October 5, 2011

Ang Kwento ng Natusok Na Daliri at Na-Dedo'ng Nepali


Nag umpisang mag alarm ang cardiac monitor sa may ulunan ko. Lahat ng vital signs ng patient ko bumabagsak na!

Heart rate: 30 beats per minute nalang!

Putaena!

Napamura ko sa sarili ko nun mapatingin ako sa mga nag aalarm-an na monitor. Itinigil ko ang pag extract ng blood sample (ABG) sa braso ng pasyente ko. Paglagay ko ng takip ng syringe, sa pagmamadali, natusok ako ng needle!

Putaena! ulit kong bulong sa sarili ko.

Sumampa ako sa gilid ng kama at dali-daling inumpisahan ang pag si-CPR. Habang nagdudugo ang daliri ko.

One...and...two...and...three...and...four...and five... pagbibilang ko sa isip ko habang pina-pump ang dibdib ng pasyente sa may tapat ng puso nya...sinusubukan ko patibukin.

Nag iisa ako sa kwarto ng nepali kong patient. Nasa loob ng Cardiology ICU.


Parang slow motion ang lahat...


Saglit kong itinigil ang pag CPR at tumakbo sa may pinto at sumigaw sa unang nurse na nakita ko sa station. Kelangan ko ng tulong.


Parang eksena lang sa tv series...


"sister! come quickly! patient is bradycardic! I need a crash cart!" sabi ko sa Indiana'ng nurse.


Tapos tinutugtog daw yung kanta na "How to save a life..."


Echosera lang!


Saka ako nagmamadaling bumalik sa pag CPR! Tuluyan ng nag arrest ang patient. Wala na ko heart rate. Shit!

Tuloy pa din ako sa pag resuscitate. Nagdatingan ang back up ko. Sunod sunod na sila dumating. Dala ang emergency cart.

"Sister, get the bag and start bagging!" sabi ko sa isang nurse na lumapit.

Habang pinapaliwanag ko sa negro'ng doctor na dumating kung ano ang nangyari...

"Stop! Everybody stop. Patient is DNR (Do Not Resuscitate)!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in-charge sa ICU.

Napa-Ngak! nalang ako! Sabay tigil nang ginagawa ko ng wagas na wagas!

Pumirma na pala ang relative na in case na mag arrest yun patient e wala na kami gagawin anything to save him. Hahayaan nalang. Kasi malamang napaliwanag na sa kanila na hopeless na.

Effort pa naman ako! hmmmp!

Fact: dapat kasi inaalam muna ang mga a-choo-choo-choo sa chart ng patient!

Oo! Ako na! lol



Bakit nga ba ako humantong sa sitwasyon na ito nang nag iisa?

Una, tinawag kami nun nurse na assign sa isang pasyente ng colleague at friend ko na si Fatima. We have to do APNEA TEST daw sa patient nya. Kasi kelangan ma-determine namin kung brain dead na ba siya. Para ma suggest sa mga kamag anak na baka gusto nila i-donate ang mga organs nya. Sayang nga naman at bata pa yun patient. 32 lang siya. Inatake siya sa puso last week at di pa siya gumigising till now. At wala improvement sa case nya.

O di gora naman kami ni Fatima since rumarampa lang naman kami dalawa kanina pa! at least may magagawa!haha

Pinakuha namin ng ice yun nurse at mga kelangan pang ek ek sa procedure. Sabi ko kay Fatima siya nalang ang mag record at mag monitor ng vital signs at ako na ang gagawa ng pinaka-procedure.

Nakita ko na may hawak na baso yun nurse na assign sa patient na gagawan namin ng test. Naawa naman ako kasi mukhang gutom na siya. Kaya sa halip na kasama namin siya mag monitor e sinabi ko nalang na we can manage the test alone.

Hindi na din ako nagpatawag ng doctor na dapat e andun sa duration ng test. Kasi nga delikado ito.

Nagmamaganda kasi.
Ilang beses ko na kasi ito nagawa kaya naman confident ako.

Dapat within ten minutes tapos na ang apnea test. Kundi magiging false/positive ang result namin.

Tinanggal ko na ang life support ng patient. Wala ng makina'ng hihinga para sa kanya. Inilagay ko ang catheter na naka konekta sa 10 liters na oxygen papasok mula sa tubo sa bibig niya na diretso sa lungs. Inobserbahan ko kung nahinga ba siya sa sarili nya. Negative.

Dinidikta sa akin ni Fatima ang vital signs na nasa monitor. Ok pa. Keri pa daw sabi nya.

5 minutes later...

"mac, sats natin 75% nalang..."

"ok pa. acceptable pa yan. I need few more minutes" sabi ko.

"mac, its 60% nalang..."

"Ok! kukunan ko na siya ng blood... teterminate ko na tong test as soon as naka extract na ko ng blood sa artery sa braso nya"

FYI: Ang normal na sats e dapat 100%. At normal na heart rate at 80-100 bpm.

Nagmamadali ako. kelangan ma-hit ko agad ang artery in few seconds..

Tinusok ko na ang braso nya...sinusubukan hanapin ang artery... pero wala! shitness!!!

Hindi umaabot ang karayom ko. malalim ang ugat. I need a bigger needle Fatima! sabi ko sa kaibigan ko. Nagmamadali siya tumakbo sa stock room para kumuha. Naiwan ako mag isa.

Tumingin ako sa monitor 60s pa din ang saturation ko. Tinusok ko ulit. Blind shot na ginawa ko. Pero di talaga maabot.

Pagtingin ko sa monitor..50% nalang sats niya at bumabagsak na ang heart rate niya! 30 beats per minute nalang!

Sa pagmamadali ko ibalik yun takip ng syringe, napasala ang hawak ko at natusok ko ang sarili kong daliri! Nagdudugo pa din to habang nag si-CPR ako.

Worried ako sa kalagayan ng pasyente at sa natusok kong daliri. Nagamit ko na yun karayom sa pasyente. Hindi ko pa alam kung positive siya sa Hepa and I dont wanna think of the worst but...pano pag positive siya sa HIV?

"Stop! Everybody stop. Patient is DNR!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in charge sa ICU.

Umalis na kami ni Fatima after na ideclare na expired na yun patient namin. Ganun kabilis nawalan ng buhay ang Nepali...

1o minutes...all it takes was ten minutes.

Halos dependent na siya sa ventilator at mga gamot.

Nag report agad ako sa supervisor at sinabi ko na natusok ako ng needle na gamit na. Pinagawa nya ko ng Incident report. Inasikaso naman niya ako at dinala ako sa emergency room sa main hospital para ma examine. Kinuyob ako ng mga kaibigan kong nurse sa ER haha! Celebrity?

Tanga-tanga mo!!! sabay gigil na batok sa akin ng ilang kaibigan ko. Concern na concern sila noh? LOL

Kinunan din ako ng blood sample.Tapos ke-laki-laki ng karayom na ginamit! Taena'ng mga yon! wala na daw maliit!

Till now nangingitim yun tusok sa braso ko ni Eric! nag-Hematoma! patay sa kin yun pag nagkita kami!


May appointment ako sa infectious disease clinic next week.


Hoping and praying na Negative lahat sa sakit na nakakahawa ang namatay na patient. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Nakakaguilty din somehow na namatay siya habang ginagawa ko yun procedure sa knya. In my own hands...Oh may gawd! chos!


Iniisip ko na...

Na sana kung hindi ako masyadong naging confident...

At sana hinanda na muna namin lahat ng kelangan na size ng needle para di na tumakbo si Fatima at maiwan ako mag isa at sana na-monitor ko agad na bumabagsak na ng mabilis ang heart rate nya...

Na kung sana di ko na pinayagan mag meryenda yun nurse nya...

Na sana pinatawag ko na din yun doctor bago ko gawin yun procedure...

Na sana na-hit ko agad yun artery nya ng mabilis...

Na sana di ako su-syunga-syunga na natusok ko ng karayom ang sarili ko...



Hay...

Lesson learned talaga.


15 comments:

juan said...

sana negative lahat ng test results...

dagdag ingat palagi baka magkasakit ka ng walang kaeffort-effort... hehehehe

fbalgos said...

hazard naman yan!
hehehe!

Drama King said...

Nakakabilib naman ang trabaho n'yo. Baka mabaliw ako kapag may namatay na pasyente sa piling ko. Sobrang tapang n'yo!

Ingat ng marami next time! :)

Ms. Chuniverse said...

sana nga negative.


at sana rin natulungan ko sha.


kung sakaling nandun ako, at makita ako ng patient mo, i'm sure...


... titibok muli ang puso nya.


chos. :)

Lone wolf Milch said...

ingat next time scary talaga maturukan ng injection.

egG. said...

ay grabe... parang greys anatomy ang drama.. nakakaawa naman yung nepali na namatay sa harap mo... ]


heniwey.. sana negative yung mga maging resulta ng test mo... :)

new follower po.. :D

Mac Callister said...

@juan--hahaha sinabi nga nila ang tanga tanga ko!salamat friendship!

@simurgh--oo nga e,dapat ingat talaga,naging wreckless din kasi ako...

@dramaking--masarap at exciting ang trabaho namin..un nga lang may high risk na mahawa ka at makapatay...

@miss chuni--haha sana nga malamang makakatipid sa gamot at oras kung ikaw mismo ang ibabalandra namin sa mga may sakit na patient!LOL

@lonewokf--oo nga e,tanga ko kasi...sa pagmamadali na i-save siya napasala tuloy un pagsasara ko ng takip...salamat sa pagdaan :-)

@egG--hey salamat.pina follow na din kita :-)

Mac Callister said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

hahaha lesson in life... dapat focus...

Anonymous said...

Hi there!

Wow, banging ang cultural diversity dyan ah. And yes, this post really seems like one of those medical dramas. Except sa House MD (If you watch it) they resuscitate anyway just for the sake of.. well you know, drama.

Naloka ako dun sa natusok na needle sayo. Hope negative ang lumabas dyan. But hey, you tried hard to do something to resurrect that Nepali.

See ya around!

Sean said...

lol @ ms. chuni.

sana negative ang results mac.

kalansaycollector said...

nakakaloka!

grabe butit di talaga ako nagnars.
praning akong tao e. hehe

Mac Callister said...

@kiko--oo nga e! somehow naging careless din ako.hay nau kakainis haha

@manila,anyare--hi first time kita nakita sa blog ko,thanks! yeah,nega naman siya sa HEPA..hopefully pati un iba sakit...

@sean--sana nga.thanks papa hehe

@kalansaycollector--madami ka na ba nakolekta na kalansay sa closet?hehehe. kanya knya talaga tayo ng hilig...buti nalang may free will hehe

Unknown said...

Hi kuya .. Anu ba mga test pa na dpat ipacheck bukod sa hepa .. Ntusok din kc ako ng karayom na tinusok na sa iba .. Sana masagot mo ako .. Salamat

Mac Callister said...

@karla--sorry super late reply, i checked the patient's file if positive or negative siya sa HIV, yun lang. kaya nakahinga na ko ng maluwag nun malaman ko status ng patient. then after a few months nagpa HIV test ulit ako and negative pa din ako.