September 17, 2012

Prowdli-Pinoy


Nakakaproud na madaming Pinoy dito sa middle east na uber successful. May certain hierarchy kasi sa hospital. Well, kahit san naman ata, pero since buhay ospital ang alam ko, dito nalang example ko hehe.

Sanay na kong makakita ng pinoy nurses, andaming pinoy dito, para ka lang nasa pinas, pero singdami din namin ang mga Pana-dol (indian). Nakakatuwa lang na may mga kababayan tayo na ang taas ng katungkulan sa hospital. May mga sarili pa silang offices. Galing!

Yun iba sa kanila Nursing House supervisor, hinahandle nila buong hospital at sa kanila ang rereport ang mga head nurses on every department. Naiimagine ko kung magkano sahod nila! Grabe wala sigurong binatbat ang kinikita ko kompara sa kanila hahaha!

At madami din naman na head nurses na pinoy. Imagine under nila ang ibang lahi. Lalo na kapag ang gagaling nila kapag sobrang pressured ang sitwasyon and they handled it so well.

Proud na proud ako makakita ng ganun. Sa department namin, Pana-dol ang chief! well, sana soon may mag handle sa amin na pinoy naman. Para mas cool!

Ako ok na ko sa posisyon ko now! at sana tumaas ng konti sahod! hahaha e kasi naman habang tumataas ng kita mo nag iiba din ang lifestyles! hay naku! dati naman kasya na sa akin ang kita ko sa pinas nun a! bat ngayon kulang na kulang pa! LOL

Pwera biro, madami kasi akong obligations sa pinas now. Bumi-breadwinner ang peg ko ngayon e.

Pero sa ibang banda, may mga kababayan din naman tayo na nasa pinakababang lebel ng hospital. Sila yun mga nasa housekeeping. Napag alaman ko na halos nasa sampung libong piso lang sahod nila, hindi pa libre ang pagkain. Ang baba pa ng overtime pay nila!

Grabe naman!

Kaya minsan kapag naglilinis sila ng office namin, andun na abutan namin sila ng extra food or some stuffs. Sa hirap kasi ng buhay sa pinas, napilitan sila mag tiis ng kapiranggot na sahod, atleast daw dito, regular silang may kikitain at tax free naman daw.

Pero anyway, bilib ako sa kanila!



8 comments:

Désolé Boy said...

Dumadami din yata kasi ang boys mo kaya lumalaki gastos mo. Ching! (Kung sa 'kin eh makakamura ka Mac. Alam mo naman di ba na Givenchy perfume lang ang katapat ko :p)

P.S. Bwisit na captcha. 10 years!! Kaya nakakatamad mag-comment lately eh. Ampf!

aboutambot said...

bilib din ako sayo, sa pagiging responsable mo at mabuting tao.

mr.nightcrawler said...

That's what's good with Filipinos. We work hard and that is something to be proud of. At kahit saan pwedeng mag-excel. At dahil mayaman, share your blessings... lalo na sa blogging community. hehe

khantotantra said...

tama yung kapag lumalaki ang sahod, nag-iiba ang lifestyle.

Kasi nakikisakay din ang pagbabago sa bilihin sa konting dagdag ng sahod. nagiging sakto lang lagi.

Danny said...

Bilib ako sa inyong lahat mga ofw, malaking tulong kayo sa b.ansa natin

MEcoy said...

sa pagkakaalam ko nga indemand tlga pinoy dyan sana makapagwork din ako abroad

bulakbolero.sg said...

Sabi nga, sumasabay daw ang estado ng buhay sa kung magkanu ang sinusweldo mo. Dumadami din kase ang needs mo at pananagutan mo habang papataas ang sweldo mo. Sabay mo pa yung pagmahal ng bilihin kada taon.

Di ko alam bakit ganito comment ko. May macomment lang siguro. Lol!

Jag said...

Iba talaga kasi pag pinoy...naks! tumaas ang sahod libre naman jan LOL...

Tama ka the more umaangat sa buhay the more nagbabago ang lifestyle arggh!