December 5, 2011

Sa Padalahan


Nakapila ako sa padalahan ng pera sa isang mall at medyo nakakaramdam na ng inip sa katawan dahil panalo sa haba ang pila. Suwelduhan kasi. Mas mahaba ang pila ngayon. Ang dami'ng nagpapadala ng pera sa Pilipinas. Sabagay, magpapasko nga pala.

Kagabi lang kausap ko ang kapatid ko, nagpapadagdag ng ipapadala ko kasi daw ay pasko na nga. Maraming gastos, maraming kelangan ihanda para sa okasyon. At kelangan ko din daw bigyan ng papasko ang nag iisa kong pamangkin at inaanak sa binyag na si Carl. Aba, mamahalin pang toy ang gusto!

Samantalang ako nun araw masaya na sa mga laruan lata na lalagyan namin ng gulong para gawin kotse-kotsehan. Ibang iba na ang panahon ngayon.

Regular ang padala ko sa amin tuwing buwan. At minsan dahil sa mga special occasion na gaya ng pasko ay inaasahan ko na ang mas malaking ipapadala sa amin.

Manganganak din ang nag iisa kong kapatid ngayong Disyembre.

Sige titignan ko. Yan ang isinagot ko sa knya.

Napangiwi na lang ako nun bina-budget ko ang sinuweldo ko nitong buwan na ito. Binukod ko na ang lahat ng kelangan kong bills na bayadan at due this month. Masakit din sa ulo. Kala ko nga noon sobrang ginhawa na ng buhay kapag nasa abroad ka. Pero di pa din pala.

Kasabay ng paglaki ng sahod ko ng ilang doble mula sa karampot na sahod ko dati sa pinas ay ang siya namang pagdoble doble din ng gastusin namin ngayon. Mas marami na rin ang obligasyon.

Nag iba na din kasi ang lifestyle namin. Tumaas na din kumbaga. Yabang! Pero totoo yan. Minsan kasi iniisip ko bakit parang kulang pa din! E dati kasya naman ang sampung libong piso na sahod a!

Nakaka-stress din minsan. Pero keri lang.

Dati pa nga ay masaya ka na sa bench lang na mga damit, ngayon e may konting angas at kayabangang dala-dala na sa katawan! kaya dapat sa Topman/RiverIsland/Zara/ ka na madalas mamili. Maski sa pagkain ay mapili na din masyado.

Kasalanan ko din naman! Toink!

Kasi naman, pagod ka na nga sa pag work at madalas ay nag o-ovetime ka pa, kaya naiisip mo nalang at sasabihin sa sarili na: Reward ko to sa sarili ko. I've been a good boy at ang sipag ko kaya! kaya i deserved this! chos!

Ngayon ay hindi kami financially stable dahil may kinakaharap na problema ang aking ina sa Dubai. Matipid na din ako. Hindi na din ako madalas bumili ng bagong damit at sapatos. Pero ganun talaga. Pana-panahon lang yan sabi nga.

Pinag sisikapan kong ma-promote na sa trabaho ng sa gayon ay mapauwi ko na si Nanay at padalhan nalang siya ng limpak limpak na salapi soon! charot!

Pero mailap ang pagkakataon...konting intay pa daw sabi ng Chief therapist ko. Todo dasal ako gabi gabi...andami kong pinangako kay God...sabi ko kahit wala na lang munang lovelife okay na sa kin basta matupad lang yun goal ko na ma-promote. At maiuwi ko si Nanay soon.

Money could change a lot of things.

Money really matters...

Money dictates everything.

It could change lives.

Hindi din pala madali maging OFW naisip ko. Hindi din pala lahat ay ginhawa. Darating ang pagsubok. Darating ang oras na mahihirapan ka. Matututo ka magtiis at magsakripisyo para sa pamilya. Pamilya lang naman ang mahalaga e di ba?

Kaya naman habang nagba-budget ako ng aking sahod ngayong buwan sa ibabaw ng kama ko at maitabi ang matitira para sa sarili kong pangangailan ngayong buwan ay napailing na lamang ako. Napangiti.

Isang buwang pagpapakahirap...isang buwang pagpupuyat...ito na yun.

Mabuti na lamang at masaya ako dito sa parteng ito ng mundo. Sa piling ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ay gumagaan ang pakiramdam sa mundong malayo sa mga mahal sa buhay.



Nung matapos ako mag fill up sa western union at mapirmahan ang form ay nagsimula na ko maglakad palabas ng magarang mall...


Naisip ko...Ito ang bunga...dito nagsisimula ang lahat....ang makatulong ka at mag-paginhawa ng mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas. Walang pag-aalala dahil alam mo na nasa maayos sila.



At isa ito sa mga nagpapangiti sa akin tuwing gabi bago matulog at mag umpisa muli ng panibagong araw dito sa gitnang silangan.

9 comments:

the geek said...

there is an economic theory na nagsasabi na if mataas ang iyong income, mataas na din ang iyong expenses.

bestfriend ko nasa singapore, ang nanay ko nasa saudi. naiintindihan ko yung mga sinasabi mo. malapit nang maging 60 years old si nanay, kinaya niya. ikaw bata ka pa, kaya mo pa yan.

:)

-the geek

Mac Callister said...

@geek--salamat sa kind words mo :-) ok lang ako, keribels. hehe. sipag naman ng mom mo...we all have obligations to our family, utang na loob na tin sa kanila yan e, so its better to help and be happy for the blessings na ibinigay sa atin.

bien said...

Kaya Mac, dapat i-post mo na sa FB wall mo- "Hindi porket sa abroad ako nagtatrabaho, mayaman na ako"

Mac Callister said...

@bien--haha oo nga e!o kaya itext sila isa isa?charot! salamat sa pagdaan dito :-)

Drama King said...

Isang yakap mula dito sa Pilipinas! Alam ko, good karma ang darating sa'yo! Nakakainspire ka pare! :)

Nishi said...

kahit dito sa pinas, ganyan din naman. pag tumaas na sweldo, tumataas na din standards. kaya nga hanga ako sa nanay ko, kahit gaano lumaki ang sweldo, gastos-probinsiyana pa din.

ZaiZai said...

hanga ako sayo, you sacrifice a lot for your family. I'm sure may blessing in return yan. hugs mac! :)

Leo said...

May formula diyan. Salary minus savings is equal to expenses. Pay yourself first. :)

Anonymous said...

di ko pa naranasan yan.. pero kung ganito ka karampot din yung kita sa atin sa tingin ko di malayong maranasan ko yan...