Showing posts with label remittance center. Show all posts
Showing posts with label remittance center. Show all posts

February 1, 2012

Asan Ang Padala Ko?


Antok at may halong katamaran ang nagaganap sa loob ng katawan ko nun umagang yun, galing ako ng night shift. Kaya naman imbes na sa Western Union ko i-send yun hinihingi ng sis ko na pera, gaya ng madalas ko gawin. Medyo mahaba haba kasing lakaran yun kaya naman sa mas malapit sa bahay ko na remittance center ako nagpunta instead, sa Cebuana Lhuillier ang ending nun after 3 hours daw.

E di ako naman mega mega tawag na sa sisterette ko na na send ko na yun money at saka ko tinext sa kanya ang transaction pin and everything at saka ko binirahan na ng tulog nun makauwi ng house. At ten hours ako natulog nun. Wagas.

Kinabukasan tawag ng tawag sis ko sa cellphone ko habang naka duty ako that morning. Nagtatalak at wala pa daw yun money sa Cebuana Lhuiller branch sa amin sa Laguna. Andun na daw siya mismo sa branch, singkwenta pesos na lang umano ang kaperahan nya na di ko naman pinaniwalaan! Oa lang! siya 50 lang anda? imposible dream! LOL

E di sabi ko naman sa kanya e: "aba awayin mo yang kahera diyan! Kahapon ko pa sinend yun a!"

"Baka mali tong PIN na binigay mo! Ulitin mo send sa text", sabi ng mahadera kong kapatiran.

Tatlong beses ko pa inulit yun na i-check kung tama yun PIN na tinetext ko sa kapatid ko. Tama naman siya. Kaya sabi ko sila may problema diyan. Baka yun system nila e bulok!

Nun time na yun naasar na ko sa Cebuana! sa isip isip ko naku, hinding hindi na ko dun magpapadala ulit ever!

Pinakulit ko ulit sa kanya yun mga tao sa cebuana na i-check ulit yun transaction pin ko. Wala daw talaga.

No choice na ko kundi tawagan yun remittance center. Effort sila kontakin. Laging busy yun hotline nila. Tinawagan ko yun office number at sinabi kong nagtetelebabad ata mga empleyado nyo dahil kanina pa ko natawag di ako makapasok.

Todo apologize naman siya at ikinonek akong muli sa tamang linya. Mabait naman yun pinay na nag aasikaso sa complain ko. Sabi nya follow up nya at that moment din daw yun branch nila sa Laguna para maayos na yun problema namin. Hiningi din niya yun number ng sister ko para daw ma text nila.

Sabi ko sana maayos nila agad kasi kawawa naman yun kapatid ko nag iintay dun kanina pa. Malumanay akong nakipag usap pero halata nya na imbyernadette sembrano na ko sa kanila.

Pawis na nga daw kili kili ng kapatid ko kaka-pabalik balik sa dalawang branch ng cebuana sa kainitan ng araw! LOL

After a couple of minutes tumawag siya sa akin:

"Naku! Macoy! Masasakal kita! Nagtext na sa akin ang China Bank at sa M. Lhuillier pala sa Kwarta Padala pala mo sinend yun pera, hindi sa Cebuana Lhuillier!!!!Ke tanga mo! kaya naman pala wala silang makita na transaction number na binigay mo! kainis ka talaga kahit kelan! Grrrrrrrrrrrrrrr!!!!"

"Ano???At bakit magkaiba pa ba yun? basta ang alam ko may Lhuillier! yun na yun!"



Choserang mga Lhuiller yan! nanggugulo ng tao!

Hmp!

December 5, 2011

Sa Padalahan


Nakapila ako sa padalahan ng pera sa isang mall at medyo nakakaramdam na ng inip sa katawan dahil panalo sa haba ang pila. Suwelduhan kasi. Mas mahaba ang pila ngayon. Ang dami'ng nagpapadala ng pera sa Pilipinas. Sabagay, magpapasko nga pala.

Kagabi lang kausap ko ang kapatid ko, nagpapadagdag ng ipapadala ko kasi daw ay pasko na nga. Maraming gastos, maraming kelangan ihanda para sa okasyon. At kelangan ko din daw bigyan ng papasko ang nag iisa kong pamangkin at inaanak sa binyag na si Carl. Aba, mamahalin pang toy ang gusto!

Samantalang ako nun araw masaya na sa mga laruan lata na lalagyan namin ng gulong para gawin kotse-kotsehan. Ibang iba na ang panahon ngayon.

Regular ang padala ko sa amin tuwing buwan. At minsan dahil sa mga special occasion na gaya ng pasko ay inaasahan ko na ang mas malaking ipapadala sa amin.

Manganganak din ang nag iisa kong kapatid ngayong Disyembre.

Sige titignan ko. Yan ang isinagot ko sa knya.

Napangiwi na lang ako nun bina-budget ko ang sinuweldo ko nitong buwan na ito. Binukod ko na ang lahat ng kelangan kong bills na bayadan at due this month. Masakit din sa ulo. Kala ko nga noon sobrang ginhawa na ng buhay kapag nasa abroad ka. Pero di pa din pala.

Kasabay ng paglaki ng sahod ko ng ilang doble mula sa karampot na sahod ko dati sa pinas ay ang siya namang pagdoble doble din ng gastusin namin ngayon. Mas marami na rin ang obligasyon.

Nag iba na din kasi ang lifestyle namin. Tumaas na din kumbaga. Yabang! Pero totoo yan. Minsan kasi iniisip ko bakit parang kulang pa din! E dati kasya naman ang sampung libong piso na sahod a!

Nakaka-stress din minsan. Pero keri lang.

Dati pa nga ay masaya ka na sa bench lang na mga damit, ngayon e may konting angas at kayabangang dala-dala na sa katawan! kaya dapat sa Topman/RiverIsland/Zara/ ka na madalas mamili. Maski sa pagkain ay mapili na din masyado.

Kasalanan ko din naman! Toink!

Kasi naman, pagod ka na nga sa pag work at madalas ay nag o-ovetime ka pa, kaya naiisip mo nalang at sasabihin sa sarili na: Reward ko to sa sarili ko. I've been a good boy at ang sipag ko kaya! kaya i deserved this! chos!

Ngayon ay hindi kami financially stable dahil may kinakaharap na problema ang aking ina sa Dubai. Matipid na din ako. Hindi na din ako madalas bumili ng bagong damit at sapatos. Pero ganun talaga. Pana-panahon lang yan sabi nga.

Pinag sisikapan kong ma-promote na sa trabaho ng sa gayon ay mapauwi ko na si Nanay at padalhan nalang siya ng limpak limpak na salapi soon! charot!

Pero mailap ang pagkakataon...konting intay pa daw sabi ng Chief therapist ko. Todo dasal ako gabi gabi...andami kong pinangako kay God...sabi ko kahit wala na lang munang lovelife okay na sa kin basta matupad lang yun goal ko na ma-promote. At maiuwi ko si Nanay soon.

Money could change a lot of things.

Money really matters...

Money dictates everything.

It could change lives.

Hindi din pala madali maging OFW naisip ko. Hindi din pala lahat ay ginhawa. Darating ang pagsubok. Darating ang oras na mahihirapan ka. Matututo ka magtiis at magsakripisyo para sa pamilya. Pamilya lang naman ang mahalaga e di ba?

Kaya naman habang nagba-budget ako ng aking sahod ngayong buwan sa ibabaw ng kama ko at maitabi ang matitira para sa sarili kong pangangailan ngayong buwan ay napailing na lamang ako. Napangiti.

Isang buwang pagpapakahirap...isang buwang pagpupuyat...ito na yun.

Mabuti na lamang at masaya ako dito sa parteng ito ng mundo. Sa piling ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ay gumagaan ang pakiramdam sa mundong malayo sa mga mahal sa buhay.



Nung matapos ako mag fill up sa western union at mapirmahan ang form ay nagsimula na ko maglakad palabas ng magarang mall...


Naisip ko...Ito ang bunga...dito nagsisimula ang lahat....ang makatulong ka at mag-paginhawa ng mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas. Walang pag-aalala dahil alam mo na nasa maayos sila.



At isa ito sa mga nagpapangiti sa akin tuwing gabi bago matulog at mag umpisa muli ng panibagong araw dito sa gitnang silangan.