Nasa mall ang dalawa kong kaibigan na babae nun araw na yun kaya naman nakiusap nalang ako na ibili nila ako ng pabango. Ubos na kasi yun Acqua di Gio ko, and di ako masyado happy sa kakabili ko lang na One Million. Pumayag naman sila na ibili ako bayaran ko nalang kinabukasan.
May dagdag pa akong habilin. Usually kasi namimigay sila ng mga freebies na pabango na nasa vial na maliliit diba? Madalas pa nga ay nagugulat na lang ako na binibigyan nila ako ng sangkatutak kahit di ako nahingi. So sabi ko baka mayroong 212 Carolina Herrera samples, ihingi nila ako para matry ko gamitin dahil sabi nila ay mabango din daw yun.
Ayon sa kwento ng mga kaibigan ko, ito ang nangyari nun araw na yun:
Pumasok sila sa store ng pabango at may sumalubong sa kanila na pinay saleslady. Nagpatulong sila kung nasaan ang acqua di gio. Tinuro naman daw. Medyo mukha na daw antipatika si ate. Nun makuha nila yun bottle ng pabango na gusto ko, nagtanung yun friend ko Sheryl, habang yun isa ko pang friend na si Mary ay lumayo muna dahil may kausap siya sa telepono.
"ate may samples po ba kayo nun 212 CH?" tanong ni Sheryl sa saleslady na ang name pala Yas.
"wala e." simpleng sagot daw ni Yas.
"ah ganun po ba." sagot nalang ni Sheryl. Ok na daw sa knya, kung wala e di wala sa isip isip niya. Dumiretso na siya sa cashier para magbayad. Saka naman bumalik si Mary since tapos na siya makipag usap sa asawa niya sa phone.
"oh ano asan ang sample ng 212? nakahingi ka?" tanong ni Mary since di naman niya nadinig ang nangyari kanina.
"di ba sinabi ko na ngang walang sample?" madiin na sumabat si Yas na saleslady na nadinig pala ang pagtatanong ni Mary.
Nagulat sila sa way ng pagsasalita ni Ate. Nairita si Mary kaya naman mahina pero sadyang pinapadinig na sinabi niya: "may attitude ang tindera ha..."
"e sinabi ko na nga wala e ang kulit niya di ba?" pagdudugtong pa daw ni Yas.
"e bakit sa isang mall meron mga sample?" dagdag pa ni Mary na nang iinis na.
Ang ginawa ni Yas ay dinampot ang acqua di gio bottle at itinaktak sa harapan nila at sinabing: "ano ba bibilhin nyo ba toh o hinde???"
"ay hindi na, dahil sau. aalis nalang kami". sabi ni Shery. Nadidinig pa daw nila na nagpuputak ang walangyang saleslady na bastos kahit palabas na sila. Kahit na inaawat na daw nun isang pinay dun na tumigil na itong palengkerang Yas na ito sa pag eeskandalo.
Dahil sa inis nakalimutan nila yun iba pa nilang pinamili dun sa baggage counter ng guard. Napillitan pa tuloy sila bumalik sa tindahan ng pabango. Nakita sila muli nun Yas at dumakdak na naman daw ng dumakdak. This time naman ay humabol sa knila yun isang pinas na umaawat kanina. Napag alaman nila na Melinda ang name, siya ang nag aapologized sa ugali ng staff niya.
Pagpasensiyahan na daw at baka may problema lang at madami iniisip. Katwiran ni ate.
"ate hindi siya dapat ganun.PInay din naman siya. Kung may problema siya wag niya idadamay mga tao sa paligid niya. at saka para siyang palengkera sa ugali niya." sagot naman ni Mary.
Sa makatuwid ay naengganyo daw sila ni Ate Melinda na bilhin pa din yun bote ng pabango na gusto ko. Nako nandidilat mata ko nun makwento nila sa akin kinabukasan ang istorya. Hindi ako makapaniwala na afterall e dun pa din sila bumili! hahaha kakaloka e angdami naman store dun na iba, sana pinanindigan na nilang wag dun bumili.
"nang dahil sayo napaaway pa kami! hmmmmp!" sabi nun dalawa sa akin haha.
Pero habang kinukwento nila sa akin ang buong pangyayari ay di ko napigilan makaramdam din ng inis at galit. Bastos yun Yas na yun ha. Maling mali siya kahit sang anggulo pa tignan. At para sa akin kahit wala ako dun ay hindi ko ito mapapalampas.
Kelangan maturuan ng leksyon ang bruhang saleslady na yun. Hindi niya dapat tinatrato ng ganun ang mga customer nila, kahit anong kulit or pasaway pa ng mga ito.
Kaya naman, hinanap ko ang facebook page nun store at pinindot ang message button. Sinabi ko ang nangyari. Kung paano napahiya. Kung paano niya sinigawan at iniskandalo ang mga kaibigan ko. Ipinagdiinan ko din kung paanong kulang sa ata sa training, sa proper orientation ang staff nila, at kulang sa kagandahang asal.
Na hindi kami makapaniwala na tinotolerate nila ang ganun klase ng mga empleyado. Na kami ay decent people at hindi kami makapaniwala na ginaganun ganun lang kami.
At sinabi ko din na goodluck sa kumpanya nila sa pagkakaroon ng ganun klase ng staff na imbes na mag promote na bumalik sa store nila ay tinataboy pa sa ibang tindahan at mall.
At sa bandang huli ng letter ko ay sinabi ko na: as for us, my family and friends and colleague we will make sure that they would never come to your store ever again, as we don't want to be treated so badly. Thank you.
Gigil na gigil pa ako niyan habang tinatype ang mga letrang yan. Hahaha.
Kinabukasan ay sumagot sila sa letter ko:
Dear ****** Thank you for sharing your experience with us. We appreciate customers who let us know when things aren't right and we would like you to know that we take such incidents seriously. Please note that we have forwarded your message to the concerned person. Kindly send us your phone number and we will contact you shortly. Regards, *********** Team.
Sumagot akong muli at ibinigay ang number ko at nun sa friends ko.
Nun araw ding yun ay tumawag sa akin ang friend kong si Sheryl at tinawagan daw siya nun supervisor nun store at nahingi nga daw ng sorry at sa behavior nun tindera nila. Pinatawag daw siya ng boss niya sa kanya para personal na humingi ng tawad.
Napag alaman ko na yun letter ko pala ay nai-email at naka CC sa lahat ng branch at managers nila sa buong bansa. Natawa ako nun malaman yun! buti nga!
Kinabukasan ay ginising naman ako ng ring ng unknown number sa cp ko. Nagpakilala siya na si Melinda na supervisor keme umano dun sa perfume store.
Yun nga nagsosorry siya in behalf of the company daw blah blah blah. Na hindi na daw mauulit yun nangyari. Tinanung niya ako kung gusto ko ba daw na yun Yas mismo ang tumawag sa akin at mag apologize, tumanggi nalang ako. Tinanung ko nalang kung ano ang ginawa nila dun sa Yas, i asked if na reprimand ba siya or namemohan whatsoever. Dahil kaso yun lang naman ang gusto namin, yun mapag sabihan siya or maparusahan.
Di ko naman wish na materminate, or masuspend, basta gusto lang namin na mapagsisihan ginawa niyang pambabastos sa customer niya. Yun nga daw naipatawag daw siya agad ng boss nila sa opisina at napag sabihan. Alam na daw ni Yas na mali ginawa niya at di na uulitin.
Dinagdag pa niya na kung may time daw kami ay dumaan kami sa store nila at ng makilala kami at makapag sorry pa ng personal. Umoo nalang ako. Pero wala na kami balak pa bumalik or tumapak man lang sa tindahan nila.
After ng konti pa usapan ay nagpaalam na ako kay Melinda.
Sa isip isip ko mas maniniwala pa siguro akong sincere sila sa apology kung bibigyan nila kami ng 100ml na bottle ng 212 carolina herrera!
Asa pa ko! LOL
6 comments:
pffft asan na yung na yung x-rated stories?? hehe
@mamon-- kow yun papatigas ka na naman e! charot! next post yun na abangan mo
ay suplada ang yas na yaaaaan!
ideport na yan! charot. hehe
Dapat ginagawa kay Yas, iniisprayan ng pabango sa mata! feelingera! ayan naapektuhan ako haha. Penge naman sample pag nakahingi kayo haha
hahahah...
dapat sinabi mo, your apology is good but we need parfums :p
Oo san ang png erectile na istorya haha . Well anyway dapt pumunta k sa store at inispray sa bunganga ni yas pra bumngo nmn ang bibig nia lols
Post a Comment