, parang wala ng sagot sa problemang kay bigat...Sino ba naman mag aakala na makakaya ko bayaran ang pagkakautang niya. Sino bang mag aakala na kaya ko na siya ibili ng Plane ticket sa isang disenteng airline company. Sino bang mag aakala na unti unti na umaayos ang lahat.

Parang kailan lang, halos lumabas na ang paa ko sa malaking sira ng suot kong mumurahing sapatos :-)

May 30, 2013

Bagong Salta





May dumating kaming bagong staff sa department namin, galing pinas. Si Julie. Mahiyain. Siguro kasi bago pa nga siya, halos wala pang one week. Ganun din ako noon, langya ako sa HINHIN. Ngayon HIHIN-dut*n na? charot!!!

Kanina ko lang siya nakita. Mukha namang mabait at hindi antipatika ang unang impression ko. Base sa pagsagot sagot nya sa mga friendly chit chat namin sa kanya.

We are trying to be friendly din kasi, alam nyo naman bago nga siya, kulit. LOL kaya dapat medyo iparamdam naming mga old staff na accommodating kami kahit papano. At alam din kasi namin ang feeling ng bagong salta. Mahirap sa una. Makikisama ka. At binabantayan ang kilos mo. Kinikilala.

Naitanung ni Aileen if nakuha na ba daw niya yung kanyang 2thou riyals na advance allowance from the finance department. Hindi pa daw. Nagulat kami. Kasi dapat first day palang naibigay na ito sa knya.

Ang sistema kasi upon the day na nagreport ang new staff sa HR at sa Finance dept dapat ibibigay na sa knya ang amount na yun para panimulan. Kasi nga bago pa so getz ng HRD na wala pang panggastos yun staff na kakaltasin sa sahod nya sa katapusan.

Pero sa case ni Julie wala pa daw. Nag worry kami for her. Sabi pa nga nya may ten riyals pa naman daw siya. halos sabay sabay ata kami napa-HAH?????

Jusme nanlaki ang mga mata kong beautiful sa narinig! E ipinapan-tip ko lang yun ten riyals na yun a! Hindi ko maimagine sarili ko with only ten riyals in my pocket! Que Horror!!!!!

Sabi ko "nako, hindi yan kakasya! papahiramin ka ni Aileen~! Aileen pahiramin mo siya ng 500!!!" at talagang si Aileen ang ipinush kong magpautang! hahaha

Hindi naman nag protesta ang bruhang friend ko kaya pilit niya iniaabot kay Julie ang 500. Nahihiya pa siya sa una pero sinabi naming alam namin ang ganyan stage dahil lahat kami ay dumaan sa ganun sitwasyon. Ayaw nya baka naman daw ibigay na sa knya ng Finance Dept yun funds nya this week.

Ako nga nun pinahiram lang din nun mga kasamahan ko. Kumbaga binabalik lang namin yun ginawa din sa amin nung kami naman ang bago. Oo nakakahiya kasi di mo naman sila kaano ano pero ito at iniaabot sau ang pera na di mo naman inask in the first place.

Kelangan mo yun kasi pambili ng mga gamit at pang baon baon. OO may bahay na libre, pero wala kang rice cooker, wala kang kaldero, wala kang kutsara at tinidor, mga maliliit na bagay na kahit ganun ay kelangan na kelangan mo bilang panimula. Yan ang buhay OFW.

Na-touched ako noon sa gestures na yun. Iba talaga ang mga pinoy. Nagtutulungan. Naiintindihan ang pinagdadaanan ng kapwa nila Pinoy na OFW. At sino pa nga ba naman ang magtutulungan di ba kundi tayo tayo din. Kaya dapat sa umpisa palang matuto makisama ng sa gayon madaming ma-gain na friends. Tama?

Dahil bago ako noon at wala pang muwang sa buhay middle east, madalas ay ipinapasyal nila ako, at lahat ng gastos ay nililibre nila ako. Di ba ang saya. Kaya naman as soon as nakuha ko ang first salary ko nun na sobrang di ako makapaniwala sa amount, dahil first time ko makahawak ng ganun salapi! as in! hahaha ay agad ko sila inilibre din ng dinner. Tanda ng aking pasasalamat nun ako ay gipit at baguhan pa.

Mukha namang ok ang personality ni Julie at sana maging close nya kami para madagdagan naman ang grupo ng mga kaibigan ko nagkakaumayan na kasi kami kami. LOL

May 12, 2013

Kay Mother Lily..... Charrrrr!





Lahat tayo may kanya kanyang story about our own mothers. Mayroong sad, mayroon mga nakakatawa, bitter sweet memories. Since its mother's day I'll dedicate this day, this space, to my own mother.

Andami kong memories of her, pero buhay pa mom ko ha! mabuti nang malinaw. LOL

Naalala ko pa nun 7 or 8 years old ata ako nun, nagbibihis yun mom ko sa harap ko, wala siya paki kahit nakikita ko dibdib niya. wala naman ako malisya noon hihi.

Dahil medyo malaki naman kinikita ng tatay ko noon sa saudi, kapag malapit na ang school year bitbit kami ni Nanay papunta ng SM makati para mamili ng school supplies. Ang haggard lang nun mga panahong yun kasi yun lang ang branch na pinakamalapit sa laguna. lol naaalala ko kasi kung paano kami matiyagang kalong ni nanay sa jeep habang andami naming bitbit na plastic bags. at effort yun layo nun ha!
        
Tapos may karinderya mom ko nun, ang galing ko lang mangupit dun sa lagayan niya ng pera. Alam ko alam nyang nakupit ako pero deadma lang siya :-)

Ang sakit din mangurot ni mother sa tagiliran ko kapag may ginagawa akong hindi nya ikinakatuwa. As in parang tuklap ang balat ko sa sakit. Mahaba pa naman mga kuko niya noon na laging may matitingkad na kulay. Oo kikay kasi nanay ko.

Naalala ko pa na ayaw na ayaw niya naglalaba. Gawin na daw niya lahat wag lang maglaba. Pero the best magluto si nanay. Lalo na yung hamonado at menudo. As in! nakakamiss tuloyyyy!

Masarap din siya gumawa ng leche flan. perfect texture yun ha! natatawa ako kapag naalala ko kung paano namin daliriin at dilaang magkapatid yun mga lata ng condensed milk ng alaska noon kapag nagawa siya nito. sarap kaya! till now nabili ako ng condensed milk, itatapon ko laman tapos saidin ko lang yun nasa lata. charrrr

E yung nagpatuli ako si Nanay din kasama ko sa clinic ng doktor! LOL pero ako naman mag isa nalang nag langgas nun may pinakuluan ng dahon ng bayabas hahaha!

Tapos tuwing mananaginip ako ng masama tatawagin ko siya from my room kasi plywood na manipis lang division ng rooms ng bahay namin noon e, sasabihin lang niya: wala yan...tulog ka na...dito lang ako.

Hindi ko din makalimutan ang smile sa face nya nung ibinalita ko sa knya na first honor ako sa klase namin nun grade 5 ako at sinabi ko sa knyang kelangan niya sumama sa recognition day namin. Nagpa kulot pa siya nun. yun parang kay Tina Turner. Lol

Pinakamasakit siguro na naibigay ko sa nanay ko noon e nun hindi ako pinag martsa ng dean namin nun college graduation ko kasi hindi kami naka take ng revalida exam dahil sa napakawalang kwentang dahilan. Umuwi pa yung mom ko nun just for my graduation. Ramdam ko yun disappointment nya...Nakapasa naman ako kaya lang hindi ako pinag martsa. For a mother na nagsakripisyo ng ilang taon sa abroad para mapag aral ang anak, alam ko pangarap niyang makasama ko sa aking pag opisyal na pagtatapos.

Hinayupak kasi talaga yun dean namin! tseh! ewan if nakuha na niya karma nya. charr.

Kaya to my mom, salamat sa lahat ng mga sakripisyo mo, salamat sa lahat ng pang unawa at pagmamahal. Mag four years na tayong di nagkikita. Pero alam kong alam mo na ginagawa ko ang lahat with all my power para matuloy na ang ating family reunion this coming November. Excited na ko ipasyal ka at iparamdam na special ka sa amin. Konting tiis pa mother :-)


April 15, 2013

Buhay OFW Ko.



Buhay Dowha.

Buhay OFW.

Pano nga ba? Siguro kapareho lang din ng ibang OFW around the world ang buhay ko dito. Nakatira sa isang flat, may tatlong bedroom, tig isa isa kami ng kwarto kaya may privacy at gumawa ng kung ano ano na alam nyo na!. At alam kong gawain ng lahat ng single OFW! nyahaha!!!

Kaya mahal na mahal ko ang  kaliwa kong palad! LOL! ewan bakit kapag sa kanan hindi masarap. (TMI alert!!!!)

Anyways, yun nga may dalawa akong pinoy na housemates na dental tech, at lagi nakakaiwan ng kalan na nakabukas. Ang ganda lang noh? pero since ayoko ma-stress sa kanila, bahala na sila, take lang ako ng picture at date ng kalan na naiwan nila, kapag nagkasunog at nag imbestiga, may katibayan ako na di ako ang pabaya. Tseh.

Weather dito ngayon nasa 30-35 degrees Celsius. Umiinit na. Pero keri naman dahil lahat naman ng lugar ay naka AC. Hindi nga ako halos pinapawisan. Madali din ang transportation, pagpasok sa work nagtataxi ako at hindi mahirap sumakay. Pauwi ay may tranport akong van kasi mahirap sumakay pauwi from the hospital.

Tipikal na araw ko ay magsisimula sa work. Kakain muna bago pumasok. May mga nakaimbak na akong food sa fridge, minsan ay nag papadeliver nalang ako ng lutong ulam sa malapit na pinoy restaurant sa building namin. Nakakaaliw ang mga pangalan nila, mayroong, Pueto Galera, may Boracay, at may Little Manila. Pero sa Amwaj ako madalas magpadeliver since sila pinakamalapit sa akin, paborito kong orderin ang Fried chicken nila na lasang Andoks with mang tomas sauce ha, masarap din ang bulalo nila, jusme! Nakapag grocery na din ako ng mga kakailanganin ko sa pang araw araw. May Jollibee at Chowking na din dito at soon daw ay ang Gerry's grill.

Kapag naubusan ako ng water, ng mantika, or toyo or suka, isang tawag mo lang sa telepono ay may magdadala nito sau sa main door mo. Basta dapat minumum na 10 riyals ang ipapadeliver mo. I love this service! Sana may ganito sa pinas noh?

Pero since diet ako this month, madalas ay bread lang or gulay or nagpapapak lang ako ng ulam kada kakain. Bawal na muna ang rice. Pagkakain ay itatapon ko yun plato,baso, kutsara at tinidor at mangkok sa basurahan. UU. Kasi disposable lahat sila hahaha. Ayoko kasi naghuhugas ng pinagkainan!

Usually 8 hours akong duduty ngayon sa Accident and Emergency room, medyo busy pero keri naman at happy kasi angdaming cute nurses at EMS hihihi. Masaya na din ako dito kahit nami-miss ko yung dating area ko sa ICU sa Cardiology Hospital.

May baon na din akong bread or kung anu man kapag oras na ng break or kadalasan kapag tinatamad ay bumibili nalang sa cafeteria. May branch naman ng Starbucks sa vicinity ng hospital kaya kapag trip mag kape e lakad lang ng konti.

Alam nyo naman halo halong lahi kami dito sa hospital. Kaya matututo ka talaga makisama at habaan ang pasensya mo. Dahil sa totoo lang nakaka-stress sila! Pero di naman dapat ay lagi pasensiya di ba, kapag natatapakan na karapatan at pagkatao mo dapat marunong ka din lumaban, pero bawal makipag suntukan or sabunutan, kundi mateterminate kami pareho hahaha.

Meron din kaming man made island gaya ng sa dubai hehe

Ma-traffic na din dito, konti lang kasi mga fly over at infrastructures, soon pa, may mga plano na sila to improve the road and maglagay ng subway gaya ng nasa Dubai.

After 30 minutes naihatid na ko ng van at makakauwi na ko sa bahay. Nasa accommodation ako na provided ng hospital. Libre lahat. Wala na ko iintindihin kundi pangkain ko. Nasa ika anim na palapag ako kaya lagi sasakay ng elevator ay minsan ay may makakasabay na Pana or arabo na ke baho. Kaya dapat shallow breathing ka lang sa mga ganitong pagkakataon. LOL

Nasa akin ang pinakamalaking room sa flat namin. Swerte lang ako at ito ang napataon na mapabigay sa kin. kaya naman naglagay na ko ng maliit na dining table, 2 couch, tv, at isang personal ref. Para di na ko lalabas ng room ko at makigulo dun sa dalawang ungas kong housemates. May common kitchen at living room kami. Civil lang ako sa kanila. Di pa naman kami nag aaway haha. Basta la pakialaman ganyan.

Kapag nasa bahay usually online lang ako, nood ng balita, nood ng mga tv series na paborito ko habang nakatodo ang AC at balot na balot ako ng kumot sa couch hahaha. Hindi din ako nawawalan ng makukokot na snacks. I love growers peanuts or cheese rings at lalo na ang Lindt white chocolates.

Hirap lang minsan mag isip ng kakainin kapag namumuhay ka ng solo sa abroad. Di gaya sa pinas na pag uwi natin ay may nakahanda ng pagkain. Hirap din ako sa pamimilantsa. Ayheytit! Paglalaba naman ay madali lang, ilalagay ko lang sila sa automatic washing machine, set lang ng timer at yun na! Isasampay nalang after!

Gusto ko lang dito ay yun fast internet connection, at 3G signals ng blackberry ko. Jusme kung sa atin malamang kunsimido na ko araw araw. LOL

ito ang public market namin dito, sa souq. ganda dito feel na feel mo yun arab culture :-)

At nakakaloka lang na kapag may naiwan kang gamit somewhere pagbalik mo andun pa din yun kapag nakalimutan mo. Hindi din kami worried na mahablutan, or malaslasan ng bag haha. Safe na safe ang feeling! Pero kahit na sabihin pang OK naman ako dito, iba pa din sa pinas, yun ang bayan natin e, mahal ko bansa natin infairness! Kung kaya nga lang ako bigyan ng ganitong sahod sa pinas e why not. Malamang wala ng mangingibang bayan pang Pinoy for sure :-0

Bata pa ko pangarap ko ng makapag abroad, naniwala sa akin ang Nanay ko kaya naman pinagsumikapan niyang maka graduate ako. Masaya akong I'm living OUR dreams. Namin ng Nanay ko. Ni sa hinagap di ko inakala na makakarating ako ng London at Germany dahil sa work ko na ito. At so far thankful ako sa mga blessings at mga kaibigan na natanggap ko for the past four years, well almost. hehehe.