September 28, 2012

Sa Tokador Ni Lola


 Grade two palang ako, alam ko ng may kakaiba sa sarili ko. Hindi ko pa ma-identify agad nun mga panahon na yun na bakla pala tawag nila dun. Nagagalit pa nga ako kapag binibiro nila akong "malambot".

Madalas na sa bahay ng lolo at lola ko kami iniiwan ng parents ko kapag may lakad sila dahil wala magbabantay sa amin. Natatandaan ko pa ang sinaunang bahay ng mga Lola ko. Yun may up and down at may malalaking bintana na yari sa kapis. Old style house. Spanish era ganyan.Tabi tabi mga bahay sa compound na yun na may same style.

Kapag namintana ka nga ay kitang kita mo na kung ano ginagawa ng kapitbahay mo dahil ganun din kalalaki ang mga bintana nila. Presko ng hangin, masarap mag siesta hehe. Magkatabi ang bahay ng lola ko at ng kapatid nya na lola ko din. Syempre! LOL

Umakyat ako sa itaas na bahagi ng bahay nun magsawa maglaro ng lutu-lutuan sa pinsan ko, may malaking tokador dun na may malaki ring salamin. Tinitigan ko ang aking sarili.

Baklita.

Chos!

Baklita ako nun kasi 8 years old palang ako di ba? haha. Nakita kong may polbo ang lola ko...Naglagay ako sa mukha gaya ng ginagawa nya. Pinahid ko sa mukha ko. Napakapal, mukha akong aswang...binawasan ko. Dapat pala light na light lang ganyan.

May nakita din akong lipistik...di ko alam kung kay lola din ito. kasi ambisyosa naman si lola if pulang pula masyado leps nya davah! baka maulol si lolo! biro lang!hehehe

Pero baka sa isa sa mga tita ko. Naisip ko. Ginaya ko kung paano ko makita maglagay si nanay. Pinagdikit ko din ang mga labi ko para magpantay ang pagkakapula.

Shet! Gandah ko!

Sabi ko sa sarili ko.

Nakakita din ako ng pulseras na yari sa plastik. May dugtungan ito kaya maari mong ibuka kapag hindi magkasya at malaki ang braso mo. Pero iba nasa isipan kong gwin dito. Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang mga pulseras. Inipit ko sa tenga ko para mag mukhang hikaw...masakit! para akong naglagay ng ipit ng damit sa tenga ganyan ang pakiramdam ko nun. Pero tiniis ko. Alang alang sa kagandahan! LOL

Sinipat-sipat ko ang sarili ko sa salamin. Left and right. Bagay talaga. Bulong ko sa sarili ko. Wala akong ibang nakikita sa salamin kundi ang sarili kong repleksyon. Ilang minuto din akong inaappreciate ang kagandahan sa salamin ng tokador.

Nabubulagan ako sa ganda ko.

Lingid sa aking kaalaman, kanina pa pala nakamasid sa akin ang aking mga tiyahin sa kabilang bahay. Nasa itaas din sila ng bahay nila sa may bintana'ng kapis.

Na-realized ko na kanina pa pala nila ko pinapanood ng may kahalong pangungutya at pagtatawanan. Kitang kita nila malamang ang paglalagay ko ng mga kolorote sa mukha.

Agad akong nagtago sa ilalim ng bintana kung saan di nila ako makikita. Napaiyak ako sa pagkapahiya. Ang tanga tanga ko! sabi ko sa sarili ko. Bakit kasi di ko agad sila napansin? Isa isa kong pinahid ang mga nilagay ko sa mukha ko. Pati ang pulseras sa aking mga tenga.

Alam kong pagtatawanan nila ako ng ilang araw. Maari pa nga nila ikwento ito kina nanay at tatay. Baka mapalo ako. Mapapahiya ako. Yun ang isa sa mga pangamba ko.

Umuwi nalang ako sa bahay namin pagkatapos kahit alam kong wala ako kasama dun. Ilang araw din ako hindi sumama sa pagpunta sa bahay nina Lola. Hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan ang pagkapahiyang iyon sa buhay ko nun kabataan ko.

Namatay na din yun isa sa mga tita ko na nakakita sa akin. At yun iba naman ay matatanda na din ngayon at may mga apo na. I wonder if naaalala pa nila yun tuwing makikita nila ko?

Napagiba na din ang parehong bahay ng mga lola ko. Napalitan na ng modernong estilo, nawala na ang itaas na bahagi na may malalaking bintanang kapis. Wala na din sina Lolo at Lola. Mga tiyuhin ko na ang umookopa ng bahay.

Ang malaking tokador ni lola ay nakita kong maayos pa sa dati niyang silid kahit siya ay pumanaw na. Nakita ko ito nun ako ay dumalaw doon mga limang taon na ang nakakaraan.

Napapangiti nalang ako kapag naalala ko ang mga panahong iyon ng nakaraan. Bitter-sweet memories ika nga :-)

September 21, 2012

Parausan




Walang ibang maririnig sa madilim na silid ko na nababalot ng pulang liwanag na nanggagaling sa lampara sa gilid ng kama kundi ang mga ungol...mga daing ng sarap na kasalukuyan namin nararanasan na dalawa.

Nakakapit ako ng mahigpit sa mga braso nya at madidiin na din ang bawat halik niya sa batok at balikat ko na may dulot na kuryente na agad na gumagapang sa buong pagkatao ko.

Parang kailan lang na ni ayaw niya ako halikan sa labi...hindi daw siya humahalik sa labi ng kapwa lalaki sabi nya.

Ngunit ngayon na nakakailan na siyang akyat sa bahay ko dito sa ikaanim na palapag ay nagugulat nalang ako kung gaano kaalab ang mga halik niya nun una itong dumantay sa mga sabik kong labi. Masarap. Matagal kong inasam na hagkan nya ko. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko ipinilit. Kusa niyang ibinigay.

At ngayon nararanasan ko na ito mula sa knya, hinding hindi ko malilimutan kung gaano ito katamis.

Ibang sarap ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko. Pinapalasap niya sa akin kung gaano kasarap ang pag niniig...

Sa knya ko una naramdaman ang unang sakit at unang sarap pagkatapos. Ilang ulit na namin ito ginagawa. Walang usapan. Walang anumang kasunduan. Basta automatic na. Kapag nagtanong siya kung pwde ba siya umakyat. Oo agad ang isasagot ko. Ilang minuto lang ay nasa doorstep ko na siya. Nakasando. maiksing short. Matipunong katawan. Nang aakit. Nakakalibog.

Nag aalab ang aming katawan at pawisan na pareho sa ibabaw ng aking kama...gaya ng dati ito ay isang gabi na naman na parang ayaw mo na matapos. Lahat ata halos ng posisyon ay ginawa namin at laging mag tatapos sa posisyong nasa ibabaw ko siya...

Pabilis na ng pabilis ang paghinga nya...mga galaw niya sa ibabaw ng aking katawan...parang alon sa dagat na bumabangga sa dalampasigan...nagngangalit ang mga muscles sa balakang at braso nya na gustong gustong ko hawakan....

Hanggang sa pareho kaming umabot sa sukdulan.

Hindi lilipas ang minuto na siya ay tatayo at magbibihis...agad agad...mag aayos ng sarili...


Sige una na ko ah....maaga pa duty ko bukas.


Kasabay ng paglapat ng pintuan ay ang pagdagsa ng sakit sa dibdib ko. Ganun lang yun.

Maiiwan ako na nakatingin sa pintuan na nilabasan niya. Parang walang nangyari. Ganun ganun lang na nagtapos. Magaling na mangingibig sa gabi...masarap na pag niniig. Pero bakit parang may kulang? Parang hindi ako kuntento?

Parausan.

Yun ang unang salita na agad na pumasok sa isipan ko. Ano ba naman nga mapapala ko sa kagaya niya na may asawa at mga anak na nasa Pilipinas. Ano nga ba aasahan ko sa knya na nagpapanggap na machong-macho?

Kasunod noon ay ang guilt na naramdaman ko, baka makarma ako. Niloloko namin niya ang misis niya na walang kaalam alam sa kalokohan ng asawa niya. Isa ako sa maaring ikasira ng pamilya nila. Ayoko mangyari yun.

***

Lumipas ang ilang araw na di ko siya sinasagot sa mga messages niya. Mga mensahe na nagtatanong kung pwde paba siya umakyat muli sa flat ko sa 6th floor.

Gustong gusto ko sumagot ng Oo, aantayin kita. Pero pinilit ko maging matatag. Mahinahon at wag magpadala sa libog ng katawan. Isa nalang matitira sa akin. Self-respect. At yun ay plano ko i-keep.

Ayoko na e. Busy ako. Iba nalang ayain mo.

Yan ang reply ko sa knya. At knowing him, ma pride din siya kaya naman di na niya ko muli kinulit. Kapag nagkikita kami kahit na lampas dalawang taon na nakakalipas ay may panaka-naka pa din daloy ng alaala ng halik na hindi ko malilimutan mula sa knya.

***

Nakakalungkot lang na hindi pa din pala siya nagbabago. Halatang halata naman na "sila" na ng housemate niya na si Eli. Halos sa iisang kwarto na nga rin daw sila nag-stay kahit may kanya kanya naman silang silid. Hindi mo sila makikita na di magkasama. How sweet! haha. Bakla din ako kaya kahit i-deny nila or itago at sabihin mag bestfriend lang sila ay halata ko pa din. LOL

Lampas dalawang taon na mula nun huli kami magkasama at wala na akong hard feelings or attachment sa knya. Nakakalungkot lang na till now niloloko pa din niya pamilya niya. At bilib din ako kay Eli na kaya niya yun gawin kahit alam niya na mali. Natawa pa nga ako nun makita sa FB na karga karga pa ni Eli un bunsong anak ni Darkguy nun bumisita siya sa bahay niya.

Kakaloka.

Yun lang.

LOL


September 17, 2012

Prowdli-Pinoy


Nakakaproud na madaming Pinoy dito sa middle east na uber successful. May certain hierarchy kasi sa hospital. Well, kahit san naman ata, pero since buhay ospital ang alam ko, dito nalang example ko hehe.

Sanay na kong makakita ng pinoy nurses, andaming pinoy dito, para ka lang nasa pinas, pero singdami din namin ang mga Pana-dol (indian). Nakakatuwa lang na may mga kababayan tayo na ang taas ng katungkulan sa hospital. May mga sarili pa silang offices. Galing!

Yun iba sa kanila Nursing House supervisor, hinahandle nila buong hospital at sa kanila ang rereport ang mga head nurses on every department. Naiimagine ko kung magkano sahod nila! Grabe wala sigurong binatbat ang kinikita ko kompara sa kanila hahaha!

At madami din naman na head nurses na pinoy. Imagine under nila ang ibang lahi. Lalo na kapag ang gagaling nila kapag sobrang pressured ang sitwasyon and they handled it so well.

Proud na proud ako makakita ng ganun. Sa department namin, Pana-dol ang chief! well, sana soon may mag handle sa amin na pinoy naman. Para mas cool!

Ako ok na ko sa posisyon ko now! at sana tumaas ng konti sahod! hahaha e kasi naman habang tumataas ng kita mo nag iiba din ang lifestyles! hay naku! dati naman kasya na sa akin ang kita ko sa pinas nun a! bat ngayon kulang na kulang pa! LOL

Pwera biro, madami kasi akong obligations sa pinas now. Bumi-breadwinner ang peg ko ngayon e.

Pero sa ibang banda, may mga kababayan din naman tayo na nasa pinakababang lebel ng hospital. Sila yun mga nasa housekeeping. Napag alaman ko na halos nasa sampung libong piso lang sahod nila, hindi pa libre ang pagkain. Ang baba pa ng overtime pay nila!

Grabe naman!

Kaya minsan kapag naglilinis sila ng office namin, andun na abutan namin sila ng extra food or some stuffs. Sa hirap kasi ng buhay sa pinas, napilitan sila mag tiis ng kapiranggot na sahod, atleast daw dito, regular silang may kikitain at tax free naman daw.

Pero anyway, bilib ako sa kanila!



September 10, 2012

Kahit Ano Lang



Nasa bahay lang ako mula pa kahapon. Off ko kasi hehe. Sobrang lamig kaya naka pajama at jacket ako habang sinusulat to. Nag chicken sisig ako ng for breakfast. Puro manok nalang! malapit na ko magka feathers!

Wala naman, ito ay just some random post, share ko lang mga ganap sa buhay middle east ko :-)

***

Dahil lagi naman akong night shift at madalas e 12hrs ang duty ko, kulang ako lagi sa tulog, kaya naman kapag day off ko, kaya ko matulog ng 12 to 16hrs! ihi at inom lang ang pahinga niyan! Gaya today. Kakagising ko lang mula sa 14hrs na tulog nun 2am hahaha! lamon agad ang inatupag ko nun pagkabangon.

***

May plane ticket na pala ko para sa bakasyon ko sa disyembre! bayad na ng management ng hospital at nasa akin na! atat ko lang noh? mabuti ng maagap. Andami kasi nag aagawan umuwi ng december sa mga kasamahan ko. Baka maubusan ako ng slot e. Excited na ko umuwi. Andami ko plano puntahan, gusto ko sa mga beaches, lalo sa Coron at sa Laiya batangas, sana magkasya budget ko, at maraming gusto kainin at kainan! lahat nililista ko na hahaha! maigi ng may plano noh!

***

Tamang tama din pala uwi ko kasi first birthday celebration ng pangalawa kong pamangkin, at maghanda na daw ako ng pang party sabi ng mahadera kong kapatid. kalurkei.

***

May mga hindi ako nakakasundo sa trabaho. May sama pala ng loob di sinasabi sakin, e ano ba ko manghuhula di ba? May mga hindi pagkakaunawaan, napansin ko lang dumadami na sila, kapag nagkampi kampihan sila ala ako laban sa sabunutan ah. LOL! Pero bahala sila, I cannot please everyone. Basta ako, i'll enjoy my job at unahin na muna ang trabaho kesa sa mga intrigang yan.

***

Umaayos na pala ang kalusugan ng bayaw ko na may neck and throat cancer. Natapos na niya ang series of daily radiation treatment niya at weekly chemotherapy. Grabe, ang hirap ng may sakit sa pamilya. Stress masyado ang sister ko, nakaka drain physically, and financially. Buti nalang matatag ang nag iisa kong kapatid. Ngayon, monthly nalang ang chemo treatment niya, sana lalo pa siyang lumakas at maging healthy.

***

Hindi muna ako nakikipag date at nakikipag landian. Pahinga muna. Masyado ako napagod nun mga nakaraang buwan! LOL parang andami e noh? kasi naman hindi ko pa din siya makita. Its either gusto ko or hindi ako gusto. Yan ang katotohanan. Tinigilan ko na din muna ang pag gamit ng Grindr, may nabalitaan kasi akong pinoy na hinuli ng pulis na nagpanggap na ka eyeball niya. Kaya ingat muna tayo mga bekis :-)

***

San ba mas maganda pumunta? sa Hongkong kung san andun ang Disney land or Singapore na merong Universal studios and etc?

***

Adik ako lately sa mga documentaries na available sa Youtube. Grabe tuwing night shift sa work, nauubos oras ko dun. Mapa animal kingdom, mapa CIA or conspiracy, pati Ancient Aliens pinatulan ko na! hahaha. Fave ko din dun yun mga Mega constructions lalo yun docu about sa artificial islands ng Dubai. Grabe!

***

Unti unti na nababa ang temperature dito sa city, at konting panahon pa lalamig na naman! yey! excited na ko magsuot ng mga jackets ko ulit at ginawin sa labas ng bahay! Nababa ang temp dito ng around max 14 degrees lang naman, pero malamig na yun! as in!

***

Hindi ko pa napapanood ang Dark Knight Rises at Bourne Legacy. Kakainis!

***

Sinusubukan ko magtipid na since malapit na ko magbakasyon. Alam naman nating di biro ang gastusin sa pinas! Baka saglit lang ang dala kong kaban dun e ubos na agad! LOL.

***

Pinaka namimiss ko kainin ang crispy pata ng Max's! at yun ginataang kuhol ng Gerry's Grill! lalo na yun luto ng kapatid ko na ginisang patola with matching pritong galunggong! yummy! pati yung puto bumbong miss ko na sobra! at higit sa lahat miss na miss ko na ang baboy! oink-oink!

***

Madami akong planong ma-meet na bloggers, at sana ay may time sila pag aksayahan ng panahon ang isang gaya ko na nag re-request. charrrr! hehehe.

***

Medyo ok naman na daw si Mom ko sa Dubai. Sana matapos na ang mga problema. at sana dumating na yun blessing na matagal ko na iniintay at pinagdadasal...

***

Humupa na din daw yun tubig baha na pumasok sa loob ng bahay namin sa laguna na hanggang tuhod. Mabuti naman kung ganun at kawawa naman kasi sila dun.

***

Hindi ko na nakikita yun resident doctor na arabo na super mega crush ko! siguro nalipat na siya ng assignment! Masarap mag duty ngayon sa hospital namin, dati-dati umaabot ng 15 ang patient na hinahandle namin sa ICU, ngayon, masuwerte na maka tatlo! LOL. well, ok lang naman, nasahod kami ng ayos at tama para pumetiks! samantalahin habang di pa toxic da vah!

May kasunduan kami nung girl na friend ko na in 5 years kapag di pa siya nag kaka bf at nagkakaasawa, magpapa buntis siya sa ibang lalake na pipiliin namin. Tapos papakasalan ko siya in papers only para di siya makulong at mawalan ng work. Kung kasal na kami, magkaka monthly allowance kami from the company management, mejo malaki laki yun kaya pwde na! tapos pag nakaanak na siya, siya gagastos ng legal separation namin. Hahaha! O hindi na masamang kasunduan di ba?

***

O siya yun na muna. Ang daldal ko na naman! andami ko na shinare! Magagalit na naman friends ko sa kin nito. LOL

September 4, 2012

Kalokang Jutay!



Warning: OA ang mga kaganapan. LOL


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin sunduin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, ibabalik sa cardiology ICU, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itetch!

Ang layo pa namin!!!

As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, yun ibang issue, sila na bahalang lumutas! ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, please throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinembot ko.

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na ng tibok ng puso, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! muntik ng tumilapon yun bitbit namin na tao sa stretcher!

Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL




This is a re-post from Sept. of 2010.

September 3, 2012

Friendshipments!


Ang kaibigan ay kayamanan. Yan ang sabi nila. At agree ako dito. Mahirap makahanap ng mga tunay na kaibigan, minsan akala mo sila na talaga, in the end hindi din pala. Marami kang makakahalubilong klase ng tao, may plastik, may inggitero at iba pa.

Kapag OFW ka, malayo sa pamilya at nag iisang nakikipag sapalaran, kaibigan ang una mong makakaramay. Sila ang kakampi mo. At in the end, sila na nagiging pamilya mo. Wala ng iba pa.

At proud akong sabihin na, nakita ko na ang mga tunay na kaibigan ko dito. Tatlo sila. At sana I could keep them for good.

Hindi lang naman sila tatlo, in fact marami din akong naging friends, pero tatlo lang sila na masasabi kong solid kami. Sila yun una kong nahihingaan ng sama ng loob, sila ang nauuna laging dumamay, at alam mong kahit ano mangyari ay andiyan sila.

Nakakabawas ng lungkot at homesickness kapag andiyan sila at sama sama kaming lumalabas para mag dinner sa labas, manood ng sine, at maki-party kung may okasyon.

Siguro ang sikreto lang sa samahan namin ay, getz namin ang isa't isa. Yun lang siguro yun. We are versions of each other.

Masarap tumawa. At kapag sama sama kami ay nakakahiya lang dahil kahit ano na tinawanan, alang kwenta! LOL

Mahirap kapag may tampuhan, siguro ang mainam lang ay maging honest sa isa't isa, kung may problema ay pag usapan agad at wag ng kimkimin pa sa kalooban, habang tumatagal ay lalong lumalalim ang sama ng loob e. Napatunayan ko na yan.

At sana ay mapanatili nating lahat ang peace sa mundo. charrr!