May 30, 2013

Bagong Salta





May dumating kaming bagong staff sa department namin, galing pinas. Si Julie. Mahiyain. Siguro kasi bago pa nga siya, halos wala pang one week. Ganun din ako noon, langya ako sa HINHIN. Ngayon HIHIN-dut*n na? charot!!!

Kanina ko lang siya nakita. Mukha namang mabait at hindi antipatika ang unang impression ko. Base sa pagsagot sagot nya sa mga friendly chit chat namin sa kanya.

We are trying to be friendly din kasi, alam nyo naman bago nga siya, kulit. LOL kaya dapat medyo iparamdam naming mga old staff na accommodating kami kahit papano. At alam din kasi namin ang feeling ng bagong salta. Mahirap sa una. Makikisama ka. At binabantayan ang kilos mo. Kinikilala.

Naitanung ni Aileen if nakuha na ba daw niya yung kanyang 2thou riyals na advance allowance from the finance department. Hindi pa daw. Nagulat kami. Kasi dapat first day palang naibigay na ito sa knya.

Ang sistema kasi upon the day na nagreport ang new staff sa HR at sa Finance dept dapat ibibigay na sa knya ang amount na yun para panimulan. Kasi nga bago pa so getz ng HRD na wala pang panggastos yun staff na kakaltasin sa sahod nya sa katapusan.

Pero sa case ni Julie wala pa daw. Nag worry kami for her. Sabi pa nga nya may ten riyals pa naman daw siya. halos sabay sabay ata kami napa-HAH?????

Jusme nanlaki ang mga mata kong beautiful sa narinig! E ipinapan-tip ko lang yun ten riyals na yun a! Hindi ko maimagine sarili ko with only ten riyals in my pocket! Que Horror!!!!!

Sabi ko "nako, hindi yan kakasya! papahiramin ka ni Aileen~! Aileen pahiramin mo siya ng 500!!!" at talagang si Aileen ang ipinush kong magpautang! hahaha

Hindi naman nag protesta ang bruhang friend ko kaya pilit niya iniaabot kay Julie ang 500. Nahihiya pa siya sa una pero sinabi naming alam namin ang ganyan stage dahil lahat kami ay dumaan sa ganun sitwasyon. Ayaw nya baka naman daw ibigay na sa knya ng Finance Dept yun funds nya this week.

Ako nga nun pinahiram lang din nun mga kasamahan ko. Kumbaga binabalik lang namin yun ginawa din sa amin nung kami naman ang bago. Oo nakakahiya kasi di mo naman sila kaano ano pero ito at iniaabot sau ang pera na di mo naman inask in the first place.

Kelangan mo yun kasi pambili ng mga gamit at pang baon baon. OO may bahay na libre, pero wala kang rice cooker, wala kang kaldero, wala kang kutsara at tinidor, mga maliliit na bagay na kahit ganun ay kelangan na kelangan mo bilang panimula. Yan ang buhay OFW.

Na-touched ako noon sa gestures na yun. Iba talaga ang mga pinoy. Nagtutulungan. Naiintindihan ang pinagdadaanan ng kapwa nila Pinoy na OFW. At sino pa nga ba naman ang magtutulungan di ba kundi tayo tayo din. Kaya dapat sa umpisa palang matuto makisama ng sa gayon madaming ma-gain na friends. Tama?

Dahil bago ako noon at wala pang muwang sa buhay middle east, madalas ay ipinapasyal nila ako, at lahat ng gastos ay nililibre nila ako. Di ba ang saya. Kaya naman as soon as nakuha ko ang first salary ko nun na sobrang di ako makapaniwala sa amount, dahil first time ko makahawak ng ganun salapi! as in! hahaha ay agad ko sila inilibre din ng dinner. Tanda ng aking pasasalamat nun ako ay gipit at baguhan pa.

Mukha namang ok ang personality ni Julie at sana maging close nya kami para madagdagan naman ang grupo ng mga kaibigan ko nagkakaumayan na kasi kami kami. LOL

May 22, 2013

Tumanda Na Naman!



Nung monday lang ay muli na naman nadagdagan ang aking edad. Saklap lang. Charr. Pero hindi, blessing ito, kasi kumbaga isang taon na naman ang ibinigay sa atin ni God di ba. At madaming ganap sa nagdaang taon ng aking buhay hihihi. Parang nategi lang e noh?

Balak ko sana mag handa ng medyo madami nun birthday ko pero sa kasamaang palad ay hindi nakiayon ang tadhana. haha. Una, hindi naayos ang sched ko. Ikalawa tumanggi yun misis nun friend ko na sa bahay nila i-celebrate ang party ko. Ikatlo, yung caterer ay hindi na naging available. Bongga lang di ba.

So ang ending ko ay magset nalang ng isang simpleng salo salo over dinner sa isang asian restaurant. No choice na e. Hindi ko naman pwde imbitahin ang buong department at hospital dun, Jusme mauubos ang kaban ko. LOL

Ilang piling kaibigan ang naglaan ng oras para samahan akong ipagdiwang ang isa na naman taon ng aking existence hihihi.

Alas-syete ay nagkita kita kami sa fave kong Thai Chi Restaurant. Super gusto ko kasi ang asian foods may konting anghang pero andaming flavors na pwde mo pagpilian. Pangatlong beses ko na kumain sa restaurant na ito, o di ba obvious na bet na bet ko food nila.


Nag order kami ng soup: Tom Yum. gusto ko ito kahit di ko magets ang lasa. LOL parang sinigang na parang paksiw hihihi


Isa sa lagi ko inoorder: ang Lettuce Wraps nila.



 Their Seafood Oyster. Meron pa kaming inorder na Oyster squid at yun Sizzling Prawns na nakalimutan ng picturan sa gutom namin hahaha.

 Siyrempre dahil nasa Thai resto kami di pwdeng mawala ang Pad Thai.

 Ito ang kanilang Traditional Roasted Peking Duck. Gusto ko lasa ng duck ha.

 At ito naman ang Cripy Fried Peking Duck. sarap nitoooooo!

Lahat kami may ganitong drinks. Forgot the name hihihi basta yun na yun. tseh.

At may sweetness na pinakita all throughout the dinner itong si Nurse RC sa akin ha! inignore ko lang sana yun gestures nya pero napapansin din pala ng mga kaibigan ko sa kabilang side ng table kung paano ako ipagsandok at lagyan ng food ni RC sa plate ko. Aaminin ko medyo kinilig ako haha though si nurse Andrew ang pinag papa-charmingan ko nun gabing yun.

May nag BBM pa nga na "ang sweet nyong dalawa ha!"

 At syempre dahil birthday ko, may solo shot ako. putol nga lang. LOL! Anywayz, after lumafang ng madami ay nanood kami sa IMAX ng Star Trek. Second time ko na siya pinanood, kasi napanood ko na nun friday may ka-date ako hihihi. landichay.

No choice ako kundi ulitin kasi lahat ng kasama ko di pa napapanood. Ok lang naman, super sulit naman at entertaining yung movie kaya keri talaga.

Dahil birthday week ko nga... kulit ko noh paulit ulit? I bought my self new watches and phone recently. Uu bubungangaan na naman ako ng mahadera kong kapatid dahil dito. Nagawa na niya! kahapon! sumakit nga tenga ko e.

 Sale yan kaya nabili ko hahaha! 10% off.


Di ba dati na -post ko noon dito sa blog ko yun kulay red, well wala nun kaya itong kulay blue and white nalang ang binili ko. G-Shock GA-110C limited edition itetch, pero jusme takaw atensyon yan nun suot suot ko sa ER last time.

Samsung Galaxy Note 2. Super nag eenjoy ako pagkalikot nito hehe. Medyo naninibago pa ko sa full touch screen kaya jusme ke-bagal ko mag compose ng messages. kalurkei.

Thankful ako kasi madaming blessings na dumating this year. Isa nalang ang kulang. 

Lovelife!!!! 

Anopangabah! LOL



P.S
Maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa facebook, sa twitter at sa lahat na ng chat-ek-ek apps sa phone ko.

May 16, 2013

S.N.L


(Saglit Na Landian)




(Medical Escort Sa Pinas Part 3.)

Ikalawang araw sa aking six days na pananatili sa pinas ay nagpaluto ako ng piniritong galunggong at nagpa gisa ng patola sa sister ko na may sabaw at miswa. Grabe lang! wagas ang tanghalian ko nun sa sarap. Na-miss ko kasi tong mga toh. Maswerte ako at nagkaroon ako ng chance na makauwi kahit sandali lang.

Alas tres ng hapon dumating ako ng shaw blvd. Napakainit lang nun araw na yun!

Hinintay ang pagdating ng paimportante kong kaibigan na si SB. Imagine ako ang galing ng Laguna siya pa ang na-late e taga Pasig lang ang kupal na yun ha. tseh.

Masaya kaming nagkamustuhan at inakbayan nya ko na may halong pag squeeze sa bubot kong katawan. LOL.

Nagcheck-in ako muli sa Shaw Residenza ng 2 nights, mabait yun manager nagsend lang ako ng email sa knya 2 days prior to my flight na nagpapa-book ako ng isang unit kahit hindi ako nag deposit sa bank account nila ng reservation fee ay pumayag siya. Sinabi ko kasi na wala na ako time and mabilisan lang ang aking pag uwi nun mga panahon na yun. Im glad na she trusted me. I love Shaw Residenza talaga!

Pagka settle ng mga kelangan pirmahan at bayaran ay sinamahan na kami ng receptionist sa unit na binigay nila sa akin.

Kasama ko pa din si SB ay nilibot namin ang buong unit at nag relax ng konti. Ito ang una namin muling pagkikita after ko bumalik ng doha nun january. Mukha namang namiss nya ko hihihi.

Nun makaalis yun receptionist at nasa second floor ako ng condo at mag-a-unpack sana ng mga gamit ko nun bigla siyang sumunod. Niyakap nya ako mula sa likuran ng mahigpit.

Nagpayakap naman ako. LOL

"Paamoy nga ulit ng leeg mo...hmmm" may pangigigil niyang sabi. Mas gusto daw niya yun dati kong scent. Nagpalit kasi ako ng pabango, naka Chanel ako ngayon. Aqua Di Gio yun dati.

Inihiga nya ako sa kama na yakap yakap pa din ako...kumawala ako pagkalipas ng ilang saglit para mapaharap sa kanya. Inibabawan ko siya at saka hinalikan ng light na light lang sa lips. Na-miss ko din naman siya. Naalala ko kasi yun mga private moments namin noong january kahit papano. At may constant communication kami kahit na nakabalik na ako sa Dowha.

Ilang beses din naglapat ang mga labi namin nun mga oras na yun. Hanggang sa nararamdaman ko na unti unti nagiging mapusok ang mga kilos ni SB. Nakalas na nga niya ang sinturon at butones ng pants ko ng di ko namamalayan e.

Pero inawat ko siya at sinabi "baka biglang dumating si Cutie Pie at makita tayo sira ulo ka!"

Kumalas siya at saka humilata na parang pagod na pagod sa kama.

Hindi naman siya nagpumilit pang muli. Pero ramdam kong nadisappoint siya. Kitang kita ko kasi ang massive hard on nya mula sa shorts niya. Taba kasi kaya namumukol. Charrr!

We stayed at the bed for a few minutes na nagkukuwentuhan at nag bibiruan. Im glad na kahit na may halong landian at manyakan ay nananatili kaming mabuting magkaibigan haha. O di ba pwde naman pala yun!

Tinulungan niya akong mag grocery sa katapat na Puregold para sa mga personal na gamit at ilang supplies na kelangan ko for two days. May mga darating din kasi akong blogger/twitter friends later to join me for dinner na next time ko na kwento. Antok na me. LOL

May 12, 2013

Kay Mother Lily..... Charrrrr!





Lahat tayo may kanya kanyang story about our own mothers. Mayroong sad, mayroon mga nakakatawa, bitter sweet memories. Since its mother's day I'll dedicate this day, this space, to my own mother.

Andami kong memories of her, pero buhay pa mom ko ha! mabuti nang malinaw. LOL

Naalala ko pa nun 7 or 8 years old ata ako nun, nagbibihis yun mom ko sa harap ko, wala siya paki kahit nakikita ko dibdib niya. wala naman ako malisya noon hihi.

Dahil medyo malaki naman kinikita ng tatay ko noon sa saudi, kapag malapit na ang school year bitbit kami ni Nanay papunta ng SM makati para mamili ng school supplies. Ang haggard lang nun mga panahong yun kasi yun lang ang branch na pinakamalapit sa laguna. lol naaalala ko kasi kung paano kami matiyagang kalong ni nanay sa jeep habang andami naming bitbit na plastic bags. at effort yun layo nun ha!
        
Tapos may karinderya mom ko nun, ang galing ko lang mangupit dun sa lagayan niya ng pera. Alam ko alam nyang nakupit ako pero deadma lang siya :-)

Ang sakit din mangurot ni mother sa tagiliran ko kapag may ginagawa akong hindi nya ikinakatuwa. As in parang tuklap ang balat ko sa sakit. Mahaba pa naman mga kuko niya noon na laging may matitingkad na kulay. Oo kikay kasi nanay ko.

Naalala ko pa na ayaw na ayaw niya naglalaba. Gawin na daw niya lahat wag lang maglaba. Pero the best magluto si nanay. Lalo na yung hamonado at menudo. As in! nakakamiss tuloyyyy!

Masarap din siya gumawa ng leche flan. perfect texture yun ha! natatawa ako kapag naalala ko kung paano namin daliriin at dilaang magkapatid yun mga lata ng condensed milk ng alaska noon kapag nagawa siya nito. sarap kaya! till now nabili ako ng condensed milk, itatapon ko laman tapos saidin ko lang yun nasa lata. charrrr

E yung nagpatuli ako si Nanay din kasama ko sa clinic ng doktor! LOL pero ako naman mag isa nalang nag langgas nun may pinakuluan ng dahon ng bayabas hahaha!

Tapos tuwing mananaginip ako ng masama tatawagin ko siya from my room kasi plywood na manipis lang division ng rooms ng bahay namin noon e, sasabihin lang niya: wala yan...tulog ka na...dito lang ako.

Hindi ko din makalimutan ang smile sa face nya nung ibinalita ko sa knya na first honor ako sa klase namin nun grade 5 ako at sinabi ko sa knyang kelangan niya sumama sa recognition day namin. Nagpa kulot pa siya nun. yun parang kay Tina Turner. Lol

Pinakamasakit siguro na naibigay ko sa nanay ko noon e nun hindi ako pinag martsa ng dean namin nun college graduation ko kasi hindi kami naka take ng revalida exam dahil sa napakawalang kwentang dahilan. Umuwi pa yung mom ko nun just for my graduation. Ramdam ko yun disappointment nya...Nakapasa naman ako kaya lang hindi ako pinag martsa. For a mother na nagsakripisyo ng ilang taon sa abroad para mapag aral ang anak, alam ko pangarap niyang makasama ko sa aking pag opisyal na pagtatapos.

Hinayupak kasi talaga yun dean namin! tseh! ewan if nakuha na niya karma nya. charr.

Kaya to my mom, salamat sa lahat ng mga sakripisyo mo, salamat sa lahat ng pang unawa at pagmamahal. Mag four years na tayong di nagkikita. Pero alam kong alam mo na ginagawa ko ang lahat with all my power para matuloy na ang ating family reunion this coming November. Excited na ko ipasyal ka at iparamdam na special ka sa amin. Konting tiis pa mother :-)


May 7, 2013

Welcome To The Third World Country


(Medical Escort Part 2)


Dumating din ang pinakaabangan kong araw...ilang araw ko din itong ikina haggard ha sa dami ng kelangan ayusin na requirements...

Ito ang aking pag uwi ng Pilipinas after almost three months mula nun makabalik ako dito sa Dowha. Through my medical escort.

Uu. Work related itetch hihi. Saya lang di ba. Libre lahat ito. Sinagot ng hospital management ang expenses pati ang pocket money naming tatlo nun Nurse at Doctor na kasama ko.

April 27. 4:00 am. Dumating ako sa ICU kung saan andun naka admit ang vegetative state na patient namin na si Ate Cora. Status/Post cardiac arrest. Hypoxic brain injury. three months na siya sa hospital at chronic case na siya kaya naman napagdesisyunan nang iuwi siya ng Pinas. At kelangan ng medical team na sasama sa knya.

Sila ang EMS team na mababait na nagdala sa patient at sa team namin hanggang sa plane.

Pasakay ng ambulance. Maulan pa nun morning na yan.

Maayos na maayos ang sistema namin mula paglipat sa stretcher sa icu palabas ng ER kung saan nag hihintay ang ambulance team (EMS), na dinala kami sa airport, na ihinatid kami hanggang pagsakay ng plane gamit ang elevator. Pati mga crew ng airline super helpful. Smooth na smooth. Alas otso ang flight namin.

Nasa economy kami at anim na seats sa loob ng plane ang inokupa ng make shift na kama na ginawa ng airline for our patient. Nakapwesto kami sa tapat niya para madali kami makakalapit if may kelangan gawin sa patient. Naikabit namin ng maayos ang mga medical equipment (cardiac monitor/ ventilator/suction machine/oxygen/dextrose). Nag standby din si cute na cute na pinoy cabin crew ng portable oxygen para gamitin ko. Kinilig ako sa knya. As in super asikaso nya kami hihi.

sa wakas ay naipuwesto din namin ang Patient sa bed na ito. effort kung effort ito.

Lagi pa nya ko nireremind na malapit na maubos yun oxygen tank sa gilid. Ang lapit lapit lang ng face nya sa pagkakatungo sa akin hihi. Bango ng breath!

Hindi nakaligtas sa akin ang curious na tingin nun ibang pinoy passengers ng plane. Parang isang artista ang sakay namin na nakahiga kung usyusuhin nila. I can't blame them. Minsan lang magbyahe ng pasyente sa eroplano. At malamang now lang sila nakakita ng medical team na ganito kaganda. charot

Antok na antok na kami niyan. Halos 24hrs akong gising nun araw na ito jusme. Pero pinipilit ko idilat mata ko to monitor her

In fairness stable si Ate Cora the whole time na nasa plane kami. May konting desaturation lang pero thats it. Naka tatlong movies ako hihi. E jusme naman more than 9 hours ba naman ang byahe ketagal!

Nung sa wakas e lumapag na ang eroplano namin sa NAIA ay naghanda na ang lahat ng pasahero para lumabas. Nun makaalis sila ay saka palang kami kumilos para ihanda naman ang pasyente namin na ilabas ng plane. Hindi birong effort at pag aayos ang kelangan para ipasok at ilabas ng eroplano ang pasyente na gaya ni Ate Cora. Alam nyo naman kung gaano kakipot ang daanan sa pagitan ng mga upuan sa loob. Imaginin nyo na idaan dun ang stretcher na may karga na tao. Kalurkei. Idagdag pa diyan ang mga nakakabit naming gamit sa knya.

At dito na nag umpisa ang nakakahaggard naming mga sandali:

Pumasok ang inaakala kong ambulance na susundo at hahatid sa amin sa hospital sa Pasig na siyang mag aadmit sa patient namin. Yun anak kasi ni Ate Cora ang nag asikaso ng lahat sa pinas from the ambulance up to the hospital na pagdadalhan sa knya paglapag namin. So akala ko ok na ang lahat.

Agad kong hinanap ang in-charge sa ambulance at tinanung if may dala silang monitor and ventilator. Isang Pinoy doctor ang nagpakilala sa amin. Sumagot siya ng pabalang sa akin:

"ha? wala. Ni hindi nga namin alam na may darating na ganitong patient e!"

I kept my cool ayoko pumatol at pagod ako. Sa pag uusap namin ay napag alaman kong hindi daw pala makapasok ng NAIA ang ambulance na kinontrata ng relatives dahil di daw nag apply ng gate pass. ok payn. Huli na kaya wala na kami magagawa. Engot lang. So ito palang kaharap naming team ngayon ay team ng NAIA clinic.

Ibababa nila ang patient sa plane at saka ililipat sa nag hihintay naming ambulance sa gate since di nga pinapapasok.

Ipinaradyo ko sa ground crew ng airline na hanapin yun ambulance namin at pakitanong kung sila ay may dalang monitor at ventilator kasi ay kelangan na namin iwan ang aming mga makina sa plane para ibalik nila sa dowha. Nang sa gayon ay di na namin bitbit ang kebibigat na gamit na ito after maihatid sa hospital si ate cora.

Bumalik si ground crew: sir wala daw po. nasira daw po yun mga machines nila kaya walang dala.

Muntik na kong mapatambling sa nalaman! Welcome to the third world country. E samantalang may bilin kami thru the letters na ipinadala sa ambulance na kelangan ang lahat ng iyon pagdating namin ng pinas. haisssssssst.

Pero sige sabi ko sa mga kasama ko. We have no choice but to bring our own equipment. We cant travel without it. So gow na kami.

Ilang beses na kami nag medical escort sa europe (di ba nga at nakarating na me ng UK at ng Germany? hihihi yabang lang) kaya naman alam na namin ang sistema pano ilalabas ang stretch mula sa plane.

Kelangan ipatong sa troley ng cabin crew ang stretcher palabas sa pinto sa kabilang dulo. Sumagot na naman ang pinoy doctor ng pabastos ng:

"ha e pano pag nahulog yan dito? hindi yan safe! baka mamaya masisi pa kami pag may nangyaring masama diyan"

Nagpanting na naman tenga ko:

"doktor, ilang beses na po kami naghahatid ng pasyente at lagi po namin siya isinasakay diyan papasok at palabas ng eroplano" timping timpi pa din ako na may konting diin bawat salita ko. juskelerd.

Ang nakakaloka pa ipinagpipilitan ng bugok na doktor na ito na sa kabilang pinto ilabas ang stretcher kasi daw iyon ang mas malapit bakit daw papakahirap pa sila itulak sa mas malayong pinto e samantalang ito daw ay napakalapit.

Ilang beses ng sinabi sa kanya ng cabin crew na masikip nga dun. kaya no choice but to the far end idadaan talaga. Nakaka agas ng regla itong doktor na ito promise. Sa makatuwid wala naman siyang nagawa kundi sundin ang sistema namin. Natawa pa nga ko kasi anim na na scrubsuit na nurses ang nagtutulak ng stretcher. E di siksikan sila at di halos magkasya. Parang tanga talaga. Hiyang hiya naman ang dowha EMS team namin na tatlo lang nun pumasok kami ng plane 9 hrs ago haha.

Ito pang kasama kong indian Nurse at Iraqi doctor ay pasaway din. Sukat ba naman magdala ng ke lalaking maleta! jusme! apat na araw lang sa pinas e parang mag 30 days vacay kung makapagbaon ng gamit? ka stress talaga e di kay dami tuloy nilang bitbit na di ko naman matiis na di tulungan magbuhat at hirap na hirap sila.

Naisakay naman sa NAIA ambulance si patient namin after 30 minutes. Sumabat na naman ang ungas na Pinoy doktor sa akin nun makita nya kung gaano kadami ang maleta na dala naming tatlo. Isa sa akin na maliit. at isang maleta for my emergency equipment. Isang malaking personal maleta nun nurse at isang malaki pa for her equipment. at dalawang malaking maleta ang bitbit nun doctor na kasama ko. Total of 6. haha

"sa inyo ba lahat yan? nako! e san yan isasakay????" sabi nya na nakatingin sa mga dala namin.

sabi ko ng pabalang din: " e di diyan din po sa ambulance nyo. san pa?"

"nako e hindi kakasya yan lahat dito"

Hinanap ko ang ground crew ng Qatar airways. Asar na asar na kasi ako. Kinausap ko yun in-charge na ground crew na ihanap kami ng vehicle na pwde isakay ang mga bagahe namin dahil sa buset na doktor na yun.

Infairness mabait sila at nag provide sila ng sasakyan para sa bagahe namin! kudos to you guys! i love our airline talaga! super aware sila na dapat i-assist nila kami at all cost! i dont know baka na-informed na sila na dapat tulungan talaga kami or what.

at nun maayos ko ang bagahe namin at papasok na sana ako sa ambulance ng mayabang na pinoy doktor na ito na di ko na pinagkaabalang alamin ang pangalan ay muntik na ko mapatambling.

Ang ganda ng upo nilang anim sa loob. Yun talagang wala na kaming uupuang tatlo nun mga kasama ko. Hiyang hiya naman kami sa kanila. Sila kasi galing ng ibang bansa di ba. Sila kasi ang official member ng team dowha. Nakakaloka talaga.

Hinanap ko ulit si ground grew at ihinabilin na isakay nalang yun Iraqi doctor ko kasabay nun mga bagahe namin  since hiyang hiya naman akong paalisin sa pagkakaupo yun anim na unggoy sa loob ng ambulance. Hindi na kasi kami kakasya.

Nagsiksikan nalang kami ni Indian nurse sa kapirasong upuan na muntikan pa kami mahulog tuwing liliko ang ambulance.

Naghintay pa kami ng mahigit 20 minutes dun sa tapat clinic ng NAIA dahil nawawala daw itong official ambulance namin! jeskelerd! please help me. Yan ang laging laman ng isipan ko nun mga moment na yan! hahaha. Napaka init pa nun mga oras na ito ha kahit alas onse na ng gabi!

Nun sa wakas ay dumating na ang ambulance namin talaga ay pinigil ko nalang matawa nun matanaw ko ang pag mumukha ng isang konsehal na naprint ng malaki sa mga bintana nun ambulansya. taray di ba. hahaha.

Mas lalo ako naloka nun lumabas ang dalawang laman ng sasakyan. nakashorts sila ng wagas na wagas na parang mag sasabong lang kulang nalang hawak na manok na tandang. Napatingin sa akin ang mga kasama ko. Na parang sinasabi na ganito ba talaga sa Pelepens ang member ng EMS nyo? haha

Ininspeksyon ko ang loob at hinanap agad ang power outlet incase malow batt ang mga dala namin machines. wala daw. Sabi ko asan po ang oxygen outlet nyo? ito po dito po. sabi ni koyah. Pagpihit ko to check ilan ang laman: 200 liters!

Huwaaaaaaat?

Nagpakahinahon ako. I need atleast 1000 liters or psi or dapat at least puno yun laman ng tangke nya. E halos paubos na itoooooooo! huhu gusto ko na maiyak nun sa inis at magpagulong gulong habang nagpapadyak sa sahig!

"hindi naman po namin alam na kelangan may oxygen dito..." paliwanag pa ni koyah sa akin. Hindi na ko nag aksaya na makipag argumento sa kanya. Hindi pwde maubusan ng oxygen si Ate Cora. Dependent siya dito.

Nilapitan ko itong mga tao sa NAIA clinic if baka pwde sila magpahiram sa amin ng oxygen cylinder. Itatanong pa daw muna nila sa pinaka supervisor na inabot na ng siyam siyam!!! hanggang sa wala din naipahiram! jeskelerd!

Anyway, I composed myself at inasikaso ang pagsasakay namin kay ate sa loob ng ambulance na may mukha ng kandidato haha. No choice na din ako kundi tipirin ang kapirasong oxygen na dala nila. Sana lang ay makaya ni Ate ang ganito kababa na supply hanggang Pasig hospital.

Inasess ko if kakasya ang sangkatutak naming mga bagahe sa loob. Masikip. Hindi kakasya unless sa bubong namin ilalagay. FYI: ang liliit ng ambulance natin compared sa abroad na ang luluwag at malalaki talaga na kumpleto sa gamit.

Tinawagan ko ang kapatid ko na susundo sa akin sa hospital sa Pasig after namin maipa admit ang patient dun. Nasa C5 na daw sila at malayo na kung babalik pa sa NAIA para isakay ang mga bagahe namin. No choice ako kundi magpatawag nalang ng taxi. Tinulungan ako ng pretty girl na ground crew na kumuha ng texi.

Bait nila talaga! winnur!

Ako na ang nag volunteer na sumakay ng taxi at sunod nalang sa ambulance. Nun makalabas na ng NAIA ay nakahinga na ko ng maluwag. salamat naman.

After an hour ay nakarating din kami ng Hospital sa Pasig. Kasio may problema ako. 500 pesos ang metro ko sa taxi. Wala akong dalang pesos! only dollars! hundreds of dollars yah know. LOL

"sir ok lang po kahit dollars ibayad nyo sa kin ako na bahala magpapalit" sabi ni kuyang mabait na driver.

"oo nga kuya kaso ala ako smaller bill!" kamot nalang siya sa ulo haha

Sinubukan ko tawagan ang mahadera kong kapatid. Pero di ko makontak! luminga linga ako sa paligid ng bakuran ng hospital pero di ko sila makita! e dapat andito na sila di ba kanina pa sila nauna! juskelerrrrrrrd!

Hindi ko din makita yun anak nun patient namin at utangan ng 500 hahaha. Tapos biglang may nag "ting!" sa utak ko! si doctor na iraqi nalang! LOL

Ayun inutangan ko siya ng 15 dollars hihihi. nakokohiyah lang! pero what do to. No choice na nag iintay na yun driver e.

Naipasok na namin sa emergency room nun government hospital si Ate Cora. Ni-received naman nila ang endorsement namin. Mukhang baguhan yun doktor. I could tell.

Tapos lumapit sa akin at nagtanong:

"sir, ano pong settings ng ventilator nyo?" sabay tingin nya sa cardiac monitor namin. Muntik na ko mapatawa. napag kalaman niyang ventilator yun cardiac monitor.

"doc, naka SIMV pressure control mode po ako. with rate of 16bpm and 40 percent Fi02."  ako na ang nagturo sa kanya kung asan yun machine ko. LOL

Nag endorse din ako sa knya about sa condition ng lungs nung patient at lahat ng mga strategy na ginawa namin kung paano siya unti unti maalis sa makina. Nagtanong ako kung pwde na ba iakyat sa ICU si ate. Ipe-prepare pa daw nila.

Gusto ko sana sabihin na: teka 2 days ago pa kayo informed na darating kami from Qatar di ba? e bakit di pa prepared ICU nyo?

Hay as usual nagtimpi nalang ako. Ano pa ba naman talaga aasahan ko di ba, e di yun worst!

Nagtatanong sa akin yun dalawang foreigner na kasama ko na bakit daw ganito ganyan ang sistema. Di daw dapat ganito. nakakahiya lang di ba. kaya nagbiro nalang ako:

"doctor, welcome to the third world country"

LOL!

Pinag intay nila kami sa napaka lamig na ER nila. Sa sobrang lamig nga e tagaktak na pawis ko at ramdam na ramdam ko na ang oily face ko. nararamdaman ko na din ang waterfalls sa kili kili ko. Mega long sleeves pa naman ako di ba. LOL

May isa silang giant bentilador yun gamit pang movies ata yun sa laki pag kunyari may bagyo. LOL!

Lumipas ang ilang minuto.

15 minutes.

30 minutes.

45 minutes.

Wala pa din nababa or umaasikaso sa amin. Yun mga staff tuloy lang sa routine nila. Buti nalang nalilibang ako dun sa cute na resident doctor. As in ang cute nya! feeling ko nga lalo siya nagpapa cute sa harap ko e kunyari kasi titignan si ate cora. e wala naman siya gagawin talaga. hihihihi

1 hour.

1 hour 15 minutes.

Hindi na ko nakatiiis!!! tumayo ako at hinanap yun nurse in charge nila.

"sir. pakikuha naman yung cardiac monitor nyo kasi aalisin na namin yun sa amin."

" ay sige po sir. wait lang" nakita ko na naghahanap siya. May nakita siyang machine kaso wala daw cables. sira daw pala.

Ang saya. Sabi ko siya paki follow up nalang sa ICU if ready na sila.

1 hour and 30 minutes.

Nilapitan ko na si poging doktor sa desk nya at sinabing:

"doc aalisin na po namin yun mga machines namin ha? aalis na kami. pwde na?"

" ay yes sir, pwede na po. thank you po"

Nagi-guilty kasi yun dalawang kasama ko na alisin mga gamit namin, natatakot silang baka di mamonitor ang ecg ni ate cora. Sabi ko:

"doctor, we already endorsed her to the staffs. Its not in our hands anymore. Our mission is to transport her to the hospital from Dowha safely. And we did that. Now its time for us to go."

Kasi naman kung di ako mag gagaganun e walang mangyayari. Mapapanis kami sa napaka init nilang ER. Ang protocol kasi, pagka endorse namin. at ni-received na nila aalis na kami at kukunin na ang mga machines namin at sila na ang mag take over. Kaso wala nga nagte- take over! kaloka ang hospital na itetch!

Ipinaalis ko na sa indian nurse ko yun mga cables nya. Pulse oxymeter lang ang meron sila sa ER sabi ko pwde na yan sige gow. Since wala silang portable ventilator. Tinawag ko yun isang nurse at sabi ko i-ambubag nya si Ate. Inalis ko na machine ko at lumabas na kami ng ER dire-diretso!

Saka ako huminga ng malalim.

Alam nyo bang nun nasa Plane kami ay 85 ang cardiac rate ni Ate Cora. Bago kami umalis ng ER sa pasig ay nasa 45 bpm na lang toh! jusme pag di nila inagapan yun maaring mag cardiac arrest ulit si ate!

At sa wakas ay nakita ko din ang mahadera kong kapatid kasama ang bayaw ko na natawa ako sa naganap sa kanila.

"nako Mac! alam mo bang nawala kami! yun driver kasi ng van na kunuha namin akala ay sa taytay rizal itong hospital! ayun napalayo kami! kaya pala andami kong tollgate na binayaran!"

"kow! ke tanga nyo naman! o siya halika na at ihahatid pa natin sa hotel nila tong mga kasama nating bisita!"