May 30, 2013

Bagong Salta





May dumating kaming bagong staff sa department namin, galing pinas. Si Julie. Mahiyain. Siguro kasi bago pa nga siya, halos wala pang one week. Ganun din ako noon, langya ako sa HINHIN. Ngayon HIHIN-dut*n na? charot!!!

Kanina ko lang siya nakita. Mukha namang mabait at hindi antipatika ang unang impression ko. Base sa pagsagot sagot nya sa mga friendly chit chat namin sa kanya.

We are trying to be friendly din kasi, alam nyo naman bago nga siya, kulit. LOL kaya dapat medyo iparamdam naming mga old staff na accommodating kami kahit papano. At alam din kasi namin ang feeling ng bagong salta. Mahirap sa una. Makikisama ka. At binabantayan ang kilos mo. Kinikilala.

Naitanung ni Aileen if nakuha na ba daw niya yung kanyang 2thou riyals na advance allowance from the finance department. Hindi pa daw. Nagulat kami. Kasi dapat first day palang naibigay na ito sa knya.

Ang sistema kasi upon the day na nagreport ang new staff sa HR at sa Finance dept dapat ibibigay na sa knya ang amount na yun para panimulan. Kasi nga bago pa so getz ng HRD na wala pang panggastos yun staff na kakaltasin sa sahod nya sa katapusan.

Pero sa case ni Julie wala pa daw. Nag worry kami for her. Sabi pa nga nya may ten riyals pa naman daw siya. halos sabay sabay ata kami napa-HAH?????

Jusme nanlaki ang mga mata kong beautiful sa narinig! E ipinapan-tip ko lang yun ten riyals na yun a! Hindi ko maimagine sarili ko with only ten riyals in my pocket! Que Horror!!!!!

Sabi ko "nako, hindi yan kakasya! papahiramin ka ni Aileen~! Aileen pahiramin mo siya ng 500!!!" at talagang si Aileen ang ipinush kong magpautang! hahaha

Hindi naman nag protesta ang bruhang friend ko kaya pilit niya iniaabot kay Julie ang 500. Nahihiya pa siya sa una pero sinabi naming alam namin ang ganyan stage dahil lahat kami ay dumaan sa ganun sitwasyon. Ayaw nya baka naman daw ibigay na sa knya ng Finance Dept yun funds nya this week.

Ako nga nun pinahiram lang din nun mga kasamahan ko. Kumbaga binabalik lang namin yun ginawa din sa amin nung kami naman ang bago. Oo nakakahiya kasi di mo naman sila kaano ano pero ito at iniaabot sau ang pera na di mo naman inask in the first place.

Kelangan mo yun kasi pambili ng mga gamit at pang baon baon. OO may bahay na libre, pero wala kang rice cooker, wala kang kaldero, wala kang kutsara at tinidor, mga maliliit na bagay na kahit ganun ay kelangan na kelangan mo bilang panimula. Yan ang buhay OFW.

Na-touched ako noon sa gestures na yun. Iba talaga ang mga pinoy. Nagtutulungan. Naiintindihan ang pinagdadaanan ng kapwa nila Pinoy na OFW. At sino pa nga ba naman ang magtutulungan di ba kundi tayo tayo din. Kaya dapat sa umpisa palang matuto makisama ng sa gayon madaming ma-gain na friends. Tama?

Dahil bago ako noon at wala pang muwang sa buhay middle east, madalas ay ipinapasyal nila ako, at lahat ng gastos ay nililibre nila ako. Di ba ang saya. Kaya naman as soon as nakuha ko ang first salary ko nun na sobrang di ako makapaniwala sa amount, dahil first time ko makahawak ng ganun salapi! as in! hahaha ay agad ko sila inilibre din ng dinner. Tanda ng aking pasasalamat nun ako ay gipit at baguhan pa.

Mukha namang ok ang personality ni Julie at sana maging close nya kami para madagdagan naman ang grupo ng mga kaibigan ko nagkakaumayan na kasi kami kami. LOL

6 comments:

Anonymous said...

dapat pinahiram mo ng 5000 hehehe. at least tulung-tulong ang mga Pinoy :)

MEcoy said...

buti naman at may mga pinoy syang kasama, kundi ayy ewan ko lang,

Senyor Iskwater said...

hhmmnnnn... sana magpakabait jan si julie nang hindi masaktan...hehehe

Mr. Tripster said...

Nice to see Filipinos helping each other. Lalu na diyan. Our last line of defense will always be our own people. So nakuha na ba ni Julie ang allowance niya?

mots said...

eh pano kung sa pinas ang manghihiram? gaya ng isang barrio teacher ganyan? joke.


likas (naks!) naman sating mga pinoy ang magtulungan. lalo na siguro pag kayo kayo na lang ang nasa ibang lugar :)

Mac Callister said...

@bino--haha ang laki nun noh. oo naman dapat lang ganun hehe

@mecoy-- uu madami naman kaming pinoy dito kaya parang nasa pinas na din hehe

@senyor-- oo nga e kundi masasampal ko siya. charot

@mr. tripster--ay oo nga di ko na ask ulit haha sige ask ko siya bukas'

@mots--hahaha di ko kilala yun sino ba un teacher na un? chos