October 31, 2011
Personal Arte
Our fridge turned me down again, one minute its working and the next its not! I reported it already to our building owner, but he's not responding! I'll file a complaint at the office soon! imbyerna siya! Napapanis mga food ko hmp!
So I've decided, I'll buy a new personal ref nalang. Something small lang. I asked my friend Tony to tag along. We went to The Villaggio Mall.
Nangunguripot ako kaya Daewoo lang binili ko!hahaha ok na yun for me, as long as it can preserve foods inside that's fine with me na!
I fell inline at the remittance center and sent money to my sis and my mom at Dubai. Hay, poor na ulit ako! Sometimes, I felt that, parang hindi din ako work sa abroad...kapos pa din lagi :-( pero hayaan na. Atleast nakakatulong tayo sa pamilya.
Henywayz, ubos na yun Hugo Boss Orange ko na pabango so, with my friend Tony, we hit the perfume shop. Before coming I've searched online and read some blogs about perfumes to get. Creed is too expensive!kalaka! 285 US dollars! Di ko keri!haha.
Sa cheapipay lang ako na brand! Amoy amoy dito and doon...majirap kaya pumili ng pabango when you are there! Been confused with Terre d' Hermes or Bvlgari Aqua Marine or Azzaro Chrome Sport or Armani's Aqua di Gio or D&G Light Blue or if I'll go back to using One Million or Hugo Boss nalang ulit!
Since Tony was in a hurry and pressuring me to get anything nalang daw, nadampot ko tuloy itong si Azzaro's Chrome Sport! (with top notes citron, bergamot, grapefruit and bitter orange. A heart intoxicates with freshly cut grass, aquatic notes, ginger and pure oxygen, while a base closes the composition with cedar, amber and white musk). and that new CK One Shock for HIM dahil may promo at mura! haha! ( it is built around aromatic, spicy and deep oriental nuances. It opens with citrusy clementine, fresh cucumber and energy drink accord. The heart of black pepper, black basil and cardamom is placed on the base of masculine tobacco, musk, patchouli and ambrene wood) .
Grrrr! i hate it kapag minamadali ako. sarap sabunutan ng bruhang Tony! Pero infairness, type ko naman amoy nila. Will be using it alternately. Gusto ko kasi naiiwan yun amoy ng pabango ko kapag dumadaan ako! Di na nga ko pogi, kaya daanin nalang sa amoy! char!
Kapag hindi type ng mga nakakaamoy, papalitan ko nalang, kaya maliit lang na bottles binili ko :-)
We had baked potato and a fresh orange juice for dinner since ayaw namin kumain ng heavy pareho.
Sinadya ko pa sa Marks & Spencer itong lotion na itetch pala, kahit tinatamad na si Tony maglakad kasi medyo malayo. 6 months ko na ata tong ginagamit sa buong katawan ko. As in whole body ako mag lotion. Ewan ko ba gustong gusto ko amoy nito e hehe. Pag uwi ko, ito papasalubong ko sa mga tita-titas ko sa pinas.
I also bought Olay's day and night cream...para pumuti naman ako ng bahagya hehe. They've told me even at night time dapat daw may sunblock pa rin tayo na gamit. Sun is very harmful to our skin. Yan ang sabi.
The shops are starting to close up na kaya tumatakbo na ko sa supermarket to get my favorite chocolates...yung Lindt white chocolates. Sarap sarap nito juice ko.
Past ten o'clock na kaya naman nag abang na kami ng taxi pauwi. It was fun afterall. Gastos nga lang! hay buhey!
October 24, 2011
Itchy-nest
Long time ago, lets say about hmmm, year 2005...there was a slutty-all-the-time-horny-gay-guy around the province of Laguna who pick up guys over the internet. He get to hook up with different guys every week and take them to a nearest motel room. Its like a sexual revolution. A hunger.
That quest for the ultimate pleasure last for more than a year before he actually realized...he needs a good man to love him.
And that guy was ME.
That's the time when I was just discovering who I am. Fresh from admitting to myself, that the charade, and the pretending I'm a straight-guy drama have to stop. It was liberating indeed. Finally admitting and accepting who you are. Believe me. Denying who you are...very stressful.
Going back to what I'm saying. Back in 2005, I was like insatiable. Sex was driving me crazy that I need to get laid all the time! Kahit sino na lang. SEB dito- SEB doon.
I am a changed man now. Pagka-tino-tino ko ngayon. Pagka-hinhin ko na now. Charot!
Henywayz, I met this guy named Vincent. He's also from Laguna. He's tall and moreno looking. Medyo nabaduyan ako sa get up niya. Parang poorita sabi ko. Bad!!!
Pero keribels na. Mas mahalaga e he knows how to suck my dick. And he's as horny as I am. That's what matters then.
I like tall and lean guys...I always imagine them to have big dicks. Ewan ko ba! and I was right about him. When he stripped down his pants, leaving his body with just his white briefs...I almost gasps as soon as the outline of his manhood became visible. I swear, its big. Like 8 inches long!
The biggest so far from all the guys that I bed with. Balbon din siya. Hairs from his chest goes down to his sexy navel and ends inside his underwear. Para akong dinidemonyo sa libog nun sa pag iimagine kung ano itsura nun loob ng brief. I love hairy guys...Mas mab*lb0l mas trip ko! Haroooot! LOL
The kiss was a turn off...his breath was awful. It was really bad. I wanna back out but its too late. Whenever he tried to kiss me, I swear, I was like dying. I don't wanna offend him that's why I just pretend that I'm a bad kisser so that he could stop kissing me na!
His lips went down to my throat, to my neck and I almost screamed with pleasures when he sucked my earlobes...In my mind, di bale, I'll just get a very good shower after this and get rid of his saliva!
Oh, wag kayo maduwal! LOL
He sucked my d*ck pretty good. I moaned and was arching my body with every sucked he did through my balls...
His hard and long d*ck feels really good on my hands...warm. Thick. I was amazed actually. I don't know how to put it all inside my mouth! chos!
I tried though.
After two hours we're both running out of breath and rest for a bit and I immediately took a shower and get dressed. Just said a short thank you and headed out of the door. I didn't make any effort to contact him again.
Its just sex anyway. I'm gonna get a new guy next time I thought.
Days passed by and I was goin on with my usual routine when I noticed something. I was feverish. Irritable. And the itching started.
Inside my genitals...
At first, I ignored it. Thought its nothing. Guys scratch their balls right?LOL. But as days goes on it became worst. The itchiness inside my genitals wont stop. It felt like something was there.
I also noticed some brownish dots and stains on my underwear. Lots and lots of them. Kala ko libag! Nandiri pa nga ko sa sarili ko sabi ko ang tubal ko naman! LOL
When I was scratching down there again...my fingers came across and touched something...something rough. Like a dead cells. I pulled it out...
I checked it out...examined what am holding...and to my surprised!
It has legs and looked like a small crab! and Its jumping too!
Until I realized what it was!!!
I have crabs!!!
OMG!
Pubic lice! Its STD!!!
and those small dots are their eggs! kadiri! my pubes are their breeding ground!
Taena! Napamura talaga ako nun ma-realized ko kung ano yun at pano ako nagkaroon nun! I felt shame. I felt bad. Didn't know what to do. I was scared. I don't have any idea how to get rid of those things inside my pubic hairs! Lago-lago pa naman dun! LOL
Good thing about working at the hospital is you have access to its services. I have friends on every department. Specially resident doctors. I discreetly approached doctor Mike at the ER back then.
Minura nya ko nun matapos ko sabihin sa knya problema ko. He advised and referred me to a specialist. I refused. Nahihiya ako e. I asked him to give me anything.
He prescribed me a medicated shampoo that I could buy at any mercury branches. Its for head lice he said. He said that I should try it first and if it fails I have no other choice but to go to a specialist to have it treated. It costs me 500 pesos at the time.
Natawa pa nga ako nun binibili ko yun, kasi nakatingin sakin ng weird yun attendant sa mercury kasi skinhead ang buhok ko and yet nabili ako ng shampoo for kuto! haha.
As soon as I got the shampoo. I locked myself inside the bathroom and sat on the bowl and poured water on my pubic hairs and wore a condom on my penis and plastered it with a micropore to protect its head from getting irritations from the strong chemicals that I'm about to use. #takot!
I poured the shampoo on it and prayed it'll work. The instructions said let it stick there for about 15 minutes before I rinse it water.
And thank GOD!!! After 3 days of treating it, the irritations, the itching...and the eggs goes away. Minura ko si Vincent thru text for giving me STD! Fuck him.
After that...I slowed down on having sex every week. Ginawa ko nalang twice a month! LOL
October 21, 2011
Circle
October 17, 2011
Maging Matigas...
Marami akong natutunan sa pagiging isang O-ep-dabolyu ko. Gusto ko i-share sa inyo. Una na diyan at pinaka importante sa lahat....yun pagiging matigas ang loob.
At sa mga nakyuryus...hindi po tungkol sa kalaswaan ang post na ito hehehe.
Oo matigas ang loob mo dapat. Sinigurado ko na gusto ko ito. Once na nasa airport ka na at papasok ng eroplano, wala nang urungan to. Halos gusto ko tumakbo pabalik sa pamilya kong naghatid sa akin noon.
Pero tiniis ko. Grabeng self control ang ginawa ko nun. Paulit ulit na binubulong na kaya ko toh. At isa rin sa mga nagpa stay sa akin ay ang aking goal. Gusto ko ng bagong buhay, ng bagong meaning...gusto ko magkaroon ng worth. Isinantabi ang pag ibig namin ni Brian noon. Nagkalabuan kami at hindi ko na inayos pa dahil sa isip ko, paalis na din naman ako. Mas mabuti na rin yun.
Sawa na ko sa mababang sahod sa dati kong pinagtatrabahuhan na wala naman marating. Halos kulang pa para sa sarili ko. Ni hindi ako makapag share sa mga gastusin sa bahay...alam nyo yan for sure. Nakakahiya.
Nahihiya ako sa magulang ko. Mas lamang yun dream ko na may mapatunayan ako. Lalo na sa tatay ko.
Sa tatay ko na feeling nya e walang mangyayari sa buhay ko kasi bakla ako. Na disappointed na nga siya sa pagkalalaki ko e pati ba naman sa mga maitutulong sa pamilya e madi-disappoint din ba siya.
Isa ang tatay ko sa mga dahilan ko kaya lakas loob akong nakipagsapalaran sa gitnang silangan. Wala ako kakilala dito kahit isa nun dumating ako. Hindi nyo alam kung ganong kaba at takot ang nasa kalooban ko nun. Sino ba naman ang hindi. Wala sa sariling bayan. Ni wala kang kaibigan.
Pero tinigasan ko ang loob ko....kinapalan ko mukha ko. Nagtapang-tapangan. Mahirap din pala yun. Kunyari tough ka pero napaka rupok mo pala deep inside ng mga oras na yun.
Hindi ako maaring mag fail... naiimagine ko na mga sasabihin ng tatay ko kapag umuwi akong bigo. I don't wanna give him that luxury.
Yang goal na yan ang dala-dala ko till now. Hindi ako pwedeng mabigo. Kaya kahit walang lovelife, kahit walang boyfriend ngayon, sabi ko OK lang. Basta may matinong trabaho, basta may masarap na pagkain sa mesa, basta may naipapadala sa pamilya, kaya kong tiisin ang pangungulila sa pagkalinga ng isang nagmamahal.
Sa akin umaasa ang Nanay ko...naniwala siya sa akin noon. Nag tiis siya magpakahirap sa ibang bansa mapaaral lang ako. Ayoko mawala ang tiwala nya sa akin na kaya ko. Kaya naman Living The Expectations ang taytol nitong blog ko...hehehe. Para yan sa Nanay ko. Dapat isabuhay at isagawa ang inaasahan sa iyo...dahil yun ang pangako ko :-)
At sana magtagumpay ako. Dalawang taon palang ako dito. Marami pa kong panahon. Sana walang maging sagabal...
Natuto din akong lumaban, naging matigas ang mukha. Marami din kasing buwaya sa ospital hehe. Hindi lang sila nasa gobyerno at sa kapulisan sa atin. Marami din dito. Naghahari-harian, mapa-ibang lahi.
Kapag tama ka...kapag alam mo ginagawa mo, wag ka papatalo. Marunong na ko makipag sagutan dito ngayon. Kumpara noon na Oo ateh! Oo ateh lang ako! Lalo na sa mga bobong doktor at nars!hahaha! Mahilig silang ipilit ang alam nilang ka-engotan sa pasyente. Dapat alam mo silang kontrahin. Kasi mga bobo naman sila!
Hongyabang ko! Well, hindi naman lahat, meron din naman talagang may alam kahit papano.
Pinakaimportante din sa lahat e dapat marami kang alam na porn website kasi sila makakapiling mo tuwing gabi ng pag iinit at pag iisa! chos!
Henywayz, just to conclude this post na ewan ko ba kung may sense haha, maganda na ang kinalalagyan kong trabaho ngayon, wala na ako sa General Hospital, nai-transfer na ako sa specialized hospital with the same medical corporation. Nasa Cardiac Hospital na ko. Bagong tayong ospital na para lang sa mga pasyenteng may sakit sa puso. (syempre alangan namang para sa mga may sakit sa atay davah?!LOL) Yun nga lang kabi-kabila ang cardiac arrest!
Pero ok lang, I love actions naman e!
Have a great week ahead guys :-)
October 14, 2011
Naging Gago Ka Na Ba?
Naranasan mo na bang iyakan ang isang tao sa takot na iiwan ka na niya? Alam mo ba kung gaano kasakit yun ganun pakiramdam?
Naranasan mo na bang magsisi at humiling sa diyos na ibalik niya yun pagmamahal na nawala sa yo?
Marahil yun iba... at marahil, marami din sa atin, hindi pa...
Hindi pa ako umiyak sa mga naging boyfriend ko ...
Pero si Brian noon...
Nun magkarelasyon pa kami...
Halos mahulog ang puso ko nun makita ko ang mga luha na tuloy-tuloy na tumulo sa mga mata nya nun araw na yun. Siyam na buwan tumagal ang relasyon namin 3 years ago.
Gaya ng dati, sa bahay namin ng spend ng weekend nya si Brian. Biyernes ng gabi darating siya dito sa amin sa Laguna. Ganito ang set up namin for the past months mula nun maging magboyfriend kami at mula nun ipakilala ko siya sa family ko. Kapag hindi siya dumarating ng Biyernes, magtataka ang tatay ko, magtatanung ang sister.
Baka inaway mo na naman! yan ang madalas paratang nila sa akin.
Mahal ko siya at mahal nya ako.
Matagal ko ipinagdasal na magkaroon nang ka-partner na mamahalin ako. Nagpaka faithful ako sa kanya.
Hindi ako nagtaksil. Hindi ako nanlalake....lalong hindi ako nambabae...charot! Takot ako sa karma. Naniniwala kasi ako na kapag may ginawa kang kabalbalan sa iba, nanloko ka ng kapwa mo...asahan mo, kung hindi man ngayon, darating ang araw...lolokohin ka din...pagtataksilan ka din...ng doble-doble'ng sakit na ibinigay mo sa taong ginawan mo ng di maganda.
Nasa living room kami ng bahay namin. Kami lang ang tao sa bahay. Pabalik na siya ng Manila nun kasi lunes na kinabukasan, nag aaral pa siya ng Nursing. Masaya ang kwentuhan hanggang sa gaya ng ibang couple, may pinagtalunan kami.
Nauwi sa away. Dominante ako..ayaw ko nagpapatalo sa diskusyunan....submissive si Brian. Pero matigas ang ulo niya. Mainitin ang ulo ko.
Proud ako. Mayabang. Madalas gusto ko nate-test ang boyfriend ko kung mahal ba niya ako. At kapag alam kong mahal na mahal nila ako, adik ako. Gusto ko lagi ko nakikita yun extent ng pagmamahal na yun.
Gago ako.
Masarap sa pakiramdam kapag kaya nila gawin ang lahat para sa akin. Oo mali. Pero dati dun ko ibinabatay ang extent ng pagmamahal na ibibigay ko din in return.
Sigurista ako. Gusto ko makita ko muna na mahal mo ko bago ko ibigay sayo ang sarili ko. Pero kahit ganun ako dati at ewan ko lang kung pati ngayon, masasabi ko...nagmahal ako ng todo.
Mahal na mahal ko siya.
Nun mainit na ang pagtatalo namin...at hindi masunod ang gusto ko. Naghamon ako ng hiwalayan...
Nasabi ko na ba na mayabang nga ako?
Oo, ayun mayabang ko siyang hinamon...matiim kong inabangan ang isasagot ni Brian...kung ano magiging reaksyon nya sa mga katagang binitawan ko.
Natigilan siya.
"Mac, wag naman..."
"E ayaw mo di ba? o e di panindigan mo yan..." sagot ko sa knya, blanko ang ekspresyon ng mukha ko.
"hindi ko kaya..." namumula na mga mata niya nun.
Gusto ko ngumiti. Pero pinigilan ko. Tagumpay. Sabi ng isip ko. Narinig ko ang mga inaasahan kong kataga.
Pero dahil masyado nga akong obsessed...pinanindigan ko na ang lahat...gusto ko magmakaawa siya. Gusto ko sabihin niya sa kin kung gano niya ako kamahal.
Nakahiga ako sa sofa nun...nakaupo sa may paanan ko si Brian. Tahimik. Hindi nakibo. Nagpretend ako'ng nanonood ng TV.
"Mac...ano na...?" sinagi nya ang binti ko.
"Umuwi ka na. Lakad umalis ka na."
"Ayaw ko umalis na galit ka...wag ka naman ganyan oh..."
"Tapos na tayo. Lakad na. Ingat ka nalang, wag mo kalimutan isara ang pinto paglabas mo".
Tumitig siya sa akin. Kitang kita ko kung gaano unti unti tumulo ang mga luha niya. Tuloy-tuloy.Parang talon. Namumula na ilong niya.
"Wag mo ko iyakan. Baka pumasok si Tatay dito. Umayos ka nga!" mahinahon at madiin kong sabi.
Oo alam ko sasabihin nyo, walangya ako!
Yeah I'm not proud of it.
"Umalis ka na". yan ang huli kong sinabi.
Suminga siya sa panyo niya at sinubukan patigilin ang pag iyak. Nagpapahid pa siya ng luha nun tumayo at saka tumingin sa akin. Lumabas na siya. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
Nakaramdam ako ng matinding guilt. Sumobra ata ako. Pero nakalimutan ko sabihin sa inyo na ma-pride ako'ng tao. Gago nga ako nun e!
Getz nyo na ba?
Ilan minuto pa. Nag-aabang na ng jeep si Brian. Narinig ko ang boses ng tatay ko. Naririnig kong nag uusap sila saglit. Sa ilang buwan na nag stay si Brian sa amin, naging malapit na siya sa sis ko at sa tatay ko.
"Bakit hindi mo man lang ihinahatid ng sakay yun tao sa labas ha?" sabi ni tatay sa kin. "bakit parang naiyak yun? nag away ba kayo?" dagdag pa niya.
"basta". yun lang ang tugon ko.
"Ke-bait-bait nun batang yun, inaaway mo. wala na nga tumagal na kaibigan sa iyo e..." sabi pa nya saka lumabas sa may likod bahay.
Para naman akong natauhan bigla. Nagpanic ako. Pano kapag hindi na siya magmakaawa ulit? pano kung hindi na niya ako kulitin makipagbalikan sa knya? pano kung magsawa na siya sa pag-ugali kong imposible?
Mga tanong na kinatatakutan ko ang maaring maging sagot.
Wag kang gago Mac. Hiyaw ng isipan ko.
Nagpasya ako. Tumayo ako at tumakbo sa labas. Humihiling na sana hindi pa siya nakakasakay ng jeep.
"Brian! halika dito!" sigaw ko.
Pumasok siya sa bahay muli. Hinila ko papasok. Sa likod ng pintuan. Hinawakan ko ang mukha niya ng mga palad ko.
Hinalikan ko mga labi nya at sinabing "sorry...sorry... wag ka muna umalis..." saka ko siya muling siniil ng halik.
Hindi ko pinapakawalan ang mukha niya sa dalawa kong palad. Hinahalikan ko siya na parang wala ng bukas.
Gumanti siya ng halik. Mariin. Hinila ko siya papasok ng kwarto. Nasa labas lang si tatay. Magkalapat pa din ang mga labi namin. Dahan dahan ko siya hinubaran... inihiga sa kama...at saka dali-dali kong inalis ang lahat ng suot ko...saka muli siyang sinibasib ng halik...parang ayokong mawaglit sa katawan niya...gusto ko sa akin lang siya. Akin lang.
Para kaming nag aapoy pareho.
Para akong nadedemonyo.
Para akong mauubusan.
Mariin ang lahat ng haplos ko...nag iiwan ng marka sa maputi niyang balat.
Napapaungol si Brian sa pagkagat ko sa mapupula niyang dibdib. Napahawak siya sa ulo ko...naghahanap ng makakapitan...para siyang sasabog sa sarap....
Para akong rapist na nagmamadali...hayok...bigla ko siya itinagilid at pumuwesto ako sa may likuran niya...dahan-dahan...habang walang tigil sa pag niniig ang mga labi namin na tila uhaw. Halos magdugo ang mga labi niya sa diin ng bawat kagat at sipsip ko...
Napaungol siya nun lubusan ko na siyang mapasok...umuulos...naging mabilis ang bawat galaw ko....nagmamadali...
Sunibasib ko ng halik ang batok nya...mga tenga niya...habang madiin kong hawak ang kaliwa niyang dibdib mula sa likod....mapusok kami pareho nang sandaling yun. walang nagpapatalo...
Malalalim na ang bawat haplos...bawat ungos ko...bawat halik...nagmamadali...parang wala ng bukas...
Hanggang sa matapos ang digmaan ng aming mga katawan...saka ko siya niyakap ng mahigpit mula sa likod at isunubsob ang pagod at hinihingal kong mukha sa batok niya.
"mahal na mahal kita..." bulong ko bago tuluyan nakatulog na magkayakap.
Pagkalipas ng ilan buwan pa, naghiwalay kami ni Brian. Hindi na namin naayos this time. Malaki ang pagsisisi ko sa pagmamahal na pinabayaan at pinagsawalang bahala. Sa nakalipas na tatlong taon, nanatili kaming magkaibigan at sa bawat bakasyon ko sa Pilipinas. Lagi siyang andun. Nag-i-spend ng ilang araw makasama ako bago muling bumalik sa disyerto.
Listen to this amazing song. Been my favorite for a long time na...
October 12, 2011
Sumagot Ka Naman Wag Lang...Ewan.
One day...nasa harap ako ng computer nang magkaroon ng magulong usapan na ito. Bigla nalang, ganyan. Walang kuskos-balungos.
PsssT! Miss na kita...
Wow! Iniisip palang kita i-message pero eto ka na!
Naks naman oh!
Kelan mo ba ko sasagutin ulit?aba isang taon na ko nanliligaw sa yo a,anong petsa na?LOL.
I was chatting with my ex-boyfriend Brian online last week. Mag-jowa kami three years ago.
Oh, tapos ngayon gusto mo!hmmp!
Tagal ko na sinasabi sayo a, di mo naman ako sineseryoso...
Hahaha! Wag ka nga ganyan.
So ayaw mo?its now or never tong offer ko...
Natatawa ako kasi ako pa ang nagtataning sa kanya! Matagal na kami sa ganitong sitwasyon na parang nagsasayaw ng cha-cha. Hindi malaman kung gusto ba or hindi. Hindi ko rin malaman kung ano ba talaga nasa loob nya bukod sa mga taba-taba at balunbalunan nya ha! LOL.
Wow! Parang banker lang sa deal or no deal ang hirit mo ganyan?
hahaha! ok! bahala ka. Basta sinasabi ko sa yo gusto kita balikan pero kung ayaw mo ko seryosohin ikaw bahala! hmmp!
Pansin ko lang ha ang hirap manligaw online sa ex!
This is Brian and me during my vacation last June. ewan ko ba madalas chubby nagiging bf ko nun. Hindi naman ako chaser hehe. FYI: hindi sa min yang bag na yan ha! (defensive!lol)
Naku, naku, Mac...tigilan mo ko. Magseryoso ka muna.
E ano bang seryoso ang gusto mo?
Ano pa! E di yun walang landi sa katawan.
Wala naman ah! Kasi nga single ako, kaya lalandi ako! Pero kung magiging tayo ulit e di mawawala lahat yun!
Hahaha! Wag mo nga ako chinacharot!
Totoo nga! at kung magkakabalikan tayo gusto ko lagi tayo usap ha? -- (demanding ko ata hahaha)
okay... sagot naman niya.
Okay? you mean tayo na ulit?
Ewan!
aba sumagot ka ng maayos! Mahal mo pa ba ako o hindi na?
mahal naman...kaso...
Ano nga?
basta...mag iisip muna ko! yun!
Hay sumasakit bangs ko kay Brian ha! Grrrr...
October 5, 2011
Ang Kwento ng Natusok Na Daliri at Na-Dedo'ng Nepali
Nag umpisang mag alarm ang cardiac monitor sa may ulunan ko. Lahat ng vital signs ng patient ko bumabagsak na!
Heart rate: 30 beats per minute nalang!
Putaena!
Napamura ko sa sarili ko nun mapatingin ako sa mga nag aalarm-an na monitor. Itinigil ko ang pag extract ng blood sample (ABG) sa braso ng pasyente ko. Paglagay ko ng takip ng syringe, sa pagmamadali, natusok ako ng needle!
Putaena! ulit kong bulong sa sarili ko.
Sumampa ako sa gilid ng kama at dali-daling inumpisahan ang pag si-CPR. Habang nagdudugo ang daliri ko.
One...and...two...and...three...and...four...and five... pagbibilang ko sa isip ko habang pina-pump ang dibdib ng pasyente sa may tapat ng puso nya...sinusubukan ko patibukin.
Nag iisa ako sa kwarto ng nepali kong patient. Nasa loob ng Cardiology ICU.
Parang slow motion ang lahat...
Saglit kong itinigil ang pag CPR at tumakbo sa may pinto at sumigaw sa unang nurse na nakita ko sa station. Kelangan ko ng tulong.
Parang eksena lang sa tv series...
"sister! come quickly! patient is bradycardic! I need a crash cart!" sabi ko sa Indiana'ng nurse.
Tapos tinutugtog daw yung kanta na "How to save a life..."
Echosera lang!
Saka ako nagmamadaling bumalik sa pag CPR! Tuluyan ng nag arrest ang patient. Wala na ko heart rate. Shit!
Tuloy pa din ako sa pag resuscitate. Nagdatingan ang back up ko. Sunod sunod na sila dumating. Dala ang emergency cart.
"Sister, get the bag and start bagging!" sabi ko sa isang nurse na lumapit.
Habang pinapaliwanag ko sa negro'ng doctor na dumating kung ano ang nangyari...
"Stop! Everybody stop. Patient is DNR (Do Not Resuscitate)!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in-charge sa ICU.
Napa-Ngak! nalang ako! Sabay tigil nang ginagawa ko ng wagas na wagas!
Pumirma na pala ang relative na in case na mag arrest yun patient e wala na kami gagawin anything to save him. Hahayaan nalang. Kasi malamang napaliwanag na sa kanila na hopeless na.
Effort pa naman ako! hmmmp!
Fact: dapat kasi inaalam muna ang mga a-choo-choo-choo sa chart ng patient!
Oo! Ako na! lol
Bakit nga ba ako humantong sa sitwasyon na ito nang nag iisa?
Una, tinawag kami nun nurse na assign sa isang pasyente ng colleague at friend ko na si Fatima. We have to do APNEA TEST daw sa patient nya. Kasi kelangan ma-determine namin kung brain dead na ba siya. Para ma suggest sa mga kamag anak na baka gusto nila i-donate ang mga organs nya. Sayang nga naman at bata pa yun patient. 32 lang siya. Inatake siya sa puso last week at di pa siya gumigising till now. At wala improvement sa case nya.
O di gora naman kami ni Fatima since rumarampa lang naman kami dalawa kanina pa! at least may magagawa!haha
Pinakuha namin ng ice yun nurse at mga kelangan pang ek ek sa procedure. Sabi ko kay Fatima siya nalang ang mag record at mag monitor ng vital signs at ako na ang gagawa ng pinaka-procedure.
Nakita ko na may hawak na baso yun nurse na assign sa patient na gagawan namin ng test. Naawa naman ako kasi mukhang gutom na siya. Kaya sa halip na kasama namin siya mag monitor e sinabi ko nalang na we can manage the test alone.
Hindi na din ako nagpatawag ng doctor na dapat e andun sa duration ng test. Kasi nga delikado ito.
Nagmamaganda kasi.
Ilang beses ko na kasi ito nagawa kaya naman confident ako.
Dapat within ten minutes tapos na ang apnea test. Kundi magiging false/positive ang result namin.
Tinanggal ko na ang life support ng patient. Wala ng makina'ng hihinga para sa kanya. Inilagay ko ang catheter na naka konekta sa 10 liters na oxygen papasok mula sa tubo sa bibig niya na diretso sa lungs. Inobserbahan ko kung nahinga ba siya sa sarili nya. Negative.
Dinidikta sa akin ni Fatima ang vital signs na nasa monitor. Ok pa. Keri pa daw sabi nya.
5 minutes later...
"mac, sats natin 75% nalang..."
"ok pa. acceptable pa yan. I need few more minutes" sabi ko.
"mac, its 60% nalang..."
"Ok! kukunan ko na siya ng blood... teterminate ko na tong test as soon as naka extract na ko ng blood sa artery sa braso nya"
FYI: Ang normal na sats e dapat 100%. At normal na heart rate at 80-100 bpm.
Nagmamadali ako. kelangan ma-hit ko agad ang artery in few seconds..
Tinusok ko na ang braso nya...sinusubukan hanapin ang artery... pero wala! shitness!!!
Hindi umaabot ang karayom ko. malalim ang ugat. I need a bigger needle Fatima! sabi ko sa kaibigan ko. Nagmamadali siya tumakbo sa stock room para kumuha. Naiwan ako mag isa.
Tumingin ako sa monitor 60s pa din ang saturation ko. Tinusok ko ulit. Blind shot na ginawa ko. Pero di talaga maabot.
Pagtingin ko sa monitor..50% nalang sats niya at bumabagsak na ang heart rate niya! 30 beats per minute nalang!
Sa pagmamadali ko ibalik yun takip ng syringe, napasala ang hawak ko at natusok ko ang sarili kong daliri! Nagdudugo pa din to habang nag si-CPR ako.
Worried ako sa kalagayan ng pasyente at sa natusok kong daliri. Nagamit ko na yun karayom sa pasyente. Hindi ko pa alam kung positive siya sa Hepa and I dont wanna think of the worst but...pano pag positive siya sa HIV?
"Stop! Everybody stop. Patient is DNR!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in charge sa ICU.
Umalis na kami ni Fatima after na ideclare na expired na yun patient namin. Ganun kabilis nawalan ng buhay ang Nepali...
1o minutes...all it takes was ten minutes.
Halos dependent na siya sa ventilator at mga gamot.
Nag report agad ako sa supervisor at sinabi ko na natusok ako ng needle na gamit na. Pinagawa nya ko ng Incident report. Inasikaso naman niya ako at dinala ako sa emergency room sa main hospital para ma examine. Kinuyob ako ng mga kaibigan kong nurse sa ER haha! Celebrity?
Tanga-tanga mo!!! sabay gigil na batok sa akin ng ilang kaibigan ko. Concern na concern sila noh? LOL
Kinunan din ako ng blood sample.Tapos ke-laki-laki ng karayom na ginamit! Taena'ng mga yon! wala na daw maliit!
Till now nangingitim yun tusok sa braso ko ni Eric! nag-Hematoma! patay sa kin yun pag nagkita kami!
May appointment ako sa infectious disease clinic next week.
Hoping and praying na Negative lahat sa sakit na nakakahawa ang namatay na patient. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Nakakaguilty din somehow na namatay siya habang ginagawa ko yun procedure sa knya. In my own hands...Oh may gawd! chos!
Iniisip ko na...
Na sana kung hindi ako masyadong naging confident...
At sana hinanda na muna namin lahat ng kelangan na size ng needle para di na tumakbo si Fatima at maiwan ako mag isa at sana na-monitor ko agad na bumabagsak na ng mabilis ang heart rate nya...
Na kung sana di ko na pinayagan mag meryenda yun nurse nya...
Na sana pinatawag ko na din yun doctor bago ko gawin yun procedure...
Na sana na-hit ko agad yun artery nya ng mabilis...
Na sana di ako su-syunga-syunga na natusok ko ng karayom ang sarili ko...
Hay...
Lesson learned talaga.