I've been wanting to get tested for HIV for the longest time, just like everybody else, medyo afraidy aguilar ako. Kaya tumagal ng tumagal yun plan na mag pa test. Medyo aktibo kasi ang sex life ko recently...slight lang naman....Wag na kayo kumontra kasi. LOL although lagi naman ako protektado pero mabuti na din yung sigurado.
A recent event lead me to finally do it, kelangan lang pala may motivation kaloka. With the help of a good friend, sinamahan nya ako sa Love Yourself Clinic. This is a discreet HIV clinic in Malate, Manila. They are a non profit organization na nagpo provide ng free test para sa LGBT-MSM community. Matagal ko nang naririnig itong grupo na ito kaya naman tiwala ako dito gawin.
Super kabado ako on the way palang. Andami kong worries. Andaming takot. Andiyan yun tanong na:
Pano pag positive ako? Pano work ko sa abroad? Pano pamilya ko, breadwinner ako....Pano ko sasabihin sa kanila. Sa mga kaibigan? Pwde paba ako mag work abroad kahit may sakit ako? kaya ko ba itago yun?
Ilan lang yan sa mga tumatakbo sa isipan ko nun. Mabuti nalang jolly itong kaibigan ko, kedaldal, nawawala tuloy nerbiyos ko kahit papano.
Dumating kami dun around 10am na ata. Nakapag pa check na itong friend ko dito before kaya alam na alam na niya san puntahan. Hindi nga halos mapapansin yun clinic. Tama nga sabi nga niya, tago ito, at di obvious masyado. May nakasulat na RITM at OB-Gyne sa karatula.
Natawa pa nga ako at nagbiro na buntis na pala kami.
May ilan tao na sa loob nun pumasok kami sa waiting area nila. May couples. May solo lang, na bilib ako kasi ang tapang niya. Sari sari ang kaharap namin sa upuan. Medyo awkward lang kasi magkakaharap kami sa pagkakaupo.
Napapag aralan ko tuloy ang mga katapat ko.
May isang desk at andun ang receptionist/nurse. Tinanung kami if papatest daw kami. Binigyan kami ng form at sinagutan. Simple lang naman. Name. Age. Nakailan partner na ganyan etc.
Hindi ko sinulat real name ko. Nilagay ko ang apelyido ng lola ko hehe. Pero the rest ay real na. Medyo natawa ako kasi obvious na di ko real name yun kasi may mga bura ako halatang hindi sigurado!
Ipinasa namin sa nurse at nilagyan ng number ang papel namin. Tandaan daw namin ang number na ibinigay sa amin, yun ang gagamitin niya to identify us.
May mga tao na din pala sa second floor. Naririnig ko mga yabag ng tao. At dinig ko pa ay medyo madami na daw ang client at iilan lang ang andun na counselor. Kaya parang kelangan na daw pagsabay sabayin ang orientation at maiksing lecture about HIV-AIDS.
Tinawag ang mga number namin at umakyat kami sa makitid na hagdan paakyat sa second floor. Doon ay binati kami nun isang counselor. Sorry nakalimutan ko name nya, but he was so pleasant and accommodating. and cute. hihihi
Sorry weakness ko talaga semikalbo ang buhok!
Nag umpisa ang maiksing lecture about HIV in a way na madaling maintindihan ng lahat. Diniscuss lahat ng mga dapat malaman, at mga facts, mga dapat gawin sakaling positive ka at mga options mo. Pinaka tumanim sa isipan ko ay : Hindi pa katapusan ng buhay mo kapag may HIV ka.
Ayun, maganda ang mission ng grupong ito. Saludo ako sa kanila.
Pagkatapos ay isa isa na kami muling tinawag para sa test itself. Blood extraction na. Mabilis lang. Nilagyan ng proper label ang vial ng dugong nakuha sa akin at siniguradong name ko andun. Mahirap magkamali.
Pinababalik nalang kami after a few hours. 3 hours ata, Im not sure na. Last December kasi ito 2013 lang, sorry malilimutin na lola nya. Basta after the test ay pumunta muna kami ng Robinson's place manila at nag lunch sa Yakimix.
When its time to come back to the clinic ay umatake na naman ang kaba ko! Parang babaligtad sikmura ko. Ito na kasi ang moment of truth, ang resulta nito ay maaring magpabago bigla ng buhay ko.
Nun bumalik kami sa clinic ay halos wala na tao sa waiting area. Nauna na marahil yun mga nakasabayan namin kanina.
Tinawag na agad ang number ko. Iginiya ako nun semilkalbo na counselor sa isang private room saka niya isinara ng mabuti. Sinisigurado na confidential magiging usapan namin sa loob.
Pinaupo niya ako at nilibang ng konti sa pamamagitan ng pagtatanung about myself. Alam nyang tensed ako. Pinakita niya sa akin ang small white envelop na naglalaman ng result ng test ko.
"Ready ka na ba? hinga muna ng malalim" sabi niya ng nakangiti.
Nagulat ako na siya ang nag open. I thought kasi ako una titingin. Pero okay na din, atleast maihahanda niya ako just in case.
Sinilip niya muna at saka huminga ng malalim nun makita ang nakasulat. Halos tumalon ang dibdib ko sa takot nun mga sandaling yun huhuhu.
Saka niya inabot sa akin ang envelop. Kinuha ko na halos nanginginig ang kamay.
Hinugot ko lahat ng tapang na maari kong mahanap nun mga oras na yun at saka binuksan ng marahan ang sobre at binasa ang nakasulat dito.
Result:
Non-Reactive
Inulit ko pa ng tingin...non reactive nga!!!!
Saka ako ngumiti ng maluwag sa kaharap ko. "tinakot mo ko!" sabi ko sa knya. Gusto ko sana siya akapin at halikan sa tuwa ko! charrrrrr
Nagdagdag pa siya ng ilang payo at sinabihan na mag ingat ako lagi. After ng maiksing kwentuhan pa ay nagpaalam na ako sa knya. Saka kami nag kamay at nagpasalamat akong muli.
Nag iintay na sa labas ang friend ko at agad akong ngumiti sa knya. Gets na niya na negative ako sa HIV. At ganun din siya.
What a relief!
at saka kami nag sex ni friend pagbalik sa condo.
Charot!!!!
If you wanna get the test visit nyo lang ang
http://www.loveyourself.ph/ for details. Mas mabuti nang alam natin para mas madali maagapan at masolusyunan :-)