August 19, 2014

Inflatable



Naaliw lang ako pagmasdan ang friend kong si Fatima habang kasabay maglakad ang boyfriend kong si Jojo. Todo kwentuhan pa ang mga bruha. Nasa mall kasi kami kasama pa ang isang kaibigan pa at naisipang mag ice cream sa Haagen-Daaz. Nakahawak ang kamay niya sa braso ni Jojo na parang siya ang Jowa!! kalurks lang.

Don't get me wrong ha hindi ako nagseselos dahil sure akong beking beki ang hubby ko at deads na deads siya sa akin. LOL. I just find it cute na my boyfriend and my friends get along very well. Minsan natatakot lang ako na baka masyado silang maging close tapos bigla kaming mag break ni Jojo soon. ahaha na wag naman sana *knock on wood*.

Pero kilala ko kasi sarili ko. May topak ako. Moody ako. Madali ako mainip. Ngayon happy ako the next minute buwisit na. LOL. And sana magtagal nga kami ni Jojo, siya lang ang naging karelasyon ko na ganito kaasikaso. Botong boto pa ang lahat sa kanya for me and wala na ako mahihiling pa for a boyfriend :-)

At alam ko na kung bakit so far so good kami ni Jojo. Kapag sinusumpong ako ng toyo ko hindi niya ko pinapatulan. Or kapag nag aaway kami. Yayakap lang siya ng mahigpit hanggang sa di ako makawala sa laki ba naman niya haha. After ko kumalma saka lang namin mapapag usapan ng maayos ang issue.

Sipag pa niya sa bahay ko hihi lalo na sa lutuan wala siyang reklamo. Haist ako na. Ganda ko talaga. Charot!

Tinulungan niya ako sa pagpapabagahe ko ng box na ipapa air freight ko. Mula pamimili nun mga ilalaman hanggang sa pagbabalot hanggang sa pagbubuhat pababa ng building sa lobby kineri niya lahat. Sana dumating yang balikbayan box ko in time , baka mamaya nasa pinas at nakabalik na ko ng dowha e nganga pa din!




at tignan nyo naman ang finish product. Kinarir niya yan haha ang OC lang!

Siya lang din ang pormal kong ipinakilala sa mga kaibigan ko. Would you believe na fb friends pa sila ng sis ko at lagi sila magkachat!



Kaya sa ngayon wala na ako mahihiling pa sa bagong boyfie na itetch. Madalas din siya mag sleep over sa bahay. At dun kami nagkaka problema. Slight..

Sanay kasi ako sa aking personal space. Lalo na ang kama. Sanay akong malaki space ko. Nakakaikot ng malaya.

E ang jowawiz e mahilig yumakap sa gabi. Dumantay. Oo masarap makipag cuddle. I enjoyed it. Spooning. as in. Paborito ko yan.

wala siya kamalay malay natutweet ko na siya nitong mga oras na toh. LOL

Pero pag seryosohang tulog na lalo't puyat ako from my shift. Nako yan na. Hindi na ko makatulog ng maayos. Habang todo hilik si boyfie sa likod ng tenga ko. Kalurks!

At gusto pa niyan ha nakahawak sa utong ko habang natutulog! ang weirrrrrrd!

Kaya naman napag desisyunan kong ibili siya ng inflatable bed. Hihihi. Naalala ko pa na todo awat siya at naggagalit-galitan nun natingin kami ng bibilhing size and color. Di na daw kelangan. Tawanan pa kami kasi para kaming mga bata na kukunin ko tapos hahablutin niya sa akin at ibabalik sa kinunan ko.



At sa huli wala naman siya nagawa. Ako nanalo. LOL


Ang usapan:

2 hours pwde siya tabi sa akin sa kama. Pwede lahat. Lahat ng kalokohan niya sa pagtulog kekerihin ko. Pero after that time. Bababa na siya sa bed niya sa sahig. Hihihi. Umagree naman siya and we signed the deal by a kiss.

The other day namin inumpisahan ang deal. Nun pinababa ko siya sumunod naman. wala reklamo antok na antok pa e. Kala ko nga sisingaw pa yun hangin ng bed ang laking tao at kebigat ba naman ni mokong!

Nakikiramdam ako ng ilang minuto if magrereklamo na di siya makatulog. Pero aba! ayun wala pa 5minutes harok ang tumbong paghilik! LOL

Kaya sa lalakeng mahal na mahal ako, sana di ka mabagok or maalis ang helmet mo soon dahil super you're making me happy. Charot!

9 comments:

Anonymous said...

Bakit nakakumot?! Tanggalin dapat. LOL

khantotantra said...

haba ng hair.... nag-rejoice ka ba gurl? (kanta sa commercial)

eto pala yung nitutweet mong inflatable nung isang araw. hahaha.

at dahil close sya sa sis mo at boto ang friends mo, boto na din kaming readers sa kanya :D

Sepsep said...

Berdeng-berde ang blog! I like it! *hahaha*

Ikaw! Ikaw! Ikaw na talaga, Mac! Wag mo na pakawalan 'yan please! Mahirap na maghanap ng ganyan ngayon. He's a blessing. :)

Sepsep said...

Nga pala, Mac, pa-update naman ng link ko sa blogroll mo please. Yung luma pa yung nandun eh. :)

alpabetonisepsep.blogspot.com

Maraming salamat! *mwah*

Mac Callister said...

@will-- kow bawal baka wala na magbasa ng blog haha

@khantotantra--korek siyang siya na nga. papagupit na nga ako soon hihi

@sepsep--korek i like the color green kasi, magaan sa mata kapag nagbabasa sa blog ko hindi siya masakit sa mata. and besides dahil bekilou ako kaya dapat green!! green ang dugo! charrrr

kalansaycollector said...

ang gandaaaa! hihihi

cuteness. :)

KULAPITOT said...

Hindi ko alam late na ako lumagay ka na pala sa tahimik hahaha i mean dumating na din cya sa wakas kaya




Be good girl ha!

KULAPITOT said...

Kilig much

Unknown said...

ang gwapo pala ni boyfie? sino kahawig? inggit much.. sana makahanap ako ng ganyan..