September 11, 2013
Putok Ang Fuse
Kanina pa ako nag hihintay sa knya pero hindi siya matinag sa ginagawa nya nung mga oras na yun. Iniayos ko ang higaan at ipinuwesto ang mga unan sa may headboard para komportable ang pag upo namin habang nanonood ng TV. Tinawag ko siya na halika na at nag uumpisa na ang palabas.
Para siyang wala nadidinig. Sinubukan ko magbilang sa isipan ko para pakalmahin ang naiirita kong pakiramdam.
Isa..dalawa...tatlo...hanggang sa umabot ng sampu. Pero abala pa din si Bok sa pagpindot sa kanyang telepono. Dinig na dinig ko ang paglagitik ng keypad niya.
Nung gabing yun ay may nauna nang dalawa pang bagay akong ikinainis sa knya pero iwinaksi ko yun at sinubukan mag move on, sabi ko kasi ay ayaw ko masira ang gabi ko dahil dun, kaya pilit ko sana ienjoy nalang ang chance naming ito na magkasama muli.
Bukas kasi ay mag uumpisa na siya muli sa work. Tapos na ang leave niya at hindi na magtutugma ang aming mga rest days. Kaya naman importante sa akin ang gabing ito. Pero dumating si Bok nang late at parang balewala lang. Wala siyang kalatoy latoy.
Nun hindi pa din siya maabala sa pagpindot sa phone nya na ewan ko kung sino ang kachat ay hindi na ko nakapagpigil:
"aba ayain mo na makipag eyeball yang ka chat mo ngayon. Gow na kayo!"
"ito na nga e sinabi ko na..." biro nya na akala nya ay funny.
Tumayo ako sa kama at sinabi:
"you know what...umuwi ka nalang. halika na lumabas ka na." gigil kong sabi.
Tumayo din siya at sumunod sa akin na nagpoprotesta "ano na naman ba toh?"
"Halika na umuwi ka nalang. Ayoko ma stress sa yo. Kayo nalang ng phone mo magsama! dalian mo!" sabay bukas ko ng front door at iminuwestra na lumabas na siya.
Iiling-iling nalang siyang sumunod. Message nalang kita...dagdag niya.
"wag na!"
The minute na lumabas siya saka ko ibinagsak pasara ang pintuan. Putok ang fuse ko sa kanya. Kaloka.
After 15 minutes tumunog ang phone ko. May message si Bok sa whatsapp. Mag usap daw kami bukas, pagod lang daw ako kaya mainit ulo ko.
Hanggang kinabukasan ay hindi ko siya nire-reply-an. Asar pa din ako sa knya.
Andami niyang calls at messages asking me to reply. Almost begging na kausapin ko siya. Pero hindi ko pa naririnig ang gusto ko mula sa knya.
Hanggang sa bago mag midnight ay nabasa ko ito:
"mac, sorry na please...bati na tayo...promise hindi na mauulit...hindi ko na hahawakan ang phone ko kapag magkasama tayo. Ikaw lang aasikasuhin ko."
Nagreply na rin ako sa knya after that. Tanggap ko na ang promise niya. Sinubukan ko na siyang patawarin. We'll see next time if matutupad niya. He called and nakapag usap na din kami. Natawa pa ako kasi ang lambing bigla ng Ugok.
"kow ke-bait mo e noh. Halatang nagbabayad ng kasalanan! tseh"
Nagtawanan nalang kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
*hihihi* Ang sweet. Kala ko bad din ang ending eh. :P
At least he figured it out on his own. Di mo na kelangan i-explain kung bakit pumutok ang fuse mo.
Awww.... So sweet. Tseh. Hahaha. #inggit
Dapat may set of rules inside the premises of your love nest.
- Both should turned the phone off.
Un lang. Period.
Hahaha...
Infairness, ramdam ko dito ang sweetness.
@Geosef Garcia--haha uu kala ko nga katapusan na namin e
@leo-- nakow for sure magkakaroon ka na din soon mars!
@dyosa--ok lang naman mag phone kaya lang nun time na yun nakakairita ang walang humpay nyang paggamit to the point na di ko na siya mapakinabangan sexually. charot lang hahaha
naku... ikaw na ikaw talaga yan mare!!! alam na alam ko ang tono ng bawat salita mo jan!!
ikaw na ang reyna-reynahan ng doha!!!!
naiimagine ko yung boses mo pagnag gagalit galitan ka hahahaha. kainez.
gondoh! hehe
Ang bilis mo naman magpatawad. Haha. Let's see sana tuparin ni bok ang promise nya. Bagong lalaki na naman to mac ah. Lol
Post a Comment