Nakakatawa kundi pa bumagyo di ako mag titigil sa bahay!hahaha. At least nagka day off ako sa paglayas! LOL
Kaloka tong week na to, araw araw nasa galaan at kung sino sino friends ang mini-meet ko! Ang saya lang kasi na miss ko sila talaga!
Tawanan, kainan, okrayan at kumustahan ng mga nangyari sa nakalipas na isang taon nun huli kami mag kita kita.
At grabe wala pa kong ten days dito sa bensa natin e, halos 60% na ng yaman kong uwi ang nawaldas! Ang bilis maubos ng pera! jusko po lord guide me! Ilayo mo ko sa mga materyal na bagay! Sa pisikal na bagay mo nalang ako ilapit! Dun sa karne! chos!!!
Speaking of karne, lagi ko din nakakain ang gusto ko iulam, yun mga namiss ko talaga ng todo, ang bait ng sistah ko, para lang ako reyna na dedemand kung ano gusto ko ulam kinabukasan!hahaha
Ang ayoko lang dito, yun feeling na di ka ligtas, na any minute madudukutan ka or maagaw ang cellphone mo or bag mo! Kasi sa Doha, isa na ata un sa pinaka safe na lugar sa mundo. kahit maiwan mo gamit mo sa bus stop or waiting shed, pagbalik mo kahit isang oras na nakakaraan, andun pa din yun!
At isa pa, di matuloy tuloy ang swimming namin sa beach kasi maulan! sana next week pwde na! sa ngayon, i-eenjoy ko muna ang lamig ng panahon na dala ng tag ulan at ng bagyong si Dodong! Masarap din naman tumambay sa bahay maghapon, habang inaantay ko ang puto bumbong na pinabili ko teka, asan nga ba yun????2 hrs ago pa yun! LOL
Masarap pa din talaga sa pinas kahit ano pang nega ang nakikita ko sa atin...pinas will always be my home.
5 comments:
tumuh!
enjoy your vacation here sa pinas sir :D
oi cong buti namna at safe kang nakauwi dito :)... pasalubong joke lang.. hehhe...
thanks at bumagyo- dahil tumigil ka na din sa bahay- nanay mo... hehehehehhe
Hey, brother ...bakit nawala ka na sa YM? me mga messages pa naman ako sau dun..anyhow, I'll catch up with you once nakita kita naka-online ...
Post a Comment