December 6, 2013

Buhay Pa Blog Ko!


Hey guys!

Ang bilis ng araw and eto na 5 days nalang natitira sa bakasyon ko sa Pinas! Nakaka sad pag iniisip ko. Haist. Andaming masayang naganap mga memories na magpapangiti sa akin kapag nag iisa na ko sa room ko sa Dowha. Hihihi

Sorry nga pala now lang nakapag update ulit. Been busy. Sobra! Wag kayo mag aalala madami ako kwento. Sa ngayon ito muna, isang quick summary ng bakasyon ko:


  • November 2. I saw my Mom at the airport sa NAIA when I arrived! Super mega tight huggging ng mga 5 sec ang naganap! I'm so happy to finally see her.
  • I watched the One Republic Concert sa Araneta Coliseum last Nov 6 with my good friend Mamon.
  • Tapos we supposed to be at Boracay nun November 8 to 11. Pero Dumating si Yolanda,3x na rebooked ang trip namin. Hanggang sa finally naayos at natuloy nun Nov.11 to 14. Wala naman damage sa island, nag down lang ang 3G and wifi  nila. Aside fr that tuloy ang ligaya. Ginawa ko lahat ng makakaya kong water activities hahaha ang hyper ko lang.
  • November 15 to 21, I checked in at my favorite condo at Shaw Residenza! Sabi nga ng mga kaibigan ko ay ito na ang aking official residence whenever Im in the country! E bakit naman hindi super accessible ito at ang ganda ng location lahat ng needs ko andun na sa paligid ng condo. Dito ako binibisita ng mga friends and lovers...charot!
  • November 16, I booked a mega room for about 15 persons at Centerstage KTV bar in Timog for 5 hours. Nalaman ko na kay Karylle pala na anak ni Zsa Zsa padilla ito. I invited all my bekilou blogger and twitter friends in one place! Super saya ang super busog kami dun. Naaliw ako sa mga boses ng mga kaibigan ko lalo na ang Divadie na si Leo. LOL Dahil nabitin sa saya, dumiretso pa kami sa Tony's bar ek ek nearby, may acoustic band naman dito and inuman ng slight, before i know it alas tres na ng umaga haha. At hindi pa kami diyan natapos tumambay pa kami ng ilang kaibigan sa residenza and nagkape! 6am na kami nagpasya mahiga kaya isang sleepover ang nangyari :-)
  • November 17 dinalaw namin ang mother ng collegue ko from Dowha na nasa hospital sa ICU. She's critical na kaya naman we comfort our good friend. Kasabay namin siya nagbakasyon dito sa Pinas
  • Tapos habang nasa condo ako naka stay may mga bisitang dumating...hihihi. nahiya ako kwnto...basta sa isang bukod na blogpost nalang. Abangan nyo ha!
  • Nov 22 inumpisahan na ko sukatan ng fixed bridge for my teeth. Aalisin na kasi braces ko and nun Nov 29 inalis na nga. Ganda na ng smile ko. LOL! And nag umpisa na din ako ng Glutathione injections ko hihihi. Ang arteh at ang vain ko noh? hayaan nyo na di kasi ako maganda daanin nalang sa puti. charot
  • Nov 30 umarkila ako ng isang malaking Van at tumungo kami sa Greenhills shopping center at naghagilap ng scrubs and coats na dadalhin ko sa Dowha pabalik. Medyo kupas at luma na kasi mga gamit ko sa araw araw na pagduduty sa hospital. Nakita ko itong Eco Moda na store. Infairness I love it! Ipinamili ko din ang family ng mga anik anik habang nag ikot ikot. Nakakalibang mamili kaso ang sikip sikip lang. Pero keri na airconditioned naman e.
  • After mamili dumadaw kami sa burol nun mom ng friend ko na dinalaw pa namin sa ICU a week ago. She passed away na din. Sa Evergreen Chapel sa pasig. Nakakalungkot na balita. I gave my sincere condolences to my friend's family and nag alay ako ng flowers and a short prayer.
  • Dec 1 naman I had dinner with my friends from Lipa City. Dinayo pa nila ako sa Laguna to see me kaya sabi ko sa Domo Tomo japanese resto nalang kami kita kita sa Nuvali, Sta. Rosa Laguna.
  • Dec 2 me and Mom went to POEA sattelite branch in Calamba to get our OEC. Which is a requirement to exit the country kapag OFW ka. Inagahan ko na pagkuha nito baka magka aberya na naman like last year na hindi ako binigyan and have to rebooked my flight back to Dowha.
  • Dec 3 was our Tagaytay trip with my family and some close relatives! We went to Picnic Grove na madumi na and we tried their bulok zipline and cable car. LOL. Naglunch kami sa Leslie's na matigas yun karne ng bulalo. Pinakamasaya ako sa Skyranch! ang ganda! ang linis! Nag try ako nun version nila ng London Eye na ang ganda ng view as in! may anchors away din sila, mini coaster, at sumakay ulit ako ng Zipline!~haha angdami ko tili. Kaya eto till now na ginagawa ko tong post na ito ay paos na paos ako! may ubo na din ako sa sobrang pagod at araw araw na puyat! jusme!
  • And ngayon week naka check in ulit ako sa official residence ko, san pa? Shaw Residenza for 4 days lang. hehe. Nakapahinga ako dito, nakakumpleto ng tulog haha mabuti pang malayo ako sa family e noh? charot.
  • May dinner dito sa condo later with my closest friends, excited na ko. O siya yun muna sa ngayon, naka blog ako kasi may time! 
  • And kahapon pala nagtapang tapangan ako and had myself tested for HIV sa isang discreet clinic sa Manila na pinapamahalaan ng mga volunteers ng Love Yourself. Nakahinga ako ng maluwag nun Negative naman ako. Thank you Lord!
  • By the way sa December 11 na flight ko. Awwww sad!

7 comments:

khantotantra said...

jampakan sa kaganapan. :D

at good to hear na madaming fun stuff sa iyong bakasyones. Pantanggal work stress ang mga ganyang bagay.

tc sa byahe pabalik ng dowhahhhh. lols

Geosef Garcia said...

Nice. Sarap ng bakasyon ah. :)

Kelan next uwi mo Mac?

Mar Verdan said...

Ang daming kaganapan! Buti ka pa nakabakasyon, ako next year pa ang uwi

Axl Powerhouse Network said...

what sulit?! hahaha sulit na sulit ang bakasyon mo sa pinas ha...
partner pa din ata sa business ni karyl si dingdong yun sa ktv bar na yun eh..

Mamon said...

ang daming ganap!

kalansaycollector said...

ang saya ni ateng! bakasyon grande!

infair parang napadalas yung uwi mo this year. :)

c - e - i - b - o - h said...

buti pa siya, mineet ang mga closet este closest friends nya..

inggit ako...