(Medical Escort Part 2)
Dahil napuyat kami sa panonood ng sandatahang lakas ng Thailand kagabi (charot) at panlalalake sa mga club (charot ulet) ay tinanghali kami ng gising ni Ganda1. Kung hindi pa niya ako ginising ay wala ako balak bumangon! ahaha. Napaigtad pa ako kasi naman dun ako sinundot sa may spine ko! lakas kaya ng kiliti ko dun! tseh
Pagtingin ko sa orasan ay alas dyes Y medya na ng umaga. Ang original na plano ay gumising ng alas otso! o di ba success lang.
Bumaba kami sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin at nag almusal. My free breakfast kami. I did enjoy our stay here at Ibis Nana Hotel dito sa Bangkok. Nag book ako through Agoda.com sa halagang 1,300 baht a night. 4 days and 3 nights na ito ha.
Ok yun place. Decent. Maayos ang interior. Malinis. Ok yung staff. Great value for your money. Sa pinas hindi ka makakakuha ng ganitong klase ng hotel sa ganitong klase ng rate. Mas mura dito sa BKK. Isa lang ang bagsak ang grado sa akin...yun wifi nila. Napakabagal. Pero all in all OK dito! Balak ko dito ulit mag check in if ever babalik ako ng BangCock ay Bangkok pala. LOL
May counter din sila sa lobby ng package tours nila around bangkok. Just tell them where do you want to go and ieexplain nila ng maayos at take note: mura lang binayaran ko. 3 thousand Baht (pera nila) ay may private car na kami with our driver as our guide, dadalhin nya kami sa The Grand Palace at sa napakalayong Floating Market na mala-Pampanga sa layo mula sa city!
Hindi na kasi kami umabot sa group tour nila sa shuttle kaya nag decide ako na mag private tour nalang kami since nagmamayaman naman ako. charot lang haha. Dali dali na kami naligo at naghanda sa aming grand tour! super excited kami na makakita ng temple and buddha ek ek nila.
Feeling ko kasi andami namin kasalanan nun nanood kami ng mga ka-titi-an show kagabi kaya this time dapat matino kami ngayong araw! LOL
Dinaanan lang namin si Ganda2 na lumalafang sa mcdo ay gumora na kami sa Grand Palace. 500 baht ang ticket per person dito. three locations na daw ang mapupuntahan. Since hapon umalis ang mga hitad ay isa nalang ang mapupuntahan namin.
Naka nyeknyek shorts kami ni Ganda1 kaya naman hindi kami pinapasok sa loob ng bakuran ng palace hahaha. Sagrado daw ang mga templo sa loob kaya nararapat lang na maayos ang suot ng mga bibisita. E mga liberated kami bakit bah!
Buti nalang ay may parentahan sila ng mga pants. Nagdeposito kami ng 200baht at ayun na suot suot na namin ni Ganda1 ang napaka baggy at very 90's na pantalon na kulay brown! nakakaloka!!!!
Gusto ko sana sarong nalang or malong (na mahaba para kunyari naka gown ako) ang ipasuot sa akin kaya lang baka masigawan ako nun pulis na masungit!
Pagpasok palang sa loob ay manghang mangha na kaming tatlo sa ganda sa loob! grabe ang mga bubong at architecture ng mga building na itetch!!! ang detailed masyado! fitted for the royal family talaga! di ko alam history nun place bahala na kayo mag google! LOL
Parang cute gawing pendant toh
At dito na nag umpisa ang walang hanggang pictorial namin haha hanggang sa makakita kami ng dalawang pinay, kunyari nag offer kami na picturan sila, para in return picturan din nila kaming tatlo! o di ba success! nagka picture kami magkakasama!
Too bad di namin nakita ang emerald buddha. huhu
Parang tanga lang kami nag ubos kami ng oras sa site na yun when in reality ay malaki pa pala yun area at hindi pa namin napupuntahan! all along akala namin ay ito na yun! kaya when we saw on the map na nasa isang gilid palang pala kami of the entire palace ay nagamamdali na kami gumora palabas! Toink!
The Grand Palace
Pawisan na kami sa init pero sulit naman sa ganda ng mga nakikita namin. nag missed call na yung driver namin at yun ang signal na kelangan na namin lumabas at tumungo sa floating market.
Malayo ang location ng floating market na itetch kaloka inip na inip ako sa byahe. Gusto ko na makakita ng mga lalake kasi. charot! Buti nalang ay madaldal si Ganda2 at medyo nababawasan ang pagka bagot ko.
Pero nun makarating kami dun ay napa WOW ako ulit. Ang saya lang! like sa mga nakikita ko sa feature sa tv and photographs nitong place nito ay totoo nga naman maganda talaga!
Naiintriga ako bumili ng mga kung ano anong food na tinitinda nila. Kaya lang madalas ay di kami magkaintindihan nun mga vendors haha. Di kasi sila nag i-english. Yun ilang lamang. Buti nalang yun ibang nagtitinda may free taste. Natawa pa nga ako when I asked kung ano tinda nya. Sabi nya "it teytst layk kondel..."
Hmmm ako naman mega subo pa din...at jusme lasang kandila nga! hindi pa kasi ako naniwala kay ateh! LOL
at chosera din siya sino naman kakain ng food na lasang kandila?? or baka nga kandila talaga yun! LOL
nakakita ako ng mga bracelets na gusto ko at t-shirt pang pasalubong. Si ganda1 ay abala naman sa pag susukat ng shirts na ipinagpipilitan na small size siya e medium nga ang kasya sa knya! kainis! hihihi habang nag iintay ako sa knila makapili ay nakakita ako ng karinderya na may luto na parang ginataang bilo bilo pero hindi naman. In fairness masarap siya. At nakiupo na din kami sa bench sa tapat at nag kodakan hehe
ayan ako busog na at may bitbit na supot ng biniling anik anik hehe
Nung mag 6:30 na ng gabi ay bumalik kami sa tagpuan with our driver...naghihintay na dun ang inarkila naming bangka sa halagang 600 baht. Exclusive na aming tatlo lamang ito. O di ba nagmamaganda na naman kami pwede naman pala maki join sa ibang group di pa namin naisip nun una hahaha. Mas ok sana yun atleast madami kasakay, malay nyo pa may mga hunky foreigner na kasama. Kaso nasa huli talaga pagsisisi. tseh
Dahil nga tanghali na kami nag umpisa gumala ay ginabi na kami dito sa floating market at hindi ko na maappreciate ang mga tanawin hahaha mas okay talaga ito kapag maliwanag naisip namin, so tanging mga alitaptap at malamig na simoy na hangin ang napala namin! ginaw na ginaw tuloy kami! halos ngatog levels ba, ganyan!
Gusto ko na ipaikot pabalik ang bangka! LOL
Sa wakas natapos din ang trip at hinatid na kami ng driver pabalik ng city. as usual two hours ulit ang byahe. Nakatulog ako sa tagal! si ganda 1 and ganda 2 ang taas ng energy walang humpay sa pag kuda kaloka.
At dahil ayaw namin masayang ang panahon, inantay namin sa Ganda 3 sa lobby ng mall at gumora kaming muli. This time sa night market. In fairness nice yun place hindi divisoria levels. Dito ako namili ng mga souvenirs at hinanap ang mga bilin ng mga mahadera kong kasamahan sa dowha na bilhin ko for them.
Tawanan sila nun andami ko nabili. Natatandaan pa kasi nila yun sinabi ko na wala akong balak mag shopping. But what can I do? natukso ako sa mga souvenirs nila hehe cute kaya ng mga shirts, keychains, ref magnets, buddha figurines etc.
Alas dos na ata kami nakaalis sa night market na yun. At dahil nagutom mega kain kami ng pizza dun sa malapit sa hotel namin. This time mataas pa din energy namin, ang gugulo lang kaloka, wagas na kwentuhan na naman ang naganap habang tumatanaw kami ng mga cute na foreigners outside.
Late na kaya si Ganda 2 sa amin na nakitulog. Ok lang dahil kasya naman kaming tatlo sa room. After mag ayos ay galit galit na kami at nagkanya kanya nang tulugan haha.
Maaga gumising yung dalawa kasi ito na ang araw ng uwi ni Ganda 1 pabalik ng pinanggalingan niya. Hinatid ko sila hanggang lobby at sinamahan naman ni Ganda 2 si Ganda 1 hanggang airport. Nagpaalaman na kami. Infairness na appreciate ko si Ganda 1 dahil nag effort siya samahan ako. Nagleave pa siya sa work haha to think na biglaan lang itong trip na ito.
Ako naman ay bumalik na sa pagtulog dahil puyat at bukas pa naman ang flight ko pabalik ng dowha. At hanggang dito na muna. Next time na yun ibang chika ko hehe.
5 comments:
ang saya naman! :)
@aries--truelagen! oy aries magpakita ka sa akin sa nov! ahaha
Ang saya! :)
naamaze din ako sa grand palace nung rumampa kami diyan. haha
hindi namin naachib ang floating market though. sad love song.
travel blogger na ang peg hahaha
Post a Comment