May 12, 2013

Kay Mother Lily..... Charrrrr!





Lahat tayo may kanya kanyang story about our own mothers. Mayroong sad, mayroon mga nakakatawa, bitter sweet memories. Since its mother's day I'll dedicate this day, this space, to my own mother.

Andami kong memories of her, pero buhay pa mom ko ha! mabuti nang malinaw. LOL

Naalala ko pa nun 7 or 8 years old ata ako nun, nagbibihis yun mom ko sa harap ko, wala siya paki kahit nakikita ko dibdib niya. wala naman ako malisya noon hihi.

Dahil medyo malaki naman kinikita ng tatay ko noon sa saudi, kapag malapit na ang school year bitbit kami ni Nanay papunta ng SM makati para mamili ng school supplies. Ang haggard lang nun mga panahong yun kasi yun lang ang branch na pinakamalapit sa laguna. lol naaalala ko kasi kung paano kami matiyagang kalong ni nanay sa jeep habang andami naming bitbit na plastic bags. at effort yun layo nun ha!
        
Tapos may karinderya mom ko nun, ang galing ko lang mangupit dun sa lagayan niya ng pera. Alam ko alam nyang nakupit ako pero deadma lang siya :-)

Ang sakit din mangurot ni mother sa tagiliran ko kapag may ginagawa akong hindi nya ikinakatuwa. As in parang tuklap ang balat ko sa sakit. Mahaba pa naman mga kuko niya noon na laging may matitingkad na kulay. Oo kikay kasi nanay ko.

Naalala ko pa na ayaw na ayaw niya naglalaba. Gawin na daw niya lahat wag lang maglaba. Pero the best magluto si nanay. Lalo na yung hamonado at menudo. As in! nakakamiss tuloyyyy!

Masarap din siya gumawa ng leche flan. perfect texture yun ha! natatawa ako kapag naalala ko kung paano namin daliriin at dilaang magkapatid yun mga lata ng condensed milk ng alaska noon kapag nagawa siya nito. sarap kaya! till now nabili ako ng condensed milk, itatapon ko laman tapos saidin ko lang yun nasa lata. charrrr

E yung nagpatuli ako si Nanay din kasama ko sa clinic ng doktor! LOL pero ako naman mag isa nalang nag langgas nun may pinakuluan ng dahon ng bayabas hahaha!

Tapos tuwing mananaginip ako ng masama tatawagin ko siya from my room kasi plywood na manipis lang division ng rooms ng bahay namin noon e, sasabihin lang niya: wala yan...tulog ka na...dito lang ako.

Hindi ko din makalimutan ang smile sa face nya nung ibinalita ko sa knya na first honor ako sa klase namin nun grade 5 ako at sinabi ko sa knyang kelangan niya sumama sa recognition day namin. Nagpa kulot pa siya nun. yun parang kay Tina Turner. Lol

Pinakamasakit siguro na naibigay ko sa nanay ko noon e nun hindi ako pinag martsa ng dean namin nun college graduation ko kasi hindi kami naka take ng revalida exam dahil sa napakawalang kwentang dahilan. Umuwi pa yung mom ko nun just for my graduation. Ramdam ko yun disappointment nya...Nakapasa naman ako kaya lang hindi ako pinag martsa. For a mother na nagsakripisyo ng ilang taon sa abroad para mapag aral ang anak, alam ko pangarap niyang makasama ko sa aking pag opisyal na pagtatapos.

Hinayupak kasi talaga yun dean namin! tseh! ewan if nakuha na niya karma nya. charr.

Kaya to my mom, salamat sa lahat ng mga sakripisyo mo, salamat sa lahat ng pang unawa at pagmamahal. Mag four years na tayong di nagkikita. Pero alam kong alam mo na ginagawa ko ang lahat with all my power para matuloy na ang ating family reunion this coming November. Excited na ko ipasyal ka at iparamdam na special ka sa amin. Konting tiis pa mother :-)


3 comments:

MEcoy said...

haha well ung mom ko, malakas magpatawa, di dahil sa joke, kasi sa pagkainusente nya haha!
mama's boy ako at proud ako dun

Anonymous said...

I miss my mom tuloy, natawa ako nagpakulot pa mom, ganyan din si mama pag recognition ko nagpapatahi pa ng damit :)

Mac Callister said...

@mecoy--masaya yun ganun. yun parang friends lang kayo ng mom mo mas magaan at mas komportable kayo pag ganun.

@anon--uu super mega naghahanda siya nun. kaaliw mga moms natin hehe