Dahil bored ay napag tripan ko ayusin ang mga abubot ko sa katawan kanina pagkagaling sa evening shift ko. Dahil dumadami na sila at mahirap na hanapin kung ano gusto ko isuot kapag may lakad.
Tutal naman ako din naman nahihirapan nun gulo gulo sila sa drawer ko. Nakita ko yung container na nabili ko sa IKEA few months back na naka tambak lang sa tabi.
So eto finish product! hihihi.
Dyaraaaan!
Babaw ko!
Pero nako kung kilala nyo ko ng personal major achievement na ito sa buhay ko bilang saksakan ko ng tamad at burara!
Hindi ba halata na I love G-Shock watches? hihihi pinang duduty ko sila dahil pang harabas talaga to at hindi basta basta masisira! and I stop dropping by their shops na dahil ayoko na bumili, tama na ang tatlo jusme.
And I love oversized watches too kaya meron ako niyang TW Steel keme na yan na singlaki ng wall clock! Yun ibang relo ko na ifeature ko na sa isang post ko last year. Click HERE if you wanna see it.
I love bracelets din. Yun iba nabili ko nung nasa Bangkok ako, yun iba ay sa Boracay, at un iba ay bigay lang ng mga kaibigan. Basta I love to accessorize, pero siyempre yun sakto lang, pag over ay panget na tignan.
Pwera nalang sa ganito mas madami mas maganda hehe.
Dalawa lang alahas ko. Isang whitegold na kwentas at isang bracelet. Investment keme daw. Ayoko ng yellow na gold, lakas maka saudi tatay levels haha at isa pa takaw snatcher sa pinas yun.
Alam nyo ba na karamihan ata ng ginto sa mundo ay pag aari ng mga female indians. Tarush noh? kuya kim ikaw ba yan? chos
Basta general rule daw kapag yellow gold suot mo, yellow gold lang daw, kung whitegold naman, whitegold lang dapat. wag mo paghalu haluin sila. Hindi maganda tignan na may yellow gold ka at white or silver na katambal sa kamay mo. Yun ay ayon sa mga nabasa ko dati, na lagi ko sinusunod. haha
Henywayz, sorry sa MEMA post kong ito. Medyo busy lola nyo. Next time abangan nyo dito sa blog ko, may series akong ilalabas, maiinit ang eksena dito, watch out for the release of The Masseur 1,2 and 3. hihihihi parang bagong palabas lang sa TV e noh?
Kung teleserye toh ang magiging tawag: Elyaserye o kaya kantutaserye? charot!
Ayawan na nga ang korni ko na. hihihi
5 comments:
finally nakakuha din ako ng doraemon g-shock! ang hirap nyang hanapin hahaha
ganda ng mga watches!!! Pa arbor ng isa!!! hahaha
kulang ata accessories mo, asan ang mga hikaw at bagles! :)
San mo niligpit ang collection mo ng toys haha jk
Oooooohhhh!!!! Woooooow!!!! Congratulations!!! Same tayo.... Sobrang hirap mag sort ng mga gamit.....
Post a Comment