October 17, 2011
Maging Matigas...
Marami akong natutunan sa pagiging isang O-ep-dabolyu ko. Gusto ko i-share sa inyo. Una na diyan at pinaka importante sa lahat....yun pagiging matigas ang loob.
At sa mga nakyuryus...hindi po tungkol sa kalaswaan ang post na ito hehehe.
Oo matigas ang loob mo dapat. Sinigurado ko na gusto ko ito. Once na nasa airport ka na at papasok ng eroplano, wala nang urungan to. Halos gusto ko tumakbo pabalik sa pamilya kong naghatid sa akin noon.
Pero tiniis ko. Grabeng self control ang ginawa ko nun. Paulit ulit na binubulong na kaya ko toh. At isa rin sa mga nagpa stay sa akin ay ang aking goal. Gusto ko ng bagong buhay, ng bagong meaning...gusto ko magkaroon ng worth. Isinantabi ang pag ibig namin ni Brian noon. Nagkalabuan kami at hindi ko na inayos pa dahil sa isip ko, paalis na din naman ako. Mas mabuti na rin yun.
Sawa na ko sa mababang sahod sa dati kong pinagtatrabahuhan na wala naman marating. Halos kulang pa para sa sarili ko. Ni hindi ako makapag share sa mga gastusin sa bahay...alam nyo yan for sure. Nakakahiya.
Nahihiya ako sa magulang ko. Mas lamang yun dream ko na may mapatunayan ako. Lalo na sa tatay ko.
Sa tatay ko na feeling nya e walang mangyayari sa buhay ko kasi bakla ako. Na disappointed na nga siya sa pagkalalaki ko e pati ba naman sa mga maitutulong sa pamilya e madi-disappoint din ba siya.
Isa ang tatay ko sa mga dahilan ko kaya lakas loob akong nakipagsapalaran sa gitnang silangan. Wala ako kakilala dito kahit isa nun dumating ako. Hindi nyo alam kung ganong kaba at takot ang nasa kalooban ko nun. Sino ba naman ang hindi. Wala sa sariling bayan. Ni wala kang kaibigan.
Pero tinigasan ko ang loob ko....kinapalan ko mukha ko. Nagtapang-tapangan. Mahirap din pala yun. Kunyari tough ka pero napaka rupok mo pala deep inside ng mga oras na yun.
Hindi ako maaring mag fail... naiimagine ko na mga sasabihin ng tatay ko kapag umuwi akong bigo. I don't wanna give him that luxury.
Yang goal na yan ang dala-dala ko till now. Hindi ako pwedeng mabigo. Kaya kahit walang lovelife, kahit walang boyfriend ngayon, sabi ko OK lang. Basta may matinong trabaho, basta may masarap na pagkain sa mesa, basta may naipapadala sa pamilya, kaya kong tiisin ang pangungulila sa pagkalinga ng isang nagmamahal.
Sa akin umaasa ang Nanay ko...naniwala siya sa akin noon. Nag tiis siya magpakahirap sa ibang bansa mapaaral lang ako. Ayoko mawala ang tiwala nya sa akin na kaya ko. Kaya naman Living The Expectations ang taytol nitong blog ko...hehehe. Para yan sa Nanay ko. Dapat isabuhay at isagawa ang inaasahan sa iyo...dahil yun ang pangako ko :-)
At sana magtagumpay ako. Dalawang taon palang ako dito. Marami pa kong panahon. Sana walang maging sagabal...
Natuto din akong lumaban, naging matigas ang mukha. Marami din kasing buwaya sa ospital hehe. Hindi lang sila nasa gobyerno at sa kapulisan sa atin. Marami din dito. Naghahari-harian, mapa-ibang lahi.
Kapag tama ka...kapag alam mo ginagawa mo, wag ka papatalo. Marunong na ko makipag sagutan dito ngayon. Kumpara noon na Oo ateh! Oo ateh lang ako! Lalo na sa mga bobong doktor at nars!hahaha! Mahilig silang ipilit ang alam nilang ka-engotan sa pasyente. Dapat alam mo silang kontrahin. Kasi mga bobo naman sila!
Hongyabang ko! Well, hindi naman lahat, meron din naman talagang may alam kahit papano.
Pinakaimportante din sa lahat e dapat marami kang alam na porn website kasi sila makakapiling mo tuwing gabi ng pag iinit at pag iisa! chos!
Henywayz, just to conclude this post na ewan ko ba kung may sense haha, maganda na ang kinalalagyan kong trabaho ngayon, wala na ako sa General Hospital, nai-transfer na ako sa specialized hospital with the same medical corporation. Nasa Cardiac Hospital na ko. Bagong tayong ospital na para lang sa mga pasyenteng may sakit sa puso. (syempre alangan namang para sa mga may sakit sa atay davah?!LOL) Yun nga lang kabi-kabila ang cardiac arrest!
Pero ok lang, I love actions naman e!
Have a great week ahead guys :-)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
ang halay naman ng entry... hahahaha...
Motivation lang pala talaga ang kailangan. Good job!
Hopefully, I'll find my own motivation, too. :)
Mabuhay ka....:))
nung first time kung mag abroad, naiiyak ako pagdating sa airport, kung pwede sanang lakarin pabalik sa pinas gagawin ko. ang hirp talaga pero sanayan lang.
nice entry gandang basahin... natawa ako dun sa dapat marami kang alam na porn... hahahaha...
mabuhay ka!!!!! and sana marami pa pong tagumpay ang makamit mo....
and sempre ingats po lalo na ang kalusugan... :D
kala ko sagad inspirational post na talaga... kahalayan parin o... hahaha
:) good read.
You'll go far buddy
dapat pinapabasa mo rin sa nanay mo 'tong blog mo. haha!
good luck sa'yo career mo dyan kahit matumal ang lablayp! :D
Sa tingin ko naman, na-achieve mo na ang goal mo sa iyong Itay. Ipinagdarasal ko na ikaw ay mas lalong biyayaan ng Poong Maykapal, dahil biyaya ka rin sa maraming tao.
Deserve na deserve mo yan kaibigan. :)
maisingit lang ang porn ha.
Nakakainspire naman 'to Mac! Para sa pamilya - kayanin natin! :)
@juan--hindi kaya!haha
@charles--yeah,kapag sick and tired ka na sa kapos na sahod ahaha!
@akoni--tayong dalawa ang mabuhey! :-)
@ka-swak--oo nga e,sa una lang mahirap...talagang tigasan nalang ng loob e :-)
@egG--salamat, naappreciate ko comment mo.Talagang ganun importante un porns e hahaha
@kiko--hahaha!konti lang naman un halay di ba.mas lamang ang matino (wink)
@herbs--naks naman! salamat!
@officeboy--naku ayaw ko,hindi nila alam tong blog ko ahha,hiya ako! salamat! hindi siguro panahon ng lovelife ko ngayon :-)
@leo--naks naman!!!! natats naman ako sa comment mo friend!salamat!
@ming--haha e totoo naman kasi yun!
@dramaking--00 nga e!salamat sa pagdaan!
Don't get me wrong but this is definitely one of the most sensible post you've ever shared here so don't say na wala siyang sense.
.
.
Whenever I would hear stories like yours, bumabalik ang respeto ko sa mga OFWs. I have a jaded opinion na kasi, especially with me and my father's case. But he's trying to get things right, so I guess that's another thing for me to consider in changing my views.
.
.
Anyway, I was touched by this. Uwi ka na at gagawin na lang kitang maybahay. lols. Ang yabang ko eh isa lang akong dukha. Makapag-abroad na nga lang din. Professional prostitute sa Amsterdam. Yun palagay ko kayang-kaya ko kasi di ko kaya dyan sa Middle East tsaka andyan na si Papa.
@DB--wow naman!na-tats naman ako ng bongga na nag message ka ng ganyan crush :-)
excited na kong ibahay mo!chosssss!!!!
ayyy may landiang nagaganap between you and DB, aylabet.
bakit nga ba karamihan sa ating mga bading, pressured na may mapatunayan sa fadir. kaya yung iba sa atin, nagiging over-achiever (di ako kabilang sa over-achiever, dun lang sa may gustong mapatunayan sa fadir)
apir.
actually kung pagiging matatag at pagiging matigas lang minsan mas kaya pa ng mga bading yan kaysa sa mga tunay na lalaki. :)
loves it! pak na pak. :)
@bien--biruan lang un sa amin ni DB naku po baka mapatay ako ng jowaerski nun!haha.
iba kasi ang tatay ko magsalita,iba siya sa akin...kaya cguro ganun...
@kalansaykolektor--haha tama ka jan!
I have a friend who's planning to work abroad din. Papabasa ko to sa kaniya. :)
Post a Comment