September 3, 2012

Friendshipments!


Ang kaibigan ay kayamanan. Yan ang sabi nila. At agree ako dito. Mahirap makahanap ng mga tunay na kaibigan, minsan akala mo sila na talaga, in the end hindi din pala. Marami kang makakahalubilong klase ng tao, may plastik, may inggitero at iba pa.

Kapag OFW ka, malayo sa pamilya at nag iisang nakikipag sapalaran, kaibigan ang una mong makakaramay. Sila ang kakampi mo. At in the end, sila na nagiging pamilya mo. Wala ng iba pa.

At proud akong sabihin na, nakita ko na ang mga tunay na kaibigan ko dito. Tatlo sila. At sana I could keep them for good.

Hindi lang naman sila tatlo, in fact marami din akong naging friends, pero tatlo lang sila na masasabi kong solid kami. Sila yun una kong nahihingaan ng sama ng loob, sila ang nauuna laging dumamay, at alam mong kahit ano mangyari ay andiyan sila.

Nakakabawas ng lungkot at homesickness kapag andiyan sila at sama sama kaming lumalabas para mag dinner sa labas, manood ng sine, at maki-party kung may okasyon.

Siguro ang sikreto lang sa samahan namin ay, getz namin ang isa't isa. Yun lang siguro yun. We are versions of each other.

Masarap tumawa. At kapag sama sama kami ay nakakahiya lang dahil kahit ano na tinawanan, alang kwenta! LOL

Mahirap kapag may tampuhan, siguro ang mainam lang ay maging honest sa isa't isa, kung may problema ay pag usapan agad at wag ng kimkimin pa sa kalooban, habang tumatagal ay lalong lumalalim ang sama ng loob e. Napatunayan ko na yan.

At sana ay mapanatili nating lahat ang peace sa mundo. charrr!

5 comments:

MEcoy said...

hehe pinaka masaya at comportable ako kasama mga kaibigan ko ksi dun ka mas mgiging totoo haha

KULAPITOT said...

wala ng mas sasarap pag may kaibign ka na tunay at totoo sayo.. lalo n sau na nsa ibang bnsa ka..

mr.nightcrawler said...

Sabi nga nila... friends are the family you choose. :)

Mac Callister said...

@mecoy--totoo. hindi na natin kelnagn magkunwari sa harap nila. ang saya lang :-)

@kulapitot--agree!

Archieviner VersionX said...

Happy Friendship Day! lol

Bihira na nga makahanap ng tunay na kaibigan kaya panatilihin ang tiwala sa isa't isa. Ako din dito sa NC nakahanap din ng kaibigan :)