January 16, 2013

Hanggang Sa Muli Pinas!



Lampas 2:00 am na halos at ito ako dilat na dilat pa. Ako na lamang ang natitirang gising sa bahay namin. Busy pa ko pag eempake ng gamit ko, dalawang maleta ang dadalhin ko at isang traveling bag bilang hand carry. Kay bilis ng araw, whew!

Natapos ang 40 days vacation ko at naextend pa ng another 6days (dahil sa aberya sa passport ko) na may suma tutal na 46 days ng ganun lang kabilis!!! Di ako makapaniwala na flight ko na mamayang hapon!

Medyo nagbadya na naman yun lungkot ng pag alis 3 days ago pa. Tinatago ko lang. Medyo mabigat na sa dibdib. Taon taon ganito ako. Yun feeling na mag isa ka na naman sa ibang bansa, yun feeling na maiiwan mo na naman pamilya mo at mga malalapit na kaibigan. Normal naman na daw ito sa mga OFW sabi ng ilang kasamahan sa middle east. Pasasaan ba't malilibang ulit daw ako sa mga boylet ko dun. charrrr!

Back to reality na ulit ako. Back to stressness ganyan! Muling kakayod at mag iimpok ng ipapadala sa pamilya. Sana ay saglit lang ako mahomesick. Kasi naman last year one week ata akong tulala at mabigat na mabigat ang dibdib na hindi maiyak na hindi mawari! UU madrama ganyan. Yoko ng feeling na yun ulit shetness!!!!

Busy ako these past few days, sinusulit ang mga natitirang araw, at kanina ay abala sa pamimili ng mga pasalubong at mga habilin. Lam nyo na mga pakisuyo na pabili. LOL!

Dahil na extend ako ng ilang araw ay halos maghikahos na ko hahaha! di ko kasi inaasahan na mag eextend ako. Ubos na ang baon ko at nakautang pa ko sa sis ko! nyahaha! Ako na ang gastador! Wagas kasi na gala at kain kung san san ang inatupag ko!

Anywayz, malapit na matapos ang pag eempake ko, sana ay wala na ko nakalimutan isilid sa bag ko, wag ko naman sana maiwan passport ko di ba? ke-engot ko naman talaga nun if ever! 

Muli, isa itong taon na ito sa pinakamasayang uwi na naranasan ko sa Pinas, salamat sa mga taong who made it happen! (Mula sa mga taong nag abala na kitain ako sa mundo ng Blogosphere, twitter, at FB) Sa mga bagong kaibigan at kakilala. Nagpapasalamat ako ng todo at mas magpasalamat kayo kasi nakilala ko kayo! charot! hahaha

Madami pang kwento wala palang akong time isulat dito hayaan nyo kapag nasa middle east na ulet aketch e pwdeng pwde na idaldal dito


Ito ang listahan in order of appearance! LOL!

*Will*Nimmy*Leo*Heyoshua*Ianboi*ceiboh*Miguel*Brian*LouiePot*Babit*Nate*Niki*
MamonJustin*Shattershards*Jimboy*Zeus*VonUmali*NurseDave*DesperateHouseboy*Yocco*
and MarkJoe*

Ala sana ako nakalimutan! Sa uulitin mga Papa at mama! 

Kakamiss kayo! lalo na dun sa talagang naging malapit sa akin na di nagtapos sa isang meet up lang. Lalo na sina ceiboh,miguel, heyoshua and mamon. I  found real friends in you guys. Keep in touch ha? :-)

Paalam sa inyo :-)



15 comments:

Anonymous said...

Ingat po! :))

Senyor Iskwater said...

Sayang naman at hindi ka namin nakadaupang palad sa iyong pagbabalikbayan... gayunpaman, bahagi kami ng iyong paglalakbay.

Tekker...

Anonymous said...

God bless :)

nyabach0i said...

ingat teh! karirin mo ang middle east kemerloo.

Anonymous said...

Ingat ka. Next year uli! hahhaa

(yehey ako pinakauna sa listahan. LOL)

khantotantra said...

TC!

Mamon said...

hahaha ang drama! tseh!

hanggang sa muling pagkikita! :D

MEcoy said...

ingats na lang parekoy!
hanggang sa muli mong pag uwi haha

Archieviner VersionX said...

Nalungkot ako. hehe. Parang naramdaman ko na kung pano ko iiwan muli ang Pinas after my vacation. Ingat ka!

Bon voyage!

Anonymous said...

may valedictory post pa.lol.

Mar Verdan said...

See you again next time! haha, parang nagkita tayo eh no? lol

Anonymous said...

Sabi nga nila.. There's no goodbye.. Its See you later!
Til we meet again Mac. I had so much fun and wonderful (teka wonderful nga ba? hahaha) memories with you!

Take care and God bless!

--M from the South

sin at work said...

shaaal! 46days ka pala nag-vaykay dito sa pinas, ngayon ko lang nalaman. paano ba naman eh nawala nanaman ako sa pagbabasa ng blogs. lol so paano yan, may mga bago ka nanamang papa dito sa pinas? chos :D

go go go uli sa pagkayod sa middle east! :)

ZaiZai said...

ayan next time ha, ayain ako ng matreat mo naman ako ng dinner hehe :)

Anonymous said...

I know the feeling, Mac.. And im undergoing it as well. Just keep in mind that we're doing this for our Family-B from NYC