Kung iisipin natin ngayon grabe na ang nai-evolved ng mga gadgets natin, minsan nakakamangha at sasabihin mo na lang: Parang kelan lang ganito lang gamit ko noon ah!
At totoo naman, alam kong di ako nag iisa sa mga ganitong kaisipan. At masaya ako na nabuhay ako sa ganitong panahon! haha ayoko nun mga 1800s or 1950s or 1970s jusme! binibitay pa bakla diyan!
Anywayz, college ako noon, year? 1998 ata! jusme!Yan nun una ako makakita ng cellphone sa mga mayaman kong classmates. May ilan ilan pa lang ang naka Nokia 3210 non. Grabe kapag tumutunog yun mga phones nilang yun kapag may nagtetext parang bubula tenga ko sa inggit! LOL
Bilang dukha nun college days ko e hanggang pangarap nalang ako magkakaroon niyan. Pilit na isiniksik sa utak na pag aaral muna atupagin ko at kapag may work na saka ako bibili ng mga kaluhuan ko sa buhay.
Nasa abroad na ang Nanay ko noon kaya naman bilang social climber ako ay pinilit ko siyang padalhan ako ng cellphone. Pinadaldan naman niya kami na hiraman daw kami ng mahadera kong kapatid. Ito yun oh:
Alcatel
Kulay itim yun pinadala ng Nanay ko, Jusme napakapanget nito! haha ewan ko san napulot ng Nanay ko toh hahahha. Hindi ko magawang ilabas ng bahay!
Tapos bilang napakabait kong anak, kumikick back ako sa pinapadalang pang matrikula ng Nanay ko sa akin, kunyari ganitong amount ang babayaran ko pero ang totoo may patong na kong 40% ganyan. Oo nakalipas na yan wag nyo na kong husgahan! tseh!
Kaya naman naibili ko ang sarili ko ng Motorola phone na ito, na di ko na maalala model, na nag iiba iba ng back light yun screen at yung keypad lights. hihihi. Masaya ako dito noon.
Motorola
Siyempre hanggat di ako nakaka afford ng Nokia phone e di pa din ako tuluyang magiging masaya. Ewan ko ba at gustong gusto ko yun hinayupak na Nokia brands na yan noon. Kaya konting dugas ulit sa pamg matrikula nakabili ako ng napakatibay at singtigas ng batong Nokia 5110! LOL
Nokia 5110
Ang saya pa nun andaming housing and cases na available. Papalit palit lang lagi ng kulay haha! Dito ko una nakilala ang Greenhills shopping center! Ni hindi ko alam dati na may ganyan lugar sa maynila! Toink! naalala ko pa bibili ako ng bagong keypad para sa 5110 na ito pero sobrang tigas nun nabili ko ni hindi ako maka press ng keys hahaa halos dumugo daliri ko kapag nagtetext pero keri lang kasi ganda ng kulay e! LOL
At naalala nyo pa ba kung magkano ang presyo ng Sim Card noon? ang mahal di ba????
Tapos binentahan ako ng tita ko ng second hand phone itong 7110 naman, kaso may problema loose yun slide nun keypad. Mura lang daw paayos sabi niya, so ako naman si gaga binili ko.
Nokia 7120
Saya ko nun sa isip isip ko pang mayaman ang phone ko noh wah kayo mase-say ngayon! charot! Laki nitoh naalala ko tuloy bigla si sardinas boy! charot ulet. Pero habang tumatagal e nabo-bother ako sa hindi sumasarang slide ng keypad. Kaso parang ikinakamahirap ko siya kapag di masara! LOL
So ako naman mega punta ng greenhills para ipaayos ang sliding ek ek ni Phone. Inayos ni koyah, kaso di successful, jusme ilang oras ako nag antay hanggang sa sumuko nalang siya! Sabi niya ibenta ko nalang daw or i-swap ng ibang phone. Pineresyuhan nya ko at sinabing 3310 daw ang pwde nya ma-swap sa akin. Inis na inis ako nun pero since imbyerna na ko sa phone kong di nagsasara e ipinalit ko na din. Tanga tanga ko kasi binili ko pa siya sa tita ko.
Nokia 3310
At alam nyo ba habang pauwi ng laguna mula greenhills ay nahulog pa itong phone na ito sa bulsa ko sa jeep na ilang minuto ko ding di makita! ang malas ko talaga haha! pero buti at nakita ko din siya after mag mukhang tanga sa kakayuko at kakatuwad sa jeep!
Hindi na ko nag 3210 nun mga panahon na yan kasi napapangitan na ko sa itsura nya hahaha. Patuloy pa din ang kick back ko sa matrikula at nakabili ng iba pang units. Bebenta ko yun current phone ko at bibili ng bago. Ganyan sistema ko paulit ulit. Kaloka. Walang kasawaan.
Nokia 6210
Typeko tong phone na ito noon, Medyo matagal ko din siya naenjoy. At saka mahaba (pabulong) chos. After nito may ipinalit akong maliit naman. same kami ng naging ex gf ko hihihi oo ang nag iisang nabola at napaibig kong bilat nun unang panahon! di ko na maalala ang model at wala ako mahanap na pictures.
Nokia 6680
Nun may work na ko, ito yun phone ko 6680 na nanakaw sa akin sa bus ng mga hinayupak na sumakay sa bus nun papunta ako ng buendia. Kinulbit ako nun nasa likod ko sabi nya may dumi daw yun damit ko. Nun sinilip ko mayroon ngana puti puti. So ako naman si gaga abalang abala sa pag pagpag nun puting chalk without knowing na yun katabi ko pala ay abala na sa pag buklat ng bag ko at kinuha ang phone ko! maiyak iyak ako nun huhu.
Nokia N70
After ko manakawan, awang awa sa akin ang tatay ko kaya naman pinadalhan nya ako ng pambili ng new phone hihihi. Ibinili ko yung pera nitong N series ng Nokia. ganda nito nun unang labas nya. Brand new na binibili ko lagi since nag mamayaman ako haha. Social climber nga dibah. Hanggang ngayon gamit ko pa din itong phone na ito as my alarm clock and calender reminder. Ilang bagsak na ito at imagine naman kung ilang taon na ito sa akin.
Hanggang sa makapag abroad na ko at makabili na ng mas magandang model, pero in fairness di agad ako umalis sa Nokia a. Talagang loyal ako haha.
Nokia N97
Proud ako sa N97 na ito ha. Unang telepono yan na binili ko nun nag abroad ako nun 2009 hehe. Ganda nito nun. After a year na magsawa at laspagin ay ipinadala ko sa sis ko yan para ipamana sa knya na later on nalaman ko na sinangla daw nya at di na natubos haha di ba ang bait. LOL sentimental pa naman akong tao. Nilatigo ko kapatid ko nun sa galit. Chos lang.
HTC Touch Pro II
First time ko umalis ng Nokia brand medyo alanganin pa ko nun kasi ang tagal ko sa nokia haha anghirap mag move on shet! Para kasing napag iiwanan na sila in terms of advancements sa technology. Andami ng ka kompetisyon. At parang pinoy na lang noon ang loyal sa knya. kaya bilang social climber sabi ko pwes mag iiba na ko ng brand! Pero infairness naenjoy ko itong HTC na itetch. 2010 ko siya nabili at less than a year ko ginamit bago muling ipinamana sa sisterette ko sa pinas. Till now nakikita ko pang gamit nila yan sa pinas.
Blackberry Curve 9330
Nag umpisa ako mainlove sa BB nun 2011 gusto ko kasi ang privacy na kaya i-offer nito sa mga users. May mga websites na di kaya i-block ng networks dito sa Dowha haha. Lalo na porns! At grabe ang email features nito ang tatag! sobrang bet na bet ko. Isa ako sa mga nakaimpluwensya sa karamihan ng kasamahan ko sa work na mag BB na din sila. Lakas ko maka promote e LOL! Ipinadala ko din toh sa sis ko nun magsawa ako. Oh di ba laging taga sambot ang kapatid ko.
Blackberry Torch 9810
Infairness itong BB na ito ang nagtagal sa akin. Till now gamit ko pa din siya lampas one year na! Sobrang mahal ko toh at naeenjoy ng todo till now. Wala pa ako naiisip na ipapalit sa knya. Pero may namamataan na akong parating. Itong BB Q10. Wala pa siya sa market dito. Wala pa me nakikita. Pero pwde ding mag Samsung Galaxy S4 ako or what. Ewan. Di ko pa alam di kasi ako magaling mag type sa touch screen. Kaya as much as possible gusto ko may keypad pero may malaking screen. hehe
Kayo ba? anong pinaka una nyong phone? at ano yun latest na gamit nyo now?
10 comments:
ung alcatel na parang safeguard ung na kong phone. tapos nag nokia 3210, 3510, 3530, ericsson t230, nokia 3120 classic, iphone 3g, nokia e72, bb 9300, galaxy s3, iphone 5 at ang gamit ko ngayon galaxy note 2. hehehe
wow andami! mayaman ka nga talaga totoo ang balita! hihihih
haha tanda ko sikat si mana sa neighborhood namen dahil my cp sya haha
hmm ako never ako ngkaroon ng magandang cp haha poorito ako ee saka pang text lang naman mas ok ung lumang model sa ganung purpose haha at longlasting pa haha
Dumadami ang wholesome post mo ah. Di ako sanay. haha
@Mecoy--uu nn yun lang nmn purpose. Nasa tao yan kung ano purpose hya for having a phone :-)
@archie--haha tigangness na kasi ako kya ganyan
exhumed_angel:
iba talaga ang mayaman.. andami palang nyelpon na dumaan sa kamay mo... palibhasa dukha ako kaya di ako makarelate pero natutuwa ako kasi bigla ko naalala mga classmates ko nung high school na aligaga sa mga nokia phones nila... lam mo naman nung 90s, sikat na sikat ka kung may nokia nyelpon ka...hahaha..;)
i had my share of nyelpons..to date nakaka 5 pa lang ako...maswerte ang ate ko kasi sya taga kubra ng mga new unit pag may bagong bigay ang network (yan ang perks pag postpaid..libre nyelpons upon renewal)...di kasi ako sanay na palit ng palit ng phones...hahaha...had n3210,n6233, n6610, bb9810 at samsung gt-i5503..lol
una kong phone ung alcatel na parang safe guard! lagot ka sa nanay mo dapat bilhan mo siya ng s4 kakadikwat mo i mean kakapatong sa binibgay nyang allowance hahahaha
ako alcatel na parang safeguard ang itsura hahaha
first phone ko ericson ng islacom tapos ng nagka txt lumipat ako sa handyphone 5110.... *nostalgic lol
yung sa akin ngayon ay samsung galaxy note, first time kong nagka cellphone na android kasi nakuha ko ang end of contract bonus ko pauwi na ako ng Pinas nun..Sabay pala tayo nag-abroad mga march 2009 din, turning 23 ako that time medyo fresh pa ang aura ko nun pero now, veterans affair na..
Post a Comment