Aktuwali, sa London sana ang medical escort na pinupuntirya ko this month since due na ako sa aming rotation. May pila kasi kami dito, lahat ng staff mula sa pinakasenior hanggang sa junior. Para lahat kami may chance maka byahe at kumita na din ng extra. Fair naman di ba. Minsan may mga sumisingit na kupal lalo't gusto nila pumunta sa bansang yun.
Heniweyz, nun tinawagan ako ng friend ko at sinabing kunin ko na daw itong pinoy case na ito ay medyo hesitant pa ko. Kasi Pinas ang byahe, I mean, I'm targetting Europe kaya. Nun naibaba ko na ang telepono, napag isip isip ko, hmmmm why not! I'll get to see my family and my friends and my boys. Chos!
Hopefully bago matapos ang taon ay makapag London escort ulit ako :-)
Di ba its a win-win case! Kumita na ko dahil babayaran ng company ang 4 days ko, libre pa ticket ko pauwi, tapos mae-experience ko pa ulit ang Pinas lalong lalo na ang mga food na talaga naman namiss ko ng bonggang bongga!
Kainis nga lang 2 days lang ang binigay sa aking extension! pero keri na 6 days na din yun. Pagkakasyahin ko nalang ang lahat ng pwde ko magawa in a short time hihihi. #alamNa.
Nakaka haggard nga lang mga prepare ng mga dokumento jusme. Mga permits, mga letters, mga requirements, at kelangan ay nasa tamang kondisyon ang aking Ventilator (breathing apparatus) at ang mga extra batteries nito kundi yari ako kapag nag fail ito sa eroplano.
Itong aming medical escort na ito to the Philippines ay binubuo ng tatlong tao. Ang aking mabait na Jordanian doctor, ang aking sweet na Indian nurse, at ang inyong lingkod. Kasama namin ang anak ng patient namin na si Ate Cora.
Haist, sad lang ang case ni Ate Cora. Dinala siya sa ER noon January due to acutebiliary pancreatitis. Naoperahan siya kaya nadala sa ICU. tapos nag aspiration pneumonia nun nasa ward na and then nag cardiac arrest, tapos na apektuhan na ang brain functions nya nun ma-revived at gumising kaya naman bed ridden na siya at di nakakapagsalita, tapos nagka pleural effusion pa siya, tapos ARDS. At ito ngayon naka tracheostomy tube siya at sinusuportahan ng mechanical ventilator ko dahil mahina na ang lungs niya.
Napag desisyunan na iuwi na siya sa Pinas dahil supportive na treatment nalang ang kelangan niya. Ihahatid namin siya sa isang hospital sa Pasig. wala na kasing magagawa pa ang hospital namin for her. At wish na rin ng family nya na maiuwi siya.
From the plane ibibiyahe namin si Ate Cora na sana ay stable at walang aberya sa kalagayan niya mahirap na mag code blue kami sa ere! jusme imaginin nyo nalang ang panic ng mga kasabay namin sa erpleyn nun at baka mapilitan kami mag landing sa kung saan man airport pinakamalapit, at saklap kapag sa North Korea kami inabot da vah or sa afghanistan! charot!
Pagbaba namin sa NAIA ng around 11pm ay may naghihintay ng ambulance sa amin, hopefully ay na coordinate nun family ni Ate Cora ito ng maayos kundi nganga kami sa airport. LOL From the erfort ay ihahatid kami ng ambulance all the way to Pasig. Hmmm, sana bago mag 1am ay naiendorse na namin ng maayos at stable ang pasyente.
Magpapasundo ako sa sis ko sa hospital sa pasig tapos idadaan ko sa kung saan mang hotel magcheck-in yun dalawang kasama kong foreigner. I feel bad kasi na iiwan ko sila sa Manila. Syempre ala sila kilala diyan kahit isa diba. So im sure worried din sila. Pero sabi ko nalang mag ingat sila sa mga mandurukot at holdaper. LOL! (lalo natakot ang mga hitad hahaha)
So yun nalang consolation ko sa kanila, ang ihatid sila sa hotel nila. Sa makati daw nila gusto, nagmamayaman ang mga bruha at sa five star hotel daw. tseh.
So yun ang plano. Sa ngayon ang goal namin ay mapanatiling stable ang kalagayan ni Ate Cora sa ICU habang nag iintay kami ng sabado ng umaga para sa byahe namin pauwi ng Pinas. Kagabi kasi nag respiratory distress daw ang pasyente kalurkei. Tinakot kami. Pero ngayon ay Ok na siya. Kundi good bye to my pinas mini vacay! haha