Grade two palang ako, alam ko ng may kakaiba sa sarili ko. Hindi ko pa ma-identify agad nun mga panahon na yun na bakla pala tawag nila dun. Nagagalit pa nga ako kapag binibiro nila akong "malambot".
Madalas na sa bahay ng lolo at lola ko kami iniiwan ng parents ko kapag may lakad sila dahil wala magbabantay sa amin. Natatandaan ko pa ang sinaunang bahay ng mga Lola ko. Yun may up and down at may malalaking bintana na yari sa kapis. Old style house. Spanish era ganyan.Tabi tabi mga bahay sa compound na yun na may same style.
Kapag namintana ka nga ay kitang kita mo na kung ano ginagawa ng kapitbahay mo dahil ganun din kalalaki ang mga bintana nila. Presko ng hangin, masarap mag siesta hehe. Magkatabi ang bahay ng lola ko at ng kapatid nya na lola ko din. Syempre! LOL
Umakyat ako sa itaas na bahagi ng bahay nun magsawa maglaro ng lutu-lutuan sa pinsan ko, may malaking tokador dun na may malaki ring salamin. Tinitigan ko ang aking sarili.
Baklita.
Chos!
Baklita ako nun kasi 8 years old palang ako di ba? haha. Nakita kong may polbo ang lola ko...Naglagay ako sa mukha gaya ng ginagawa nya. Pinahid ko sa mukha ko. Napakapal, mukha akong aswang...binawasan ko. Dapat pala light na light lang ganyan.
May nakita din akong lipistik...di ko alam kung kay lola din ito. kasi ambisyosa naman si lola if pulang pula masyado leps nya davah! baka maulol si lolo! biro lang!hehehe
Pero baka sa isa sa mga tita ko. Naisip ko. Ginaya ko kung paano ko makita maglagay si nanay. Pinagdikit ko din ang mga labi ko para magpantay ang pagkakapula.
Shet! Gandah ko!
Sabi ko sa sarili ko.
Nakakita din ako ng pulseras na yari sa plastik. May dugtungan ito kaya maari mong ibuka kapag hindi magkasya at malaki ang braso mo. Pero iba nasa isipan kong gwin dito. Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang mga pulseras. Inipit ko sa tenga ko para mag mukhang hikaw...masakit! para akong naglagay ng ipit ng damit sa tenga ganyan ang pakiramdam ko nun. Pero tiniis ko. Alang alang sa kagandahan! LOL
Sinipat-sipat ko ang sarili ko sa salamin. Left and right. Bagay talaga. Bulong ko sa sarili ko. Wala akong ibang nakikita sa salamin kundi ang sarili kong repleksyon. Ilang minuto din akong inaappreciate ang kagandahan sa salamin ng tokador.
Nabubulagan ako sa ganda ko.
Lingid sa aking kaalaman, kanina pa pala nakamasid sa akin ang aking mga tiyahin sa kabilang bahay. Nasa itaas din sila ng bahay nila sa may bintana'ng kapis.
Na-realized ko na kanina pa pala nila ko pinapanood ng may kahalong pangungutya at pagtatawanan. Kitang kita nila malamang ang paglalagay ko ng mga kolorote sa mukha.
Agad akong nagtago sa ilalim ng bintana kung saan di nila ako makikita. Napaiyak ako sa pagkapahiya. Ang tanga tanga ko! sabi ko sa sarili ko. Bakit kasi di ko agad sila napansin? Isa isa kong pinahid ang mga nilagay ko sa mukha ko. Pati ang pulseras sa aking mga tenga.
Alam kong pagtatawanan nila ako ng ilang araw. Maari pa nga nila ikwento ito kina nanay at tatay. Baka mapalo ako. Mapapahiya ako. Yun ang isa sa mga pangamba ko.
Umuwi nalang ako sa bahay namin pagkatapos kahit alam kong wala ako kasama dun. Ilang araw din ako hindi sumama sa pagpunta sa bahay nina Lola. Hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan ang pagkapahiyang iyon sa buhay ko nun kabataan ko.
Namatay na din yun isa sa mga tita ko na nakakita sa akin. At yun iba naman ay matatanda na din ngayon at may mga apo na. I wonder if naaalala pa nila yun tuwing makikita nila ko?
Napagiba na din ang parehong bahay ng mga lola ko. Napalitan na ng modernong estilo, nawala na ang itaas na bahagi na may malalaking bintanang kapis. Wala na din sina Lolo at Lola. Mga tiyuhin ko na ang umookopa ng bahay.
Ang malaking tokador ni lola ay nakita kong maayos pa sa dati niyang silid kahit siya ay pumanaw na. Nakita ko ito nun ako ay dumalaw doon mga limang taon na ang nakakaraan.
Napapangiti nalang ako kapag naalala ko ang mga panahong iyon ng nakaraan. Bitter-sweet memories ika nga :-)
18 comments:
nakakatuwa lng kung panu maipapaalala sayo ang pinak masasayng bahagi ng buhay mo ng mga simpleng bagay nu
ang napagdiskitahan ko noon sa tokador ng nanay ko ay pond's cold cream. taka ang nanay ko kung bakit ang bilis maubos. di niya alam, nakikigamit ako. :)
@mecoy-- uu natatawa nga ako e, naalala ko pa ano feeling ng pagkapahiya ko nun grabe!
@aries--haha nakakatawa lang ang mga kabaklaan natin nun mga bata pa! tagong tago dapat pa
Ako wala akong alaala sa mga ganyan... ngayong araw ko lang nalaman na bakla pala ako... charmos... hahaha... basta sabi lang ng mama at papa ko noong before ako mag highschool na wag daw akong makipagkaibigan sa mga bakla... hahaha... may naaamoy na siguro sila... hahaha
@juan--ang late bloomer mo pala hahaha! Tseh!
ako indenial stage pa din ako hahahha
thank you for visiting my site... i love old houses... san yan? :)
Mac ang ganda. Talagang nakita kita, habang naglalagay ng powder at lipstick. Maganda ang pagkalarawan mo.
Ibig sabihin, matindi ang epekto nito sa iyo, kasi tandang tanda mo pa rin. Kahit isang century na ang nakalipas. *loko lang*
so ngayon, anong powder ang gamit mo?:)
@kulapitot--nako tapusin na yan at mag pakulot na ng hair at ahitin ang kilay! kidding!
@pinoy adventurista--you are welcome. nako sa google ko lang nakuha yan pic hehe.
@kane--akong ako ba talaga pagkakasulat ko. napatawa naman ako ng wagas kane! haha! uu di ko makalimutan ewan ko ba ke tagal na nun e pero malinaw yun feelings ko nun till now..
salamat sa pagdaan :-)
shet nakakaloka nga yun nung bata. traumatic yun ha!
hahaha... wala akong ganyan noong ako ay bata pa... iba yong sa akin.. x-rated.. haha
hahaha ang kulit. ako din naman nahuling nakikialam ng lipstick. at least ngayon, kaya na nating bumili at pumili ng lipstick na shade natin. di ba mac?! :)
@kalansaycollector--napahiya ako ng todo haha. kakaloka lang
@wizzdumb--haha nako naintriga naman ako kung ano yan!
@zaizai--tumpak kahit rainbow colors pa! charot
The things we do when we were kids. Kapag may ka engotan ka ginawa nung bata ka eh nakakatawa. Kapag ginawa mo ngayon eh bad trip, nakakatawa na, nakakatanga, at nakakaapekto pa. Langyang buhay oh!
Hahaha! Maria Clarita pa pala ang dating at colonial house pa pala. Hehehe... Did your parents ever mentioned that to you?
At the age 2 you have that kind of realization. All the more na nagpapakita that homosexuality IS NOT A CHOICE, and not a disorder.
You were born that way baby. You're beautiful in your way and God makes no mistakes. Alla Lady Gaga ang comment eh!
Haha huli sa akto... kasalanan yan ng capiz windows. Matutong magkurtina... LOL
hello...
good bye :)
Post a Comment