Hello!
And Im back here in the middle east for about fourteen days now.
Thank God hindi pa ko inaatake ng homesickness. Laking pasasalamat ko dahil my boyfriend is with me. Kung wala siguro siya todo emote na ko till now sa isang sulok at namimintana or padausdos sa sahig habang pumapatak luha. Charot!
Pero bago ang lahat may chika ako sa inyo sa NAIA nung flight ko pabalik dito sa Dowha. Smooth na smooth ang check in ko, mapa immigration keme keme. sabi ko pa nga sa sarili ko makakapag relax pa ko at makakapag refreshments pa habang antay ng boading.
Pag buhat ko ng bag ko may naamoy akong mabaho. Amoy durian. Sabi ko malamang dun sa katabi kong maleta sa isip isip ko. Tinanung ako ni koyah na guard kung may dala daw ba akong durian. Nagtaray pa ko sabi ko "Wala noh."
Pagdating sa xray sa final scanning na yun. Hinubad ko belt ko, metals sa katawan, katangahan ko pati kwintas at ring ko na white gold hinubad ko at nilagay ko lalagyanan ko ng passport sa tray na provided nila. Hindi naman pala required haha shunga di ba?
Paglampas sa scan isa isa ko ulit sinuot yun mga hinubad ko including the necklace but not the ring. its must've slip through may passport. Naalala ko nalang na wala akong suot na singsing nun nasa boarding gate na ko!
Mga 5minutes na yun nakalipas nun! nagmamadali ako bumalik sa scan area nila! hoping na andun pa yung ring ko! huhuhu
Mega halughog ako sa mga tray na nakasalansan dun sa table. Pero waley talaga! hanggang sa lumapit na ko sa security and sinabi ang problema ko. Tinanung nila nangyari at yun detalye. at kung ano itsura nun ring ko. I told them its a wide white gold ring na may nakasulat na Bvlgari sa sides.
Its not a real Bvlgari but a replica of their B.Zero 1 ring but its 100% pure gold. I bought it here in Dowha. |
this is the orignal version hihi di ba? pwde na, Uso kasi dito sa Gold market yun magpapakopya ka ng gusto mong design ng alahas. kahit anong style kaya nila :-) |
They asked me how much the approximate value nya then inulungan nila ako maghanap sa paligid. Infairness sa kanila super helpful. The told me to look for my bag daw once again usually daw andun lang sa bag lang. Sinabi ko di ko makita. They said na scan daw nila ulit yun bag ko. Wala pa din daw sila makita ring. They told me to remove all the contents of my bag and this time scanned the bag alone.
"wala talaga sir e. Pero may isa ka pa tayong option. Ipareview natin CCTV. Mabilis lang naman yun. Wait lang tawagan ko supervisor namin" sabi ni ate'ng security.
Umagree ako dahil gusto ko din malaman naganap. If naiwan ko ba siya, or nahulog ko ba siya, or may kumuha ba etc. Sinamahan ako ni bisor nila sa police department ng airport. Si police officer Bernabe ang nag attend sa concern ko and dinala naman niya ako sa banyo para mag quickie... charot!
Sinamahan niya ako sa second floor sa security cameras nila. May sumalubong sa amin na another security personnel na malaki tiyan na batangueno.
"sir ito dito po sa amin ang tangi lang namin na mai-offer ay kung ano lang yun makikita ng camera" sabi pa niya.
Kaya pala smooth ang check in ko at maaga natapos yun pala may magiging problema ako na kailangan ayusin.
Sinimulan niya i-review ang CCTV kung saan nasa final scanning nila ako. Ang awkward lang makita sarili ko sa camera. Kung di lang seryoso ang nagaganap sa akin matatawa ako nun time na yun. 30 minutes din ako sa room na yun. Naging alerto mga kasama ko nun may nakita kaming lalake na titingin tingin dun sa tray na iniwanan ko. Kinabahan ako!
Halatang may sinisipat sipat siya dun sa loob ng tray. Then umalis siya then bumalik ulit. Nakakapagtaka naman! Then umalis na siya ng tuluyan!
Ang conclusion ni mister pulis Bernabe ay negative daw. Hindi kasi namin nakita na may kinuha yun lalakeng naka cap. Umalis ako sa camera room nila ng bigo. Hmp
Hanggang sa makapag boarding ako ay yun pa ding katangahan ko about my lost ring ang nasa isip ko. I super love that ring pa naman.
"Sana sinangla na nalang natin yun! napakinabangan pa sana natin! kasi naman bakit hinubad hubad mo pa!" sabi ng sister ko nun ibinalita ko sa knya.
Nilibang ko nalang sarili ko panonood ng mga movie sa eroplano. Mula sa "Grace Of Monacco" to "The Other Woman" ni Cameron Diaz na halos mapautot ako kakatawa! and finally "Harry Potter 1 and 2" hihihi. Masakit na mata ko kakanood at super nakain ko lahat ng ihinain na food sa akin! spell PG!
Pagdating sa airport sa Dowha muli ako na stress kasi baka masita ako sa dala kong isang pack ng chicharon at 5 purefoods na liver spread. Kasi balibalita na mahigpit daw sa new airport lately. Alam nyo bang iniwan ko yun dadalhin ko sanang isang kilong longganisa at yun ipinaluto kong binagoongan na may madaming taba ng baboy sa takot na baka mahuli ako huhuhu.
12am na yun at pagbuhat ko ng bagahe ko muli kong naamoy yun amoy durian!!!! natawa ako kasi mukhang confirmed nga na sa akin yung source ng mabantot na amoy na yun!
May dala akong sampung itlog na BALUT!!! at malamang nabasag sila kaya umaamoy! OMG
Nakalabas ako ng custom ng walang aberya at di nasita sa ilang dala kong delata. Buti nalang!
Sinundo ako ng apat kong friend na babae and Jojo paglabas ko. Muntik na kaming di magkasya sa sasakyan haha sabi ko magtaxi nalang kaya ako! charot!
Its nice to see boyfie again with my friends. Gumawa pa siya ng turon para daw may kainin sila habang nag iintay sa kin.
Masayang kwentuhan ang naganap at naichika ko ang nangyaring pagkawala ng singsing ko etc. Itinuloy namin sa DQ restaurant ang masasayang chikahan ng mga naganap sa akin sa isang buwan kong bakasyon ko sa pinas.
Sa loob ng sasakyan ay bumibida ang amoy ni sampung balut haha amoy durian na di mawari ang amoy!
Pagkauwi sa house ay todo akap ang aking jusawa na halatang sabik na sabik sa akin. Oh ganda ko di ba? chos.
Naka move on na ko sa nawala kong singsing. At inisip na baka kaya nawala ay may bongga namang kapalit ganyan.
Tinulungan niya ako mag unpack saglit nun mga dala ko na madali mapanis. Inuna ko ang nabasag na "balut" buti kamo di siya tumagas. Dahil selyado naman ang pagkakalagay ko sa container, pero tindi ha umaalingasaw pa din amoy niya mula sa loob ng maleta.
Ipinasok sa fridge ang Jco donuts, ang yema cake, ang itlog na maalat at ang sangkatutak na Mochi ng Eng Bee Tin na super delicious!
At habang isa isa kong inaalis ang laman ng messenger bag ko...nang mapadako ang kamay ko sa isa ko pang wallet na pang pinas dahil dalawa ang wallet ko isang pang pinas at isang pang qatar. May nakapa akong matambok sa gilid na bulsa nun wallet.
Pag usisa ko andun yun singsing koooooooo!!!napatili ako sa tuwa at yumakap kay Jojo na noon ay patulog na!!!
Nagulat siya sa akin pero natuwa din nun malaman na di pala nawawala singsing ko! bwahahaha!!!
Nakakaloka lang! na stress ako sa pagkawala niya and andun lang pala sa wallet ko. At nangdamay pa daw ako ng mga tao sa NAIA!
Pero come to think of it, ang shunga din naman ng scanner at ng xray machine sa NAIA e di ba iniscan nila yun bag ko twice? e bakit sabi nila waley daw? hay nako. e siyempre ako aasa asa din na wala siya loob ng bag ko. May mali din sila noh
At syempre shunga din ako kasi hinubad ko siya. LOL
4 comments:
atlit diba, nakuha mo ulit ang ring... sexring... charots.
buti di nio napagbintangan yung umaali-aligid sa mga trays ng NAIA. hehehe
award! ive been eyeing to get that bulgari ring lol tsaka na pang engagement ring nalang LOL
wahaha wahaha shungaloo yung scanner. atleast hindi siya nawala dahil sayang. lel
congrats sa singsing! hahahahaha
ikaw na, may jowl na nga, may singsing pa.
ang bitter lang ng comment ko. haha
Post a Comment