October 14, 2011
Naging Gago Ka Na Ba?
Naranasan mo na bang iyakan ang isang tao sa takot na iiwan ka na niya? Alam mo ba kung gaano kasakit yun ganun pakiramdam?
Naranasan mo na bang magsisi at humiling sa diyos na ibalik niya yun pagmamahal na nawala sa yo?
Marahil yun iba... at marahil, marami din sa atin, hindi pa...
Hindi pa ako umiyak sa mga naging boyfriend ko ...
Pero si Brian noon...
Nun magkarelasyon pa kami...
Halos mahulog ang puso ko nun makita ko ang mga luha na tuloy-tuloy na tumulo sa mga mata nya nun araw na yun. Siyam na buwan tumagal ang relasyon namin 3 years ago.
Gaya ng dati, sa bahay namin ng spend ng weekend nya si Brian. Biyernes ng gabi darating siya dito sa amin sa Laguna. Ganito ang set up namin for the past months mula nun maging magboyfriend kami at mula nun ipakilala ko siya sa family ko. Kapag hindi siya dumarating ng Biyernes, magtataka ang tatay ko, magtatanung ang sister.
Baka inaway mo na naman! yan ang madalas paratang nila sa akin.
Mahal ko siya at mahal nya ako.
Matagal ko ipinagdasal na magkaroon nang ka-partner na mamahalin ako. Nagpaka faithful ako sa kanya.
Hindi ako nagtaksil. Hindi ako nanlalake....lalong hindi ako nambabae...charot! Takot ako sa karma. Naniniwala kasi ako na kapag may ginawa kang kabalbalan sa iba, nanloko ka ng kapwa mo...asahan mo, kung hindi man ngayon, darating ang araw...lolokohin ka din...pagtataksilan ka din...ng doble-doble'ng sakit na ibinigay mo sa taong ginawan mo ng di maganda.
Nasa living room kami ng bahay namin. Kami lang ang tao sa bahay. Pabalik na siya ng Manila nun kasi lunes na kinabukasan, nag aaral pa siya ng Nursing. Masaya ang kwentuhan hanggang sa gaya ng ibang couple, may pinagtalunan kami.
Nauwi sa away. Dominante ako..ayaw ko nagpapatalo sa diskusyunan....submissive si Brian. Pero matigas ang ulo niya. Mainitin ang ulo ko.
Proud ako. Mayabang. Madalas gusto ko nate-test ang boyfriend ko kung mahal ba niya ako. At kapag alam kong mahal na mahal nila ako, adik ako. Gusto ko lagi ko nakikita yun extent ng pagmamahal na yun.
Gago ako.
Masarap sa pakiramdam kapag kaya nila gawin ang lahat para sa akin. Oo mali. Pero dati dun ko ibinabatay ang extent ng pagmamahal na ibibigay ko din in return.
Sigurista ako. Gusto ko makita ko muna na mahal mo ko bago ko ibigay sayo ang sarili ko. Pero kahit ganun ako dati at ewan ko lang kung pati ngayon, masasabi ko...nagmahal ako ng todo.
Mahal na mahal ko siya.
Nun mainit na ang pagtatalo namin...at hindi masunod ang gusto ko. Naghamon ako ng hiwalayan...
Nasabi ko na ba na mayabang nga ako?
Oo, ayun mayabang ko siyang hinamon...matiim kong inabangan ang isasagot ni Brian...kung ano magiging reaksyon nya sa mga katagang binitawan ko.
Natigilan siya.
"Mac, wag naman..."
"E ayaw mo di ba? o e di panindigan mo yan..." sagot ko sa knya, blanko ang ekspresyon ng mukha ko.
"hindi ko kaya..." namumula na mga mata niya nun.
Gusto ko ngumiti. Pero pinigilan ko. Tagumpay. Sabi ng isip ko. Narinig ko ang mga inaasahan kong kataga.
Pero dahil masyado nga akong obsessed...pinanindigan ko na ang lahat...gusto ko magmakaawa siya. Gusto ko sabihin niya sa kin kung gano niya ako kamahal.
Nakahiga ako sa sofa nun...nakaupo sa may paanan ko si Brian. Tahimik. Hindi nakibo. Nagpretend ako'ng nanonood ng TV.
"Mac...ano na...?" sinagi nya ang binti ko.
"Umuwi ka na. Lakad umalis ka na."
"Ayaw ko umalis na galit ka...wag ka naman ganyan oh..."
"Tapos na tayo. Lakad na. Ingat ka nalang, wag mo kalimutan isara ang pinto paglabas mo".
Tumitig siya sa akin. Kitang kita ko kung gaano unti unti tumulo ang mga luha niya. Tuloy-tuloy.Parang talon. Namumula na ilong niya.
"Wag mo ko iyakan. Baka pumasok si Tatay dito. Umayos ka nga!" mahinahon at madiin kong sabi.
Oo alam ko sasabihin nyo, walangya ako!
Yeah I'm not proud of it.
"Umalis ka na". yan ang huli kong sinabi.
Suminga siya sa panyo niya at sinubukan patigilin ang pag iyak. Nagpapahid pa siya ng luha nun tumayo at saka tumingin sa akin. Lumabas na siya. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
Nakaramdam ako ng matinding guilt. Sumobra ata ako. Pero nakalimutan ko sabihin sa inyo na ma-pride ako'ng tao. Gago nga ako nun e!
Getz nyo na ba?
Ilan minuto pa. Nag-aabang na ng jeep si Brian. Narinig ko ang boses ng tatay ko. Naririnig kong nag uusap sila saglit. Sa ilang buwan na nag stay si Brian sa amin, naging malapit na siya sa sis ko at sa tatay ko.
"Bakit hindi mo man lang ihinahatid ng sakay yun tao sa labas ha?" sabi ni tatay sa kin. "bakit parang naiyak yun? nag away ba kayo?" dagdag pa niya.
"basta". yun lang ang tugon ko.
"Ke-bait-bait nun batang yun, inaaway mo. wala na nga tumagal na kaibigan sa iyo e..." sabi pa nya saka lumabas sa may likod bahay.
Para naman akong natauhan bigla. Nagpanic ako. Pano kapag hindi na siya magmakaawa ulit? pano kung hindi na niya ako kulitin makipagbalikan sa knya? pano kung magsawa na siya sa pag-ugali kong imposible?
Mga tanong na kinatatakutan ko ang maaring maging sagot.
Wag kang gago Mac. Hiyaw ng isipan ko.
Nagpasya ako. Tumayo ako at tumakbo sa labas. Humihiling na sana hindi pa siya nakakasakay ng jeep.
"Brian! halika dito!" sigaw ko.
Pumasok siya sa bahay muli. Hinila ko papasok. Sa likod ng pintuan. Hinawakan ko ang mukha niya ng mga palad ko.
Hinalikan ko mga labi nya at sinabing "sorry...sorry... wag ka muna umalis..." saka ko siya muling siniil ng halik.
Hindi ko pinapakawalan ang mukha niya sa dalawa kong palad. Hinahalikan ko siya na parang wala ng bukas.
Gumanti siya ng halik. Mariin. Hinila ko siya papasok ng kwarto. Nasa labas lang si tatay. Magkalapat pa din ang mga labi namin. Dahan dahan ko siya hinubaran... inihiga sa kama...at saka dali-dali kong inalis ang lahat ng suot ko...saka muli siyang sinibasib ng halik...parang ayokong mawaglit sa katawan niya...gusto ko sa akin lang siya. Akin lang.
Para kaming nag aapoy pareho.
Para akong nadedemonyo.
Para akong mauubusan.
Mariin ang lahat ng haplos ko...nag iiwan ng marka sa maputi niyang balat.
Napapaungol si Brian sa pagkagat ko sa mapupula niyang dibdib. Napahawak siya sa ulo ko...naghahanap ng makakapitan...para siyang sasabog sa sarap....
Para akong rapist na nagmamadali...hayok...bigla ko siya itinagilid at pumuwesto ako sa may likuran niya...dahan-dahan...habang walang tigil sa pag niniig ang mga labi namin na tila uhaw. Halos magdugo ang mga labi niya sa diin ng bawat kagat at sipsip ko...
Napaungol siya nun lubusan ko na siyang mapasok...umuulos...naging mabilis ang bawat galaw ko....nagmamadali...
Sunibasib ko ng halik ang batok nya...mga tenga niya...habang madiin kong hawak ang kaliwa niyang dibdib mula sa likod....mapusok kami pareho nang sandaling yun. walang nagpapatalo...
Malalalim na ang bawat haplos...bawat ungos ko...bawat halik...nagmamadali...parang wala ng bukas...
Hanggang sa matapos ang digmaan ng aming mga katawan...saka ko siya niyakap ng mahigpit mula sa likod at isunubsob ang pagod at hinihingal kong mukha sa batok niya.
"mahal na mahal kita..." bulong ko bago tuluyan nakatulog na magkayakap.
Pagkalipas ng ilan buwan pa, naghiwalay kami ni Brian. Hindi na namin naayos this time. Malaki ang pagsisisi ko sa pagmamahal na pinabayaan at pinagsawalang bahala. Sa nakalipas na tatlong taon, nanatili kaming magkaibigan at sa bawat bakasyon ko sa Pilipinas. Lagi siyang andun. Nag-i-spend ng ilang araw makasama ako bago muling bumalik sa disyerto.
Listen to this amazing song. Been my favorite for a long time na...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Grabe! Romance and passion rolled into one entry. Sana mabasa ni Brian 'to. LOL. :)
@leo--namiss ko tong ikaw lagi unang nag co-comment sa bawat entry ko ha!tunay ngang hindi ka na busy! salamat sa pagdaan!
@mac: whew! tubeeeeeeeeeeg! lolz. :P
AY RELATE much ako dito.. wahaha
mga ma papride na yan! lol bitteressa
ahahaha ewan ano ba tawag dun.. di ko masabi... hahhaa
huhuhuhu..nakarelate..
sad.. hope its not the end of your story..
AYLABIT!!!
kaya pala ang luckless mo sa love. karma yan dala ng pride mo and how you treated Brian.
Ouch....
Sheyt....
Nakakalungkot naman. Sana magka-sequel pa ang love story niyo. Minsan kasi ang linaw ng hindsight. Nakakainis.
mac, si brian ba ang the one who got away?
ay dagdag. sobrang agree ako kay nyl.
Looks like you had your one great love there. hehe. Hindi na ba possible na magkabalikan? =)
ang bad ni mac LOL
Post a Comment