April 4, 2013

Isang Araw sa Buhay Ni Mac







Lakad

Takbo ng konti

Lakad ulit ng mabilis.

Nagmamadali akong makalabas ng area na yun.

Muntik ko na makabungguan yun lalakeng papasok ng pinto ng radio-room. Galing akong CT-scan room nag escort ng patient na kakatapos lang namin i-intubate.

Mabilis kong nilakad ang pasilyo pabalik ng trauma room sa ER. Kelangang kelangan na daw ako dun. Ramdam kong oily na fez ko shet! habang humahangos nagpunas ako gamit ang panyo kong pink na may burda ng name ko sa gilid "maclesia" charot.

Nun makita ako ng guard na humahangos papasok ng ER agad nyang ini-swipe ang ID nya para magbukas ang sliding glass door. Ilang mabilisang lakad takbo pa ay nakarating din ako ng Trauma Room.

May aksidente kasi sa kalsada earlier. Nasiraan daw yung isang truck kaya naman tumawag sila ng mechanic. Nang walang ka ano ano ay binangga sila ng isa pang sasakyan. Hindi malinaw sa amin kung anong sasakyan kung kotse ba or what. Baka karitela? chos ulit!

Dead on arrival ang mechanic. At yun apat na sakay nung bumangga sa truck ay itinakbo dito nga sa ER particularly sa Trauma Room. Two reds and Two whites daw ang parating sabi ng mga taga EMS. Ibig sabihin critical yun red at stable naman yun sa whites. Maganda ang coordination. Check na check sa akin. Nakapag handa ang lahat ng tao sa trauma room, lalo na aketch, nakapag powder pa nga ko at lip gloss. chos! hahaha

Naunang dinala ng ambulance itong iniwan kong patient sa CT scan room nga, isa siya sa pasahero nun bumangga sa truck, na stabilized na namin siya at pending admission na siya sa trauma ICU. Duguan siya nun dinala sa amin kanina. Basag daw ang panga, kaya naman napilitan na kaming i-intubate siya.

Nurse at doktor lang andun sa scan room. Ang protocol kasi bawal ko sila iwan. They need the therapist dahil di nila alam kalikutin yun machines ko. At ang hirap maglipat ng patient from the stretcher to the bed sa scan room, andaming abubot  na nakakabit at andaming keme bago mag umpisa ng scan. Kaso no choice, nag hihingalo na daw yun isa pang biktima sa trauma room. So I made a decision. Nag timbang timbang ako which was important at the moment. Protocol ba or buhay ng tao?

So ayun nga! nakareceived ako ng bleep from the nurse in charge na kelangan daw ako dun. Sabi ko tawagan nyo yun colleague ko sa taas. Siya ang HELP sa mga ganitong pagkakataon na sabay sabay ang procedure ko sa ER. Ako lang kasi ang RT na nag co-cover ng Cardiac Room bay 1 and 2 at ng Trauma Room ng ER. Kaso ang hinayupak na arabong magiging HELP ko sana ay di nasagot sa mga bleep sa kanya!

Jusko gigil na gigil talaga ako! ang babait talaga ng mga arabo noh? buset lang sa buhay mo. LOL. kaya mas mabuti pang wag ka na umasa sa knila. masisira lang ang utak mo. hahaha

Minura ko siya ng minura sa isip ko ng mga 30 times ata nun mga oras na yun. hahaha. Kaya ito ngayon halos takbuhin ko na ang pasilyo pabalik ng trauma room. Mahaba habang lakarin din yun! tseh! nakakawala ng poise!

Nakakainis lang kasi protocol dito sa hospital na toh, asa masyado ang doctor sa amin. Hindi nila gagawin ang intubation ng wala silang katabing respiratory therapist. Kaasar! sabagay iba din naman talaga pag andun kami. Mas mabilis at mas accurate ang procedure. ay oo nga pala ako nga lang pala ang pwde gumamit ng ventilators at mag set ng parameters para sa paghinga ng patients lalo't naka induced coma siya. hahaha. Ok ako din ang sumagot sa tanong ko.

Pagdating na pagdating ko ng trauma room. Bongga ko lang. Kulang nalang hagisan ako ng bulaklak at confetti pagdating ko sa tuwa nila. LOL

Agad ko hinanap ang incharged na nurse at tinanung if tama ba ang number ng HELP ko sana na binibleep nya. Sabi nya ilang beses na daw siya nag bleep no response talaga.

Dire-diretso ako sa room 4 kung san nakalagay yun patient (ito daw ang driver) habang nagsasalita sa likod ko at sumusunod ang Indian nurse: "Brother, everyone is here and we're just waiting for you. Here is the ET tube, the stylet, the syringe, the tie, and the mask". Kinuha ko sa knya lahat yun at ipinerepare para sa Anesthetist ko na nakangiting nag iintay din sa akin sa may ulunan ng patient. Nag gown at nag guwantes lang ako at agad na siya tinabihan at inumpisahan na ang procedure.

Nun matapos ay puro dugo na ang braso area ko at ang kamay ko, may bleeding kasi sa nose at bibig at sa likod ng ulo yun patient. Bukod pa sa ilang bali-baling buto na natamo siya sa aksidente. Wala naman akong nakitang nakalawit na buto sa labas ng binti nya. Kundi ang gross lang. Buti nalang fully covered ako. ito lang ang maganda sa hospital namin. Mayaman sa gamit. Lahat ng proteksyon na kelangan isuot ng staff e meron. Meron nga kaming parang pang welding na salamin incase masiritan ng dugo sa mukha or sa mata, pero di ko sinusuot mukha lang tanga e. Gagalingan ko nalang sa pag iwas hihihi.

Nun maikabit ko sa mechanical ventilator, at stable na naman ang oxygen saturation nya ay inalis ko na ang gown at gwantes at maghuhugas ng kamay sana. Sana. Basta ok na oxygen level ko. ok na ako. ala na me paki sa ibang parameters like heart rate. bp, temp.etc. Sila na mamublema dun, basta yun lungs lang ang akin dun. hahaha.

Hindi muna ako umalis kasi nag umpisa na sila gupitin suot na damit nun patient. Kunyari may kinakalikot pa ko sa machine ko. Ayun hubad na hubad na si Koyang Pakistani ata di ako sure kasi ala siya ID di namin malaman lahi niya. Pasimple lang naman ako. Propesyunal pa din. chos! Nun di masiyahan sa nakita ay tinuloy ko na ang pag layo at paghuhugas ng kamay. LOL

At kung di ka mag huhugas ng kamay ay may sisita sa yo na taga infection control. Sasabihin sayo" huli ka! di ka nag hugas! hala balik sa gripo!" syempre in english naman. Translated ko na para sa inyo! chos!

Nun makalayas ay agad akong tumakbo pabalik ng CT scan room jusme! ano ba tong pinaggagawa kong toh hahaha. patintero level lang ganyan.

Aba pagbalik ko ng scan room nawawala na sila dun! haha tinanung ko ang technician. Umalis na daw sila ng wala ako at dinala sa ICU ang patient. Bongga din sila. Sinira din nila protocol haha. Pero atleast diba. Naintindihan nila sitwasyon ko at nag initiative sila na keri naman nila na.

Sinundan ko sila sa ICU at chineck if OK na sila dun. Muli kaming bumalik ng ER para balikan naman yun naiwan sa trauma room na critical din. This time nakaupo din ako ng bongga! stable na siya ng slight, at dinala din namin siya sa CT SCAN after 30 minutes, oh diba lagi kami may trip sa scan room hahaha

Pagkatapos ay balik ulit ng ER at antay nalang kami ng tawag ng ICU if may vacant na sila at pwde na namin i-push yun patient dun.

Alam nyo bang inabot ako ng three long hours sa lahat ng mga pinaggagawa naming yun! straight na nakatayo kami niyan ha! buti kamo walang nag cardiac arrest sa knila kundi baka limang oras pa kami abutin. Yun ihi ko nga kulay orange na sa tining sa tagal ng pagpipigil kong makaihi kanina hahaha.

Nun ko na naisipan puntahan naman ang mga patients ko sa cardiac room naman! napabayaan ko na sila dun. Pero ala naman sila reklamo kasi tahimik ang area. Walang toxic. Atleast hindi nakisabay.

Yun patient ko na naka ventilator dito sa area na ito ay same pa din ang lagay at nag aantay pa din ng kwarto sa ICU. At pinaka kawawa yun kababayan nating na na-stroke. 7 days na siya nag iintay ng room sa ICU, kaya dito siya nakalagay muna sa care ko sa ER. Jusme. Inuuna nila mga arabong patient e kahit alam nilang mas nauna yun pinoy na idinating dito. Kaya tayong mga pinoy dito, less priority, nakakalungkot noh?

Eto nood kayo ng bidyo. Ganyang ganyan ginagawa namin sa loob ng Trauma Room, minus the masyadong mabagal na assesment nun doktor na nagsasalita diyan, we're more intensed. more stressful ang totoong scenerio namin. Pinapakita diyan mula pagdating nun patient hanggang sa i-push siya sa ibang area ng hospital.

8 comments:

aboutambot said...

istrayspul nga!

Pink Line said...

intense ang kwento mo na to.. habang binabasa ko naiimagine ko ang mga pangyayari.. suspense dahil may piliang naganap protocol oh buhay ng tao hehe.. buti naman naging maayos ang lahat..kaawa lang yung pinoy na hindi pa rin nakukuhaan ng room..

nyabach0i said...

bongga ka day! lakas maka ER with a hint of Greys Anatomy! bonggels!

MEcoy said...

di ko na pinanuod ang video kasi sa pagkakawento mo
palang gore na eeh!
natawa ako sa pagaantay mo haha!

Anonymous said...

Naimagine ko tong narration mo kasama na dun ung paglilip gloss at powder mo lol. Astig ka! Nagampanan mo ng husto ang tungkulin mo. At medyo sad dahil hinuli ang pinoy sa prioridad

Mac Callister said...

@about ambot--may time naman na petiks kaso nun time na yan talagang overrrrr

@pink line--salamat sa pag daan, oo nga e, kawawa ang asians dito...

@nyabachoi--hihih ganun ba? maaksyon talaga dito sa ER e, kaya ayoko dito napapagod ako!

Mac Callister said...

@mecoy--uu wala akong kaganda ganda nun mga oras na yan hahaha

@bino--oy biro lang yun, di ko na naisingit yun kasi di ko dala shoulder bag ko sa trauma room hahahaha

Anonymous said...

exhumed_angel:

i am always in awe how actions of each member of the trauma team are in sync... i often describe it as a 'dance'...each member has his own part in attaining their sole purpose, that is, TO SAVE A LIFE.... hats off to you for being a good respiratory therapist..its one hell of a job...sometimes, its not always about the money but the thought of saving a life or extending it...the intensity of your work in the ER made me reminisce my life long dream of becoming a doctor, specifically a general surgeon or cardiothoracic surgeon...but it never materialized..alam mo naman, dukha lang ang pamilya, di kaya mapag-aral ng medisina bilang mahal.. although, i am happy with the current career that i have, there is still longing for that dream..drama ko lang.. hahaha... ;)

well, always be the best in your field...don't let other race dampen your spirit.. as long as you believe that you have something to contribute for the good of the people that you care and love, still do it... in the end, what matter is what you'have done and not what you have..thank you vegas.. hahahaha