Showing posts with label hospital staff. Show all posts
Showing posts with label hospital staff. Show all posts

February 3, 2014

Bagong Pugad


Hello everyone!

Sorry now lang nakapag update ng blog. Andami ganap lately haha. Kakaloka. Unahin ko na muna ichika sa inyo ang paglipat ko ng accommodation.

Naglabas kasi ng memo na kelangan na daw namin i-vacate yun current na tinitirahan namin dahil kelangan na itong irenovate. No choice ako kahit ayaw ko umalis dun sa flat na tinirahan ko for almost five years.

Medyo senti lang ako dahil mula umpisa ay dun na ako nakatira. Mahirap iwan yun flat na yun for me. Andami ko memories dun kaya!

Henywayz, since ala naman ako magagawa kundi sumunod sa utos ng management, nagpalipat ako ng new building. Ipinaubaya ko na sa housing supervisor namin na british na medyo antipatika ang pag hahanap ng new balur for me, basta sinabi ko sa knya na gusto ko sa same area lang din mapapalipat.

Masaya kasi ako sa district na itetch. Andito ang mga boylet ko. haha ayaw ko mapalayo!

Kinabukasan din tinawagan ako ni brit guy at sinabing may nahanap na siya for me at kunin ko nalang daw sa office niya ang keys.

Nakakaloka pa ha, ni walang address at ni walang direction pano pumunta. Wala siyang silbi. I have to make research pa kung san hahanapin ang building. Good thing may kakilala kaming nurse na dun din nakatira so I make sama my girl friend na may carlalu at nagpasama kami kay nurse para masilip ang new balur na lilipatan ko.

At nagustuhan ko naman nun mag ocular kami! Ocular talaga? hihi.




At sumunod na mga araw ay naging abala ako pag eempake at pag lalagay sa containers at boxes ang lahat ng mga naipon kong gamit for the past years. Andami ko palang clutter jusme. Kung anik anik. I have to give up some of them and throw. Masyado na madami.

Company accommodation ito. Fully furnished na itong flat namin. Wala na kelangan dalhin na gamit kundi mga personal keme nalang. Tatlo ang rooms dito. Tig iisa kami. So far dalawa palang kami dito sa flat.

O ayan parang episode lang ng KrisTV! kaya ipapasilip ko sa inyo ang aking crib! para may idea kayo pano maging OFW na gaya ko ditey sa Dowha :-)



Our living and dining room na natawa ako kasi parang bahay ng vampire.


ayan sensiya na hindi ako magaling mag ayos ng room ko haha ang bare ng wall  and floor ko noh? soon lalagay ako ng mga decoration at carpet para masabi naman na gurl ang nakatira ditey. charrrr


comfy naman yun bed infairness. At gusto ko madaming madaming unan. lahat ng side meron. Nasa 2nd floor ako kaya minsan naririnig ko yun pagdaan ng sasakyan. Yun lang ang ayaw ko dito.


side table ko. hindi dapat mawalan ng tissue sa malapit haha! wag madumi utak. may allegic rhinitis ako so lagi ako may sipon. tseh.

May buddha pampabuenas.


Sadyang nakatapat ang TV ko sa kama para masarap manood ng nakahiga :-)
























naka HDMI din yun TV sa laptop ko at may bluetooth mouse and keyboard na din para wala nang tayuan sa kama. BTW, si Bok nga pala nag assemble ng lagayan ko ng TV at swivel chair. Bati na kami e hehe.


ayan ang mga anik anik ko. tatlo hard drive ko kasi mahilig ako mag download ng mga torrent files






kikay keme ko haha...pang lola itong tokador kakaloka









dapat my lifesize mirror pang selfie noh!

view ko from my window. isang arab gradeschool na wala naman akong matanaw na student haha. Boring noh?

May mini dining table din ako inside. Mas ok kasi kumain dito kesa sa dining room sa labas ng room wala naman ako kasabay kasi kumain. so dito nalang. At yang parang orocan na drawer andiyan mga pika pika at mga kung ano anong kelangan sa pamumuhay. LOL


like ko din mag collect ng mga ref magnet. at dapat may microwave sa room diretso init paglabas ng food sa personal fridge.

hindi kasya sa cabinet ang mga damit ko haha. so i have to make this ek ek, mga uniforms at mga madalas gamitin lang ang nilagay ko dito para no need na magbukas pa ng aparador  



sensiya na sa banyo ok. I got the masters bedroom kaya may sarili akong bathroom...oo pink ang basurahan ko.


 napapadami na shoes ko kelangan na ng mas malaking shoe rack, I know. And I love the Onitsuka Tiger shoes from Japan! feeling ko ito nalang brand na toh lagi ko babuy soon and dispose na yun iba hihihi.


dito na din ako sa loob nagsasampay, oh di ba lahat na nasa room?! wala na talagang labasan talaga. Extra washing mashine ko yan nasa gilid. nasiraan kasi dati one week ako di nakalaba so bumili ako.

May automatic washing machine sa kusina na provided for us, na na-drier na paglabas isasampay nalang. halos tuyo na din naman kaya hindi ko sa labas sinasampay and besides maalikabok sa labas. kaya dito na lang sila sa loob.


at infairness sa kitchen namin ha working kitchen talaga siya compared sa inalisan ko na flat, kaya dito masipag ako magluto. mga gisa gisa, prito prito hahaha dahil yun lang kaya ng powers ko! 

Interesting yun new housemate ko na medtech...maputi...twink hihihi, mahiyain nga lang at halos di ko nakikita. 2 weeks na ko dito e 3x palang ata kami nag abot. One time lumabas na wala shirt! jusko! hirap na hirap ako huminga nun! sana wag na niya ulitin baka mag seizure ako! charot!


October 21, 2013

Laruan


Kung nabasa nyo recent posts ko ay malalaman nyo na galing ako ng thailand, part ng trabaho ko dito sa middle east ay ang mag escort ng patient kasama ang isang doctor at isang nurse via airplane kung san bansa (mapa-UK, mapa-Germany, mapa-USA pa ito) gusto nun relative ipagamot yun kamag anak nila na patient namin. Sasagutin ito ng gobyerno nila at ng hospital namin. Di ba ang saya maging local. Kainggit much.

Anywayz, naikwento ko na ang masayang pagpasyal at mga kabalahuraang ginawa namin sa mga tourists spots sa bangkok sa past posts ko. Basahin nyo nalang ok?

Nun last night ko sa bangkok, nakaplano na talaga na bumili ako ng sex toys hihihi oo you heard me right. May nakita kasi akong store sa bangkok online na yun nga kumpleto sila sa lahat ng mga laruan sa pagpapaligaya mapababae ka man o lalake or beki. LOL

Pumara ako ng taxi at isang matandang Thailander ang nagmamaneho. I showed him the address of the store na sinulat ko sa maliit na papel. Hindi siya nag eenglish masyado kaya he had to call using his mobile to this operator na parang na figure out ko nalang na call center siguro for the taxi drivers kapag di sila makapag english at kapag di nila alam yun destination.

Ipinakausap sa akin ni Tatang. Tatang??? LOL yun operator sa phone. Inglesher siya kaya naman madali kami nagkaintindahan. Medyo awkward lang nun dinescribed ko kung ano yung store na yun haha. "uhm, its a sex toy shop....(please repeat sir I didnt get that) its a...a...sex toy...they sell toys for sex...." pag uulit ko pa kaloka!

Sa wakas ay alam na ng driver at tinahak na namin ang daan, usapan namin ay 300 baht ang bayad. Medyo malayo kasi napatunayan ko naman. Pero pagdating dun sa address sabi nun guard ay closed na daw yun store na yun matagal na! Muntik pa ko matawa kung pano nya idescribed sa amin na closed na nga kasi di din siya masyado nagsasalita ng english. Pinag ekis nya arms nya na parang si april boy regino kapag kumanta! I forgot the song! LOL!

Gusto ko mapa tumbling!

Pero no choice na ako. Hindi naman niya masabi if sarado na talaga or lumipat lang ng ibang location since di nga sila mga inglisher! kaashar! *arteh!*

So inisip ko ang Plan B.

Ang ginawa ko ay tinawagan ko si Ganda2 and asking san yun street na dinaanan namin the other night na nakita ko na madaming tindang sex toys. Natawa pa nga siya sa mga tinatanung ko. haha sabi niya ay malapit lang daw yun sa may hotel ko. Lakad lakadin ko lang daw. "friend gabi na umuwi ka na" natatawa pa niyang dagdag bago ako nagpaalam.

Yun nga lang bangketa level bagsak ko haha.

Sinabi ko kay TATANG na ibalik ako sa may NANA BTS (train station) malapit sa hotel na pinanggalingan ko. Kaya naman 600 baht tuloy ang bill ko. tseh. Pero keri lang alang alang sa kalibugan. hahahha Inisip ko naman ikaliligaya ko naman itong ginagawa kong ito soon. Charot

Ay ayun na nga binaybay ko na ang kahabaan ng bangketa. Lakad lakad kembot kembot ng slight (charrr lang noh ang manly ko kaya. charot ulit hahaha) at na sight-tingan ko na ang mga hinahanap ko. Medyo nahiya pa ko lumapit. Pero nun may nakikita akong mga lalake na ang lalake na katawan na tumitingin at dumadampot din ay sumugod na din ako at hinawi sila. tseh.

Una kong hinanap ay ang famous na famous na fleshlights. Matagal ko na gusto bumili nito. Infact nun nasa London ako bibili na sana ako kaya lang natakot ako na baka masita ako sa Dowha airport. Kaya nagbago isip ko, pero sabi naman nun ilang kakilala ko ay nakakalusot naman daw.

Sa mga di nakakaalam. Google nyo nalang! mas masarap magsarili using this hihihi


Kaso wala na daw silang stocks. Ayoko naman nun nakadisplay na at mukha nang madumi dahil sa alikabok, mahirap na baka mangati etits ko. LOL

So lakad na naman ako at tingin tingin sa ibang pwesto. Madali naman makahanap bilang nakabalandra lang sila dun sa daan. Nakakaaliw talaga dito sa bangkok. Lahat nalang pwde haha. Pwde sila mag buyangyang ng mga nagtitirikan nilang sandata on stage sa mga clubs nila without fear of raid sa kapulisan na gaya ng sa pinas at pwde kapa mag take home! pero di ko ginawa, ayaw ko parang ang cheap kasi, pero baka next balik ko nalang? LOL at heto pa parang legal pa ang prostitution bilang andami din mga spas na nag ooffer ng E.S this is a modern SIN CITY!



Dinampot ko si mamink mink na fleshlight at agad na lumapit sa akin ang tindero, pernes magaling mag english ahaha wala daw sila nun ass fleshlight bilang bakla ako anubah haha. Ang andun lang ay pussy fleshlight huhuhu. No choice na ako. Nagtawaran kami ni koyah at nabili ko ng 1000baht na dating 1500. Keri na, andami ko pa kayang pera nun, pabalik na ako ng doha e umaapaw pa ang baht ko. Chararat! hahahha *yabang lang pow yun*




It came with a remote control too kasi there's a vibrator inside pala hihi

Hindi pa tapos ang transaksyon namin noh, tumingin din ako ng iba pa. Saw this spikey condom made of silicon na curious ako kaya binili ko din.



Napatingin ako sa mga dildos ni koyah. Honglalaki! at ito namang si koyah observant! agad ako inuto uto about them. At nakakaloka ang inaabot niya sa akin ay yung pinakamalaking dildo na kulay brown! pang negro level!!!

Que Horror.

Gusto ko sana siya sabihan ng "exchuse me koyah! kala mo sa akin maluwang na maluwang na at yang ga bakawan na size inaabot mo sa akin???"

"no...no..the small one only..." ang kipot ng bibig ko nun sinabi ko yan. LOL

Yun pinakamaliit binili ko noh wag nga kayong ano diyan. Tapos yun di masyadong korte yun ulo para di makita sa xray sa airport hihihi. Bumili din ako ng kung ano ano pang abubot na cream na pampadulas na later on di ko naman ginamit at tinapon nalang. Walang kwenta e.


Di ko pa nagagamit till now. Wala ako sa mood e haha!

Infairness kay koyah ayos na ayos ang pagkakabalot at di halata na mga kabalahuraan yun tinda nya. Ayos. Hindi ako maakward na bitbitin pabalik ng hotel ko.

Dumaan ako ng mcdo at nag take out ng food bilang gutom na ko. Wala naman ako kasabay kaya sa hotel ko nalang kakainin.

Pagkakain ay nanood lang ng TV at nag ayos ayos ng bagahe ko. Maaga ang flight ko and its 11pm na ng gabi. Pero parang di ako mapakali. Napapatingin ako sa mga pinamili ko. Hanggang sa sumuko ako at naupo at muli silang binuksan sa maayos na pagkakabalot ni koya.

Inisa isa. At agad na nag init at nilibugan. Iiling iling nalang ako nun sumampa sa kama at ibinaba ang short at underwear ko. LOL

Binuhusan ko ng madaming lubricant yun paligid at butas ng fleshlight. Its made of pure silicon kaya naman parang skin talaga ng tao sa pandama ko. Kairita lang na pang straight ito haha. Korting korti ang vagina...the labia majoras, the canal and the clit are there na talaga namang napaka prominent. Pero pikit matang ipinasok ko ang tigas na tigas ng etits ko sa butas. Pero putcha unang labas masok palang napapatirik na mata ko!

Hongsarap! shet!

Unat na unat din ang mga binti ko at napapataas pa balakang ko. It felt so good kainis. Iniimagine ko nalang ass siya imbes na pussy!

Hanggang sa di ko na napigilan at dun ko na mismo ipinutok sa loob.

LOL!

Napuyat tuloy ako dahil sa fleshlight na yun. Asar. Pero masaya akong nakabalik ng Dowha na todo kabado ako kasi after makuha sa conveyor yun dalawa kong maleta, pagdaan ko sa xray door ay nag alarm ito. Agad na lumapit ang arabong officer at pinasunod ako sa knya. He need another xray daw. This time yun mas malaki to see.

Anglakas ng tibok ng puso ko. Jusko baka makita yun fleshlight na itinabi ko sa mga mugs and tumbler ng starbucks na binili ko bilang pasalubong dahil mukha naman talagang tumber din yun toy ko noh.

Dalawa maleta ko: isang black at isang orange. Nun itinuro nun officer yun kulay black ko na maleta to xray again ay nakahinga ako ng maluwag. It contained my medical equipments. Nasa kulay orange na maleta yun mga laruan ko. Hihihi

Lumabas ako ng airport na nakangiti.


Success.

May 30, 2013

Bagong Salta





May dumating kaming bagong staff sa department namin, galing pinas. Si Julie. Mahiyain. Siguro kasi bago pa nga siya, halos wala pang one week. Ganun din ako noon, langya ako sa HINHIN. Ngayon HIHIN-dut*n na? charot!!!

Kanina ko lang siya nakita. Mukha namang mabait at hindi antipatika ang unang impression ko. Base sa pagsagot sagot nya sa mga friendly chit chat namin sa kanya.

We are trying to be friendly din kasi, alam nyo naman bago nga siya, kulit. LOL kaya dapat medyo iparamdam naming mga old staff na accommodating kami kahit papano. At alam din kasi namin ang feeling ng bagong salta. Mahirap sa una. Makikisama ka. At binabantayan ang kilos mo. Kinikilala.

Naitanung ni Aileen if nakuha na ba daw niya yung kanyang 2thou riyals na advance allowance from the finance department. Hindi pa daw. Nagulat kami. Kasi dapat first day palang naibigay na ito sa knya.

Ang sistema kasi upon the day na nagreport ang new staff sa HR at sa Finance dept dapat ibibigay na sa knya ang amount na yun para panimulan. Kasi nga bago pa so getz ng HRD na wala pang panggastos yun staff na kakaltasin sa sahod nya sa katapusan.

Pero sa case ni Julie wala pa daw. Nag worry kami for her. Sabi pa nga nya may ten riyals pa naman daw siya. halos sabay sabay ata kami napa-HAH?????

Jusme nanlaki ang mga mata kong beautiful sa narinig! E ipinapan-tip ko lang yun ten riyals na yun a! Hindi ko maimagine sarili ko with only ten riyals in my pocket! Que Horror!!!!!

Sabi ko "nako, hindi yan kakasya! papahiramin ka ni Aileen~! Aileen pahiramin mo siya ng 500!!!" at talagang si Aileen ang ipinush kong magpautang! hahaha

Hindi naman nag protesta ang bruhang friend ko kaya pilit niya iniaabot kay Julie ang 500. Nahihiya pa siya sa una pero sinabi naming alam namin ang ganyan stage dahil lahat kami ay dumaan sa ganun sitwasyon. Ayaw nya baka naman daw ibigay na sa knya ng Finance Dept yun funds nya this week.

Ako nga nun pinahiram lang din nun mga kasamahan ko. Kumbaga binabalik lang namin yun ginawa din sa amin nung kami naman ang bago. Oo nakakahiya kasi di mo naman sila kaano ano pero ito at iniaabot sau ang pera na di mo naman inask in the first place.

Kelangan mo yun kasi pambili ng mga gamit at pang baon baon. OO may bahay na libre, pero wala kang rice cooker, wala kang kaldero, wala kang kutsara at tinidor, mga maliliit na bagay na kahit ganun ay kelangan na kelangan mo bilang panimula. Yan ang buhay OFW.

Na-touched ako noon sa gestures na yun. Iba talaga ang mga pinoy. Nagtutulungan. Naiintindihan ang pinagdadaanan ng kapwa nila Pinoy na OFW. At sino pa nga ba naman ang magtutulungan di ba kundi tayo tayo din. Kaya dapat sa umpisa palang matuto makisama ng sa gayon madaming ma-gain na friends. Tama?

Dahil bago ako noon at wala pang muwang sa buhay middle east, madalas ay ipinapasyal nila ako, at lahat ng gastos ay nililibre nila ako. Di ba ang saya. Kaya naman as soon as nakuha ko ang first salary ko nun na sobrang di ako makapaniwala sa amount, dahil first time ko makahawak ng ganun salapi! as in! hahaha ay agad ko sila inilibre din ng dinner. Tanda ng aking pasasalamat nun ako ay gipit at baguhan pa.

Mukha namang ok ang personality ni Julie at sana maging close nya kami para madagdagan naman ang grupo ng mga kaibigan ko nagkakaumayan na kasi kami kami. LOL

September 4, 2012

Kalokang Jutay!



Warning: OA ang mga kaganapan. LOL


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin sunduin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, ibabalik sa cardiology ICU, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itetch!

Ang layo pa namin!!!

As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, yun ibang issue, sila na bahalang lumutas! ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, please throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinembot ko.

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na ng tibok ng puso, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! muntik ng tumilapon yun bitbit namin na tao sa stretcher!

Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL




This is a re-post from Sept. of 2010.

May 2, 2012

Dragged


I was alone on my evening/night shift (16hrs) that time on our department when patients kept on coming till I cannot handle the procedures anymore. There's cardiac arrest at the ER, there's problem at the machine at the ICU and the countless treatments at the wards. I cannot keep up anymore.

This happened a few years back when I was still working at a tertiary hospital in our country.

I called Ate Josie, our nursing assistant during the day shift to please come to work (its her day off) for overtime of course, and help me with the increasing hospital demands from our department. She said yes and I was glad she could help.

Hours have passed and I was wondering what could have happened to her. She's not answering her cellphone.

I went to the emergency room to check on some patients there when I saw Ate Josie lying on one of our stretcher. She's on her white uniform and to my surprised...she's covered with mud, and some stains of blood!

I've noticed that she has abrasions, and small wounds on her elbows, on her knees and feet...

I immediately approached her with a worried face. I love Ate Josie and I don't know how to react on seing her like this!

That's when I realized her husband was there beside her holding her hand. Ate Josie is conscious but I could tell how much pain she's experiencing. She's complaining about her back and arms.

I asked her husband what happened when they injected her muscle relaxant to calm and relax her a little bit. He said that they're on their way to the hospital since I called Ate Josie to help me out, he was driving their own tricycle and Ate seated at his back when two guys riding a motorcycle grabbed Ate Josie's bag.

She was horrified! she held on to her bag while both vehicles are running fast at the highway. The guy grabbing her bag did not let go and pulled much harder till...

Ate Josie fell off the tricycle.

Dragged along the road.

Till the thieves got her bag with all her money.

Ate Josie was on the middle of the road.

Covered with mud.

Bleeding. In the rain.

I was in shocked. I think I wanna cry.

I don't know what to say. I think may face turned red with so much emotions going on with me. Guilt. Anger. I felt bad. I felt sad.

There's no one to blame but me. If I didn't call her. These won't even happen. She'll be at home having her cup of tea. She'll be asleep.

I should have left her alone.

When I approached Ate Josie after a while. I told her how I feel. I told her how sorry I was. She said that its not my fault, that I should not beat myself up...that we just be thankful that its not that bad...

I cannot even look at her husband's eye... Who's just been silent all along. I know he's thinking otherwise. But how can I blame him?

This whole mess is on me.

November 28, 2011

Platlayns


Bata palang ako, madalas na ko ma-amaze sa mga doktor at narses noon...parang naiimagine ko ang sarili ko na naka-puti din kapag napapadaan at napapadalaw kami ng nanay ko sa loob ng ospital.

Pangarap lang yun, kasi alam ko naman na wala kami pera at mahal ang gastusin mag aral ng mga ganung kurso sa kolehiyo.

Pero tinupad ng Nanay ko ang pangarap kong yon. Nakipag sapalaran siya noon sa gitnang silangan at pinatapos ako ng pag aaral sa kursong napili ko. Isa na akong Therapist. Isa nang kasama sa team ng mga propesyunal na may misyon na tumulong manggamot ng mga may karamdaman...

Halos kalahati ng buhay ko ata ay nagugol ko na sa loob ng ospital. Mula nun mag aaral pa lang ako, nun mag internship, nung mag training. At ngayong nagta-trabaho na. Hindi ko naiimagine ang buhay ko sa ibang karera.

Ito ang ginusto ko noon, ito ang pinaghirapan ng Nanay kong ipatapos sa akin, kaya naman pinilit ko itong tapusin.

At kaya ko sabihin ng diretsahan kahit kanino na mahal ko ang trabaho ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko maraming iba sa atin ang hindi ganito. Maituturing ko na masuwerte ako. Hindi ko alam kung darating din ako sa puntong mabubuwisit at maiirita na ko sa trabahong araw araw kong ginagawa.

Wag naman sana muna.

Pero hindi din naman lahat e masaya, siyempre meron din mga pagkakataon na mabigat sa kalooban ko ang ibang parte ng trabaho ko.

Madalas kasi sa loob ng ICU ako kailangan. Kritekal ang mga pasyente na mina-manage ko. Of course katulong at may direktiba ng doctor.

Mga comotose, mga 50/50 na halos ang chance mabuhay, mga pasyenteng nakaasa nalang sa mga makinang pang-hinga (ventilators/life support) at gamot na pampatibok ng puso.

People die here all the time sabi nga ng ibang kaibigan ko. Kaya naman siguro madaming tao ang ayaw sa ospital. They could smell death.

May mga pagkakataon na pinapayuhan nalang ang mga kamag anak na iuwi nalang nila or ipa-stop na ang life support ng pasyente.

Alam ko mahirap na desisyon ang kailangan nilang gawin. Kung ako man ang nasa kanilang kalagayan ay mag aagam-agam din ako. Pero minsan kasi, kahit nagawa na at naibigay na natin ang lahat, pero kapag wala pa rin, wala na talaga tayo magagawa kundi ang ipasa-diyos na lang ang lahat.

Isinasaalang-alang din dito ang lumulobong gastusin. Hindi biro ang gastusin sa mga ganitong kondisyon lalo't balewala na rin naman ang lahat...

Nakakalungkot din ito sa parte ko na somehow naging familiar na ako sa pasyenteng hinahandle ko...yun iba pa nga sa kanila inaabot ng ilang buwan sa care namin...

Naiintindihan ko na wala halos may gusto na mag volunteer sa pamilya ng patient. Sino nga naman ba ang may gusto na ikaw ang pipindot ng makina na eventually e papatay sa mahal nila sa buhay di ba?

Ako ang kailangan magturo sa isang miyembro ng pamilya kung paano at saan ang dapat niya pindutin sa ventilator...

Hindi ko gusto ang sitwasyon na ganito...mahirap...nakaka-guilty...

"Mam, oras na po...lapit kayo dito...ito po ang pipindutin nyo..."

"Alin dito?" saka siya muling titingin sa akin at sasabihin:

"Hindi ko kaya...hindi ko pala kaya (titingin sa mga kasama niya parang sumasaklolo)...please ikaw nalang ang mag turn off for me" sabay hikbi at akap sa iba pa niyang kapamilya.

Nalalagay ako sa ganyang alanganing sitwasyon. May nagba-back out. Hindi na ito bago sa akin...Titingin ako sa doktor na katabi ko at tatango lang siya akin.

Wala ako choice kundi gawin ang inaatas sa akin. Hihinga lang ako ng malalim at saka i-press ang power off ng makina. Pagkatapos ay maririnig ang biglaang pagtigil ng kanina lamang ay tumutunog at umiilaw na ventilator.

Katahimikan. Parang nakakabingi...

Lahat ay nakatingin sa taong nasa kama sa gitna naming lahat...unti-unting tumitigil ang kanyang paghinga...parang nauupos na kandila...

hanggang sa tuluyan ng pumanatag ang kanyang dibdib...

hanggang sa wala na kaming maaninag na buhay mula sa knya...

Ang tangi mo lamang maririnig ay nag natutunugan na monitors sa paligid...mag flatline na rin ang tracing ng heart rate...

Saka mo maririnig ang malalakas na hikbi na nagli-lead sa histerikal na iyak ng mga kamag anak...

Wala na siya...sambit ng ilan.

May mga nagdadasal...may mga humihingi ng tawad na dumating sila sa ganun sitwasyon na itigil na ang life support...

Sa mga oras na ito ako lumalayo...dito sa mga oras na ito ako nagdadasal...hindi ko gusto ang ganitong klase ng iyakan...nakakadala...nakakaantig ng puso.

Halos kalahati ng buhay ko ay nagugol sa loob ng ospital...

Pero hanggang ngayon, nakikipag laban pa din ako sa kalooban ko na wag maantig sa mga nagdadalamhating puso ng mga mauulila mula sa mga pasyenteng inalagaan ko at sinubukang muling mabuhay ngunit nabigo pa rin sa huli...


July 11, 2011

I'm Fine Now


Today is my fifth day back here at the middle east. My first 3 days are very difficult. Been adjusting to the weather and time difference. I was lonely and feeling homesick as expected. I know I will be in this phase. Been like this last year. I know, all OFWs got through this too. I wanna cry but my tears are not coming. I missed my family. I missed home. Been calling them every now and then.

hangbigat sa dibdib ate charing!

But I'm all okay now. Finally. As soon I started working at the hospital and saw my crushes, as soon as I saw some patient's blood, some open chest with their heart's exposed and beating, as soon as I saw some leg broken (and some dick?chos!) and this and that...I know I will be okay. LOL!

I got through it at last. Now I'm back to my old crazy self!

Purita ako pagdating ko dito, I spent all of my savings back home! Now I'm eating, dried pusit and salted eggs! LOL

February 16, 2011

Here I Go Again!


After seeing him a few times, exchanging short conversations while at work, I just couldn't!!! I tried to ignore the thoughts of him... but he kept on going inside my mind...I just cant stop thinking about him...

This is bad...really bad.

I think I'm falling!!!
catch me! catch me! *pa-cute lang*

Here I go again, I whispered to myself. In my mind, I always have this advance scenario whenever I like someone, how this guy could make me happy...how we could be together, having dinners, watching movies... how he could kiss me goodnight, how he could make me smile, how he could be a good and loving boyfriend to me...I imagine things so early! I'm always like this!!! Grrrr! I hate my self!

I don't wanna feel disappointed in the end if he won't like me. Pag na-basted ako alam nyo na. But my f*ckin heart and mind always makes me wanna hope! Hoping too hard and dreaming too much!

Hayyyyy.... R.A., bakit ang cute mo...

I don't know if he noticed that I'm taking extra time talking to him, asking him some silly questions or spending too much time on his patient just to have an excuse of being with him!

Today, I didn't see him at work, I asked his colleagues and told me he's on day off, I kinda missed him. La tuloy ako gana mag work...(nag iinarte...)

I sneaked out on their station and looked for his schedule for the whole week...and yeah! We both have the same shift starting tomorrow...*evil grin*


Me at the house of my friend's daughter birthday party. We had shots of tequila after eating. Buti na keri kong uminom haha!

January 5, 2011

My Shy Guy


I spotted him many weeks ago, a new staff nurse at the cardiac unit. I noticed the way he talks, the way his hand sways as he walk by, he is too silent, too shy... all led to my conclusion. He is gay.

And I like it! LOL

Let me call him hmmm, what shall I call him that's very close to his name...hmmm, alam ko na...Hardy...

Toink!!!

It was not my area, at that time I was covering pediatric ICU, but it didn't stopped me for dropping by at the cardiac ICU. To hell with protocol! LOL

Well, my friend allowed me to be there and helped her anyway. Who would refuse some help right?

"I know why you're here!" she said with accusation

"I just wanna help you, I've finished early on my area!"

"Oh come on! He's on that side! Go on and flirt with him! You slut!" she was laughing while walking out on me.

I saw his patient, I took our folder and start checking the settings on the machine. I occupied his table so that he has no other choice but to say "excuse me" and come closer to me when he need something on his paper works! I did take my time. Took longer than it should be. I need to talk to him even with just a few words!

"Sir, his nebulizations are on hold because he is currently tachycardic..." he said. OMG! he was the one who actually spoke first! *fainting*

"But his cardiac rate is not that high now naman a, what is your base line bah?" I asked with a serious tone. I looked at his face while waiting for an answer. Surveyed his face actually. He is really cute. Moreno. lalake'ng-lalake ang dating...Those lips..hay...I wanna kiss them...

"ah.." he flipped his charts and looked for the vital signs record. It took him a while. I noticed he was unsure what to say to me. OMG, I didn't mean to scare him...nagpapa-cute lang ako sa tanong ko! LOL

Bago pa nga siya... I thought.

Many times I attempted to see him, but he was too shy. Hardly talks to me. Kainis! mapapanis laway ng ka-date nya! feeling i-date nya ko?hehe

The other day, I was assigned on the emergency room on the ground floor but I still managed to visit him at his unit at the 6th floor! lufet ko nakarating ako dun!

Nagagawa nga naman ng pagla-landi...

Once again, I pretend I was busy checking our files on his table. He was on the other side, I know he is waiting for me to finish, but damn, I took longer than usual and he still didn't talk to me! What's with this guy! grrrrrrrrrr! usok na ilong ko!LOL

He was going in and out of the room, as if he's really avoiding me...shit, I'm already rejected? hahaha. One pinoy dialysis nurse was also on the corner of the room and he was the one who tried to make a conversation with me. I noticed his bangs, too much effort on styling, too gay, I thought.

He was nice though. By the way where is Hardy???! hmmp! In my frustration, I left the area and started walking out of the ICU. A few meters after I closed the doors, I looked back, I don't know, I just looked back...

and there he was...

standing...

looking at me...looking at me?!

Shit!I caught him looking at me...

taena!!!!

He did look at me while I was on my way out!!!
(hinahatid nya ko ng tingin???feelingero na din ako?hahaha)

*kilig*

I took the lift with a wide smile on my face...Yes!!!

September 19, 2010

Nagdusa Ako Kagabi!


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin kaunin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itoch!

Ang layo pa namin!!! As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na kami ng tibok, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL