I decided to share to you the guys that I've met and made my vacation last December 2012 memorable. ito ang aking December Boys series (oh diba parang teleserye lang! hehehe):
***
December Boys IV: Si Ariel
Nag-confirm na siya na darating siya sa small gathering na yun na inihanda ko for my close blogger friends, unang gabi ko sa shaw residenza nun. December 6 yun. Male-late nga lang daw siya ng dating dahil may event pa siya na aattend-an. Ang plano ay mag kakainan ng konti at mag-red wine habang nasa pool.
Excited na kabado ako sa pagkikita naming iyon ni Ariel. Sa halos isang taon naming paglalandian sa BBM sa wakas ay makakaharap ko na siya. Ewan ko kung ano ba nangyari, parang boyfriends kami na hindi naman. haha. nag aaway kami, nagseselosan, hindi naman kami. At ang nakakaloka nag iinarte kami ng ganun e never pa naman kami nag kita personally. LOL
OO sasabihin nyo parang PPBTEENS na naman ako, pero ewan if naranasan nyo na yung sa halos araw araw gabi gabi na magka chat kayo sa loob ng halos isang taon, mula January 2012 hanggang december 2012. parang somehow nakakaramdam ka ng something. Di ko alam if ano yun, basta parang may feelings! tseh!
Basta ang usapan namin noon. Landian ganyan, then pag nagkita na kami sa pinas, we'll see each other, date each other and maybe, maybe maging kami. ganyan. Pero hanggang walang meet up hindi magiging kami. malinaw sa aming dalawa yan. Parang ang jologs kasi ng online relationship kaya. At ayoko nun! Pero parang ganun din ang naging ending namin. Ewan.
Dumating pa nga sa punto na nagalit si Ariel sa akin dahil nung bandang March 2012. Inamin ko sa kanyang may boyfriend na ko na kasalukuyang nasa Singapore noon. Blogger din. Ikatlong araw ko ng may jowa sabi ko sa knya. Sinumbatan nya ko na sinaktan ko lang daw siya at bakit di ko agad ipinagtapat. Ramdam ko na hurt siya. I felt the guilt. Pero sa isang parte ng isipan ko, wala kaming relasyon ni Ariel, bakit siya ganun?
Inintindi ko nalang siya. Mahal na daw nya kasi ako. Kahit papano natuwa ako sa narinig ko mula sa knya. May nararamdaman din naman kasi ako di ko lang matukoy kung ano yun. Pero may commitment na kasi ako kaya ayoko naman maging two timer. Iniwasan nya ako ng halos dalawang buwan. Bandang Mayo nun maging ok na kami muli ni Ariel. Single na ulit ako niyang mga panahon na yan. Nyahaha.
Hanggang sa nabalitaan ko na siya naman daw ang may BF nun bandang september 2012. Nasaktan din ako shet! hahaha ngayon alam ko na na feel niya noon! ganun pala! sa isip ko pa naman nun kung kelan malapit na ko umuwi saka naman siya nag jowa. Handa pa naman akong karirin siya sa pag uwi ko ng december. hihihi. Nun in-asked ko siya about dun sabi nya wala na daw yun. Pero halatang he's trying to move on.
Andami na namin na share sa isa't isa thru bbm nun. Feeling ko kilang kilala ko na siya.
At ito na nga, nasa pinas na ko. The moment of truth. Nasa condo na ni-rentahan ko. Masaya ang chikahan namin, andun sina Leo, Nimmy, Ceiboh at Will. Mauubos na namin ang unang bote ng red wine nun mag BBM siya na nasa lobby na siya at paakyat na. Medyo kinabahan ako. Pano pag di ko siya bet in person? charot hahaha
Nagdoor bell siya at agad kong binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Ariel. Brown ang dye ng hair, naka black polo shirt, naka jeans, naka boat shoes at naka beki bag ganyan. LOL
Nag Hi and Hello kami at pinatuloy ko na siya sa living room kung saan andun ang iba pang bisita ko. Medyo nagkakailangan pa kami at first. Awkward moment lang. Pero bilang ako ang host nun gabing yun nag effort naman ako na entertainin silang lahat. Hanggang sa maging palagay na loob namin ni Ariel sa isa't isa. Nagbiburuan na kami at mula nun ay di na siya humiwalay sa tabi ko. Masyado ngang close yun mga katawan namin lagi.
He's kinda sweet na laging nakaakbay or nakahilig ang ulo sa mga shoulders ko habang walang humpay ang tawanan sa pagbangka ni Ceiboh.
Hindi ko lang alam if nakakahalata na sila sa kakaiba naming closeness ni Ariel. Naunang umakyat sa room na hinanda ko para tulugan nila sa second floor si Will, Ceiboh at Nimmy. May pasok pa kasi sila sa work kinabukasan e ala una na yun ng umaga. Naiwan kami nina Leo, Ariel at me para ubusin ang natitirang ikatlong bote ng red wine. Fave daw kasi ni Leo ang red wine kaya naman tinutungga niya ito na parang shumod lang. charot. hahaha
Bumaba si Nimesia para sunduin si Leomesia, hindi daw siya makatulog na di sila tabi. arteh .tseh. LOL. Naiwan kami ni Ariel sa living room. Umunan siya sa lap ko. Himas himas ko ng buhok nyang kulang brown. Na by the way ay pinapabalik ko sa knya sa kulay black! hahaha. Habang patuloy lang ang landian este kwentuhan namin.
This time iba na pinag uusapan namin, about our feelings ganyan, mga selosan ek ek at kung ano ano pang ka cheesy-han! chos
Medyo worried ako baka maramdaman niya yun hard on ko ng slight sa may batok nya hihihi. Iniiwas ko ng konti na maramdaman niya. This time may hawakan na din kami ng kamay na nalalaman. La na paki nun mga oras na yun feeling naman kasi namin kami nalang ang gising nun.
Hindi ko din alam kung ilan beses kami nag kiss. Naghalo ang lasa ng wine at yosi sa mga labi at sa bibig nya na lalong nag paalab ng halikan na nagaganap. Ang romantic lang ng moment na yun between the two of us. parang ang perfect lang. Me. Him. Kissing. at that dark side of the living room with the view of the city's skyline. Dahil nasa 18th floor kami. It felt romantic.
At sa isip ko alam ko nagkakasundo kami ni Ariel. Pero wala kaming pinag usapan about it. Hinayaan ko lang i-enjoy namin yung time na yun.
Nalaman ko nalang kinabukasan na nakita pala kami ni Nimmy nun pababa sana siya to go to the toilet kaso di nalang daw niya tinuloy kasi naghahalikan kami ni Ariel sa baba. hahaha.
Anywayz, nun finally antukin na kami umakyat na kami sa room ko kung saan andun si Will na naghihilik na. Wala na kasi pupuwestuhan tong batang toh kaya sa bed ko na pinatulog. Occupied na ng mga beki yun 2 beds sa kabilang room.
Kasya naman kaming tatlo infairness. Nasa gitna ako at kayakap si Ariel haha. Walang malay malay si Will. Pero di kami nag sex ni Ariel noh. May asungot kasi sa bed. Charot hahhaha.
Naghihilik na si Ariel nun maramdaman kong tumayo si Will para bumaba. Hindi ko alam nun mga time na yun kung bakit. Inisip ko nalang na maaring nakita nya kami sa ganun pwesto at nahiya kaya sa sofa sa baba nalang itinuloy ang pagtulog.
Pinanood ko si Ariel matulog habang kay lakas mag hilik. Parang sasakyang ayaw mag start ang tunog jusme. Hindi ako makatulog. natatawa ako kaya naman pinigil ko nalang kasi kawawa naman at alam kong pagod siya sa work.
me and ariel nun umagang naglalandian nalang kami. LOL
Nag alarm siya ng 8am dahil may pasok pa siya sa work nun. Nakaakap pa din siya sa akin at binibigyan ako ng light kisses sa face ko kahit di pa kami nakakamumog at hilamos pareho hahaha. saklap. Ramdam na ramdam ko ang sweetness niya towards me. Ayaw ko na sana siya papasukin kaya lang kelangan daw. I wanna stay in bed with him the whole day.
Nag-breakfast lang kami at agad na siya umalis off to Makati. Three times pa nakitulog si Ariel sa unit ko nun mga panahon na yun na nasa Shaw Residenza ako. (At saka ko na ikukuwento ang detalye niyan. Bleh)
Sa isip ko nun gusto ko ng si Ariel ang maging boyfriend. Inimbita ko pa nga siya sa first bday party ng niece ko sa bahay namin sa Laguna nun Dec 20. Tinutukso pa ako ng sister ko na "ah siya pala si Ariel ha? cute naman pala siya a". Nababanggit ko na kasi siya noon sa kanya.
Sabi ko pa I'll spend more time with him habang nasa pinas ako. Pero as usual yun pa din ang issues ko sa knya. Lagi siya busy. Ang hirap niya yayain madalas. At madaming pangako ang hindi natutupad. Madali kasi ako madisappoint. Isa sa mga hindi ko gusto sa sarili ko.
Hanggang sa pumasok nga sa eksena si
Teddy Bear (December Boys I), opposite sila ni Ariel. Lagi siya andiyan sa tabi ko if i need company. Naguguluhan ako nun. At ramdam kong napapansin na ni Ariel na unti unti na kong nalalayo sa knya.
Hanggang sa makaalis ako ng pinas after 46 days ay hindi na kami muli pa nagkita ni Ariel. Inaasahan ko na dadaan siya sa bahay to see me last time pero wala pa din. Busy pa din. Na naiintindihan ko naman. Kaya lang I know myself. Di ako magiging happy sa boyfriend na walang time. kaya we are better off like this.
Up to this day we remained friends at nag uusap at kamustahan kami online :-)
Previous Posts:
December Boys I: Si Teddy Bear
December Boys II: Si Dee
December Boys III: Si Yoshi