May 22, 2013

Tumanda Na Naman!



Nung monday lang ay muli na naman nadagdagan ang aking edad. Saklap lang. Charr. Pero hindi, blessing ito, kasi kumbaga isang taon na naman ang ibinigay sa atin ni God di ba. At madaming ganap sa nagdaang taon ng aking buhay hihihi. Parang nategi lang e noh?

Balak ko sana mag handa ng medyo madami nun birthday ko pero sa kasamaang palad ay hindi nakiayon ang tadhana. haha. Una, hindi naayos ang sched ko. Ikalawa tumanggi yun misis nun friend ko na sa bahay nila i-celebrate ang party ko. Ikatlo, yung caterer ay hindi na naging available. Bongga lang di ba.

So ang ending ko ay magset nalang ng isang simpleng salo salo over dinner sa isang asian restaurant. No choice na e. Hindi ko naman pwde imbitahin ang buong department at hospital dun, Jusme mauubos ang kaban ko. LOL

Ilang piling kaibigan ang naglaan ng oras para samahan akong ipagdiwang ang isa na naman taon ng aking existence hihihi.

Alas-syete ay nagkita kita kami sa fave kong Thai Chi Restaurant. Super gusto ko kasi ang asian foods may konting anghang pero andaming flavors na pwde mo pagpilian. Pangatlong beses ko na kumain sa restaurant na ito, o di ba obvious na bet na bet ko food nila.


Nag order kami ng soup: Tom Yum. gusto ko ito kahit di ko magets ang lasa. LOL parang sinigang na parang paksiw hihihi


Isa sa lagi ko inoorder: ang Lettuce Wraps nila.



 Their Seafood Oyster. Meron pa kaming inorder na Oyster squid at yun Sizzling Prawns na nakalimutan ng picturan sa gutom namin hahaha.

 Siyrempre dahil nasa Thai resto kami di pwdeng mawala ang Pad Thai.

 Ito ang kanilang Traditional Roasted Peking Duck. Gusto ko lasa ng duck ha.

 At ito naman ang Cripy Fried Peking Duck. sarap nitoooooo!

Lahat kami may ganitong drinks. Forgot the name hihihi basta yun na yun. tseh.

At may sweetness na pinakita all throughout the dinner itong si Nurse RC sa akin ha! inignore ko lang sana yun gestures nya pero napapansin din pala ng mga kaibigan ko sa kabilang side ng table kung paano ako ipagsandok at lagyan ng food ni RC sa plate ko. Aaminin ko medyo kinilig ako haha though si nurse Andrew ang pinag papa-charmingan ko nun gabing yun.

May nag BBM pa nga na "ang sweet nyong dalawa ha!"

 At syempre dahil birthday ko, may solo shot ako. putol nga lang. LOL! Anywayz, after lumafang ng madami ay nanood kami sa IMAX ng Star Trek. Second time ko na siya pinanood, kasi napanood ko na nun friday may ka-date ako hihihi. landichay.

No choice ako kundi ulitin kasi lahat ng kasama ko di pa napapanood. Ok lang naman, super sulit naman at entertaining yung movie kaya keri talaga.

Dahil birthday week ko nga... kulit ko noh paulit ulit? I bought my self new watches and phone recently. Uu bubungangaan na naman ako ng mahadera kong kapatid dahil dito. Nagawa na niya! kahapon! sumakit nga tenga ko e.

 Sale yan kaya nabili ko hahaha! 10% off.


Di ba dati na -post ko noon dito sa blog ko yun kulay red, well wala nun kaya itong kulay blue and white nalang ang binili ko. G-Shock GA-110C limited edition itetch, pero jusme takaw atensyon yan nun suot suot ko sa ER last time.

Samsung Galaxy Note 2. Super nag eenjoy ako pagkalikot nito hehe. Medyo naninibago pa ko sa full touch screen kaya jusme ke-bagal ko mag compose ng messages. kalurkei.

Thankful ako kasi madaming blessings na dumating this year. Isa nalang ang kulang. 

Lovelife!!!! 

Anopangabah! LOL



P.S
Maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa facebook, sa twitter at sa lahat na ng chat-ek-ek apps sa phone ko.

15 comments:

khantotantra said...

anggara ng gshock. hongganda ng kulay..... lalo na siguro kung may green. nyahahahaha :D

belateds habertdei... gregreet sana kita sa twitter nung nagpost ka na something bout your bday kaso nahiya me ng 10%. hehehe

Anonymous said...

yung watch na blue and white na binansagang Doraemon watch sa gshock forum ng pinas ang gusto ko! wala akong mahanap dito. hahahaha.

belated happy birthday Mac :) God bless :)

Aris said...

belated happy birthday, mac! :)

Kane said...

Parang hindi ka tumanda ... sa pagkwento mo. Ay! Haha. Mabuti naging masaya ka sa kaarawan mo Mac =)

MEcoy said...

wow happy birthday naman boy censored
hahaha! sana sa bday ko mabilan ko din sarili ko ng gifts haha

Mac Callister said...

@khantotantra--haha arteh mo may hiya hiya ka pa diyan tseh. salamat pow.

@bino--ay di ko ata alam itsura niyan gshock na yan a! salamat sa pagbati :-)

Mac Callister said...

@aries--salamat aries.kelan ka magpapakita sa akin? hahaha

@kane--bolero ka papa kane! hihihi. pero para ngang isip bata pa din ako magkwento noh? LOL

and yeah salamat sa mga kaibigan na pinasaya ako nun gabing yun.

Mac Callister said...

@mecoy--hahaha wholesome naman ako minsan a! kaya mo yan, ipon ipon lang :-)

Bwryan said...

+1 sa age! Then again, age is just a number daw... Happy to know that your birthday was happy. Saka na yung gift ha? Cheers! ☺

glentot said...

Ako naman May 19. happy birthday to you. SGN2 is a great phone. hindi ka magsasawa.

kalansaycollector said...

belated madam!

sad hindi kita nameet hung mga time na andito ka. :)

Mac Callister said...

@glentot--ay magkasunod tayo hehe belated din sau

@kalansaycollector--thank you. uu nga e medyo busy ako nun kakahaggard din hehe

Phioxee said...

belated happy birthday ;-) na miss kita sa twitter, at di kita na greet. dito nalang.

Lyka Bergen said...

Belated Happy Birthday! Sarap naman!

Reyn said...

Ikaw na may Galaxy Note 2. waah! Pangarap ko yang phone na yan. haist! di kaya ng budget ko yan eeh. Belated Happy Bday pala.