Showing posts with label mother's day. Show all posts
Showing posts with label mother's day. Show all posts

May 12, 2013

Kay Mother Lily..... Charrrrr!





Lahat tayo may kanya kanyang story about our own mothers. Mayroong sad, mayroon mga nakakatawa, bitter sweet memories. Since its mother's day I'll dedicate this day, this space, to my own mother.

Andami kong memories of her, pero buhay pa mom ko ha! mabuti nang malinaw. LOL

Naalala ko pa nun 7 or 8 years old ata ako nun, nagbibihis yun mom ko sa harap ko, wala siya paki kahit nakikita ko dibdib niya. wala naman ako malisya noon hihi.

Dahil medyo malaki naman kinikita ng tatay ko noon sa saudi, kapag malapit na ang school year bitbit kami ni Nanay papunta ng SM makati para mamili ng school supplies. Ang haggard lang nun mga panahong yun kasi yun lang ang branch na pinakamalapit sa laguna. lol naaalala ko kasi kung paano kami matiyagang kalong ni nanay sa jeep habang andami naming bitbit na plastic bags. at effort yun layo nun ha!
        
Tapos may karinderya mom ko nun, ang galing ko lang mangupit dun sa lagayan niya ng pera. Alam ko alam nyang nakupit ako pero deadma lang siya :-)

Ang sakit din mangurot ni mother sa tagiliran ko kapag may ginagawa akong hindi nya ikinakatuwa. As in parang tuklap ang balat ko sa sakit. Mahaba pa naman mga kuko niya noon na laging may matitingkad na kulay. Oo kikay kasi nanay ko.

Naalala ko pa na ayaw na ayaw niya naglalaba. Gawin na daw niya lahat wag lang maglaba. Pero the best magluto si nanay. Lalo na yung hamonado at menudo. As in! nakakamiss tuloyyyy!

Masarap din siya gumawa ng leche flan. perfect texture yun ha! natatawa ako kapag naalala ko kung paano namin daliriin at dilaang magkapatid yun mga lata ng condensed milk ng alaska noon kapag nagawa siya nito. sarap kaya! till now nabili ako ng condensed milk, itatapon ko laman tapos saidin ko lang yun nasa lata. charrrr

E yung nagpatuli ako si Nanay din kasama ko sa clinic ng doktor! LOL pero ako naman mag isa nalang nag langgas nun may pinakuluan ng dahon ng bayabas hahaha!

Tapos tuwing mananaginip ako ng masama tatawagin ko siya from my room kasi plywood na manipis lang division ng rooms ng bahay namin noon e, sasabihin lang niya: wala yan...tulog ka na...dito lang ako.

Hindi ko din makalimutan ang smile sa face nya nung ibinalita ko sa knya na first honor ako sa klase namin nun grade 5 ako at sinabi ko sa knyang kelangan niya sumama sa recognition day namin. Nagpa kulot pa siya nun. yun parang kay Tina Turner. Lol

Pinakamasakit siguro na naibigay ko sa nanay ko noon e nun hindi ako pinag martsa ng dean namin nun college graduation ko kasi hindi kami naka take ng revalida exam dahil sa napakawalang kwentang dahilan. Umuwi pa yung mom ko nun just for my graduation. Ramdam ko yun disappointment nya...Nakapasa naman ako kaya lang hindi ako pinag martsa. For a mother na nagsakripisyo ng ilang taon sa abroad para mapag aral ang anak, alam ko pangarap niyang makasama ko sa aking pag opisyal na pagtatapos.

Hinayupak kasi talaga yun dean namin! tseh! ewan if nakuha na niya karma nya. charr.

Kaya to my mom, salamat sa lahat ng mga sakripisyo mo, salamat sa lahat ng pang unawa at pagmamahal. Mag four years na tayong di nagkikita. Pero alam kong alam mo na ginagawa ko ang lahat with all my power para matuloy na ang ating family reunion this coming November. Excited na ko ipasyal ka at iparamdam na special ka sa amin. Konting tiis pa mother :-)


May 13, 2012

Paghabol



Naalala ko pa nun pitong taong gulang palang ako nang ihinabilin mo ko kina Ninang dahil may lakad kayo ng kaibigan mo.

Ayaw ko magpaiwan kaya iyak ako ng iyak at nagmamakaawa na isama mo ko.

Hanggang sa pumara kayo ng jeep at sumakay umiiyak pa din ako. Sigaw ng sigaw. Mama's boy na mama's boy ako sabi nina Ninang.

Nun halos paandar na ang jeep na sinasakyan nyo, kumawala ako sa pagkakahawak ni Ninang at humabol sa sasakyan na pumapalahaw pa din ng iyak. Sa bilis ng takbo ko hindi ako inabutan ni Ninang.

Sumampa ako sa entrada ng jeep habang tumatakbo ito. Nabigla ang lahat sa pagsakay ko. Natakot sila na muntik na ko mahulog sa pagsakay. Nagtitinginan na ang ibang pasahero. Pinatigil nyo ang pag andar sa driver at napilitan kang bumaba muli hawak hawak ako ng mahigpit sa braso.

Galit na galit ka. Naalala ko pa kung pano mo ko pinalo ng sinturon nun mga panahon na yun. Sa bandang huli naiwan pa din ako sa bahay ni Ninang.

Hindi nabago ng mga palo ng sinturon at mga kurot mo sa tagiliran ko ang pagtingin ko sa yo Nay. Lagi nalang akong hahabol at pipilitin makabalik sa piling mo. Kahit anong mangyari.

Nung hinahatid ka namin sa airport para mag trabaho sa gitnang silangan para matugunan ang mga pangangailangan ko sa iskwela, sabi mo para sa akin to. Para sa kinabukasan ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang sakripisyo mo sa kin Nay. Itinago mo ang takot at pag aalinlangan na makipag sapalaran sa malayong lugar na walang kakilala.

Para akong nabalik sa edad na pitong taong gulang noon...muli kong naramdaman ang pag nanais na humabol muli sa yo. Gusto kong humabol ng iyak at pigilan ka. Ang bigat sa dibdib. Ang hirap.

Iba na ang sitwasyon ngayon, 17 na ko. Hindi na 7 years old. Pero bakit parang gusto kong humagulgol na parang nasa edad na pito akong muli?

Hindi ka namin nakitang umiyak tanda ng kakatatagan ng loob mo sa paglisan mong yun...hindi ka na din muli pang lumingon.

Marami akong dapat ipagpasalamat sa mga ginawa mo para sa aming magkapatid Nay. Walang katumbas ang mga sakripisyo at pagkalinga mo sa amin. Alam ko na kahit papano, nasuklian ka namin ng kaligayahan. Natapos ko ang kurso ko at may maayos na trabaho ngayon. May makulit kang panganay na apong lalaki at bagong bagong apo na baby girl mula sa kapatid ko.

Salamat at tanggap mo na din na di na ko mag aasawa pa. Wag ka mag alala...balang araw may maipapakilala din ako sayo na lalakeng magmamahal sa kin ng tapat. Di ko lang alam kung kelan :-)

Alam kong ito nalang ang ninanais mo para sa akin. Wag ka mag alala...malay mo sumaya na din ako soon di ba?

Tatlong taon na mula nun huli ka namin nakasama. Maraming nangyari na di natin inasahan. At sana ngayong darating na Disyembre...sana matuloy tayo...

Sama sama tayong muli.

Isang buong pamilya kahit saglit.

See you soon Nay.

Happy Mother's Day sa 'yo.


May 9, 2009

My Favorite Person

This is not a poem. This is me being really-really serious LOL!

You carried me in your womb for nine months
You feed me from your breast
You nurse me when I'm sick and wounded
You loved me more than you love your self
For this I love you

You tried to understand me when father couldn't
You fight for me in front of him
You chose me over him,I know I'm one of those reasons
Why you lose your love for him when he cant accept me
For this I love you

You tried everything, every job possible to earn money
To send me and my sister to school
You woke up early in the morning to go to the wet market
and spend the whole day at our eatery
You sleep so late while everyone was asleep.

You waited for that lady for two hours
Just to have the money you wanted to borrow
You didn't know that I knew that all along
Up to this day I could imagine you standing in the heat
Because the lady don't want to open the gate for you.

When I wanted to go to college
You applied for a job abroad even if you knew it will be hard
Even if you knew you will be lonely there
Even if you knew you don't know whats waiting there
You always thinks of my future

You always think of our well-being
You are one unselfish person
You are the best person in the world
You are my favorite person in the universe
You are my mother.

I hope you enjoyed the dinner

Happy mother's day to you.