September 1, 2011
Ano Nga Kaya?
Hindi naman lihim sa lahat na madami na ko pinagdaanan pagdating sa pakikipagrelasyon. Marami ang naging saksi kung pano nag umpisa at nag wakas ang bawat kabanata ng lovelife ko dito.
Minsan napapaisip ako...Ano kaya kung mas inunawa ko sila? or mas sinikap ko pa'ng maging mapagbigay? Kung mas binuksan ko ang puso ko sa kanila? Siguro, baka meron na kong masasabing isang matatag na relasyon ngayon.
Aaminin ko. Masyado akong naging maramot sa pagmamahal... Dati kasi feeling ko, pag mas ipinakita ko ang pagmamahal ko, feeling ko talo ako...baka isipin dead na dead na ko sa kanya...kahit minsan yun naman ang totoo.
Laging nakatanim sa isip ko, mas mabuti muna makita ko'ng mas mahal niya ako kesa makita nya'ng mas mahal ko siya.
Masyado din ako proud. Iniisip ko kasi. Madali ko siya mapapalitan. Madali lang ako makakahanap ng mas higit pa. Kaya sa konting fault na makita ko. Mayabang akong nakikipag kalas.
Impulsive ako. Yan ang madalas nila sinasabi.
Mayroon naman na pinagsisihan ko sa bandang huli at humingi ng second chance...pero mukhang parusa ng tadhana...madalas rejected ako. Tatlo lang ang hiningan ko ng pangalawang pagkakataon sa dinami-dami ng mga lalake sa buhay ko! Oo...pokpok ako dati! chos!
Sobrang sakit at pag sisisi ang binigay nila sa kin...hindi ako swerte sa second chance. Hindi ko naman sila masisi...kasi ako naman ang nauna makipagkalas. Ako ang nagmatigas noon. Gantihan?
Madami ako natutunan sa pakikipagrelasyon ko...sa bawat taong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala at mahalin...laging may iniiwan itong aral at pagmumulat sa pagkatao ko. Mas higit ko nakikilala ang sarili ko...kung ano ang kahinaan ko. Kung saan ako dapat mag umpisa muli. So that history won't repeat itself...
Para san ba ang post na ito? Wala lang hahaha...nag iinarte na naman sa mga WHAT IF's na tumatakbo sa isip ko...
Isa lang ako sa karamihan... maaring nakakasalamuha mo sa araw araw...sa dami ng tao mapapansin mo ba ako?
What if...sa tinagal tagal ng paghahanap ko...andyan ka lang pala...malapit sa akin.
CHOS!
Wala lang.. mumuni-muni moment lang :-)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
"mas mabuti muna makita ko'ng mas mahal niya ako kesa makita nya'ng mas mahal ko siya."
ilang beses ko na din inisip ito, kaya ganito ako dati,pero napagtanto ko paano kung yung karelasyon ko ganito din ang pananaw, edi indi kami magbibigayan.hahahaha kaya minsan, nakakabuti din na magpakumbaba.
hihi.
i admire and appreciate the HONESTY of this post. bihira akong makabasa ng mga ganito.
take care, macky boy! the right one will come along, soon!
When we were children, we used to think that when we were grown-up we would no longer be vulnerable. But to grow up is to accept vulnerability... To be alive is to be vulnerable.
Madeleine L'Engle << hindi ko kilala... hehehe
Collect and collect lang Mac, pasasaan ba bibinggo ka rin
Kaya mas mabuting ibigay mo kahit papano yung 80% mo pag nagmahal ka, yung 20 para sa sarili at sa iba.. Kasi wala naman dapat limitasyon pag nagmahal :)
naks nag e-emote si mac! andyan nga lang yan sa tabi tabi, wait mo lang :)
Naging isyu ko 'rin to. Pero kaiba sa'yo, masasabi ko namang may mga minahal talaga ako ng lubos pero ako pa rin 'yung iniwan nila. Wala na kong hiningian ng second chance kase hindi ako naniniwala 'dun. Ang maganda naman, alam mo na yung mga naging pagkukulang mo and hopefully, hindi mo na gawin sa mga susunod na relasyon. Darating din sila, hintay lang tayo. :D
Nakaka relate ako sa topic mo. Simple ang pagkasulat pero malalim ang dating sa akin. Sa relasyon ako palagi ang umuunawa at nagbibigay. Pero ako din palagi ang talo. Ang inisip ko nga siguro kung hindi ko ginawa na maging martir baka sana hindi mas masakit ang ending ng relasyon. It takes two to Tango para maging maganda at masaya ang bawat isa.
hahaha lesson learned ba ito.. hahaha
Sinabi mo na madami kang natutunan sa mga nakaraan mo at sinabi mong madami ng taong dumaan para magmahal sayo, tanungin mo ulit ang sarili mo...
"Natuto na ba talaga ako?"
There's no perfect relationship(I know you know that). But then kung ang mga bagay ay nauulit lang kapag nasa loob ka ng isang relationship (especially kapag bago ito) ay mag-isip ka ulit kung na kanino ba talaga ang problema, nasa aking sarili ba o sa partner ko. You can't blame each others' fault dahil hindi laging pwedeng dahilan na kesyo yung partner mo ay ganito, etc, etc. It means hindi mo parin kayang tumanggap ng flaws ng iyong partner and vice-versa.
Kaya nga walang magtatagal.
Tanong ko lang sayo, "Masaya ka ba sa nangyayari?" I bet hindi di ba?
Ito nalang mapapayo ko sayo na lagi kong sinasabi.
"It's so easy to fall in love but it's so hard to commit."
"Love is not love without acceptance and commitment."
This are just my opinions still ikaw parin ang magpapatakbo ng buhay mo. Live and learn ika nga.
I wish you goodluck. :)
wag mo raw kasi sila paasahin maging good boy ka na raw hehehe
Baka babae naman kasi ang para sa yo! Nasa tabi-tabi mo lang. Hahaha!
Sana makita mo na siya. :)
Post a Comment