September 6, 2011

Arabo Sa Dilaw Na Hummer



Mag aalas tres na ng madaling araw nang maisipan namin umuwi na. Mejo tipsy na si Mar kaya inawat na namin. Siya pa naman ang magda-drive pauwi. Kaya pa naman daw nya mag maneho nung tinanung namin siya.

Galing kami'ng tatlo sa pag gimik sa isang popular na local club dito. Ako, si kuya fred at si Mar. Humiwalay na sa amin ang mga girls. Iba maghahatid sa kanila. Nag enjoy kami masyado kaya inabot na kami ng umaga.

Nung una ayos pa naman kami bumabaybay sa maluwag na kalsada kasi halos wala ng sasakyan nun mga oras na yun. So ito'ng sira ulo nami'ng driver na si Mar e nag papaloko loko kunyari lasing lasingan at ginewang-gewang ang pagmamaneho ng sasakyan. Tinatakot nya ko kasi alam nya mag re-react ako.

Nasa back seat ako nakaupo.

Sinabihan ko siya na umayos at baka maaksidente kami...wala pa kong bf at ayoko pa mamatay biro ko pa.

Nag red ang traffic lights kaya tumigil kami kahit wala naman iba sasakyan sa harapan namin...at habang nakatigil kami, huminto sa tapat ng kotse namin ang isang kulay dilaw na Hummer.

Nagbukas ng bintana ang arabito'ng sakay nito...

"Hey man! Are you drunk?!" sigaw nya.

Kinabahan ako ng slight muna. Ito naman si Mar nag astig-astigan.

"No man! I'm not. Are you?" napatawa ako nun sinabi nya yun.

"What? You are drunk! You're not supposed to drive!" Sagot ng ibang lahi sa amin. Lalo siya napikon kay Mar. Alam namin na hindi lasing si Mar. Nagloloko lang siya kanina. Nakainom siya pero kaya pa nya.

"Nag uwi ka ba ng resibo ng mga alak na ininom natin?" tanong sa kin ni kuya fred. Kinapa ko ang bulsa ko kung meron ba akong naisilid. Pero wala! Putek!!!!

Dito kasi, bawal bumili at uminom ng alak kung wala ka permit. At kung gigimik ka naman sa mga bars at club dapat inuuwi ko resibo para ebidensya sa mga pagkakataon na masita ng pulis or ng awtoridad.

Kaso nga wala! wala! wala akong naiuwi! Kasi naman ilang beses na kami na gimik at di naman nangyayari ito. Malaysia ko ba na nanganganib kami tonight!

Kinabahan ako. Pulis ba tong mokong na to?

"Mar, isara mo na bintana, wag mo na patulan" payo ni kuya fred. Siya ang pinakamatanda sa aming tatlo.

Nag green na ang traffic light at nag Go na kami. Dineadma ni Mar yun naka Hummer.

Pero sinusundan pala nya kami.

Busina ng busina sa likuran namin. Walang tigil. Gusto nya mag pull over kami sa tabi.

"Ihinto mo na Mar...baka lalo tayo mapahamak" sabi ko.

"Hindi pulis yan e di sana may badge siya pinakita! nagpa-ti-trip lang yan" sagot ni kuya fred.

Mas lalo pa binilisan ni Mar ang takbo namin. Lumilipad na kami sa daan. Napapamura na ko sa takot!

Pero andun pa din yun yellow na sasakyan. Hindi siya nasuko.

Gumawa ng paraan si Mar na makaliko sa isang kanto at hindi nya kami napansin. Nakahinga kami ng maluwag nun mailigaw namin siya...

Pero yun ang akala namin...

Pagliko namin muli sa isang eskinita, taena halos banggain nya yun puwitan ng kotse namin. Nung maabutan nya kaming muli.

"Mar, sino ba yun? bakit siya humahabol sa tin?" halos paiyak ko nang tanong sa knya. Alam ko kinakabahan na din yun dalawang kaibigan ko pero hindi sila umiimik.

Walang tigil na harurot at busina ang ginagawa'ng paghabol sa amin. Tumatalbog kami sa kada humps na madaanan namin.

Kung anong bilis ng takbo namin ay siya din bilis ng nasa likuran naming malaking sasakyan. Iniisip ko na kung ano maaring mangyari sa amin. Its either makulong kami kung pulis nga siya...or mabugbog kung isa siya'ng tripper or sira ulo.

Nagdadasal na ko ng mga oras na ito.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Sa pelikula ko lang napapanood ang ganitong eksena. Nakakaloka na nangyayari sa amin ito ngayon. Parang isang panaginip lang.

Malapit na kami sa building namin. Sabi ni Mar, hindi na yan makakasunod sa tin kapag nasa parking na tayo at sa loob ng accommodation building natin.

Mabilis pa din ang takbo namin. Nun papaliko na kami sa loob ng undeground parking sumayad at kumiskis ang tagiliran ng sasakyan ni Mar sa pader.

Lumikha ito ng malakas at nakari-rinding ingay.

Nakakangilo...Nagtakip ako ng tenga ko.

Napalabas ang security guard at mga by-standers nung dis oras na yun ng gabi. Lahat sila nagtataka.

At tama nga sabi nila kuya. Hindi nakasunod sa loob yun hayuf na Hummer. Ipinark ni Mar ang kotse sa gilid....

Pero maya maya may naglalakad na malaking arabo na palapit sa amin.

Iisa ang hula namin. Siya yun driver ng dilaw na hummer!!!


"kuya, anong gagawin natin? papalapit na siya..." tanong ko sa mga kasama ko.

"wag ka lalabas. kahit anong mangyari..." si kuya fred.

Nakakatakot ang itsura nung driver. Hindi ko matiyak kung anong lahi siya. Arabic ang features ng mukha nya.

Kinakatok nya ang side ni Mar na siya'ng nagmamaneho.

"Open the fucking door! Im police! get out of the car!" hiyaw nya. Nung marinig ko yun word na police lalo na ko natakot!

Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Nakita ko na papalapit na din sa amin yun 2 namin security guard sa building. At mga apat pang lalake na nakatira din sa building namin. Puro kami empleyado ng hospital dito. Kahit papano nakakabanaag ako ng relief na may mga makakaramay kami kapag may ginawa'ng hindi maganda ang impaktong ito! LOL

Nagbukas na ng bintana si Mar: "whats your problem man?" sagot nya.

"Why you did not stop? I asked you to stop. You run! I'm police!"

"You chased us! You did not say you're police! and....What's your problem?!" si Mar ulet.

Kundi lang sa nakakatakot na sitwasyon namin, gusto ko mapatawa ng malakas sa "whats your problem" na dialogue ni Mar! Parang tanga lang!

Napikon yun driver at hinila ang kuwelyo ni Mar mula sa bintana ng kotse! halos mapasigaw ako sa takot!

"whats your problem?!" yun na naman tanong ni Mar!

This time, lumapit na yun security at mga tambay...nakisali na sila...napakalma ng konti yun humabol sa amin.

"I'm police! I will get my ID wait here!" sagot nya nun hinihingan ng ID or anything nun mga tao.Lumakad siya palayo sa amin at bumalik ata sa sasakyan nya kasi hindi namin tanaw mula sa kinalalagyan namin.

Saka lang kami bumaba ng kotse. Feeling ko ligtas na kami sa company ng mga kasamahan namin sa hospital kahit pa ibang lahi din sila.

Ikunuwento ni kuya fred at Mar ang nangyari. At sinabi nung egyptian security guards namin na umakyat na daw kami at magpahinga. Hindi na daw yun babalik malamang. Huwag na daw muna kami bumaba ngayon gabi incase na bumalik yun.

Saka lang nawala neybiyos ko nung makapasok na ko sa flat ko. Nagpasalamat nalang ako sa diyos na ligtas kami nakauwi.


Whew! What a night!!!



Yun nga lang malaki gagastusin ni Mar sa pagpapaayos sa napakalaking gasgas sa tagiliran ng kotse nya!


10 comments:

Leo said...

i love car chasing scenes! exciting! but only in movies though. the moral lesson in this story is that never kid around while driving. it's dangerous.

mar deserves that big scratch in his car!

c - e - i - b - o - h said...

hindi nakakatuwa ang pangyayari na iyon, bet kong giitan ng leeg yan si Mar.. kung hindi siya nagpa-gewang-gewang sa pagdrive e hindi kayo mapapansin nung arabo..

hala ka,.. kyorkot!!

imsonotconio said...

oh my afraid me pag ganyan, bt kc nagloloko ng ganyan sa daan an kunyari drunk eh ayan tuloy hay dyusko

Drama King said...

Buti ligtas ka! Parang pelikula, pero kung nagkataon, baka mala-pelikula din ang ending n'yo. Buti ligtas ka.

Mac Callister said...

@leo--salamat sa comment! hahaha kasalanan nga niya...pero grabe talaga nangyaring yun mamatay matay ako sa takot!haha

@ceiboh--tama ka jan...pero nangyari na, gusto ko man siya sisihin wala na mangyayari, i bet kun uulitin pa nya un haha

@conio--oo nga e,kala nya kasi wala makakapansin hehe..

@dramaking--sinabi mo pa! maaksyong gabi talaga!

Anonymous said...

o ayan sana magtanda... hahhaa

citybuoy said...

Nakakaloka ka Mac! Alam mo ba, pa-break na sana ako. Naiwan ako ng mga kasama ko kasi I was so gripped by the car chase. Kakaloka!

Mac Callister said...

@kiko--haha tama ka!tandang tanda talaga namin toh~

@citybuoy--sorry my fault!hahaha! thanks for visiting :-)

Eli said...

thanks sa comment kuya. haaay magkkwento ako, it's been almost a month and i thought okay na ko. kanina galing kami sa dokyu shoot tapos nagkasabay kami sa fx.. it was the most awkward fx ride ever.. wala lang. thanks for the comment ulit

-elijah, http://thewriterbythewindow.blogspot.com

Ming Meows said...

grabe naman kasi makasagot si kuya mar