September 19, 2010
Nagdusa Ako Kagabi!
Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?
Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL
Kakagaling lang namin kaunin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.
Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.
So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!
Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itoch!
Ang layo pa namin!!! As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!
Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, ayoko masira ganda ko noh! LOL
Sabi ko: brother, throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)
Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL
Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.
"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:
"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"
Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!
Nagkaron na kami ng tibok, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.
Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!
brooom-brooom-broooom!
Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)
Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!
Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!
Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!
Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!
Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!
Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!
Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!
Anooooooooooooo?????????????????!!!
Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
may matching sound effects pa tlga ang pag kukwento? hehehe
@justine--aba napadpad si mister suplado haha! oo naman kasi yun ang iniimagine ko kagabi nun nagmamadali kami haha!
maaksyon ah. grace under pressure pa din dapat. =P
my mom is also a nurse. kaya i have an idea kung gaano kahirap ang work niyo. woooot wooot!
This is very funny. Mas nakakatawa siguro kung harapan mong ikukuwento with mathcing actions.
baklang baklang nurse etchos!
ang pinakamagandang sound effects dito yung TOINKZZZZZZZZZ hehe
@ex-jason--tumpak!LOL
@nimmy--oo nga,mahirap talaga,pero di ako nurse!hehehe.iba ang role ko.
@jonathan--hehe OA nga ako sa personal e!kaya sure yan!LOL
@conio--tralali!
@kumagcow--hehe,bumanat ka na naman!tse!
damn funny mare!
adrenaline rush. drama. action. blog entry in HD. Parang isang yugto ng soap opera sa tv. :)
@orally--hey thanks!kakaibang experience,kagabi ko lang naranasan mag cardiac arrest ng wala sa icu or er!bongga!
@alterjohn--sinabi mo,nakakatwa kami nun!
LOL! parang comedy show! pero namimiss ko na rin yan.. Yung axxxion sa hospital shifts... I miss it pero ayoko nang balikan. lol
@KJ--pansin ko nga wala ka sa hospital,san ka ba working now?parang clinic or something?
Is this story true, as in trueness? Nakakatuwa! Super! You make my day upon reading this.
Share more your experiences with us. You're great! - Jun
@anonymous--yeah its true!to the highest level!LOL
miss ko na magwork sa hospital... waaaah...
Post a Comment