September 4, 2012

Kalokang Jutay!



Warning: OA ang mga kaganapan. LOL


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin sunduin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, ibabalik sa cardiology ICU, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itetch!

Ang layo pa namin!!!

As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, yun ibang issue, sila na bahalang lumutas! ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, please throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinembot ko.

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na ng tibok ng puso, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! muntik ng tumilapon yun bitbit namin na tao sa stretcher!

Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL




This is a re-post from Sept. of 2010.

10 comments:

KULAPITOT said...

parang habulan lang sa movie ang set up ah ahahahah

rudeboy said...

That was very funny and picturesque, Mac.

Like a scene from a Woody Allen film.

Or a Leslie Nielsen one.

kalansaycollector said...

ay pagoda tragedddyy!

pero kudos sa team niyo. :)

MEcoy said...

haha astig eh nakasakay na ko sa harurot jeep at bus before peo wa nmn mxadong nangyari haha

ZaiZai said...

kaloka ang eksena parang movie lang te! haha

Yas Jayson said...

Ay repost. Tamad. loljk

Jenny said...

haha kaloka naman yang experience mo buti hindi na nangyari ulit ngayong 2012 :D

Diamond R said...

Hi Mac,natatawa ako sa kwento mo bagamat alam ko kung gaano kahalaga sa pasyente ang ginawa niyo na kung tutuusin namaalam na sa mga sandaling yon. I can relate kasi nangyari na sa akin ang mga eksenang ganyan after 10 hours ko lang nalaman ang lahat dahil sa isang aksidente sa kalsada. Na imagine ko lang ang sarili ko sa eksenang ito. Keep up the good work in saving lives.Di ko man nakausap ang mga taonng involved sa abulansiya pero malamang ginawa rin nila ang nararapat sa mga sandaling iyon.

aboutambot said...

spell streyspul!

sin at work said...

kaloka! hahaha natawa ako sa flores de mayo concept mo! LOL

anyway, poise lang lagi! and job first korek! sabi ni mom while she was brushing my hair in front of the mirror "daughter dear i know we're born superstars and beauty queens, pero pag trabaho na ang pinaguusapan, let's do it with all our hearts and give everything we've got. so kahit oily ang face and messy ang hair, idaan na lang sa facial expressions at sa poise, okay?"

*sniff* hindi ko malilimutan yon.

haha charot lang :D