March 15, 2013
Panadol
Bilang OFW una ko agad napansin nung mag umpisa ako mag work sa hospital na kasalukuyan kong pinagta-trabahuhan ay ang populasyon ng mga PANA (indyano) minsan tawag ko sa kanila: PANADOL. Kelangan kasi may code para di nila alam na sila ang pinag uusapan. Nag ugat ang word na Pana sa kantang: Indian-Pana-Kakana-Kana. Kinanta mo noh? LOL ewan if sinong pinoy nakaimbento niyan pero yan na ang inabot ko so keri na.
Mas madami sila kesa sa aming mga Pinoy. At kapansin pansin ang kakaiba nilang ugali.There's something odd about them. Madalas maiirita ka sa kanila. Minsan pinapatulan ko pero minsan dine-deadma ko nalang, kasi parang balewala sa kanila e. Talagang matigas na lang ata mga mukha nila. LOL
Ang dugyot din nila sa pag care sa patients nila. Bara-bara. Burara. At walang care! jusmiyo. Wala naman ako galit sa majority ng populasyon nila. Ito lang ay mga nao-obserbahan ko sa ilang taon ko ng pag work sa hospital ICU kasama sila. Marami din naman mababait at kasundo ko.
Mas napapansin ko ang kakaiba nilang ugali sa mga Pinoy nurses. Sa department kasi namin puro kami Pinoy so OK kami. At di nila kami napapakialaman.
Naaawa ako sa mga kababayan nating Nurses dahil dehado sila. Mas marami kasi sa kanila ang Pana kesa Pinoy sa ICU. At halos lahat ng Head Nurse or Nurse-in-charge e Pana! So matatapang sila lalo kasi nasa pwesto sila. Kaya naman napapagtulungan nila ang mga kalahi natin.
Andiyang pagbawalan silang makipag usap sa kapwa pinoy or kahit sa aming mga therapist kapag nasa patient kami at nagra-rounds. Pero wag ka, pag sila sila naman na kapwa Pana ay hindi bawal.
Andiyan pang pagkaisahan nila yun isang Pinay na wag tulungan kapag di nila kasundo kapag oras ng admission. Pero kapag kababayan nila at di tinulungan ng Pinoy nurse galit na galit sila at nagsusumbong agad sa Bisor nila na kesyo tamad si ganito-si-ganire. Kairita much.
Andiyan pang kapag may pagkakamali ang pinoy ay agad agad nila ito papagalitan at isusumbong sa bisor at kapag sila sila naman ay nagtatakpanan sila ng pagkakamali ng isa.
Madalas pa nga kapag sobrang sick ang patient asahan mong sa pinoy nurse nila agad yun i-a-assign dahil ayaw nila ma-toxic ng todo sa work loads.
Lahat yan nakikita namin. Madalas din na hinaing ng mga nurses dahil karamihan naman ng Pinoy nurses sa ICU ay kaibigan ko kaya di maiwasan di makapag kwentuhan ang mga ganitong bagay.
Pero kakaiba ang kwento ng kaibigan kong si Belle. Kasama ko siya manood ng sine nun isang araw hehe. Maayos magtrabaho si Belle at wala mairereklamo sa knya ang mga pasyente niya. Annulled na ang kasal niya sa asawa niya sa Pinas. Kaya naman free siya makipag boyfriend kahit sino na gusto nya. May fina-follow up siya na paper sa head nurse niya about work. Pero tuwing pupunta siya sa office nito ay binabalewala lang. Nakakailan balik na siya pero wala pa din. Nakapending lang sa opisina nito at di inaasikaso. Kaya naman makaraan ang ilang linggo ay sa HRD na siya nag follow up.
Nakarating ngayon sa Head Nurse at Director ng Nursing na nagsu-sumbong siya umano sa HRD. Ipinatawag siya ng dalawang bruhang Pana sa opisina nito at sinabon sabon na may kasama pang kula. Bakit daw bina-bypass sila at sa HRD agad tumuloy si Belle.
Ayaw daw tumanggap ng paliwanag nya ang mga bruha. Sinigaw-sigawan siya at kung ano ano daw masasakit na salita sinabi sa knya. Galit na galit daw si direktor na pati personal niyang buhay ay isinasali na. Kesyo napakalandi daw niya at may asawa daw siyang tao ay nakikipag landian at nakikipag nobyo siya dito. Samantalang di nila alam na annulled na kasal ni Belle noon pa.
Napaiyak na lang daw siya sa mga sinasabi sa knya. Naiimagine ko siya na pinagtutulungan nung dalawang Pana sa saradong opisina. Hanggang sa lumabas ng opisina ng Head nurse na umiiyak pa din. Bumalik si Belle sa pasyente nya na mugto ang mga mata at pinipigil ang hikbi.
Na siya namang napansin ng Katari niyang patient and relatives. Worried na worried daw ang mga ito sa nakikitang bigat ng kalooban ni Belle. Pero sinabi nalang niya na OK lang siya at don't worry about her.
Dito sa bansang ito, ang salita ng Katari ay katumbas ng ginto. Kapag may sinabi sila susundin mo kung ayaw mo mapauwi at ma-deport. Subukan mo sila labanan sa korte sure na sure na ikaw pa din ang talo kahit sila talaga ang may sala kahit napakakas ng ebidensya mo. LOL.
Kinausap ng mga relatives na ito ang isa sa pinakamataas ang katungkulan sa hospital. Sinabi na may problema daw ang nurse nila at sila ay nag aalala sa kalagayan ni Belle. Kilala na daw kasi nila si Belle dahil ilang araw na niyang hinahandle ang pasyente nila. Naging mabuti diumano si Belle sa kanila kaya naman gusto nila siya tulungan.
Dahil dito, nakarating sa HRD ang sitwasyon hanggang sa magsagawa sila ng imbestigasyon. Ito ay isang kaso ng BULLYING. Dito sa medical corporation namin, mahigpit na ipinagbabawal ang bullying. Kaya naman si Director ng Nursing ay agad na pinatalsik sa trabaho. Pero abswelto si Head Nurse. Nakiusap si director na wag muna siya agad agad alisin sa trabaho dahil may binabayaran pa daw itong utang sa bangko.
Pinagbigyan naman siya ng Personnel kaya naman sa medical records siya itinapon bilang taga file ng mga dokumento. From top to bottom ang ending ng bruhilda. E ano na siya now. Kaloka. Ito ay story of triumph para sa kaibigan kong si Belle.
Isang lesson sa lahat nang nasa pwesto dito na mag ingat sa mga kilos at ayusin ang trabaho at wag mang bully hehe. Ang karma andiyan lang. And she's a beach este bitch pala. Chos!
Labels:
Belle,
ICU,
nurse,
nursing,
ofw,
overseas worker,
pana,
panadol,
pinoy nurse
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Nakaexperience din ako mabully noon sa work pero natanggal din siya, kaya naniniwala talaga ako sa karma.
nice.. at least nakaisa na tayo.. ahaha
buti nga sa pana na un, hmp! affected much lng ako:)
@lone wolf--talaga? kaya mas ok na gumawa ng mabuti kesa masama hehehe
@kiko--hahaha oo para kang scorer ha. chos!
@aboutambot--hahaha oo maski kami minsan naiirita. sinasabi naman sa mga pinoy na wag pumawag na ganunin sila :-0
May mga agnito ka pa lang blog. Akala ko puro kabastusan lang ang mababasa dito. Chos. Joke lang Mac. Mwah!
stressful talaga ang ganyang work!
haha
@Desole boy--hoyyyy kapal mo matino naman ako minsan mag post a! hahaha
@MECOY-- UU minsan hehe, pero masaya naman dito kahit papano :-)
sana may 'whistleblowing policy' ang kompanya nyo para naman protektado ang sinumang magri-report sa kataas taasan ng di makatarungang pagtrato sa kapwa trabahador... pero sa kasong ito, napatunayan natin ang nagagawa ng kabutihan at ang kapangyarihan ng karma... kaya ikaw, mag-ingat ka sa mga pana... maging mapagmatyag at maghanda... gyera lang? hahahaha... ;) - exhumed_angel
Bravo sabay standing ovation! jajajajajajajaja pak! natalo ang bruha!
galing ni belle pakisabi keep it up!
may makakatapat talaga ang mga taong abuso sa puwesto. Karma is a bitch, masakit pag kinagat ka.
buti naman nagka justice para kay Belle. grabe naman pala dyan, mahirap na nga malayo sa pamilya, may mga ganyang pang ganap ang mga Pana. dapat sa mga yan panain!
I'm against racism pero minsan nga kapag nakakakita ako ng pana naaalala ko yung hindi magagandang attributes dahil na rin sa kwento ng mga kakilala ko na may first hand experience ha hindi maganda. It's wrong to generalize pero hmm di bale na nga mapahamak pa ako sa comment na ito LOL
Post a Comment