September 10, 2012

Kahit Ano Lang



Nasa bahay lang ako mula pa kahapon. Off ko kasi hehe. Sobrang lamig kaya naka pajama at jacket ako habang sinusulat to. Nag chicken sisig ako ng for breakfast. Puro manok nalang! malapit na ko magka feathers!

Wala naman, ito ay just some random post, share ko lang mga ganap sa buhay middle east ko :-)

***

Dahil lagi naman akong night shift at madalas e 12hrs ang duty ko, kulang ako lagi sa tulog, kaya naman kapag day off ko, kaya ko matulog ng 12 to 16hrs! ihi at inom lang ang pahinga niyan! Gaya today. Kakagising ko lang mula sa 14hrs na tulog nun 2am hahaha! lamon agad ang inatupag ko nun pagkabangon.

***

May plane ticket na pala ko para sa bakasyon ko sa disyembre! bayad na ng management ng hospital at nasa akin na! atat ko lang noh? mabuti ng maagap. Andami kasi nag aagawan umuwi ng december sa mga kasamahan ko. Baka maubusan ako ng slot e. Excited na ko umuwi. Andami ko plano puntahan, gusto ko sa mga beaches, lalo sa Coron at sa Laiya batangas, sana magkasya budget ko, at maraming gusto kainin at kainan! lahat nililista ko na hahaha! maigi ng may plano noh!

***

Tamang tama din pala uwi ko kasi first birthday celebration ng pangalawa kong pamangkin, at maghanda na daw ako ng pang party sabi ng mahadera kong kapatid. kalurkei.

***

May mga hindi ako nakakasundo sa trabaho. May sama pala ng loob di sinasabi sakin, e ano ba ko manghuhula di ba? May mga hindi pagkakaunawaan, napansin ko lang dumadami na sila, kapag nagkampi kampihan sila ala ako laban sa sabunutan ah. LOL! Pero bahala sila, I cannot please everyone. Basta ako, i'll enjoy my job at unahin na muna ang trabaho kesa sa mga intrigang yan.

***

Umaayos na pala ang kalusugan ng bayaw ko na may neck and throat cancer. Natapos na niya ang series of daily radiation treatment niya at weekly chemotherapy. Grabe, ang hirap ng may sakit sa pamilya. Stress masyado ang sister ko, nakaka drain physically, and financially. Buti nalang matatag ang nag iisa kong kapatid. Ngayon, monthly nalang ang chemo treatment niya, sana lalo pa siyang lumakas at maging healthy.

***

Hindi muna ako nakikipag date at nakikipag landian. Pahinga muna. Masyado ako napagod nun mga nakaraang buwan! LOL parang andami e noh? kasi naman hindi ko pa din siya makita. Its either gusto ko or hindi ako gusto. Yan ang katotohanan. Tinigilan ko na din muna ang pag gamit ng Grindr, may nabalitaan kasi akong pinoy na hinuli ng pulis na nagpanggap na ka eyeball niya. Kaya ingat muna tayo mga bekis :-)

***

San ba mas maganda pumunta? sa Hongkong kung san andun ang Disney land or Singapore na merong Universal studios and etc?

***

Adik ako lately sa mga documentaries na available sa Youtube. Grabe tuwing night shift sa work, nauubos oras ko dun. Mapa animal kingdom, mapa CIA or conspiracy, pati Ancient Aliens pinatulan ko na! hahaha. Fave ko din dun yun mga Mega constructions lalo yun docu about sa artificial islands ng Dubai. Grabe!

***

Unti unti na nababa ang temperature dito sa city, at konting panahon pa lalamig na naman! yey! excited na ko magsuot ng mga jackets ko ulit at ginawin sa labas ng bahay! Nababa ang temp dito ng around max 14 degrees lang naman, pero malamig na yun! as in!

***

Hindi ko pa napapanood ang Dark Knight Rises at Bourne Legacy. Kakainis!

***

Sinusubukan ko magtipid na since malapit na ko magbakasyon. Alam naman nating di biro ang gastusin sa pinas! Baka saglit lang ang dala kong kaban dun e ubos na agad! LOL.

***

Pinaka namimiss ko kainin ang crispy pata ng Max's! at yun ginataang kuhol ng Gerry's Grill! lalo na yun luto ng kapatid ko na ginisang patola with matching pritong galunggong! yummy! pati yung puto bumbong miss ko na sobra! at higit sa lahat miss na miss ko na ang baboy! oink-oink!

***

Madami akong planong ma-meet na bloggers, at sana ay may time sila pag aksayahan ng panahon ang isang gaya ko na nag re-request. charrrr! hehehe.

***

Medyo ok naman na daw si Mom ko sa Dubai. Sana matapos na ang mga problema. at sana dumating na yun blessing na matagal ko na iniintay at pinagdadasal...

***

Humupa na din daw yun tubig baha na pumasok sa loob ng bahay namin sa laguna na hanggang tuhod. Mabuti naman kung ganun at kawawa naman kasi sila dun.

***

Hindi ko na nakikita yun resident doctor na arabo na super mega crush ko! siguro nalipat na siya ng assignment! Masarap mag duty ngayon sa hospital namin, dati-dati umaabot ng 15 ang patient na hinahandle namin sa ICU, ngayon, masuwerte na maka tatlo! LOL. well, ok lang naman, nasahod kami ng ayos at tama para pumetiks! samantalahin habang di pa toxic da vah!

May kasunduan kami nung girl na friend ko na in 5 years kapag di pa siya nag kaka bf at nagkakaasawa, magpapa buntis siya sa ibang lalake na pipiliin namin. Tapos papakasalan ko siya in papers only para di siya makulong at mawalan ng work. Kung kasal na kami, magkaka monthly allowance kami from the company management, mejo malaki laki yun kaya pwde na! tapos pag nakaanak na siya, siya gagastos ng legal separation namin. Hahaha! O hindi na masamang kasunduan di ba?

***

O siya yun na muna. Ang daldal ko na naman! andami ko na shinare! Magagalit na naman friends ko sa kin nito. LOL

15 comments:

nubadi said...

NKKLK ang kasunduan!!

Mac Callister said...

@doms--uu usapang lasing yan nun napagkasunduan! LOL

Cute Desert Boy said...

parehas pla tayong nasa gitnang silangan..buti ka pa parekoy nakakabakasyon kayo ng december...kame never mangyayari yon, kuripot kc kumpanyang to, kesyo mahal daw ang ticket..

aboutambot said...

whew! daming updates a.

Mr. Tripster said...

Hindi rin pala tayo nagkakalayo ng hobby tuwing day off

***

Hindi ba masama yung lagi kang pang-gabi? Nasisira yung katawan. You should do exercises para manatiling healthy and fit. Ok, epal lang.

***

Buti ka sagot ng company ang plane ticket mo. Eh ako, kahig magmakaawa sa magulang eh hindi pagbigyang ilibre ng ticket. malapit na daw ako magtrenta hindi ko pa daw magawan ng paraan makauwi ng Pilipinas, hahaha! Gusto ko umuwi ng december kasi 1 lang ang inaanak ko sa Pilipinas, at mahigit na dalawang dosena ang godchildren ko dito sa Italy. Mahal pa man din ang bilihin dito. hahaha!

***

May dalawa na akong pamangkin. Wala pa rin akong syota. Pero maraming ka-landian. Okay na rin yung ganun muna. Magastos ang may commitment at hindi pa kaya ng bulsa sa ngayon. hehehe...

***

I try to be civil with others as possible sa trabaho. Hirap din kasi kapag pinagtutulungan ka. Wala ka bang ally na puede mag spy sa iyong enemies? It helps to know what's running inside they tiny little one-celled brains. Para malaman mo lang kung ano ang kinasasama nila sa iyo, and then perhaps it will help you change and be a better person. You should not try to please them. You just need to help them to become not envious of you.

***

It's good to know na mas maayos na lagay ng bayaw mo. Every now and then give your sister moral support. Iba rin ang naibibigay ng sympathetic smiles.

***

Is it really that dangerous for gays sa middle east? I think you should be careful not only with the authorities but also with guys. Others can be real douchebags and bastards sa relationships.

***

Hongkong na lang daw. It's more affordable at mas maraming attraction.

***

That's the great thing about documentaries- you get smarter after watching them. Kung manood ka lang ng mga films natin at mga tv shows, you get dumber.

***

Mainit pa ng kaunti dito sa Italy. But I'm expecting a colder winter season. Ok na rin. Mas maayos ang tulog ko sa cold seasons kaysa sa summer.

***

Dark KNight is better than Bourne Legacy. The latter is controversial DAW kasi sabi nung director they chose Philippines because it's chaotic at yung slums. Ewan ko ba kung ano pinuputak ng butsi ng ibang pinoy TOTOO NAMAN.

***

There are a lot of attractions DAW sa Pinas. Mag-ipon ka na nga. Sabi lang sakin kasi hindi pa nga ako nakakauwi. baka next year pa.

***

nakakain ang kuhol? hindi ba escargot yan? Hmmm...

***

If you think of coming here in Florence, Italy, just contact me and I'll be your guide. Don't worry, I'm not a psycopath. You're safe in my hands. Bweheheh...

***

There's always sunshine after the rain di ba? Just have faith in Christ. hindi naman madamot ang Diyos. Iba lang talaga ang timing niya. Great things come to those who wait.

***

Binaha ang laguna?! kala ko safest province na ang laguna. I've always been proud of my hometown. Una sa lahat nga daw sabi ng asawa ni Gov. Asiong. hahaha!

***

Iba talaga kapag may inspiring element sa trabaho no? Kahit ayaw gusto mo pa rin magtrabaho.

Tindi ng kasunduan niyo naman. Please don't take marriage that lightly kahit it's just a way to get to the means. Still it's marriage. Ok, i sound so preachy. I'm quite conservative kahit puro kabalastugan minsan (or madalas) ang mga sinusulat ko sa blog.

***

MERRY CHRISTMAS!

Anonymous said...

sa SG ka instead of HK. hehehe.

buti naman okay na ang bayaw mo. that's good.

EB na! hehehe

Bwryan said...

Hahaha may buhok ka ba? Pano ka sasabunutan? LOL ☺

I know it's your decision but I do not agree with your "kasunduan" sa girlfriend mo.

Dyosa said...

kaloka ung comment ni Sir Tripster...mala-blog din ang dating...^^

....


Maganda ung man-made marvels episode ng Discovery.

.....

buti naman at me time ka ulit mag blog...hayss....andami na aksing bloggers ang di na active.

Anonymous said...

dami ng tawa ko sa kasunduan... I think may parang ganyan din kaming kasunduan nung college friend ko.

>:P

best regards,
baste

kalansaycollector said...

maganda sa coroooon! :)

well winner ang universal studios sa sg. though baka iba nga ang feeling sa disneyland.. though di ko pa napuntahan ang huli. mag enchanted kingdom ka na lang dito. chos. hehe

maligayang pasko. taray ikaw na ang homecoming queeeen! :)

victormanalo said...

ganda ng kasunduan...very promising lol

Sa Kalye ni Felipe said...

Yan ang dear diary entry! Hehe

mr.nightcrawler said...

congrats. malapit ka na magbalik-bayan! hinay-hinay sa gastos. Saka pagisipang mabuti iyang mga kasal na ganyan. it may seem harmless at first, but sooner or later it may bring some consequences.

KULAPITOT said...

alam na ... bawal lumandi ha! hehehehe! wow uuwe ka na pala sa december chocolate lang akin ha

Kane said...

Callister:) i suggest somewhere like vietnam or thailand, but that's just me. It looks like the end of the year is a highlight for you:)

I hope it will be everything you want it to be. :)

K