Hello guys!
Alam ko sasabihin nyo buhay pa pala ko! LOL
Sensya na at busy lang masyado at aminin ko na din na nagkaroon ng konting katamaran na mag update ng aking blog na itey.
Andaming ganap sa buhay ng lolita nyo nitong mga nakaraang buwan. If napa follow nyo ko sa twittah at IG malamang alam nyo na haha kundi naman eto ang isang bugsuhang kwento na dadaananin ko nalang sa picture picture ng slight para mas madali hahaha!
Nakwento ko na before yun medical escort ko sa UK last November 2014 right?
Kundi pa paki click ITO
Henywayz, ayun nga 4 days kami dun and since andun na rin lang ako at super katal na kong makaranas manood ng broadway musical e gumora na ako kahit mag isa at bumili at nanood ng...drum rool pls!
Jan-Ra-Ra-Raaaaannnnnnn:
MISS SAIGONNNNNNNNNNN!!!!
The best itong musical na toh. Mga 10x ata akong pinaiyak. Lalo na sa ending jusme super hindi ko ineexpect ang ending nitoh kainissss! Halos humagulgol ako pigil na pigil ko lang kumawala ang hikbi ko, I swear!
Sobrang gagaling nila.Lalo na si Rachel Ann Go! Pati yung korean singer na gumanap ng THUY, langya boses nakaka habag siya kumanta.Damang dama ko pain nya.
Kaya guys kapag nasa London kayo wag nyo itong palampasin. Panoodin nyo dahil Super sulit ang bayad nyo at nakaka proud na andaming pinoy na member ng production na ito habang nagra run pa. Ito ang highlight ng trip na yun.
Nun umpisa lang at patapos na lang ako nakapag nakaw ng pictures haha. Eto lang nakayanan ko. |
Fast forward to February 1-7, 2015:
Nag byahe ulit kami for medical escort naman to Houston, Texas, USAAAAAAAAA!!!!
O di ba ako na talaga! at ito pa naka business class kami sa eroplano. Nakakatanga lang sa una ang mga pindutan sa upuan, nangongopya nalang ako sa katabi ko! LOL!
First time ko sa jumerika pakshet! ang saya ng feeling na nakatungtong na ko dun ng libre. Di gaya ng UK escort ko na 4 days lang, ditey sa Texas, 7 days kami. O di ba. ako na ulet. chos
Pero aminin na natin waley masyado ganap sa Texas kaya naman jinontak ko mga kaibigan ko sa states, nun una sa New York ko balak lipat ng state, kaso inabot naman ng blizzard nun mga panahon na yun, sabi ng friend ko wag na daw ako tumuloy dahil super bad ng weather. Na-sad ako ng sobra, gustong gusto ko talaga makarating ng New York. Haist. Life.
Henywayz, so next location ko e California or Las Vegas, kaso wala daw direct flight pabalik ng Dowha mula sa mga states na yun. So ang siste pag nagpunta ako sa alin man state sa dalawa. I need to go back to Houston para makauwi ng Dowha! Aksayado sa pamasahe yun! sayang ang pera ko hahahaha!
So ayun ang ending ko stucked ako sa Houston na aantok antok na state. LOL
ditey ako nag check in |
sabi sa inyo aantok antok dito, parang eksena sa The Walking Dead ang mga kalsada dito haha. |
Buti nalang kamo yun friend ng cousin ko ipinasyal kami nun indian nurse na kasama ko sa medical team. Kaya sa wakas nakakita din kami ng mga building establishments at malls at pasyalan. Ito nga dinala nya kami sa NASA Space Station
February 24-27, 2015 naman:
Byahe ulit kami pabalik ng UK! medical escort ulit. hihihi. I love my job!
O alam nyo na sasabihin nyo....
ako na talaga! LOL
full english breakfast |
say hello to the birds and my beki bag. LOL |
the Westminster Abbey |
Matagal ko ng pangarap makapasok sa loob ng abbey na ito, bakit naman hinde e super popular nito lalo na nun recent royal wedding nina Prince William and Kate. |
sayang bawal kasi mag take ng pic sa loob ng abbey kaya eto labas lang mga shots ko huhu di ko tuloy maishare sa inyo. Pero super ganda sa loob, grabe ang architecture at ang mga art and decor jusme. |
Kinabukasan we booked a bus tour for 75 pounds/person papunta sa 3 locations outside London.
First location-- The Windsor Castle:
Second location- The Stonehenge:
ang layo nito pero super sulit! sa mga pictures ko lang nakikita ito nun araw, pero andito na lola nyo now! ang saya! |
ito dw ang isa sa mga pinaka matandang bakery dito, imagine since 1482!!! |
Bath Abbey |
ang sarap ng chocolate nila! napabili ako ng 3 boxes ng di oras! at take note dito lang sila may store wala ng iba pa kahit saan lupalof ng mundo! |
ito ang highlight ng Bath Tour na ito, ang Ancient Roman Bath! ang gondohhhhhhh! |
Pagkatapos ng sangkatutak na pictorial namin ay its time to go back to our tour bus at bibiyahe ulit pabalik ng central london ng 2hrs! sa layo!
Kinabukasan ay pabalik na kami ng Dowha sobrang pagod at puyat pero worth it naman. Andami kong nagawa at napuntahan this time. Wagas ang mga souvenirs na nabili super bet.
Di ko alam kung kelan ulit ako makakabalik sa UK kaya sinulit ko na. Hopefully next year, kapag due ko na ulit sa rotation namin. Super thankful talaga ako sa opportunity na ito.
Kaya yan na muna ang kwnto ko. Ang haba haba haba na nito. Sana nag enjoy kayo.
Hanggang sa next time ulit na sipagin ako mag update. LOL
Ingats.
6 comments:
Ikaw na teh! Ikaw na talaga!
Sure ka ba na may mga tao sa Houston? Kaloka naman ang mga kalsada, parang ghost town ang lugar. Weird ata ang feeling jan, yung tipong scary ka baka may sumulpot na zombie bigla mula sa kung saan lol.
Loanden is sorw beautiful! I also want to go theah somedai. Sadlei, I have norw monei. Goodness Gracious! (ang hirap ng British accent teh! Paturo naman.)
Taray mo huh. International ang gala. Vungga!
Nga pala, ang selfish pala nila sa pagkuha ng piktyur. Ayy sori! Binabawi ko na ang sinabi ko. Baka i-ban nila ako dun. Char.
Ikaw na ang jet setter te!
Sa dami ng napuntahan mo wala man lang pasalubong? Yung coat mo sa UK, okay na sa akin haha :)
So ahppy for you te at bongga ang travel at love life :) More power!
grabeh the, ingitera na kung ingetera pero naiingit talaga ako teh! sa susunod itago mo ko sa maleta at isama mo ko dyan hihihi
kelan ka babalik ng Maynila? Yung pasalubong kong English na size 9 san na? Yung kano ko na size 12 anyare? Chos!
Ang haba haba nga nito. I hope makarating din ako ng UK so ipon ipon muna. Ganda ng mga pics, good job!
truth be told ikaw na nga te. hahaha
tawang tawa ako sa chika mo na baka ala los banos laguna ang bath. lol
pero bongga nga! kabogera. hehe
jusko bet ko ring rumampa ng new york. yun lang naman bet kong puntahan sa states bukod sa new orleans at san fo. okay madami pala. hahaha so i feel your sadness dahil di ka nakarampa sa ny. huhu
wow isang bugso nga. Kainggit naman mga pinupuntahan mo. I can only dream to go to those places one day. I love the english breakfast and mostly, I ALSO WANNA WATCH MISS SAIGON!!! hehehehe. it is also nice to know that you and partner are going strong. Good luck and stay online. hope to hear from you soon!
Post a Comment