July 16, 2014

Si Baba





First rounds ko sa ICU and kelangan ko i-therapy si Baba (tawag namin sa matandang lalakeng arabo) sa isolation room kasi may infection siya. Contact Precaution. After wearing all the personal protective equipment (PPE), pumasok ako sa loob.

Kinakamusta ko siya habang nag kakabit ng nebulizer kit na may laman na gamot sa ventilator circuit niya. Fully awake and conscious siya kahit na may life support.

Kasalukuyan kong kinakabit ko sa knya ang vest at ang mga connections sa physiotherapy machine na katabi ng kama nun matapos ang nebulization. Maingat ko itong ikinokonekta sa mga straps at holes, nun maubo siya ay marahan ko siyang sinuction, nang umaktong may sinasabi si Baba sa akin dahil intubated (may tubo sa bibig) kaya hindi siya makakapag salita kahit anong gawin niya.

Sinusubukan kong intindihin ang gusto niya iparating sa akin ngunit di ko talaga ma-comprehend. Kinuha ko ang alphabet board na ginawa ng mga nurses niya para ituturo nalang ng daliri ni Baba ang letra ng words na gusto niya sabihin sa amin.



Itinapat ko sa knya ang board at nag umpisa siya isa isang magturo ng letra. Matagal na proseso dahil na rin siguro sa malabo ang paningin at nanghihina pa siya pero matiyaga ako nag intay na matapos.

Una niyang itinapat ang hintuturo sa letter: Y...na sinundan ng O...at ng U....

"YOU" bigkas ko nun mabuo ko. Umagree siya.

Sumunod ang mga letrang:

A...R...E....A...G....O....O.... natagalan niya hanapin ang sunod na letter...at itinapat sa letter: D...


"YOU...ARE....A...GOOD..." bigkas ko muli...tumango siya muli at muling hinagilap ang sunod na word na gusto niya sabihin sa akin...

Itinapat niya sa:

"P".

"E"

"R"

"S"

"O"

"N"

Wala pa ang last letter ay nage-getz ko na siya. Muntik na ko maluha sa pagka touched nun mabuo ko sa isipan ko ang gusto niya sabihin.

"You Are A Good Person?" inulit ko sa knya. Tumango siya. "thank you Baba". sabi ko pagkatapos na nakangiti kahit na di niya makita ang aking mga labi dahil sa face mask na suot ko pero alam kong alam niya na nakangiti ako at masaya.

"all of us here are good Baba..." sabi ko pa. Pero umiling siya. Hindi siya umaagree. Napatawa ako. Malamang ay tinutukoy niya ang ilang mga ibang lahi na nurses and therapist etc. Karamihan nga din naman talaga ay bara bara nalang. "maybe they're just tired Baba or very busy thats why..." pagtatanggol ko na lang sa ibang member ng team ng ICU na di niya naappreciate. Hehe.

Ibinaling ko nalang ang pansin sa pag press sa mga controls sa machine na ikinabit ko sa knya. Kelangan kasi na maimproved namin ang condition ng lungs niya. Medyo collapsed and may pneumothorax pa sa kabilang side bago pa ako maluha sa sincerity ni Baba.

Minsan lang may maka appreciate kasi sa ginagawa ko or namin. Lalo't sa arabo pa galing di ba? aminin naman natin na karamihan sa kanila ay trabahador lang ang tingin sa ating mga pinoy. Pasuweldo lang nila. Na dapat ay gawin lang lahat ng gusto nila. Ni thank you ay wala.

At aliw lang na hindi naman ako nag eextra effort sa knya kanina, Im just doing what I'm supposed to do bilang therapist niya. At may super big reward pa ako from HIM. Nakakataba ng puso.

:-)

5 comments:

Dabo said...

=)

Politically Motivated said...

Nakakatuwa rin ang effort ni Baba kahit hirap gusting iparamdam ang sinseridad niya.

Anonymous said...

wow! :) how have you been? hope all is well!!!

kalansaycollector said...

aaaw. nakakatats! :)

Unknown said...

aaawwww!! nice one! my heart melted! gujab, cyber friend! : )