October 31, 2012

Undas Na Pala


Hongtagal ko na pala hindi nag popost sa blog ko haha. Sowee naman po. Busy lang. hataw ako sa overtime, hongdami kasi namin patient lately, apaw ang ICU, lahat ata me sakit na sa puso dito kaloka... tapos busy pa panonood ng mga fave tv shows ko! Hindi ako magkanda ugaga sa....

 *hinga ng malalim*

The Walking Dead, The Vampire Diaries, Revenge, Downton Abbey, Grimm, Fringe, The Voice, American Horror Story, Survivor Ph, Once Upon A Time, Merlin, Grey's Anatomy, and Homeland!

Told you madami!

Kulang na kulang pa oras ko sa knila. Kaloka. Kahit nasa duty gow lang! lalo't walang calls sa ICU. Kapag ata OFW ka normal na maging adik ka sa mga shows na yan. I don't know. Hindi ko na din maalala kung anong last teleserye sa Pinas huli ko napanood. Nakakasawa na kasi. Iisa na ang tema.

Henywayz, since Undas na pala bukas, napaisip ako kung ano nga ba ginagawa ko sa Pinas tuwing sasapit ang Nov 1...

Hindi na ako nahirapan mag isip, natawa pa nga ako. Pag hindi nasa bahay lang at tulog or tinatakot ang sarili sa panoonood ng mga nakakatakot na palabas, at minsan ay nasa hospital ako nun. Bilang sugapa ako sa double pay haha! Hindi kasi ako tradisyunal na tao. Ayoko ng mainit, masikip, at mapagod. Pero nag titirik naman ako ng kandila and say a little prayer for my beloved relatives na pumanaw na.

At isa pa, allergic ako sa mga relatives ko lalo na sa father side. Iniiwasan ko sila. LOL!


Sa inyong lahat, mag ingat po bukas sa pag punta sa sementeryo at samantalahin ang long weekend para makapag pahinga :-)

6 comments:

heyoshua said...

Naka-ugalian ng mga pinoy na magtirik ng kandila sa lugar kung nasaan sila kapag hindi makakapunta ng sementeryo. Ikaw po,magtitiri o nagtitirik ba iakw ng kandila diyan? :)

ZaiZai said...

dami ngang pinapanuod! hay nako mac, hindi lang candles ang titirik mo no, pati mata! alam na alam ko yan :)

happy halloween! :*

MEcoy said...

kaya nga its been a while since ng post ka parekoy update update din hehehe happy undas

nyabach0i said...

pareho tayo. kumakamada ng double pay! apir!

Archieviner VersionX said...

Pareho tayo. Ako din kapag undas tinatakot ko ang sarili ko. Nanonood ako ng nakakatakot sa gabi at mag-isa. Saya! hehe

aboutambot said...

"magtitrik" ng "kandila" yong iba. yong iba naman "magtutulos" ng "kandila"