Showing posts with label OFW middle east. Show all posts
Showing posts with label OFW middle east. Show all posts

July 16, 2014

Si Baba





First rounds ko sa ICU and kelangan ko i-therapy si Baba (tawag namin sa matandang lalakeng arabo) sa isolation room kasi may infection siya. Contact Precaution. After wearing all the personal protective equipment (PPE), pumasok ako sa loob.

Kinakamusta ko siya habang nag kakabit ng nebulizer kit na may laman na gamot sa ventilator circuit niya. Fully awake and conscious siya kahit na may life support.

Kasalukuyan kong kinakabit ko sa knya ang vest at ang mga connections sa physiotherapy machine na katabi ng kama nun matapos ang nebulization. Maingat ko itong ikinokonekta sa mga straps at holes, nun maubo siya ay marahan ko siyang sinuction, nang umaktong may sinasabi si Baba sa akin dahil intubated (may tubo sa bibig) kaya hindi siya makakapag salita kahit anong gawin niya.

Sinusubukan kong intindihin ang gusto niya iparating sa akin ngunit di ko talaga ma-comprehend. Kinuha ko ang alphabet board na ginawa ng mga nurses niya para ituturo nalang ng daliri ni Baba ang letra ng words na gusto niya sabihin sa amin.



Itinapat ko sa knya ang board at nag umpisa siya isa isang magturo ng letra. Matagal na proseso dahil na rin siguro sa malabo ang paningin at nanghihina pa siya pero matiyaga ako nag intay na matapos.

Una niyang itinapat ang hintuturo sa letter: Y...na sinundan ng O...at ng U....

"YOU" bigkas ko nun mabuo ko. Umagree siya.

Sumunod ang mga letrang:

A...R...E....A...G....O....O.... natagalan niya hanapin ang sunod na letter...at itinapat sa letter: D...


"YOU...ARE....A...GOOD..." bigkas ko muli...tumango siya muli at muling hinagilap ang sunod na word na gusto niya sabihin sa akin...

Itinapat niya sa:

"P".

"E"

"R"

"S"

"O"

"N"

Wala pa ang last letter ay nage-getz ko na siya. Muntik na ko maluha sa pagka touched nun mabuo ko sa isipan ko ang gusto niya sabihin.

"You Are A Good Person?" inulit ko sa knya. Tumango siya. "thank you Baba". sabi ko pagkatapos na nakangiti kahit na di niya makita ang aking mga labi dahil sa face mask na suot ko pero alam kong alam niya na nakangiti ako at masaya.

"all of us here are good Baba..." sabi ko pa. Pero umiling siya. Hindi siya umaagree. Napatawa ako. Malamang ay tinutukoy niya ang ilang mga ibang lahi na nurses and therapist etc. Karamihan nga din naman talaga ay bara bara nalang. "maybe they're just tired Baba or very busy thats why..." pagtatanggol ko na lang sa ibang member ng team ng ICU na di niya naappreciate. Hehe.

Ibinaling ko nalang ang pansin sa pag press sa mga controls sa machine na ikinabit ko sa knya. Kelangan kasi na maimproved namin ang condition ng lungs niya. Medyo collapsed and may pneumothorax pa sa kabilang side bago pa ako maluha sa sincerity ni Baba.

Minsan lang may maka appreciate kasi sa ginagawa ko or namin. Lalo't sa arabo pa galing di ba? aminin naman natin na karamihan sa kanila ay trabahador lang ang tingin sa ating mga pinoy. Pasuweldo lang nila. Na dapat ay gawin lang lahat ng gusto nila. Ni thank you ay wala.

At aliw lang na hindi naman ako nag eextra effort sa knya kanina, Im just doing what I'm supposed to do bilang therapist niya. At may super big reward pa ako from HIM. Nakakataba ng puso.

:-)

September 15, 2013

Sa Kandungan Mo



Nagmamadali na akong makababa ng taxi na sinakyan ko papasok ng mall. Kanina pa naghihintay si Boking. Putok na din fuse nun. Lol

Tinawagan ko siya at tinanung kung san siya nag hihintay. Galing siya ng work at 9pm siya nag out. 930 ako nakarating. Lagot ako.

Pero since mabait ang bokbok ko di nya ako sinermunan. Hihi

Dumaan muna kami sa gadget store and bought a new galaxy tab 3 10.1 inches para may mapanoodan ako habang nakaduty dahil sumasakit mata ko sa maliit na screen ng phone ko kapag sobrang petiks sa work. Laki ng problema ko noh?

Pagkatapos ay nag start na kami mag grocery. Well, kaya kami nagkita nun gabing yun ay nagpapasama ako sa knya mag grocery hahaha! Naglalambing lang naman ako sa kanya at para makita ko na din siya. Ilang araw ko na miss ang ungas kasi.

"may ginawa ka bang listahan?" tanong niya. Nun sinabi kong Oo, tulak tulak nya ang trolley at hawak hawak ko ang listahan at sabay namin hinahanap ang kelangan ko. Naaliw lang ako sa amin. Para lang kami mag asawa na namimili tapos nakadaster daw ako malaki ang tiyan kasi buntis ganyan tapos may rollers sa buhok! LOL (at talagang nakadaster lang mag grocery?hahaha)

Kapag may di ako nakita ay siya ang aligaga maghanap. Masyado siyang apektado sa paghahanap ko, sabi ko relax ka lang makikita din natin yun. haha.

Tapos naisipan ko bumili ng JUICER. Dahil uso na ang juicing detox and diet ay nagturo ako ng bibilhin. May sale na JUICER kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na bumili. Natawa lang ako dahil ang laki ng box. Buhat buhat ni BOK nun pauwi na kami nagmukhang kargador ang boylalu ko. Idagdag pa dun ang ilang plastic bags na puno ng grocery items na binili namin. Naglabasan tuloy ang ugat sa braso niya! LOL

I wonder kung may mas maugat pa siyang parte ng katawan! charot ulit!

Pero pernez ang cute nya tignan! parang binatang handang magsibak ng kahoy para sa aking bubot na katawan!

Pag uwi ay nagdinner lang kami ng inorder kong fave niyang ulam na adobong pusit. Gutom na gutom ang Ugok halos maubos ang isang bandehadong kanin kalurkei.

"aminin mo! isa ka bang karpintero? or isang pahinante? ang lakas mo kasi kumain ng rice! LOL" sabi ko.

"masahihin mo naman ako Mac..."

"ay nako ayoko nga! di naman ako marunong noh!"

"konti lang, himas himasin mo lang ganyan" pilit pa nya

"ay ayoko nga! nakakatamad! iba nalang himasin ko gusto mo?" at natawa siya sa joke ko.

Nakaupo siya sa silya sa may dining table nung tumayo ako at umupo sa kandungan niya paharap sa kanya. Nakatingala siya sa akin ng slight at ako ay nakatungo ng konti. I searched for his lips and gave him a quick kiss.

He hugged me so tight na parang nanggigigil. I squeezed him too. Narinig kong bumulong siya:

"kelan magiging tayo Mac? mag one month na tayo magkakilala...."

"darating din tayo dun. I wanna be sure when I commit myself to you"

Hinagkan kong muli ang mga labi niya para mawala agam agam niya. This time mas matagal. Isa ito sa pinaka sweet na kiss na natikman ko. Hinawakan ko pa ang face nya just to make sure di siya makakawala hehe. In return he squeezed my body tighter pakulong sa katawan niya.

Matagal tagal na din nga...siya lang ang pinatagal ko ng ganito. Gusto ko naman ng mahabang ligawan ng slight, ng mahabang kiligan...Ni wala pang nangyayaring sekswal sa pagitan namin. Kiss and make out lang lagi...Kawawa naman haha. Nauumay na kasi ako sa mabilisang pakikipag commit. Usually 2 or 3 dates gow na ako. Nagmamadali. Wala nang aral aral ng feelings. This time I wanna make it special.

Matapos ang halik ay nanatili siyang akap ako. May ilang minuto din siguro. Kulong kulong sa mga bisig niya mula sa aking pagkakakandong sa mga hita niya. It was so sweet of him naisip ko lang...maswerte ang magiging karelasyon niya.

Pero this time,I want to be sure na siya na nga....

I wanna make sure to have a good time knowing him more. This good soul hugging me right now.

July 3, 2013

Maki-Ride






Napaaga ang sunod naming pagde-date nun, naging saturday imbes na sunday. Atat na kasi ako manood ng Man of Steel, tapos hindi na siya pwde ng sunday kaya ayun. Hindi na kami nakaabot sa Imax dahil naubusan na ng tickets. Kumain muna kami saka tumuloy sa sinehan. Nag 2D tuloy kahit masama sa loob ko. LOL

Last full show yun at almost 3am na natapos ang movie. Usapan na namin na sa house ko siya matutulog. Maayos naman ang unang gabi namin. Lambingan. Usual making out session ganyan. Hindi pa din ako nakipag sex. Oh hah!!! ako na talaga haha.

Nakuntento na ko matulog kami ng magkayakap. Ramdam ko sa mga haplos niya na gusto nya may mangyari kaso ayoko pa e. Ayoko na parang katawan nalang lagi at sex na agad kahit wala pang love. hihihi. ewan kung hanggang kelan ako magiging ganito. Baka next month mag iba na ulit. charot.

Gustong gusto ko yung may kayakap sa pagtulog. A warm body next to mine. Kakaibang feeling. Ito ang madalas ko namimiss e. Kesa sa makipag sex na nakakapagod at nakaka tamad sa dami ng preparation. hahaha! ang messy pa after. LOL

Tumunog ang alarm clock ng alas nueve ng umaga. Ginising ko na si Gerald. kelangan na niya mag ayos at umuwi dahil may pasok pa siya ng after lunch at medyo malayo ang uuwian nya mula sa flat ko.

Nun matapos ay inihatid ko na siya sa pinto na nakapikit ang isang mata ko sa antok. Nag akap at nag good bye kiss lang ako at muling bumalik sa pagtulog.

Wala pang sampung minuto mula nun makaalis siya ay tumunog ang phone ko. Si Gerald. Tinanung ko kung bakit siya napatawag.

"eh Mac, nakalimutan ko sabihin sa yo kanina na, hihiram nga pala ako ng pamasahe sa 'yo..."

Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako or what. Napaupo nalang ako at huminga ng malalim. Na turn off na ko...hoping na sana ay hindi ko naririnig sa mga labi nya yun.

Pinaakyat ko siya muli sa floor ko at nung magkita kami sa may pinto ng elevator ay inabot ko sa knya ang 20 riyals. sabay sabing: Ingat ka.

"bayaran ko sa yo pag sweldo ko ha. thank you" sabi niya.

Sinubukan ko iignore yung moment na yun. Baka naman kasi kapos nga talaga. Kaso sana di nalang siya sumama sa house ko kung alam na niya na wala siya pamasahe pauwi. Ewan ko sa inyo pero for me, rule 101 on gay dating:

wag na wag ka mangungutang sa taong dinedate mo.

Ang paglalandi at pakikipag date ay isang magastos na paraan. haha. aminin na natin di ba. wala kayo mararating if wala kang panggastos. mapa restaurant man yan, nood sine, or pang motel. lalo na ang pamasahe. kaloka.

I don't mind spending for the bills sa restaurant or ilibre kita ng sine, lalo't alam ko naman na mababa sahod ng ka date ko, kasi kaya ko naman, walang halong yabang. Kinain naman namin pareho yun so why not di ba. Pero hindi ibig sabihin lahat ako sasagot. pati pamasahe mo. LOL

Nanamlay ang pag message at pakikipag usap ko kay Gerald after nun. Hindi ko alam pano siya lalayuan na hindi naman siya masyado masasaktan lalo't ramdam ko na eager siya to be with me.

On our third date after a week, kumain kami sa Shake Shack at nanood kami ng World War Z. Super bored na ako sa company niya. Silent type kasi siya talaga to the point na panis na laway ko. Nakakapagod din kasi ang mag gawa ng conversation. Yung hindi spontaneous ang pag uusap nyo. Sa isip isip ko nun ay last na ito. I need to get away from him na.

The next day habang nagtitiyaga akong kausap siya sa Whatsapp ay mas ginulantang ni Gerald ang mundo ko:

"mac may sabihin sana ako sa yo kaso parang nakakahiya kaya wag nalang..."

Kabado ako nun. Ramdam ko ng baka umutang siya sa kin. jusme gerald maawa ka naman sa sarili mo sa isip isip ko nun.

"ano yun?' patay malisya kong tanung.

"hindi wag na, nakakahiya e..."

Ikot lang eyeballs ko to 360 degrees ganyan. pero kinulit ko pa din to satisfy my curiousity. (A) baka sasabihin may sakit family nya, (B) walang pambayad ng kuryente sa pinas, or (C) may naospital blah blah...yan mga naiisip ko. LOL

"Di ba may credit card ka?" he continued

"oo, bakit?"

"may bilhin sana ako, makiki ride ako sa card mo sana..." sabi pa niya.

Nabigla ako. First time ko makarinig ng ganun. Makiki ride. Hmm, iba toh ha hehe, none of the above dun sa mga naisip ko kanina na sasabihin nya hihihi.

Pero na turn off pa din ako. kahit iba pa itong sinabi nya now. Kasi, hindi ko pa naman siya lubos na kilala...pera pa din ito e...pano kapag di siya nag bigay ng panghulog monthly...pano pag tinakasan nya ko...I mean there's so many things that could happen.

At mahirap mag involve ng pera sa kahit anong gay relationship. Lalo't nagde-date palang kaming dalawa.

"ah, kasi Gerald, pasensiya ka na, pero hindi kasi pwde..." sagot ko nalang.

"ah ok, I understand"

"e matanong ko lang ano ba bibilhin mo? curious lang ako"  i really wanna know

"buy sana ako ng Iphone 4S..."

Nanlaki mata ko. Jusmio. Wala na nga siya pamasahe bibili pa siya ng iphone. kalurkei. LOL pero iba isinagot ko sa knya.

"saka na yan, may phone ka pa naman di ba. pagtiisan mo na muna phone mo. ipon ka nalang, soon makakabili ka din, mas madami ka pang dapat pag tuunan ng pansin" payo ko, sincere ako dito nun sinabi ko yan.

"nag hahang na kasi tong phone ko ngayon" katwiran nya.

"may mas mura naman na mga phone, yun nalang pag ipunan mo, gerald"

"ok lang, sige salamat, pasensiya ka na. Sige antok na ko, good night." bigla niyang paalam.

Naloka ako. Nagtampo? kala ko ba ok lang daw. LOL

tsk tsk tsk

3 days siya hindi nagparamdam. Which is a good thing na din, atleast nagkarason para hindi na ko mahirapan iwasan siya. Its obvious na sa pag iwas niya sa akin na nadisappoint siya na di ko napag bigyan ang gusto nya. Baka iniisip nya na deads na deads ako sa knya at mag sisisi sa naging pasya ko.

Nakakalungkot lang, mabait pa naman siya. Yun nga lang.

Haist.