June 2, 2011
Balikbayan
Nagising ako sa maliit na tinig ng pamangkin ko sa labas ng kwarto ko, nakikipagusap siya sa kalaro niya, I guessed.Nasa pinas na nga talaga 'ko. Di ito isang panaginip.
Iginala ko ang aking mga mata sa apat na sulok ng dingding...ipinaayos ng sister ko ang room ko, bagong kurtina, bagong bed at mga ka ek ek-an, bagong pintura din ito...kulay YELLOW!
Sumakit ulo ko kagabi pag pasok ko nun makita kong naninilaw ang kwarto! Jusko ang magaling kong kapatid talaga! Ipinaayos daw nya yun room in case may "bisita" akong isasama haha. Pero sorry to disappoint her, walang wala!
Nasanay na kasi siyang may bf ako everytime haha.
Mahimbing ang tulog ko magdamag, malamig, di na ko sanay ng walang ac hihihi (nag mamaganda).Napagod ako sa biyahe 9hrs ba naman! at gising ako the whole time ha, di kasi ako nakakatulog kahit sa sa byahe whether bus or plane pa yan, ayun naka 3 movies at 2 episode ng Glee lang ako at mga nakasampung trip to the toilet, maihiin kasi akong tao!
Buti nalang uso sa Qatar Airways yun online check in, I get to choose which seat I want at the plane and of course sa isle at sobrang lapit sa toilet na upuan ang pinili ko.
Andami'ng nag uwian kahapon ng hapon kaya naman full house ang NAIA sa mga balikbayan. 4pm lumapag ang plane, nakalabas ako 5pm na. Inip na inip na mga sumundo sakin hehe. May isang nakikipagtitigan sakin, inaantay kong lumapit, kaso mukhang mahiyain, ayoko naman mauna, dalagang pilipina kaya to!char!
At syempre pag labas ng sasakyan namin ng airport, naharang agad kami ng mga buwaya ng kalsada, nakotongan agad kami. Hay naku some things never changed talaga. Sabi ng sis ko halata daw na galing akong abroad. Chineck ko tuloy sarili ko sa mirrow, di naman masyado a, maliit lang ngang tierra ang suot ko a! LOL
Pag dating ng house nakahanda ang dinner, we had Pochero, na nirequest kong main dish pag uwi ko, namiss ko kasi yun ulam na yun. Kwentuhan ek ek, then bigay pasalubong, mga excited sila.
Yun nephew ko kakatuwa laging nakadikit sakin mula pa sa sasakyan, kahit nun malapit na magtulugan sa tabi ko daw siya tutulog. Namiss din naman pala ako ng mokong!
O siya yun na muna hehe madami pa akong lalakarin today. Bisi-bisihan ang drama ko!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
cge magsawa ka teh
mabu-hey! welcome home mac!
AT di ka busy at nakuha mo pa magblog. Hehehe.. Welcome Home Papa Mac.
theres no place like home talaga
@ming--i will hehe
@sean--selemat pow! :-)
@DH--di pa pahinga pahinga muna this week, at saka inaasikaso ko muna ang pagpapaganda hahaha
@conio--tamang tama ka jan!
enjoy enjoy veykla, fur cher babalik kang luhaan sa qatar at ubos ang kaperahan hahahha
Enjoy your vacation paps! na homesick ako bigla huhuhu - sarap ng pinoy! este sa pinas!
Hello Pilipins Mabuhay.
welcome back!!!!! gow!!!
lalandi na!!!!
rarampa na!! LOL
@orally--hhaha salamat sa moral support mo ha!!!
@JR--hahaha!malamang nakailan lalake ka dito!di mo man ikwento sa blog mo!tse!
@DH--mabuhey talaga!
@ceiboh--oy di kaya!haha tong hinhin kong to!la bf,sorry nalang me hehehe
Post a Comment