November 5, 2012

Deadz Na

 


Dahil pare-pareho naman kaming nasa hospital at pare-pareho nalang ang ginagawa ng bawat isa sa araw araw, madalas ay nagiging casual na kami sa mga bagay bagay mapa-pinoy or ibang lahi pa.

Lalo na sa buhay ng isang tao.

Kung minsan parang ang dating ay wala ka sympathy at insensitive sa pasyente. Parang walang puso. Pero in reality ay meron naman. Kaso nga lang sa dalas mo ng ginagawa, ay nagiging normal na ito sa amin. Ito na kasi propesyon namin. Siguro mas grabe ngayon kasi nga di naman namin sila kalahi, at karamihan sa mga arabo ay rude.

Naging kultura na ito sa ospital. Iyan ang riyalidad.

Normal ka ng makakarinig sa amin lalo na kapag kapwa pinoy ng:

" tegi na ba?"

"jigok na ba siya?"

"mamamatay na yan mamaya"

"di na yan aabutin bukas"

"ihanda mo na sarili mo, toxic ka buong gabi, patayin mo na yan ha para di na abutin sa amin bukas"

"tagal mamatay ni Mama/Babbaa (matandang babae/lalake) patay-sindi lang puso nya, christmas light?" --kapag ilang beses na kami nag co-code-blue sa knila. as in yun tipong 10x na siya nag cacardiac arrest and mega cpr na kami ng maya't maya ganyan.

"hongtagal mamatay ha! pagod na ko!"

Di ba kakaloka? kapag narinig ng ibang tao lalo't hindi empleyado or mga kamag anak e baka mamura pa kami! LOL. Pero syempre yan ay pag kami kami lang sa loob ng vicinity ng hospital. at yan ay biruan lang. Hindi naman namin talaga kaya patayin ang pasyente dahill lang sa pagod na kami di ba?

Dito kasi kapag naibigay na namin ang lahat ng kelangan ng isang pasyente, medicines, mga emergency drugs to make the heart works again, mga equipments to assists sa paghinga, lahat na ng efforts at procedures ay ginawa na pero wala pa din, dito kasi kahit magbobote ka ata gagamutin ka sa hospital namin, ibibigay sau lahat ng medical needs mo. ganyan kayaman ang bansang ito. Pero after gawin lahat ng protocols na kailangan at waley pa din.

Technically: Wala na nga talaga.

Kapag hindi na magawan ng paraan ng Science ika nga.

Kapag  lampas na ng isang oras namin ginagawa ang i-revive at CPR ang isang pasyente at wala pa din signs of life. Dun na mag declare ang doctor na expired na ang isang tao.


***

Pagbalik ko sa office namin after an hour:


Colleague: O anyare? buhay pa ba?

Me: Wala na, Pinatay ko na.


sabay upo sa swivel chair at browse ng timeline sa twitter.

LOL


11 comments:

khantotantra said...

we understand. mahirap lang kung iba ang makakarinig nyan lalo na yung family ng pasyente. heheheh. pero funny yung ibang lines ng pagbibiro nio ha. hehehe

Mac Callister said...

@khantotantra--uu naman for surekami matitigok pag nagkataon. so usapang kami kami lang yan, mga colleague ko.

Anonymous said...

Windang naman ang mga linya ninyo. "Pinatay ko na."

:p

MEcoy said...

hirap talaga ngtrabaho n nkita ko yun nung nadeads best friend ko

Archieviner VersionX said...

Ang saya ng propesyon mo. Natawa ako sa Christmas light. Naintindihan naman namin kayo.

Kami din dito kung nag-usuap kami in tagalog kapag ang pinag-uusapan namin ay mga local o foreigner. Di nila alam kung ano2 na sinasabi namin about sa kanila. #relate

aboutambot said...

"ihanda mo na sarili mo, toxic ka buong gabi, patayin mo na yan ha para di na abutin sa amin bukas"

kakatuwa naman sa ka-casual-an ng usapan nyo hahaha:)

ZaiZai said...

kaloka! I'm sure pag gwapo ginagawa mo ang lahat para mabuhay no? hahaha :)

Yas Jayson said...

hongtagal mamatay ha! pagod na ko!

Fota ka. Tumambling ako.

Axl Powerhouse Network said...

pambihira ka mac, di ko alam kung tatawa ako sa mga banat nio eh.

Anz said...

that's life..

Unknown said...

I can understand this type of situation. Haha. Kaya lang, wag na lang iparinig sa kamag anak. Magwawala talaga yung mga yun. :DDD

Followed you! :DD