June 22, 2011
Pansahod
Umuulan na naman...ilang araw ng ganito...peste lang di ba pampasira ng bakasyon ko! LOL
Di ako makarampa sa beach! siyet! kaya kinalimutan ko na ang karagatan! sinumpa ko nalang sa sarili ko na hinding-hindi na ko uuwi ng Hunyo! Evah!
Pag ganitong tag-ulan at nakadungaw lang ako sa bintana ng bahay...napapangiti nalang ako pag naalala ko kung pano ako pa-simple manood sa likod ng kurtina ng bintana sa mga binatang naliligo sa ulan noon....wala silang pang-itaas at puro naka shorts lang na bakat na bakat ang "bukol" nila pag nababasa...ang hot lang ng tanawin na yun! taena!
Madalas pinagti-trip-an ko mga kili-kili nila...at mga buhok sa pusod...fetish ko yun...andami ko naiimangine...hay....
Ingat pa ko nun kasi baka makita ako ng tatay ko na libog na libog sa panonood sa labas!LOL Ngayon kasi wala ng naliligo kasi hapon na, maginaw na!haha.
Pag ganitong malakas din ang buhos ng ulan, naalala ko kung pano maubos ang kaldero namin sa kusina pang sahod sa mga tulo ng ulan na galing sa bubong namin na butas-butas at kinakalawang...Edad kinse ata ako nun.
Maski sa kwarto kapag matutulog na, andun pa din ang tilamsik ng tubig ulan kapag malapit ng mapuno ang kalderong nilagay ko pansahod. Mahirap matulog :-(
Tanda ko pa noon kung pano halos liparin ng malakas na hangin ang bubong kapag may bagyo...itatali ng tatay ko ang bubong papunta sa puno na malapit.
Napapangiti nalang ako ngayon, tapos na kami sa kabanata na yun ng buhay namin...iginala ko ang paningin ko sa bahay namin ngayon...hindi ito malaki, pero ayos na ito, matibay at komportable.
Nakakatulog ng mahimbing ng walang alalahanin na baka may yero na matutuklap at liliparin ng malakas na hangin tuwing may bagyo...
at higit sa lahat...
Hindi na nauubos ang kaldero pansahod sa tumutulong bubungan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
success.
next month magbabakasyon na ako..naiisip ko din ano kaya gagawin ko kung tag-ulan? uupo nalang sa may bintana habang nagkakape? lels
very inspiring mac.
kulang na nga lang talaga yang mga tambay na naliligo sa ulan haha. bulabugin nga nang magsilabasan.
ganun dn sa bahay namin sa province. mahirap ang experience ng bagyo lalo na kung hindi lng isa kundi marami ang tulo sa bubong.
pero part na rin ata yun ng pamumuhay natin. siguro walang Pinoy ang hindi nakaexperience nun..
@akoni--hehe baka di na tag ulan nun kasi last year july ako umuwi and nakapag bora pa kami nun sa init e :-)
@sean--hehhee bukas mag aabang ako ng maliligo sa ulan para masaya naman!
@greenb breaker--talaga kayo din natulo bubong?hehehe.those were the days :-)
ang kaldero. bow! natawa naman ako sa last sentence mo. pahiram naman ng kaldero, magsasaing na ako.
i love your blog! funny yet at times, very deep..
nice one. pamatay ang last part. Di nauubos ang kaldero dahil RICE Cooker na ang gamit mo ngayun :-)
keep it up...
ang katas ng gitnang silangan, bow
@mr.G--haha cge madami kami spare now!
@akasha--hey i love ur name!thanks i followed ur blog back :-)
@ahwod--tama ka jan!!!sushal na!hahaha
@bien--hahaha dahil un sa mom at dad ko late contribution na lang un akin:-)
sing REFRESHING ng ulan ang post nato. magpakanasa ka, dahil sa gitnang silangan, every 48 years ang ulan...
dubai reader
like! :)
- darc
hahaha, bwisit nga ang ulan na ito, nakakaantala ng mga gustong gawin,haha pero ok lang masarap naman humilata, diba ikaw nakakapag reminisce dahil sa ulan. titila din yan wait mo lang, baka next month hahaahaha
masarap maligo sa ulan
@darc--hi cutie! thanks hehe
@mark--waaah! pabalik na ko ng doha nun!LOL
@ming--ako,di ko type masyado!taga watch lang ako hehee
you've come a long way. so much to be thankful for. pasalamat na rin sa ulan at naalala mo.
ayaw ng ulan ng mga sun people while gusto ng ulan ng mga rain people. lols (imbento ko lang tong theory na to).
good to hear na di na kayo nauubusan ng kaldero. pede na magluto ng goto sa tag-ulan.
Post a Comment