Hello everyone!
Sorry now lang nakapag update ng blog. Andami ganap lately haha. Kakaloka. Unahin ko na muna ichika sa inyo ang paglipat ko ng accommodation.
Naglabas kasi ng memo na kelangan na daw namin i-vacate yun current na tinitirahan namin dahil kelangan na itong irenovate. No choice ako kahit ayaw ko umalis dun sa flat na tinirahan ko for almost five years.
Medyo senti lang ako dahil mula umpisa ay dun na ako nakatira. Mahirap iwan yun flat na yun for me. Andami ko memories dun kaya!
Henywayz, since ala naman ako magagawa kundi sumunod sa utos ng management, nagpalipat ako ng new building. Ipinaubaya ko na sa housing supervisor namin na british na medyo antipatika ang pag hahanap ng new balur for me, basta sinabi ko sa knya na gusto ko sa same area lang din mapapalipat.
Masaya kasi ako sa district na itetch. Andito ang mga boylet ko. haha ayaw ko mapalayo!
Kinabukasan din tinawagan ako ni brit guy at sinabing may nahanap na siya for me at kunin ko nalang daw sa office niya ang keys.
Nakakaloka pa ha, ni walang address at ni walang direction pano pumunta. Wala siyang silbi. I have to make research pa kung san hahanapin ang building. Good thing may kakilala kaming nurse na dun din nakatira so I make sama my girl friend na may carlalu at nagpasama kami kay nurse para masilip ang new balur na lilipatan ko.
At nagustuhan ko naman nun mag ocular kami! Ocular talaga? hihi.
At sumunod na mga araw ay naging abala ako pag eempake at pag lalagay sa containers at boxes ang lahat ng mga naipon kong gamit for the past years. Andami ko palang clutter jusme. Kung anik anik. I have to give up some of them and throw. Masyado na madami.
Company accommodation ito. Fully furnished na itong flat namin. Wala na kelangan dalhin na gamit kundi mga personal keme nalang. Tatlo ang rooms dito. Tig iisa kami. So far dalawa palang kami dito sa flat.
O ayan parang episode lang ng KrisTV! kaya ipapasilip ko sa inyo ang aking crib! para may idea kayo pano maging OFW na gaya ko ditey sa Dowha :-)
ayan sensiya na hindi ako magaling mag ayos ng room ko haha ang bare ng wall and floor ko noh? soon lalagay ako ng mga decoration at carpet para masabi naman na gurl ang nakatira ditey. charrrr
comfy naman yun bed infairness. At gusto ko madaming madaming unan. lahat ng side meron. Nasa 2nd floor ako kaya minsan naririnig ko yun pagdaan ng sasakyan. Yun lang ang ayaw ko dito.
side table ko. hindi dapat mawalan ng tissue sa malapit haha! wag madumi utak. may allegic rhinitis ako so lagi ako may sipon. tseh.
May buddha pampabuenas.
Sadyang nakatapat ang TV ko sa kama para masarap manood ng nakahiga :-)
naka HDMI din yun TV sa laptop ko at may bluetooth mouse and keyboard na din para wala nang tayuan sa kama. BTW, si Bok nga pala nag assemble ng lagayan ko ng TV at swivel chair. Bati na kami e hehe.
ayan ang mga anik anik ko. tatlo hard drive ko kasi mahilig ako mag download ng mga torrent files
kikay keme ko haha...pang lola itong tokador kakaloka
dapat my lifesize mirror pang selfie noh!
view ko from my window. isang arab gradeschool na wala naman akong matanaw na student haha. Boring noh?
May mini dining table din ako inside. Mas ok kasi kumain dito kesa sa dining room sa labas ng room wala naman ako kasabay kasi kumain. so dito nalang. At yang parang orocan na drawer andiyan mga pika pika at mga kung ano anong kelangan sa pamumuhay. LOL
like ko din mag collect ng mga ref magnet. at dapat may microwave sa room diretso init paglabas ng food sa personal fridge.
hindi kasya sa cabinet ang mga damit ko haha. so i have to make this ek ek, mga uniforms at mga madalas gamitin lang ang nilagay ko dito para no need na magbukas pa ng aparador
sensiya na sa banyo ok. I got the masters bedroom kaya may sarili akong bathroom...oo pink ang basurahan ko.
napapadami na shoes ko kelangan na ng mas malaking shoe rack, I know. And I love the Onitsuka Tiger shoes from Japan! feeling ko ito nalang brand na toh lagi ko babuy soon and dispose na yun iba hihihi.
dito na din ako sa loob nagsasampay, oh di ba lahat na nasa room?! wala na talagang labasan talaga. Extra washing mashine ko yan nasa gilid. nasiraan kasi dati one week ako di nakalaba so bumili ako.
May automatic washing machine sa kusina na provided for us, na na-drier na paglabas isasampay nalang. halos tuyo na din naman kaya hindi ko sa labas sinasampay and besides maalikabok sa labas. kaya dito na lang sila sa loob.
at infairness sa kitchen namin ha working kitchen talaga siya compared sa inalisan ko na flat, kaya dito masipag ako magluto. mga gisa gisa, prito prito hahaha dahil yun lang kaya ng powers ko!
Interesting yun new housemate ko na medtech...maputi...twink hihihi, mahiyain nga lang at halos di ko nakikita. 2 weeks na ko dito e 3x palang ata kami nag abot. One time lumabas na wala shirt! jusko! hirap na hirap ako huminga nun! sana wag na niya ulitin baka mag seizure ako! charot!
13 comments:
ay bakit walang picture ni twink? hahaha abangan mo huh gusto namin ung picture na walang shirt hihihi
naks sa room, kahit walang alisan, pwedeng pwede... lalo na kapag umiral ang katamaran,konting tayo at lakad, may dining table, may cr, pede maglabalaba....
ganda ng place...
kaso hindi ba nakaka-lonely, i'm mr. lonely ang pag OOFW?
bongga naman ng mansion! pang vampire nga! :)
laki ng banyo te, keri mo paupahan haha :)
Iiiiiih. Ganda ng flat nyo. Hihi.
Tska jackpot ta sa housemate a.
im sure nabinyagan na yang room na yan... hahaha... i know you macky... you're so harot kaya... :-P
napangiti mo ako dun sa may parang kristv ang dating ipapasilip hahah..
mukhang maganda at maaliwalas naman ang bago mong silid!!!
naku,, pareho lang kami ng naiisip ni Juan!! alam na yan!! LOL!!
nice place! have place ka na naman nyan mare!
Clean room :) Super organized I wish my room was that clean!
Pwede bumisita? Bibili lang ako ng plane ticket. *hahaha* :)
Bongga ang mansiyon pero parang may multo. .. Mabigat ang pakiramdam ko nung makita ko ang place mo pramis may something
Charaught!
para kong nanood ng kris tv lol
Ganda ng bagong pugad mo ah!
Paarbor ng shoes! Dami naman nyan eh! haha
haylavit.
bakit porn yung nasa tv? charot. hahaha
Post a Comment